watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 209841 times)

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #320 on: April 05, 2013, 12:06:04 am »
^^ Sarap naman nun sis! Very leisurely. :)

^ Cream kasi yung samin sis and I apply 2x a day. I don't know how it goes for physiogel AI. Baka same lang. :)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #321 on: April 05, 2013, 11:17:01 am »
Si baby pag naliligo sa tub nya sumisipa sipa pa may kasamang smile pag inalis na sa tubig iiyak. Sis maika ganyan din si baby before umiiyak Hanggang sa pahina ng pahina iyak tapos wala na mga 2 months sya alam na nya yung ligo even with vitamins dati umiiyak sya pag pinapainom lately lang alam na nya inom agad wala ng reklamo.

Physiogel ai is applied 2x pero ako once lang kasi nag clear up agad yung rashes.  Steroid yung ni prescribe ng pedia nya for her rashes but ayoko naman sya applyan ng steroid so I tried physiogel super effective naman

elaineee

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #322 on: April 05, 2013, 11:47:52 am »
Thank you ulit!

sis maika si baby ko nun ganyan din iiyak iyak pero nun binago namin temp ng water ayun gustong gusto na sa tubig. medyo warm gamit namin sa kanya.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #323 on: April 05, 2013, 04:23:10 pm »
^^ and ^ thanks mga sis. I hope mawala na yung crying spells nya. Kaninang bath time nya medyo mahina na yung iyak. She likes it pag nakalubog yung katawan nya sa water. Pero nagwawala pag hair na talaga. With matching tears pa.. Hay.. *this too shall pass...*  ;D

krisvan

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #324 on: April 05, 2013, 07:58:02 pm »
dami din rashes baby ko na aawa na ako sa skin nya dami pantal pantal sa red.. i used hydramide cleansing lotion for his shampoo and soap tapos after bath i used ellgy lotion..

re ligo umiiyak din baby ko pag nahawakan na head nya ayaw nya ginagalaw yung head nya hehe. pero pag sa body yun gustong gusto pa...

purple29

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #325 on: April 05, 2013, 08:55:37 pm »
Si baby grabe din umiyak pag pinapaliguan .  Nakakaawa nga kasi minsan wala na siyang boses sa kakaiyak tapos mag wi-weewee and poopoo pa. Pero may times naman na nag eenjoy siya kaya lang pag babanlawan na iiyak na naman siya.

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #326 on: April 05, 2013, 09:07:09 pm »
2 months, 18 days na baby ko. First month lang yung mahirap siyang paliguan lalo na pag sinashampoo siya. Mega wrestling sa paghawak kay baby. Di pa naman natiming na nagpoop si baby while bathing. Pinapaliguan kasi namin siya after she pooped na.

Now, ok na si baby, nageenjoy na siya sa water. Mama ko nagpapaligo sa kanya. Kinakantahan niya si baby. Binabasa niya muna yung soft cloth then yun ang gamit niya pambasa sa ulo ni baby. Mas controlled ang daloy ng tubig para di pumasok sa tenga and di rin si baby nabibigla. After rinsing the hair, sa body naman. After banlaw sa body, lublob na si baby sa tub niya na semi nakahiga, angat yung ulo. Gustong-gusto naman ni baby sabay sipa ng legs parang nagsiswim.  ;D

Nakakatuwa talaga mga babies. Ngayon tumatawa na siya and lagi nagmumumble pag kinakausap namin. Nakakatanggal ng stress.  ;)

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #327 on: April 05, 2013, 09:45:25 pm »
sa ibang mommies na may crying babies while bathing,pwede nyo din try unahin na mabasa ang paa before the head, para hindi sila mabigla. :)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #328 on: April 06, 2013, 04:37:12 am »
hi how do you make travelling and mall trips pleasant for baby? my 3month old daughter cries alot when inside the car or mall whether carried or not talagang umiiyak sya what we do is to make her sleep first para tulog during the whole trip but when she wakes up iyakan mode ulit pag labas naman ng car or mall she stops crying kaya i cant bring her when i go out lagi pag umalis ako on my own umiiyak din ayaw ata humiwalay sakin parang marunong mamili ayaw sa iba lalo na pag sleepy na sya pag very limited tuloy yung mall trips namin ni hubby madalian pa madalas.

appledapple

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #329 on: April 06, 2013, 03:18:14 pm »
^sis na-try mo na ilagay si baby mo sa carrier or sling? si baby ko kasi (4.5 months) gusto lagi syang karga kaya ayaw nya sa stroller pero pag sa carrier ok naman sya. nalilibang sya sa paligid nya.

pag sa car naman, no choice sya kundi sa car seat lang. kahit umiiyak sya di namin sya kinukuha. basta sigurado na hindi sya gutom & clean ang diapers nya. umuupo ako sa tabi nya para i-comfort sya pag umiiyak. meron din syang cd na music box ang tunog. yun ang pini-play namin & kahit papano nakakalma naman sya. tapos may baon din akong toys tsaka books nya para malibang sya.

tonette815

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #330 on: April 06, 2013, 05:28:39 pm »
hi mga mommies. its my first time to reply sa thread na to. my baby boy (johann) is already 6weeks old.

^^yan naman ang fave activity ng baby ko sis. pag sinabi namin sa kanya na lalabas kami ng house nag iiba ang mood. tahimik and hindi umiiyak. sarap pa ng tulog sa kotse kahit na mainit. or even if mag commute kami. nakakakonsensya nga kasi he never complains unless he wants to dede ayun lang kailangan namin mag pagilid kasi direct BF siya sa akin. nakaka - conscious.

re: lashes my mom cut our lashes din when we were small. haba naman pilik mata namin esp ng bunso namin. pero lagi ko nakakalimutan i ask sa kanya kung how old na si baby dapat before ko icut lashes niya.

re:burp mahirap din ipaburp si baby. lalu na pag sa akin pero kung sis ko ang nagpapaburp ang bilis kaya lagi siyang naka toka sa pag pa burp. would an utot do ba instead of burp?

re:ligo. minsan he cries kapag pinapaliguan. minsan naman type niya gusto pa nga tikman ang water kaya ingat kami dahil EBF si baby tiyaka baka matikman yung may soap na water. how do you guys wash the neck area pala and kilikili? medyo hirap kasi abutin lalu na pag ayaw pahawak ni baby sa area na yon baka mapilayan lang kakapilit ibuka yung arms. :(

baby niyo ba sis mahilig tumingala? mas gusto niya kasi tumutok sa ceiling namin kaysa sa mga tao. kahit kinakausap mo pa minsan kung saan saan nakatingin kahit na parang nakikinig naman siya.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #331 on: April 06, 2013, 06:38:00 pm »
^ ganyan din baby ko sa pagtingala sis. nawala naman na ng konti ngayong  pa-2months na kami. Ngayon parang mas amazed sya sa dingding.  ::)

minsan naman, yung pagtingala, halos pa letter "C" na sya with the knees folded towards the tummy. yan daw way nila to relieve the pressure in their tummy/lower gas/kabag since immature pa intestines nila to let out trapped air.

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #332 on: April 06, 2013, 08:36:02 pm »
mga sis pwede bang pa-rant? Baby is turning 6 weeks old sa Monday. Sabi nila conehead daw si baby, eh CS ako :( Sabi ang aga ko daw kasi tinaggalan ng bonet. Eh pano gagawin ko eh iyak ng iyak si baby kasi nga ayaw nya non. Sabi naman ni hubby, hindi naman daw, small faced kasi si baby kaya para daw ang tingin mahab yung ulo nya. Nakakainis lang kasi yung iba makapintas eh mukha naman alien yung ulo ng anak nila. I'm trying to put cap or bonet kay baby pero ayaw nya talaga. So minamassage ko na lang. Nakaka-frustrate lang minsan kasi feeling ko hindi ko cya naalagaan ng maayos kasi parang ganon yung sound nung mga pumupuna. :(

tonette815

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #333 on: April 06, 2013, 09:27:08 pm »
^sis madel dont let those people affect you. there will always be people who are tactless at walang magandang lumalabas sa bunganga nila kundi pintas. pero whatever they say as long as you have given your unconditional love and care to baby yun ang important.

^^framed picture naman ng mommy ko ang favorite ng baby ko titigan sa wall kapag di siya naka tingala sa wall. minsan lang dinidistract namin kasi parang mababali na yugn leeg kaka tingala eh lalu na pagkarga karga namin.

kwento rin pala ako 6w 3d na si baby today. bumisita SIL ni hubby kanina to get something from our house. kinausap niya si baby for a while, nagulat ako kasi panay ang smile ni baby sa kanya. as in yung genuine smile. i mean nag sma- smile naman si baby before pero madalas pag sleepy mode or nanaginip siya. pero this time he was wide awake tapos talaga with inter action yung tawa niya. then kwinento ko sa sis ko pag dating niya .. nilaro niya si baby tumawa din ng tumawa. tuwang tuwa tuloy sis ko (syempre pati ang mommy). pag tawag sa akin ni hubby tonight kwinento ko rin. nalungkot ata kasi di siya naka witness sabi ko sige lang bukas your turn  ;D

sleepless

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #334 on: April 06, 2013, 09:56:04 pm »
hello mga sissies!!!
 
tanong ko lang kung  normal lang na hindi mag poop si baby sa isang  araw?
Formula feeding si baby, everyday [textspeak!] nag popoop at today lang wala kaya medyo worried ako :-(

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #335 on: April 06, 2013, 10:15:49 pm »
Sis tonette, kakainis nga eh. Bukas uwi kami sa Nanay ko since check-up ni baby at direcho na rin sa pag-aanak ko sa binyag. Lagi akong tumatawag kay Nanay, wag daw ako magworry kasi until 6 months naman daw bago magpermanent yung head ni baby. Malambot pa daw yun at makukuha pa sa massage. Siya na daw bahala pagbalik ko sa work since cya mag-aalaga kay baby. :)

Re: pagtingala ni baby, si baby ko naman yung framed wedding picture namin ni hubby lagi nyang tinitingnan. Lagi ngang nagloloko si hubby na poging pogi daw sa kanya si baby kaya tinitingnan picture namin.  ;D

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #336 on: April 07, 2013, 12:26:33 am »
^ saw baby marcus' pictures. hindi naman ah!! ang pogi pogi nga eh. baka dahil maliit nga face nya. ganyan din baby ko eh. parang conehead kasi puro hair naman and maliit din yung face. if they touch the head, ayun, umiimpis yung buhok. wag mo ng pansinin. although, naku, nagagalit naman talaga.  ::)


daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #337 on: April 07, 2013, 01:34:12 am »
hello mga sissies!!!
 
tanong ko lang kung  normal lang na hindi mag poop si baby sa isang  araw?
Formula feeding si baby, everyday [textspeak!] nag popoop at today lang wala kaya medyo worried ako :-(

 sis ganyan din baby ko minsan 2 days straight pa pero sabi ni pedia ko baka may namana daw samin magasawa na ganun, si mister ko nga ganun. ok lang daw yan, ideal lang daw ang everyday pero ok pa ang 1-2 days. wag lang daw 1 week na no poopy.

sleepless

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #338 on: April 07, 2013, 03:57:22 am »
^thank you sis!
at least d na ako mag worry masyado. ::)

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #339 on: April 07, 2013, 08:03:38 am »
^ saw baby marcus' pictures. hindi naman ah!! ang pogi pogi nga eh. baka dahil maliit nga face nya. ganyan din baby ko eh. parang conehead kasi puro hair naman and maliit din yung face. if they touch the head, ayun, umiimpis yung buhok. wag mo ng pansinin. although, naku, nagagalit naman talaga.  ::)



Thanks sis maika! ;) Medyo kalbo din kasi si Marcus kaya siguro tingin nila mahaba yung ulo nya. Ang dami ngang nagsasabi na ang liit ng face nya. At least cutie pie! :D Ganda-ganda din ni Sabrina. ;) I-pag meet natin yang dalawa na yan paglaki nila.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close