watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 209688 times)

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #180 on: March 25, 2013, 11:16:55 pm »
si baby ko din kahit paburp after feeding nuon, grabe kabag. pero ngayon kahit makatulugan na nya, ok na.

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #181 on: March 25, 2013, 11:44:49 pm »
ok lang ba buhatin or ipwesto ng nakaupo ang 3month old baby? or masama sa spine?

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #182 on: March 25, 2013, 11:53:50 pm »
^same question si baby prefers to be carried na paupo nakaharap sa tao.

re kabag pag hindi lumabas lahat ng air sinisinok si baby, before ganyan iyakin din si baby until now may time pa rin na iiyak sya na galit na galit tapos uutot lalo iiyak pedia prescribed restime kay baby to reduce colic daw also we invested on feeding bottles pero parang wala effect  ::) fussy and colicky pa rin si baby. yung manzanilla effective pangpa utot talaga but i dont often use it kasi takot ako masunog yung skin ni baby babae pa naman kaya on demand lang pag lalagay ko

khriseeee

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #183 on: March 25, 2013, 11:55:01 pm »
^^sis leaning against a pillow will be ok - just not for too long as long as your baby shows signs na she can handle it. It helps build their muscle too.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #184 on: March 26, 2013, 12:45:01 am »
^^ I have manzanilla too. I don't often use it din kasi nung ika 2nd day na naglagay ako ng manzanilla, parang nag dry yung skin ni baby. Parang kumulubot. Konti lang naman nilagay ko. Kaya hindi nako naglagay everyday. When needed lang din. Plus back to normal na naman yung skin nya at mas kinontian ko pa ulit kanina. Eto calm na sya. Nakatulog na after 1 hour post tummy+manzanilla massage.

funky f

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #185 on: March 26, 2013, 07:00:14 am »
^same question si baby prefers to be carried na paupo nakaharap sa tao.

Mu 2 mo old likes this too.  Sometimes, ito nakakakapagpatahan sa kanya.

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #186 on: March 26, 2013, 08:48:06 am »
^sis maika, once a day lang since prone sa colic ang bata sa hapon kesa sa umaga. Lalong kinakabagan ang bata pag bumubungisngis or umiiyak sa hapon kaya we avoid talaga na iiyak cya dahil gutom kasi kasunod non kabag na. Also, yung mainit tapos biglang umulan, yung tinatawag na "alimuom", malakas yun maka-kabag ng baby.

ifcastro

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #187 on: March 26, 2013, 09:18:39 am »
Sige gugupitan ko din pilik mata ni baby hahaha

^ sis ang alam ko na Cetaphil for babies e Cetaphil Restoraderm at Cetaphil Moisturizer/lotion sa drugstore nabibili like Mercury or Watson


Iba pa b yun sa normal na gentle cleanser?

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #188 on: March 26, 2013, 09:44:25 am »
^^ sis, how much manzanilla do you put kay baby? lagyan ko din kaya ng bigkis si baby para di lamigin yung tyan?

kasi, kaninang pag gising ni baby, si husband, hinipan nya yung tyan ni baby with his warm breath. yung ginagawa natin sa hands natin pag giniginaw tayo? anyway, habang nagpapaaraw kami kanina, utot ng utot. then a few minutes after paaraw, explosive pupu! o_O parang ok yung ginawa ni hubs ah. first time nangyari yun.

forumera

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #189 on: March 26, 2013, 10:50:16 am »
^^ yup iba pa yun cleanser sa pang baby talaga.
^sis ginagawa ko noon, manzanilla tapos bigkis hehe

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #190 on: March 26, 2013, 01:27:27 pm »
^mura lang yung manzanilla sis. Yung nabili ko sa SM, around 70 pesos yata yun, malaking bottle na yun. 4 weeks na si baby, 1/8 pa lang yata nagagamit namin since small amount lang naman ang lagay. I'm using bigkis from the time na umuwi kami sa bahay from hospital. Pinapagalitan kasi ako ng Nanay at Lola ko pag di ko nilalagyan si baby. Anyways, wala naman akong nakikitang masama, mas marami silang alam kesa sa akin na first time mom. ;)

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #191 on: March 26, 2013, 01:59:12 pm »
ay sige, kasama na ang bigkis sa routine. hehe di kasi pumayag ang pedia sa bigkis eh. even my MIL, with or without, hindi ako pinakialaman so i opted not to na din. :P thanks sis forumera and sis madel. :)

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #192 on: March 26, 2013, 02:05:06 pm »
^sis pag pedia check-up, no bigkis muna ang drama namin.  ;D Pagdating na lang ulit sa bahay. I was asking Nanay kahapon kung hanggang kailan ko ibibigkis si baby, ang sagot nya, hangga't kasya.  ;D

liam88

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #193 on: March 26, 2013, 04:37:35 pm »
Mga sis ano ba gamit niyong sabon pangligo? Ajo kasi lactacyd tapos narinig ko nakakabald pala..

Para san ang manzanilla? Bakit nid bigkis? Ngayon gumamit ako ng bigkis kasi nga dumugo pusod ni baby.. nabasa ko naman sa net normal lang yun after matanggal ang umbilical cord tapos nag [textspeak!] na ako kay doc ok lang daw..

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #194 on: March 26, 2013, 04:43:35 pm »
^sis maika, ngayon ko lang napansin yung tanong mo kanina. Ang layo ng sagot ko. Ang sabi mo how much manzanilla nilalagay ko tapos ang sagot ko kung magkano bili ko.  ;D Konti lang sis, maglagay lang ako ng few drops sa fingers ko then massage ko sa tiyan at likod ni baby. sa gawing balakang nya. :)

nikki

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #195 on: March 26, 2013, 04:58:35 pm »
@ifcastro, sis cetaphil restoraderm ang prescribed ng pedia derma for my baby's skin condition. I have the lotion which I apply to both face and body. Iwas kasi dapat mag dry and skin para Hindi itchy. For bathing naman, I used the gentle cleanser before since hubby has the big container with pump pero ayoko ng walang bula hehe. I checked at mercury and I bought the restoraderm body wash na Lang. Not sure if there's restoraderm cleanser na variant. Pero dahil wala nakalagay na face dun sa body wash, I bought a bar cleanser instead for the face and head/hair ni baby. Indications naman Niya include infants and pwede talaga sa face. So far, it's working naman.

My baby is turning 4mos Tom, pag pinapa sandal Ko siya sa nursing pillow Ko he tries to pull himself na sa sitting position hehe. But we avoid the upright sitting position pa I don't think recommended to at his age.

mitch_ay

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #196 on: March 26, 2013, 05:07:42 pm »
^makashare lang po mga sis.. maybe makatulong :) with kabag i never use manzanilla instead i use katas ng oregano leaf with milk ni baby every 6pm and it really works for my baby :) hindi namin naging problema ang kabag.

^with sitting position at 3mos. according kay pedia ok lang daw un and d naman mababali/mapipilay spine nila. mas madami daw kase nakikita si baby at 3mos. kaya mas gusto na nila ang sitting position.

^si baby j&j milk bath ever since and it works for her naman.



daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #197 on: March 26, 2013, 05:13:25 pm »
^ baby ko rin ok na sa sitting position. :)

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #198 on: March 26, 2013, 06:54:55 pm »
sis mitch_ay, I'm using higad-higaran naman. Katas din yung pinapainom ko kay baby everyday before 5pm then massage ng manzanilla sa tummy at likod after. Never pa rin cya kinabagan. :) At first, hesistant ako pinumin si baby ng herbal, kaya for peace of mind, I researched about it and found out na ang dami pa lang perks non including yung pagtibay ng tummy ni baby in preparation for solid foods. Hindi cya basta mag-diarrhea and hindi rin magiging choosy yung tummy nya sa food since new yun sa kanya. One thing is prevention din ng sipon for baby. Sinabi ko nga yun sa Nanay ko and sabi nya sa akin, talaga daw in doubt pa ako eh sa ganon daw nya ako pinalaki pati na rin anak ng sister ko who is 2 years old na. Kabag was never an issue and hindi rin sakitin. :)

ifcastro

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #199 on: March 26, 2013, 08:31:27 pm »
Thanks sis nikki!

Nagtanong ako sa sm nung restoraderm ng cetaphil napullout daw un sa kanila (baby company) kasi mahal. Nang tinanong ko 1,600 daw yun?

Ang mahal pala. May alam ba kaykng alam na mas murang bilihan?

I have a freebie sa cetphil na antibac na bar cleanser, yun kuna gamitin ko sa face.

Thanks uli :)

Nagpacheck up na ako

Prinescribe ng pedia isang antibiotic ointment ska physioel ai cream... Nag ask ako about cutivate sabi niya pwede yun in ple of physiogel ai cream. Buti na lang ang mahal kasi nung physiogel doble ng price ng cutivate hehe
Hope my maclear up na ang fce ni baby

 

Latest Stories

Load More Stories
Close