watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 209541 times)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #40 on: February 28, 2013, 09:58:44 pm »
Ginagawa ko din kay baby kahit tulog sinusubuan ko ng dede pag hindi sya gutom sarado bibig nya so antay nanaman ako problem is 3hrs lang yung milk nya so minsan nasasayang lang

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #41 on: February 28, 2013, 10:02:15 pm »
^ As per baby's pedia, normal lang daw yung halak and lungad.  Pag lumabas sa ilong yung milk may risk na pwedeng mapasukan ang lungs. Yung sa baby ko lagi siya nagspit out dati kahit naka inclined yung higaan niya. Kinakatakot ko naman mapasukan ng milk ang ears or ma-irritate ang face and neck niya lalo na noon na marami siyang acne. Buti nalang ngayon, nagsubside na yung acne. Try mo lang yung sitting position sis,  sana makatulong sa baby mo.
thanks sis! Gagawin ko un sitting position. Sana hindi na lumabas sa ilong nya.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #42 on: February 28, 2013, 11:31:37 pm »
My baby is turning 3 weeks tomorrow. As for being so sleepy but needs to feed, I do feed her every 2 hours during daytime or sometimes per demand (kahit pa kakatapos nya lang mag feed 30 minutes ago :P ). Feeding frenzy nga tawag namin ni hubby. Hehe At night, it stretches to 3-4 hours til next feed. Kelangan talaga gisingin. Mahirap lang ng konti for me kasi direct feeding kami. Hindi ko maipasok yung nipple ko unlike if I'm using bottle. Pwedeng maisuksok yung nipple kahit tulog. Hehe SO dapat gisingin talaga.

Ang ginagawa ko pag malalim ang tulog, tinatanggal ko yung socks at pajama bottoms nya para lamigin. Kung ayaw talaga gumising (take note, minsan nakakatakot kasi parang comatose na sya sa kawalan ng reaksyon! ;D ), kahit naka-on yung AC, buksan ko pa yung electric fan at itatapat ko sa kanya. Ayun, nagigising naman. Pinaka effective yung fan. Tickles, nagawa ko na din. Hindi masyado effective. :P If during feeding, tinulugan ako, pero nakasubo pa din ang nipples, I massage her back to slightly remind her to suck. Nakakatapos naman sya until kusang mag detach.

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #43 on: February 28, 2013, 11:35:22 pm »
baby ko kasi kahit anong saksak, hindi talaga binubukas ang bibig pag tulog. malalim ata siya matulog.

:(

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #44 on: February 28, 2013, 11:41:38 pm »
^ Try mo palitan ng nappy bago magdede sis.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #45 on: February 28, 2013, 11:50:44 pm »
^ That too, is effective for us.

*Tanggal socks and pajama bottoms
*Fan
*Change diapers

Sometimes din pala:
*Dim lights

As newborn babies zone out when it's bright. Nasisilaw kasi sila so they might as well keep their lids shut and sleep. ;)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #46 on: March 01, 2013, 01:17:29 am »
Si baby sleeps at night awake in the morning ang concern ko lang talaga lately is her feeding napupuyat ako kasi gigising ako after 3hrs tapos hindi pala fefeed antay mode ako  ::) just now nagloko iyak iyak gusto inaakyat-baba sya sa stairs ayon exercise galore ako sa kanya ;D

mitch_ay

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #47 on: March 01, 2013, 01:47:00 am »
^haha... sis natawa naman ako sa "exercise galore" mo :) kung tabi kayo sis magsleep try mo sis na lagay yung one hand mo on top of her leg para pag gumalaw sya magigising ka. si baby ko kase simula ng natulog ng maaga yan din problema ko (ang pag antay ng feeding time) tas tinry ko yun and effective naman. gising ako tas try ko lagay yung dede nya tas pag gusto suck naman nya ng bongga pero pag ayaw nya push nya away yung bottle at pag ganun tapik lang ng konti tas tulog na sya ulit balik na din ako sa pag tulog.

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #48 on: March 01, 2013, 09:39:48 am »
Pag tulog naman si baby tapos magigising effective yung tapik tapik pero kung gising na gising tapos patutulugin ihihiga pa lang umiiyak na hehe kaya song and dance number muna with matching walking up and down the stairs  :D

marssie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #49 on: March 01, 2013, 01:23:38 pm »
Naku ako di ko na talaga tutulugan si baby ng nasa dibdib ko dapat ibalik ko talaga sa napper niya, nagulat na lang ako nung isang araw nagising ako sa boses ni baby hindi umiiyak pero nag iieehh-iiieehh, nasa gitna nanamin ng son ko. Di naman totally naipit pero itsurang nakasabit sa isang breast ko na mahuhulog sa gitna namin ng son ko.Pag buhat ko tulog naman agad, nahirapan siguro sa ayos niya. Natakot tuloy ako lalo na yung panganay ko kung matulog knocked out pa naman lagi.

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #50 on: March 01, 2013, 02:06:53 pm »
Nako sis katakot nga yan minsan may mga ganyan moment kami ni baby tutulog ako karga sya sa isang kamay pag tulog na ako lumuluwag yung hawak ko nagugulat si baby kumakapit sa damit ko nagugulat din tuloy ako  ;D
Buti umingay si baby  :)

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #51 on: March 01, 2013, 06:13:41 pm »
^ ngagawa ko pa din yan, pero ang ginagawa ko may unan sa magkabilang side tapos sa gitna ako ng kama.

sleepless

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #52 on: March 01, 2013, 06:59:50 pm »
Sis lenjei, ilang months na baby mo?

Naku kanina  Lang sinuka ni baby yung milk Nya... Mga sis, kelan ba masasabi na abnormal na ang pagsuka ni baby not just because overfeed sya?

marssie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #53 on: March 01, 2013, 07:04:58 pm »
sis cerelina, buti nga umiingay ang mga baby.. instinct ata pag nasa danger zone sila hehe..kasi son ko rin yung panganay dati, pinapahiga namin ng nakadapa, one time nakita ko siya nakadapa sa pillow sa crib nakasubsob ang mukha, tapos inaangat niya ulo niya na parang kumukuha ng hangin sabay eeiihh! sound din.. yung parang lumalangoy at kumukuha ng hangin, ganon na ganon.

For breastfeed baby, may nakaexperience na ba ang ang poops ng baby oily? pag hinuhugasan ko kasi siya, may naiiwan na oil sa kamay ko, dati di ko sinasabon si baby, plain running water lang kahit sobrang maamoy poops niya walang naiiwan sa kamay kong smell, since kahapon, naiwan sa palm ko at ang hirap tangalin,kaya sinasabon ko si baby para mawala yung oil at smell..

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #54 on: March 01, 2013, 07:21:55 pm »
Sis lenjei, ilang months na baby mo?

Naku kanina  Lang sinuka ni baby yung milk Nya... Mga sis, kelan ba masasabi na abnormal na ang pagsuka ni baby not just because overfeed sya?

1 month pa lang sya tomorrow sis. Ginawa ko yun advice ni sis tamarind26, nababawasan na ang paglungad ni baby.

Hindi ko sure sis kung ano ang abnormal na lungad.. Ang sabi lang ni pedia nya,pag madalas ang lungad at madami,may possibility na hindi makuha ni baby yun nutrients ng milk..

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #55 on: March 01, 2013, 07:24:11 pm »
dapat hindi sosobra sa 1 teaspoon yung lungad nya

mitch_ay

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #56 on: March 02, 2013, 07:21:34 am »
^sis cerelina, may extra work out kana pala sis :) up & down sa stairs mahirap hirap din un ah.. sa ngalan ng pagtulog ni baby gagawin lahat ng mga mommies :) at sa sobrang pagod minsan hindi maiiwasang makatulugan sila.  ;)


sleepless

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #57 on: March 02, 2013, 02:30:47 pm »
Mga sis ilang oz na ba feed nyo Kay baby? And every what after how many hours? At tska ilang months na baby nyo?

 Kasi si baby ko mag 2 months na next week at 2 oz pa din kinakain Minsan 3 oz, every 2 hrs feeding namin e... Minsan pa nga 1 oz Lang kinakain kaya Minsan worried ako

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #58 on: March 02, 2013, 02:47:19 pm »
^ S26 milk ni baby ko. 3 oz every 3 hrs pag gising, pag tulog naman every 4 hrs. minsan ubos agad, minsan outol,putol din.

3 months na sya bukas.

Geeglee

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #59 on: March 05, 2013, 08:08:03 pm »
tagal ko hindi nakabisita dito. sobrang pagod.. nagiging bipolar na tuloy ako. haha

I'm really having a hard time being a new mom. Ako kasi lahat, taking care of the baby and doing some household chores. pag hindi kasi ako nagluto, hindi rin ako kakain. na spoil ko kasi ata yung asawa ko nung kami lang na i do everything around the house and nahirapan siya mag adjust na kelangan niya gumawa sa bahay.  :o

anyway, nahihirapan ako kasi sobra talaga kabagan si baby kaya iyakin. i apply manzanilla twice a day. sa gabi she sleeps naman for 8 hours, mag commercial break lang after 4 hours para mag milk then sleep na agad.  after nun sobrang swerte na ko magpababa siya ng 1 hour sa bed or sa crib. so ang hirap kasi mag linis ako ng bottle, papaliguan ko siya, mag ayos ako ng bed and magluluto pa! but wait there's more, kelangan din mag song and dance number pag ayaw niya mag stop umiyak and kausapin siya and laruin pag nasa mood. tapos kahit karga ko siya, saglit saglit lang siya magsleep.. 5 minutes na pinakamatagal. sobrang nakakapagod pero pag nagsmile naman siya.. minsan tumatawa siya ng may sound...wala na agad yung pagod ko.  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close