watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 209452 times)

mitch_ay

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #20 on: February 26, 2013, 11:51:31 am »
^^ oregano leaf : wash mabute yung leaf tas patong sa rice na malapit ng mainin or pede ding painitan sa frying pan or babad sa kalahating tasa ng mainit na tubig (1-2 mins.) tapos squeeze si leaf at yung katas lang ang ginagamit. hahaluan ng konting milk ni baby yung katas para hindi masyadong mapait. tas med. dropper lang sa mouth ni baby paunti unti. one leaf a day ang gawa ko kay baby. hope it helps mga sis.

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #21 on: February 27, 2013, 09:11:45 am »
^^nilalagay ko lang kay baby yung aceite pag iyak ng iyak tapos hindi makasleep sabi ng mommy ko dapat daw every 6pm pag nagpalit ng damit si baby pero ayoko madalas mag lagay kasi na kakasunog ng skin

la altheyamdre

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #22 on: February 27, 2013, 12:51:34 pm »
im using manzanilla din for my baby. hesitant din kami ni hubby maglagay kay baby gawa nung sinabi na nakasunog ng balat. pero parang hindi kasi nagwowork yung relestal for my baby.

ilan beses pwede lagyan si baby ng manzanilla sa isang araw?
sis geeglee
di naman siguro nakakaburn if just applied thinly, yun baby ko nilalagyan ko lang tummy after bath at mga 7pm.kasi pag umiiyak sa gabi dun na mdalas may kabag.

Geeglee

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #23 on: February 27, 2013, 09:37:16 pm »
every 5pm ko na nilalagyan si baby ng manzanilla...ang aga ng bedtime eh. hehe effective naman siya kasi nakakasleep na agad si baby tapos diretcho na yun til morning.

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #24 on: February 27, 2013, 09:46:13 pm »
hi mga sis, si baby din, namumula pag nagiinat,parang umiire,.hindi naman siya constipated,3weeks old pa lang siya. Normal ba yun? Worried kasi ko,dahil nagigising sya pag umiire, minsan lumulungad pa.

sleepless

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #25 on: February 28, 2013, 04:16:43 am »
Sis geeglee, ilang months na baby mo? Galing naman straight ang tulog ng baby mo til morning, how iI wish ganyan din baby ko, every two hrs kasi feeding time nya e.

Sis lenjie, ganyan din ang baby ko. Yung tipong maawa ka sa mukha sa sobrang ire e- i think normal lang .

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #26 on: February 28, 2013, 08:33:22 am »
sis sleepless, normal lang pala yun pag ire nya na maingay.hehe. Minsan natatawa na lang kasi ako,pero madalas worried,lalo na si husband. May nabasa kasi siya na lumuluwa daw ang pusod, umbilical hernia, e medyo nakaluwa nga pusod ni baby.

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #27 on: February 28, 2013, 10:04:24 am »
2 months na baby ko today at straight na tulog sa gabi. minsan lang iiyak sandali kasi basa diaper tapos tulog ulit.

first month lang pala yung wala talagang tulugan!

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #28 on: February 28, 2013, 12:04:09 pm »
Sis mlim nung 26 nag 2months si baby ko napansin ko humina feeding nya at night ganon din baby mo? Before nagfefeed sya every 2hrs ngayon parang every 4hrs na lang sapilitan pa and she sleeps more lately ganon din si baby mo?

funky f

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #29 on: February 28, 2013, 12:17:34 pm »
Nagche-change talaa sleeping habits ni baby. 1 week na kami 3-330 natutulog.  Kagabi, every 45 min gumigising kaya puyatan...

chocolatepink

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #30 on: February 28, 2013, 05:32:52 pm »
We went yesterday to a pedia derma good thing i didnt self medicate. My 1month 3weeks baby has eczema. He now takes a bath twice a day with physiogel.

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #31 on: February 28, 2013, 06:22:38 pm »
sis cerelina, parang ganyan din baby ko. pag derecho tulog, di na nagdedede. parang pumayat nga eh :(

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #32 on: February 28, 2013, 06:36:52 pm »
^ sis, ilang months na si baby mo? sa akin kasi natutulog man sya ginigising ko pa rin para dumede every 4 hours. Unlike ng gising sya every 3 hours ang dede nya.
« Last Edit: February 28, 2013, 06:39:05 pm by daveigh »

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #33 on: February 28, 2013, 08:21:47 pm »
ask ko lang mga sis, si baby kasi lumulungad tas madalas sa ilong lumalabas. May suggestions ba kayo na pwede ibigay sakin para maiwasan yun. Ang ginawa kasi namin, tinataas yun ulo, so inclined si baby while sleeping. Pero lumulungad pa din sya sa ilong. Nagburp naman siya lagi every after feeding. Thanks

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #34 on: February 28, 2013, 08:27:16 pm »
sis daveigh, 2months baby ko. pag madaling araw, ginigising mo parin?

mantika kasi matulog baby ko. hirap gisingin!

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #35 on: February 28, 2013, 09:27:35 pm »
Same here sis 2months na si baby, pag gabi nagigising sya every 4hrs dede ng mga 2oz lang sleep na ulit in the morning naman shes awake for 2hrs max dede konti hindi sya nakakaubos ng 4oz straight inuunti unti nya nauubos nya in 3hrs yung 4oz

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #36 on: February 28, 2013, 09:30:48 pm »
chocolatepink : Sinong pedia derma mo sis? Plan to take baby rin to a skin specialist.

lenjei : Sis, after mo feed and pinaburp si baby, karga mo muna siya na parang nakasitting position for 30 minutes. Yan ang advice sa akin ni pedia para iwas lungad sa ilong. Lumulungad din si baby ko kahit inclined na yung sleep positioner niya. Ginawa ko lang yung advice ni doc and since then di na niya ni-spit out yung milk. Yung halak, minsan nalang din. Puyat nga lang lalo and nakakangalay sa braso pero tiyaga lang kasi effective naman kay baby.

More than a month palang si baby  pero parang nakakaintindi na. Nakakatanggal pagod lalo na pag nakangiti na nakatitig sa yo habang kinakausap... Nag iba na sleeping patterns niya after 1 month. Gising na siya most of the day, short naps in between. Himbing na sleep sa gabi, 3-4hours siya sleep. Pag lampas 4 hours, ginigising ko siya for her milk kasi advice ni pedia para daw di bumaba blood sugar ni baby.



daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #37 on: February 28, 2013, 09:33:16 pm »
sis daveigh, 2months baby ko. pag madaling araw, ginigising mo parin?

mantika kasi matulog baby ko. hirap gisingin!

hindi naman talaga gising na para dumilat para dumede. minsan kahit pikit, isusubo ko yung dede,
iinom naman nya, as in bottoms up kahit nakapikit.

mag 3 months na si baby ko sa linggo. 3oz na nauubos nya since almost 2 months pa lang sya.

mapapansin mo na medyo gutom  na sya pag naglilikot yung ulo parang may hinahanap.

magset ka na lang ng alarm, 3 to 4 hrs sis, tapos silipin mo kung iiling-iling sya. gutom na yun pag ganun.

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #38 on: February 28, 2013, 09:41:53 pm »

lenjei : Sis, after mo feed and pinaburp si baby, karga mo muna siya na parang nakasitting position for 30 minutes. Yan ang advice sa akin ni pedia para iwas lungad sa ilong. Lumulungad din si baby ko kahit inclined na yung sleep positioner niya. Ginawa ko lang yung advice ni doc and since then di na niya ni-spit out yung milk. Yung halak, minsan nalang din. Puyat nga lang lalo and nakakangalay sa braso pero tiyaga lang kasi effective naman kay baby.


thanks sis.. Siguro nga kulang pa yun ginagawa kong karga sa kanya bago ko siya ihiga.. S pedia mo sis, la naman sinabe na problem bout sa paglabas ng milk sa ilong o sa halak ni baby? Worried kasi ako baka magkasakit sya. Si pedia nya kasi ang advice inclined sleeping lang. La na sya sinabeng paliwanag.

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #39 on: February 28, 2013, 09:55:02 pm »
^ As per baby's pedia, normal lang daw yung halak and lungad.  Pag lumabas sa ilong yung milk may risk na pwedeng mapasukan ang lungs. Yung sa baby ko lagi siya nagspit out dati kahit naka inclined yung higaan niya. Kinakatakot ko naman mapasukan ng milk ang ears or ma-irritate ang face and neck niya lalo na noon na marami siyang acne. Buti nalang ngayon, nagsubside na yung acne. Try mo lang yung sitting position sis,  sana makatulong sa baby mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close