watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE  (Read 79971 times)

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #140 on: March 06, 2013, 04:49:20 pm »
^sis Joyce natawa ako sa sarili, kain lang kasi ng kain without even minding the name of the place.
Masarap yung pasta and mga pizza sa California Kitchen, yun lang din yung natikman namin

Masarap yung steak, bb backribs and pastas sa Apple Bee, ewan ko ba mas nasasarapan ako dito keysa TGIF.


simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #141 on: March 06, 2013, 04:51:51 pm »
hi reyna!!! :) naku fave ko ang apple pie at strawberry pie ng mcdo. lage akong nagpapabili kay hubs. at ang big tasty burger, ang sarap! hardees masarap nga ang burger.

joyce, nakatry na ako sa lemon grass, eto yung may pad thai?

masarap ang applebees!! favorite ko ang pasta nila na white sauce. i forgot the name, basta may mga dried tomatoes pa. california pizza chicken ba? type ko ang fettuccine nila. pero hindi ko gusto ang service sakanila :( masarap din sa noodle factory!!

must try sa pf changs ang dynamite shrimp & lettuce wrap. sa texas roadhouse naman ang bread and cinnamon butter, naku busog ka na. eh free lang to :)

may nadiscover din kameng kainan sa jumeirah. as in parang kanto kanto lang saatin sa pinas ang ichura. buhanginan at plastic tables and chairs lang. ang pagkain lang nila eh fried fish and fried shrimps pero grabe ang sarap at ang mura lang!!! 
« Last Edit: March 06, 2013, 06:10:51 pm by simplykristine08 »

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #142 on: March 06, 2013, 05:04:33 pm »
^wow kakagutom and kakatakam naman to tin, pd ka ng maging food blogger or food critic.

Ni-libre lang kami ng manager nun na nagkataon na pinsan ng kasama namin (free loader kami  ;D), nasa ground floor sya ng Dubai Mall facing sa fountain, California lang kasi naalala ko di ko na alam ang karugtong.

Parang masarap yung seafood ah, sa pagkasabi mo lang feel ko fresh na fresh sya.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #143 on: March 06, 2013, 05:05:24 pm »
usapang pagkain talaga!

we normally dine sa chinese restos. masarap kasi for us and di naman mahal, malaki pa servings nila. i've tried applebees once kaya lang namahalan ako lol. so di na kami umulit hahaha. but i should try that pasta that you are talking about tin. mahilig ako sa white sauce eh.. like ko rin ang steak sa la brioche and redstar. yung redstar, nakailang kain kami kasi may voucher sa groupon haha.

madalas din, foodcourt rin lang ang bagsak namin - mcdo, tazas (super like ko pa rin ang broas nila hehe) and chowking kami. si eldest kasi, fave ang chicken bbq ng chowking. kaya pag may chowking sa foodcourt na pinupuntahan namin, binibili namin cya ng chicken bbq para madami cyang makain hehe

mas like ko ang pizza ng domino's and papa john's kesa sa pizzahut. love namin yung garlic butter ng papa john's. sarap manghingi ng madami para maiuwi hahaha

we've tried one resto sa dalma mall (ito kasi ang malapit sa bundok namin lol), masarap ang foods nila. basically we liked everything that we ordered, ultimo fresh juice and not that expensive. i just forgot the name hehe.

like ko rin ang burger ng shake shack kaya lang medyo mahal hehe
 

cind3r3lla

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #144 on: March 06, 2013, 05:11:38 pm »

sis yena,

daan kayo kung wala kayong actividades sa Sabado huh! daming nice items. :) yung friend ko, nag-donate ng mga damit nya na hindi pa nya nasuot sa sobrang dami nyang damit at walang ma-fit-an na occassion.

kung sino may gusto ng TV stand, halos maganda pa, you may PM me as well kung gusto nyo makita picture at interested kayo, para hindi ko na dalhin sa venue. hehe. biglang tinamad magbitbit. :D

cind3r3lla, [textspeak!] ano pwedeng i-donate? may pasok ako this coming saturday so di kami makakapunta :( sayang! may reason sana ako to ask hubby to go sa city hehe.

sis, kahit mga household items, toys, books, etc. anything goes na pwede bang bilhin at gamitin ng iba.
ako ang ni-donate ko ay maliliit na electrical things na 50Hz. hehe. malapit na kasi umalis ng UAE eh hindi naman magagamit sa pinas.

cind3r3lla

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #145 on: March 06, 2013, 05:26:35 pm »
sa usapang food, ito contribution ko para sa mga taga-auh...

normally, sa mga affordable lang kami kumakain.. kung hindi man, sa mga sulit. kumain man kami sa medyo mahal (>50 per pax), once lang para tikman.. hahaha.

sa ngayon, medyo "exploration" ang ginagawa namin, after yoga ng wednesday night, diretso sa resto to be explored. :)

these are my list:

best milkshake in town - Grand Central, kahit anong flavor, panalo!
best burger : Burger Bureau (Al Wahda Mall Extension)
best carrot cake : sa Hippy Chic sa etihad plaza
best cafe ambiance: Cafe Arabia

Explored restos:
Ethiopian (Al Habasha), moroccan (Marmar), indonesian (Bambung), Indian (Airlines)

Still couldn't find the best apple pie though. :( may natikman kasi akong German apple pie na sobrang sarap pero sa isang gathering, dunno san nabili. hehe

PS. i-modify ko to add na ang sarap ng Moroccan food. :) don't miss this habang andito pa kayo sa UAE. orderin nyo yung "tagine" dishes nila.
Sa Dubai, merong Georgian restaurant.. try nyo rin kasi ang sarap ng georgian food... :)
« Last Edit: March 06, 2013, 05:31:34 pm by cind3r3lla »

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #146 on: March 06, 2013, 05:46:24 pm »
sana may maisip akong i-donate hehe

san ang Grand Central? hehe eng eng pa rin sa auh lol
i'll try dyan sa Burger Bureau na yan! once pa lang ako nakakapuntasa Al Wahda Mall extension. taga-bundok nga kasi hahaha
ita-try ko rin ang carrot cake sa Hippy Chic. like ko rin ang foods dun :)
san din ang Marmar? parang gusto kong i-try yang moroccan foods na yan hehe

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #147 on: March 06, 2013, 06:02:58 pm »
@ si cind3rella, hopefully di namin makalimotan last na flea market sa Sheraton nalimutan namin, I'll mark my calendar for that.

Matanong lang din sis, maanghang ba ang Moroccan food parang sarap itry pero di ako gaanong tolerant sa maanghang.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #148 on: March 06, 2013, 06:20:07 pm »
reyna, try nyo dun sa sinasabi kong kainan sa jumeirah. as in panget ng lugar. nung unang punta ko nga, sabi ko sure ba na dun kame kakain? hehe. pero nung natikman ko na, binabalik balikan na namin!! madami din puti ang kumakain dito. maganda din ang starbucks na bagong bukas na malapit dito, may elevator. puro locals madalas ang tao dun.

holly, mahilig kasi kame talaga kumain ni hubs tapos ang mga kaibigan namin ganun din, mga palakape at palakain. bihira kame kumain sa foodcourt pag kasama ang mga friends. kasi nga may 30% naman kame sa kinakainan namin most of the time kaya okay lang. nung birthday ni hubs, 3 kame kumain sa cheesacake factory, inabot almost 400 ang bill namin pero dahil sa discount, wala pang 300 ang binayaran namin :D

may isa pang masarap na bilihan ng cake, Magnolia Bakery sa Bloomingdale's sa Dubai Mall. panalo ang chocolate cake at must try ang Banana Pudding nila!! :D

Happy Mom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #149 on: March 06, 2013, 07:56:50 pm »
puro pampataba topic... ;D walang pampa payat? nagagalit na yun timbangan ko sa kin ;D

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #150 on: March 06, 2013, 08:29:51 pm »
Reyna,
Nakakain na din kami sa tgif. Steak nanaman order namin. Kundi steak, salmon. Ano ba yan. Hehe.

Tin,
Thai cuisine din ang lemon grass, pero meron din ata Pad thai na kainan din. Kaya diko sure kung pareho sinasabi natin. Hehe

Haha! Ano ba talaga? California pizza chicken o California pizza kitchen?  ;D

Tin nako, yung mil ko nagtetake away pa ng bread & cinnamon butter na yan sa texas roadhouse. Masarap daw sa kape. O kaya minsan yung binibigay samin, hindi ginagalaw, iuuwi nalang. O kaya humihingi ng extra pag magbabayad na. Haha! Tsaka nuts.

Holly,
Gusto din namin chowking. Meron dito sa ajman. Kaya pag nag crave, kapitbahay lang namin. Hehe.

Mommy fritz,
Nagrereklamo ba yung timbangan mo? Itapon mo na. Haha. Ayaw gawin trabaho niya.

Nasa dessert naba tayo? Pag natikman niyo bake ko, taob lahat yan. hehe.
« Last Edit: March 06, 2013, 08:31:58 pm by j27 »

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #151 on: March 06, 2013, 08:47:51 pm »
@sis Joyce, yun na nga yung baking EB natin para matikman na ang Sweets by Joyce.  ;D

Mga sis pa plug lang ha baka may interested sa'tin dito. If you want to learn more about investing in stock market, mutual funds UITFs pati na life insurance, I encourage you to join The Global Filipino Investor. Don't worry hindi po sila nagbebenta ng kung ano-ano, advocacy lang talaga ng group na mapataas ang Financial Literacy ng mga Pinoy lalo na ng mga OFW. Maganda sa'tin to kasi we don't have retirement benefits dito. Here's the FB page

http://www.facebook.com/groups/theglobalfilipinoinvestors/

...Ask lang po kayo doon any question about investing and sure yan na may sasagot.


Happy Mom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #152 on: March 06, 2013, 08:58:09 pm »
joyce, oo nagrereklamo na. nabibigatan na raw masyado ;D sabihin ko nga sana kung dessert lang pag uusapan, yun gawa mo na lang ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #153 on: March 06, 2013, 09:00:49 pm »
joyce, sorry naman. kitchen pala. ako mali. waah! puro pagkain kasi nasa isip ko.

fritz, same here. nagrereklamo na lahat nga sakin kasi ang juba ko na! haha

eto kakain nanaman daw kame sa dubai mall ng dinner. ano nanaman kaya!!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #154 on: March 06, 2013, 09:04:06 pm »
Reyna & Mommy fritz,
Parang nakikita ko na pag natuloy ang EB baking natin. Baka maokupa ang isang table na puro dessert lang. :-)

Tin,
Sarap buhay naman! Kain ng kain sa labas. Ako mayamaya magluluto nanaman. :-)

Noylabmay

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #155 on: March 06, 2013, 09:08:37 pm »
@ sis j27 what's menu for today

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #156 on: March 07, 2013, 12:24:21 am »
pork adobo with chicken liver and boiled egg for me  ;D

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #157 on: March 07, 2013, 12:56:53 am »
Mai,
Fried chicken kami ngayon. Tsaka painit yung mga tirang ulam. Pinakbet at miswa. Hehe

Bukas nag aaya sila sa AUH. Pag sinipag siguro sasama kami, till saturday.  :)

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #158 on: March 07, 2013, 01:09:33 am »
wow sis Joyce, kita tayo sa Flea Market sa Saturday ;)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE
« Reply #159 on: March 07, 2013, 12:43:36 pm »
^sige, pag natuloy kami. hehe. sa sky tower sa alreem island kami mag stay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close