^Di ba sis. Less pagod. hehe.
May tanong pala ako mga sis, regarding sa Paris Museum Pass.
Yun Louvre, sa Pyramid lang pwede pumasok? Kasi when I showed it sa Richelieu, dun sa guard na nagaassist sa pila, pinapila kami sa Pyramid. Pati ibang pass holders na nagtanong. Then we tried asking the guard sa Pyramid if we can use other entrances, di siya masyado nakikinig sakin, he just pointed the Pyramid line. So pumila kami sa Pyramid. Then nakausap ko kalikod ko, she tried the Carousel and was turned away daw kaya di na kami nag-attempt pumunta dun. I searched the net, baka
intermittent case.
Yung long line pala sa Pyramid is security, hindi yun bilihan ng tickets. So kahit Pass holder ka, pipila ka padin sa security. Nagtanong kasi yun nasa likod namin since akala niya priority pass yun tapos haba padin ng pipilahan niya pala.
But dahil sobrang haba talaga ng pila sa Pyramid, I asked a diff security sa bandang harap and this time, she pointed me to Richelieu entrance. Tapos medyo mahaba nadin ang line, may nakita kaming pass holder na nakapila sa may priority lane. naging 2 lines na siya (first time namin pumila closed yung priority lane tapos may nagbukas daw na tourist). This time, nakapasok na kami sa loob. Security lang pala yung line ulit. Kasi pagpasok sa loob, may bilihan din ng tickets.
Took us 1 hour din bago makapasok sa loob. Since paiba iba napilahan namin.
What was not clear is kung pwede yung pass holder pumasok sa other entrances kasi hindi naman pala chine-check yun tickets, sa entrance na mismo sa Wings chineck

(dapat di na lang siguro ipakita sa guard sa Richelieu/Carousel na yun ang ticket mo para di ka papuntahin sa Pyramid?)
---
Yung Saint Chapelle din pala, sa priority lane kami pinapunta nung guard while yun ibang pass holder sa normal lane, di namin sure kung "priority lane" ba yung pass.
Basta good thing we bought it, saved us a lot of time (thanks sis mama squeak for convincing me)
Nagamit namin siya sa Louvre, Saint Chapelle, and Versailles (no priority access).
Yung Notre Dame free entrance pala kasi may mass? Or yun tower ang may entrance fee pero di namin nakita location niya. Paglabas ng chapel tsaka namin nakita, nasa gilid pala. 6pm na by then. Sayang I want to see the gargoyles pa naman.
Yung dulo ng Pont Neuf and sa Pont des arts, may love locks pa pala.