awww... ano ba nangyayari diyan kay Kim? Nilalamon ng tagumpay?

Actually mga sis, madami ang nilalamon ng tagumpay kaya nagiging maarte, mayabang, hindi na malapitan
ng fans.. etc., nakakalungkot lang.
Madami na din akong artista na mga gusto ko na pag nakita ko talaga, nagpapa picture ako, pero mababait naman, sina
Patrick Garcia, Antonette Taus, Lito Pimentel, Champ ng Cueshe (ay eto mabait talaga, inakbayan pa ako very jolly), Jestoni Alarcon,
yan ang mga may picture ako haha.
Eto lang ang naka encounter namin na nagmaldita sa pagpapa picture:
1. Jennylyn Mercado - nung makita niyang papalapit kami sa kanya, nagmamadaling umalis. Samantalang tinawag ko pa. Oh well
2. Anne Curtis at Cheska Garcia - bata pa sila that time, hindi pa masyadong kilala, nakita ko sila sa SM manila, naku tumatakbo pa para lang hindi
mahabol ng fans. Hahaha. Siguro naman nagbago na si Anne, kasi madami na siyang followers. Nag matured na din.
pero at least wala siyang sinabing kung ano anong pagtataray. Dinedma lang kami Hahaha.
Nakita ko din dati si paolo contis at Lian Paz, hindi ako nagpa picture, kasi hindi na sila sikat, actually, walang nagpapa picture sa kanila. That's what I am talking about.
Hindi habang panahon may gustong mag pa pic sa kanila, sana naman i-cherish naman nila ang moment na sikat sila, at tinitilian.
Funky F:
tama sis, hindi nakakapagod ang magpa pic, o kaya kung talagang pagod, o masama ang mood, ano ba yung magsabi ng "pasensiya na kayo may sakit ako..", o "pasensiya na guys, latang lata na ako, mamaya na lang ha please?", with a smile..
actually, kung maganda naman pagkakasabi nila, hindi naman para mainis ang fans, maiintindihan pa nga sila. Oh well.