watch now

Author Topic: Picky Eaters  (Read 17139 times)

angelzero

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #20 on: April 24, 2013, 07:59:34 am »
^^5 years old din pamangkin ko. yup, may favorites sya. yung mga masabaw din especially sinigang at corn soup. anything na may corn soup nagugustuhan nya. pag sinigang naman, yung yaya nya halos araw araw nag sisinigang para sa kanya. ayaw nya ng mga meat na mahirap nguyain kasi dun talaga sya tumatagal.

^whew! kala ko ako lang yung nananakot. pero naiisip ko minsan ipa-child psychology na kasi sobrang bagal kumain. hehe. extreme! pero buti na lang madami din palang batang tulad nya. nakaka frustrate lang minsan.

greize

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #21 on: April 24, 2013, 08:23:10 am »
mga sis, ok lang ba ang rice lang? sometimes, ayaw nya kasi mag-ulam pero maraming rice. walang sabaw. ayaw nya minsan ng may ibang lasa kaya nirereject nya pag may halo yung kanin.
sometimes naman, ayaw nya talagang kumain although malakas sya magmilk. she loves fruits but not veggies unlike noon na napapakain ko pa sya ng carrots and brocolli.
she seldom likes soup.

j27

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #22 on: April 24, 2013, 01:57:34 pm »
^kung ayaw ng may ulam, okay na din ang rice lang. laman tyan din yan kesa sa walang kainin diba.

umabot na din kasi kami sa ganyan. ayaw  ng ulam pero rice sinusubo niya mag isa at sarap na sarap pa. edi sige bigay lang ako ng bigay. pero pag ganyan ang nangyari, maya maya binibigyan ko ng followup na pagkain, kunwari, magpapapak siya ng chicken, hotdog. kumbaga e ihahabol mo nalang yung ulam. hehe.

bluegintonic

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #23 on: April 24, 2013, 05:24:42 pm »
^may days na ganyan ang anak ko.She's not picky but moody, I think.To the point na itatago namin sa ilalim ng rice yung ulam para hindi niya makita.kaso hindi na uubra ngayon, noon lang when she was smaller.Now she watches us load her spoon na ;D

May technique ang oldies ko (my aunts and my mom)-starvation. Pag gutom na raw bata kakainin kahit ano.May days na ganyan anak ko eh.Nakakainis kasi mag e-effort ka magluto tapos ayaw kainin,dish na normally kinakain naman nya.Minsan naniniwala rin ako kasi kahit naman tayo as grown ups mapapakain mo ng kahit ano basta sobrang gutom na gutom ka na ;D

cheezecake

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #24 on: April 24, 2013, 08:35:15 pm »
my son is a picky eater.  I remember when he was around 2 years old ayaw niya ng ulam gusto niya masarap na rice like Jasmin rice ayun talagang kahit mainit isusubo.  Ang ginawa namin laging soup para yung meat hindi niya makita tapos tinatago namin sa ilalim ng kanin. He learned to eat fried chicken and others and realized na masarap pala ang ulam ngayon iniluluwa na ang kanin kapag wala siyang nalasahan na ulam.  Ang ginawa ko sa kanya kakain ka ng may palo o walang palo ayun kahit hindi niya gusto ulam niya kinakain niya.  He is 7 na kasi mahirap kapag hindi matuto kumain ng iba lalo na kapag nasa labas.

j27

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #25 on: April 25, 2013, 01:25:37 am »
^^ang mahirap lang kapag ginutom mo ang bata para later on e kakain din, baka mamaya maghanap/magrequest pa ng special food. hehe. kunwari nasa bahay lang kayo, tapos nung magutom ang gusto e happy meal at ayaw yung pagkain sa bahay. napaka demanding na bata.  ;D

^ay tuwang tuwa din ako sis nung matutong kumain ng chicken yung bunso ko ng hindi ko pinaghihimay. siya na daw mag isa. hindi ako maka get over, talagang kitang kita ng mga mata ko na kinakagat niya yung chicken, sarap na sarap.  ;D kaya lang papak lang yun. walang rice. pero kahit na, naka dalawang drumstick din siya nun. at everytime na kakain kami ng fried chicken dun, ganun ang gusto niya.

minsan matakaw siya, pero madalas napakahirap pakainin. minsan kapag nagluluto ako, naaamoy niya, "mommy ang sarap!". biglang nagutom hehe. kaya ipaghahain ko na siya agad nun, para hindi makalimutan na gusto pala niya kumain. minsan nagrerequest siya ng pagkain at nagugutom daw, ipagluluto ko naman para makakain. bihira kasi manghingi ng pagkain to.

jenaspacio

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #26 on: May 09, 2013, 11:33:42 am »
My four-year old son is not that really a picky eater kasi kumakain naman ng anything siguro may pagkachoosy lang sa pagprepare. Ang problem ko is mahina kumain tapos minsan ang dami alibay. Ginagawa kong exciting ang food nya and sometimes I even let him help me prepare the food para nag-enjoy din siya before eating. It is important na parating may sabaw ang ibigay ko sa kanya para he can easily munch the food saka dapat nutritious din rich in fiber. I also give him bananas and papaya after lunch. Before dumedede pa sya sa bote pero inawat ko na and alalay ako sa baso lalo na kapag nagdrink sya ng milk. Iniisip ko nga kung gaano kaya katagal mahirap pakainin ang anak ko. Hindi pa mataba pero thank God di naman sakitin.

SuperMommyJem, ok yung idea na creative food preparation. As much as I would love to do this on a regular basis, di kaya ng schedule ko since I do all the things in the house, online work and homeschooling. Effective sakin talaga ang Aqiva Milk Supplement for my 7 year old. Gusto niya ang taste tapos bumalik narin sya sa pag milk intake. Kasi tumigil sya after a while eh.

Ok din yung sabaw, pahirapan kasi pag dry ang pagkain. Antagal kumain.

supermommyjem

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #27 on: May 09, 2013, 11:24:11 pm »

Parang ang hirao Mommy Jen ng homeschooling. Mahilig talaga sya sa may sabaw. Ngayon ngang nagpapabreastfeed ako sa 4 month old kong baby panay ang luto ko ng tinola na may malunggay and sinsabay ko talaga yung son ko sa pagkain. This summer naman madalas ako gumawa ng Ice pops flavor AQIVA milk with fruit variants. Almost 9 months nya ng milk yon before pediasure pero naghahanap talaga ako ng medyo lower ang price para makatipid. Buti na lang nagustuhan nya ang AQIVA kasi sa apat na milk brand nahirapan talaga ako kasi di nya gusto amoy at lasa. Naging curious nga ako kung ano meron sa AQIVA ba't nya nagustuhan kaya nagtaste din ako and masarap pala sya.
« Last Edit: May 09, 2013, 11:58:19 pm by mama squeak! »

camilla04

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #28 on: May 17, 2013, 07:22:54 pm »
Hey guys! Newbie here.. Im just worried na my 3 year old son is still drinking milk from the bottle and is still picky with food. Ok lang ba sa inyo yun? When did ur kids stop drinkingfrom the bottle

cheezecake

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #29 on: May 17, 2013, 08:59:07 pm »
parang umabot pa nga ng 4 yung son ko.  Mahirap sa umpisa alam ko bumili pa ako ng bottle na may straw. Step by step talaga

reb_woods072683

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #30 on: May 20, 2013, 08:18:39 pm »
ano bang ideal age para itigil ang pag inom ng milk sa bottle?
picky eater din anak ko. minsan kanin lang, minsan ayaw kumain. ayaw ng gulay, potato lang alam pati sayote.

j27

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #31 on: May 22, 2013, 02:21:50 pm »
yung bunso ko 5yrs old na pero lakas pa din dumodo. wala pa kami balak awatin, hayaan muna namin siya hanggang mag sawa. hehe. or hanggang sa lumakas na siya kumain. ayaw sa baso e.

sa umaga pag gising ko ng 5am, bibigyan ko siya ng 6oz na milk, kasi hindi na siya nagbebreakfast bago magschool.
pagdating sa tanghali, pakakainin ko ng rice. tapos hihingi na ng dodo, pagtitimpla ko ng 6oz. minsan dalawang sunod na 6oz hanggang sa makatulog na siya.
sa gabi kakain na ulit ng rice, tapos dodo nanaman hanggang sa makatulog na.

funky f

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #32 on: May 22, 2013, 10:07:42 pm »
My daughters aged 5 and 4 just stopped drinking milk fr bottle around 2 mos ago. Medyo pumayat, yes, pero lumakas naman magrice and ulam kahit pano. They still drink milk pero fr glass na. Dati, milk sila after they wake up then before siesta na mga 2 na tig 6 oz then, sa gabi naman mga 3 na tig 6 oz. pero ngayon, mga 2 glasses of milk na lang before matulog and 1 before siesta.

bluegintonic

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #33 on: May 23, 2013, 05:41:34 pm »
ano bang ideal age para itigil ang pag inom ng milk sa bottle?
picky eater din anak ko. minsan kanin lang, minsan ayaw kumain. ayaw ng gulay, potato lang alam pati sayote.

In my opinion , dapat at 1 year old tine-train na sa sippy cup,by 2 dapat normal cup na. Ganyan sa western world (pagtitinginan ng mga tao dito pag ang nakakalakad na tapos may hawak pa bote),maaga naaawat sa bote.


with my eldest ganun ginawa ko, effective naman.Wala naman kasi pili sa food yun.itong youngest ko EBFd kasi so wala akong problema weaning her from the bottle.She still bf,walang intake ng ibang milk (ayaw niya kahit flavored pa) but she drinks water from a sippy cup and can also drink from a normal glass.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #34 on: May 24, 2013, 05:25:42 pm »
yun nga ang problema ko. ayaw sa sippy cup uminom ng water at milk. Pag umaga din kasi hindi siya nagbbreakfast kasi nahingi siya ng milk sa umaga bago bumangon
nakakaubos naman ng 8oz na milk. minsan binibigyan ko ng biscuits at dutch mill pag umaga or any crackers, minsan milo pag nagmmilo din ako. pag tanghali konti lang
kumain ng kanin, depende sa mood niya. sa isang maghapon kasi nakaka 8-12 oz siya na milk plus yung konting table food. malakas siya sa tubig. super.
ang problema ko lang mapili sa pagkain, parang pag weird tingnan para sa kanya, ayaw niya kainin.

bluegintonic

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #35 on: May 25, 2013, 03:41:34 pm »
^ if you can spare the time, can I suggest the bento art food presentation for your kid? yung ginagawan ng cute faces, shapes or characters yung food para ma-engganyo kumain yung bata.May ganyan yata talaga, maaga pa food snobs na ;D I read a book about Japanese mothers talagang mega-effort sa umaga mag prepare ng lunchbox ng kids nila, they even have a planner as to how to style the bento of the kids para sa umaga,execute na lang. I tried it on my 2 year old, all the more hindi kinain kasi naku-cute-an siguro sa food ayaw na galawin,gusto lang tingnan ;D

my 2 year old now doesn't drink anything else except breast milk from me and water sa sippy cup.I suggest getting sippy cups na may cute cartoon characters-hers has Nemo http://www.amazon.com/Playtex-Disney-Count-Insulator-Finding/dp/B0096HSWMG/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1369467118&sr=8-1&keywords=nemo+sippy+cup and it's still being used a year on after we bought it, she has 2 sets of this. Ayaw niya ng may straw.Kanya kanya lang yata quirks hehe.

try with holding the first milk in the morning.It takes away the hunger pangs thus, no desire to eat solid foods.Just put on the table what's supposed to be had for breakfast by everybody-and nothing else. ako may child safe locks sa pantry cupboard doors ko so kahit gustuhin niya buksan,hindi niya magawa.Pag nagutom yan kakain yan. Then pag kumain, tsaka mo i-offer yung milk in a normal child's cup/sippy cup.Usually hindi na nila uubusin yan kung kumain sila ng full breakfast.Ganyan ang rules namin sa bahay-walang umiiba ng food, kung ano lang nakahain yun lang. Pag ayaw pa talaga, I offer it 2 hours later and usually, receptive na.They have to get used to your rules as a parent, ikaw masusunod but in a gentle approach,walang takutan,sigawan at iyakan. I do become lenient during the week ends-paminsan minsan may KFC,chips (that's fries here),or pizza delivery.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #36 on: May 25, 2013, 11:33:45 pm »
Thank you sa tip sis.
I wonder where makakabili ng parang molder for the shapes.

funky f

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #37 on: May 26, 2013, 11:47:09 am »
Agree with sis bluegintonic re: holding milk in the morning. Dun ako nagstart when i really wanted my dau's to eat more solid food. Tapos, after they eat bfast, tsaka lang milk if they want pa. Problem ko lang talaga, ang pili sa food. Pero now, medyo improving na.
« Last Edit: May 26, 2013, 01:22:33 pm by funky f »

bluegintonic

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #38 on: May 26, 2013, 12:49:46 pm »
Thank you sa tip sis.
I wonder where makakabili ng parang molder for the shapes.
Cookie cutters can be used for starters.I use it to shape carrot "coins" to turn it into flowers.For rice balls naman pwede rin kahit ano mold, like a jello mold muna.Check in Daiso (or Saizen, as I've discovered this is what Daiso is in Manila)-usually they sell bento supplies :)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Picky Eaters
« Reply #39 on: May 26, 2013, 10:12:59 pm »
thank you sis. check ko din sa SM hypermarket baka sakaling meron :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close