^ilang taon na ba ang pamangkin mo? yung bunso ko 5yrs old na, pero sa simulat-simula, ganyan na siya kumain pag dry ang rice. minsan pag naka mood, kahit may sabaw na may naiipon pa din sa pisngi.
ay minsan pag sobrang tagal talaga ngumuya, nakakapagod mag followup ng "nguya na bilis". sasabihin ko sa kanya, "abay bilisan mong kumain at mayamaya kakain na tayo". hehe. mag aabot yung breakfast at lunch niya sa bagal kumain.

baka may favorite siya na ulam? kasi itong bunso ko, pag natapat sa favorite niya na ulam, kahit walang sauce o sabaw mabilis ngumuya. siya pa magsasabi ng "ahhh...".
favorite niya:
-bacon na malambot, yung tamang magbrown lang ng konti. malasa kasi yan e.
-spam, hotdog, tocino, sweet ham, viena sausage
-chicken nuggets
-spaghetti with sauce and grated cheese, minus yung mga sahog sahog at kung anoano pang nadedetect niya na maliliit sa bibig niya. ayaw niya yan. kahit yung pinakamaliit na slice ng bawang at sibuyas, alam.
-any ulam na may sauce: adobo, kaldereta, etc. plus konting shredded na meat para madali nguyain. kung maishred mo ng parang sa corned beef mas maganda para wala ng reklamo. hehe
-any ulam na may sabaw: sinigang, nilaga, etc. plus konting shredded meat ulit.
-minsan nasisingitan ko ng gulay. pag nagpipinakbet ako, yung sauce nun tsaka konting kalabasa na minash sa rice, sabay subo, wala ng explain explain kung ano yung isinubo sa kanya. magugulat nalang siya. at pag pumoporma na iluluwa, "oopps! hindi tayo pupunta sa mall...." edi lunok siya. hehe.
minsan yung potato sa tortang giniling, pinipili ko yung diced potato, tapos yun ang imamash ko sa rice niya. same procedure, subo agad. pag nagreklamo, walang pupunta sa mall.
