watch now

Author Topic: How to deal with "feeling dalaga" daughter?  (Read 5793 times)

jjqxiv

  • Guest
How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« on: February 12, 2013, 05:09:05 pm »
Hello everyone! I have a 9-year old daughter (turning 10 on April) and she's currently in Grade 4. She has three older sisters and she usually imitates them but I think it's too much for her age.

For example, I usually drop them off to school every morning and last Friday, I told her "Where's my goodbye kiss?" and she answered back, "Mom, can we high five nalang?" :o Nahihiya na rin sya kapag pinupunasan ko yung likod niya and everything in front of her classmates, she reacts "Mommy, it's embarrassing. They're looking at me already" I started to be bothered pero sabi naman ng husband ko baka napa-paranoid lang ako or it's just because of my pregnancy.

One more thing, she became conscious of her physical appearance, actually she wants to have braces and perm her straight hair already. And minsan nagtatanong sya sakin kung bakit daw mas maganda yung ates niya than her, syempre sinasabi ko na wag nyang isipin yun, kasi hindi naman totoo.

Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. What do you think? Thank you! :)
« Last Edit: February 12, 2013, 08:47:21 pm by jjqxiv »

Kady_14

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #1 on: February 12, 2013, 08:23:33 pm »
We are on the same boat sis.

My daughter is turning 10 on Thursday and madami din siyang mga ganyan. Ako naman naiinis sa mga pa "Eeeww, that's gross" niya lalo na kung may mga ibang tao. Siyempre ang dating ang arte naman nya. I think it comes with the environment in school kasi when i visited recently ang aarte din ng mga kaibigan nya. Pero sinasaway ko siya kasi naaalibadbaran ako.

Re hair, nuon sinasabihan na nya ako na iparebond ko siya, nitong huli fascinated naman siya sa waxing, nanunuod kasi ko sa youtube and nakinuod siya, e balbon siya (mana kay hubs) sinabihan siya ng asawa ko na wag nya balakin at ang bata bata pa nya, she's really concious with her looks and all. Iba na mga bata ngayon.

Sana there's a thread din for mommies with bigger kids na.
« Last Edit: February 12, 2013, 08:27:55 pm by Kady_14 »

jjqxiv

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #2 on: February 12, 2013, 09:18:57 pm »
Advanced Happy Birthday to your little big girl, sis! :)

True, iba na talaga yung mga bata ngayon sis. Buti ka pa nga, nasasaway mo. Yung daughter ko hindi talaga masaway. Pinakausap ko na sa daddy nila, and sa ates nya pero wala pa rin talaga eh. I don't know what to do anymore.

And now, I have another dilemma about her, we started calling her "ate", a part of our preparation para maging ready sya for the new baby. I don't want her to feel left out pag dating ng baby, selosa kasi sya. Pero ngayon pa lang, ayaw nya ng tinatawag syang ate. Nagpaparinig pa sya na, I don't need a baby brother, specially baby sister. And akala nya, hindi na kami masaya na sya yung bunso namin kaya my new baby sibiling sya.

Oo nga sis, sana may thread for the bigger kids. :)

Kady_14

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #3 on: February 12, 2013, 10:37:24 pm »
Thank you sis,

Naku takot lang nya sa akin, jan nga ako napapagalitan ni husband kasi daw masyado akong strong magsalita sa anak namin na babae. I'm just being frank, alangan naman i-sugar coat ko ang mga bagay bagay. I want her to see the real world, pero ayoko naman maging monster mom, ayoko din maging kontrabida now that she's growing up. So ineexplain ko naman sa kanya bakit ganun ang sinabi ko after. We bond din like mother-daughter shopping (bet na bet nya 'to) and i make time for this para naman ma feel nya na di ako kontrabida.

Pero alam mo mas close pa din siya sa akin kesa ako her age with my mom. Siya kasi ng kkwento naman ng mga bagay bagay na if ako yun di ko masasabi o kwento sa mom ko nuon.  ???

Wow, may baby ka ulit? Ang saya naman, isa din yan sa super pinag iisipan ko. Parang ang layo na kasi ng gap and babalik ako ulit sa Square 1. Under careful negotiations pa kami ng asawa ko sa bagay na yan lalo't madami pa kami plano. Yung daughter ko caring siya, may pamangkin ako 2 years old na lagi nya inaalagaan. Love na love nya yun and ngpapaka yaya nga sya dun, nagagalit na yung husband ko kasi kina-career nya as in ginagawa nyang live doll si pinsan, pinapakain nya, tinitimplahan nya ng formula.  hahahaha... So alam namin na she'll really be a good caring "Ate". I-try mo kaya na yung mga ate nya ang mgpayo sa kanya. Kasi my daughter, nakikinig siya sa mga Ate pinsan nya. Lalo if pinagsasabihan siya, parang napapahiya siya ng slight. They all go to the same school kasi tapos kapag me family gatherings pinagsasabihan siya ng mga Ate nya. Ayun di na nya inuulit.

Re: baby, sa umpisa lang siguro, pero wag ka baka kapag lumabas na si baby eh mas siya pa ang di mgkandaugaga sa pag aalaga.

quinone

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #4 on: February 12, 2013, 10:56:43 pm »
"Eeeww, that's gross"

natawa ako kasi i remember very well na nagdaan rin ako sa stage na ganito at may moments na ganyang-ganyan rin ang sinasabi ko. hindi pinapansin ng mother ko ang kaartehan ko. pero may isa akong cousin na twing makikita niya ako sasabihin niya sa akin ""Eeeww, that's gross" pero in jest so ako natatawa lang sa kanya.

nung around 13 ako, wavy ang hair ko noon at balbon rin. yaan rin gusto ko then, mag alis ng hair sa legs at magpa-straight. sa hair straightening pinayagan ako ni mother :D (sis kapag nagka mens na yung dalaga mo i-monitor mo kung regular siya kasi these are sings of PCOS, tapos i got really fat that time and had oily skin. yes very early teens. so you can encourage her to incorporate exercise and have a balanced diet sa lifestyle niya.)

lastly, ok lang naman maging maarte i think huwag lang matapobre. stage lang talaga yan na kailangan sakyan.

Kady_14

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #5 on: February 13, 2013, 08:49:10 am »
hehe, sana nga sis. Kasi hindi naman kami mayaman at taga Ayala Alabang and awkward naman lalo if me mga kasamang tao na iba.

Naiinis lang ako kasi nga ang arte hahaha... hindi kasi ako ganun nuon. (Pero sabi ng mga ate pinsan ko maate din daw ako) Niloloko nila ako and ang school ko. Maarte daw mga bata dun - kagaya ko. lol
Boyish ako nuon tanda ko eh, I'll talk to her ng masinsinan, kasi sinabihan ko na siya na stop doing it lalo kung sa public kasi na-oobserve siya ng mga tao.

Excited na ako, birthday niya bukas. :)


Irtwisted

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #6 on: February 13, 2013, 09:05:01 am »
Aaaaw... Ang cute naman your daughters. Yan tuloy nainggit ako to have a daughter. I only have a son and have no intention of being pregnant again, puro football, comic books at other oy stuff lang alam nun.

Kady_14

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #7 on: February 13, 2013, 09:12:47 am »
i have a girl and a boy so i get to experience the best of both worlds. hahahaha...

Madami pa siyang "arte much" issues. lol.

- away kami sa hair, minsa gulo gulo.
- sa damit minsan kung ano gusto nya isuot yun isusuot, ginagaya yung uso sa kids ngayon.
- arte much mgsalita minsan sa mall.

* the best is when she talks with a put on "british" accent. This ticks my son and walks out and say "Oh man!!!!"

Kami ni hubs, tawa lang ng tawa.

angelzero

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #8 on: February 13, 2013, 09:47:10 am »
i don't have a daughter, I have a niece. she's 5. she's really funny and smart pero maarte. when we pick out clothes for her minsan ayaw nya. tapos gusto nya mahaba ang buhok nya. ayaw nya pagupit. she loves everything pink. bigyan mo sya ng stuff na hindi pink, like bags, notebooks or headbands, di nya gano magugustuhan. pag di nya type yung face nya sa isang photo ipapabura nya. grabe! kami naman ng ate ko (mom ni niece) hindi kami maarte when we were kids. i'm now looking back how did our parents raise us kaya di kami maarte. kasi pag nagka-daughter ako ayoko din sya maging maarte. hmmm...

jjqxiv

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #9 on: February 13, 2013, 05:53:56 pm »
@ Sis Kady_14,

Naku buti pa talaga yung daughter mo sis, masyado kasing matampuhin yung akin. Mapagsabihan lang ng konti, feeling nya "hindi" na agad sya love. Yung husband ko kasi mas disciplinarian samin, pag napapagalitan sila ng daddy nila ako yung takbuhan (karamihan ng mommies ganito ;D) Siguro nga kasi masyado kong na-spoil. We usually have our "mother-daughters" bonding every weekend, kaso pag may binibii yung ates nya, gusto nya meron din sya. Kung ano yung gagawin namin, gusto nya sya rin. Sabi ko naman wag syang mag-madali, enjoy nya muna yung childhood pero ayaw naman makinig.

Yes, sobrang ma-kwento nya din sakin. Sabi nya nga may "boyfriend" na sya - Louis of One Direction. She's such a fan girl, kaya pinaghahandaan ko na yung pambili ng ticket for the 1D concert if ever magkaroon dito sa Manila ;D

And yes sis, sobrang unexpected na (pero feeling ko planned ni hubby ;D) Malaking adjustment yung ginagawa namin ngayon, it's my 5th but feels like my 1st again. Lalo na medyo high risk yung pregnancy ko. May baby cousins din naman yung daughter ko sis, sweet and caring sya. She's a responsible cousin too. Pero nung sinabi namin na kami naman magkaka-baby, nag-bago talaga sya. Hindi na rin nya pinapansin yung baby cousins nya, unlike before na close na close sila. Pinakausap ko na sya mga ate nya, umiiyak lang.

Last night nga habang naglalaro sya, nagkalat sya ng marbles knowing na dadaan ako sa place nya. Nasabihan na naman sya ng daddy nya, and her response, Puro kayo baby, baby, baby. Sana mawala nalang sya. Whatever.

@ Irtwisted,

Ako naman, we want a baby boy! Excited na si hubby magkaroon ng "junior" nya. Sawa na daw sya sa pink stuff, dolls and everything girly ;D

Kady_14

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #10 on: February 13, 2013, 06:17:54 pm »
Siguro sis kasi panganay siya (my daughter) and sanay na me kapatid kasi yung son ko is just one year younger. As in 15 mos apart lang sila.

^ Yung sa'yo kasi siya ang baby nyo for so long kaya siguro nagseselos. Re: 1D, 'Lam mo na. PM mo ko para magkasama tayo :) Fan din siya ng 1D pero di naman niya sinasabi or baka di lang shini-share sino dun gusto nya. Pero she keeps giving us feedback/fact about them. At paulit ulit na pinapatugtog their songs kapag nasa bahay siya like weekends. Karindi lalo na nung bago pa lang ako mag-stay at home. 2 mos unemployed na kasi ako. hahaha...

Sana nga sis baby boy naman. :)





jjqxiv

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #11 on: February 13, 2013, 06:57:03 pm »
^ Siguro nga sis. Sana magbago pa talaga yung daughter ko.
Yes, sure sis. I will. :) Halos kabisado ko na nga din yung songs ng 1D. Pag sumasabay naman ako, tapos mali yung lyrics, sasawayin nya ako. Hahaha! ;D And yes sis, sana baby boy na talaga. Tagal na namin 'tong hinihintay :D


Sana marami pang mommies yung mag-share about their "arte" experiences with their daughters. :)
« Last Edit: February 13, 2013, 07:02:28 pm by jjqxiv »

iamgold

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #12 on: February 13, 2013, 07:19:02 pm »
Hi mga sis..me i have a 2 y/o kiddo turning 3 this may susme kaarte! Pero kinukunsinti ko naman hehe meron siyang sariling bag with her own lipgloss, face powder,mirror,hairbrush etc. And take note, ayaw magpa gupit sa kung saan saang salon kelangan sa david's salon lang,type niya kase mag bangs! Ako keber lang, fun kaya, ineenjoy ko nalang ba may anak akong babae..actually binoblow dry ko din siya pag gusto nya syempre yung cold lang yung setting..alam nyo mga sis gusto ko kase maging open
Siya sakin yung makalakihan niya na nagsasabi sakin ng mga gusto niya, halimbawa gusto ko yung pag gusto niyang magpabili ng lipgloss yung hindi siya mahihiya sakin yung wala siyang inhibitions..regarding naman sa waxing issue ng ua explain ko siguro sakanya pag big na siya na anak no pa pero when you start having hair sa ua mo let's go to the derma and ask her if what age ka
Pwede magpa laser...mga sis maraming bata ang maarte pero it doesn't mean na bad girls sila. Siguro they are just discovering themselves.kahit maarte ang bata basta nagagabayan natin silang maigi keber lang yun..its soo fun yung ganong age nila na feeling big na. Ako nga dati i remember palage kong tinatanong mom ko kung pwede na ko uminom ng enervon cap as vitamins syr kase iniinom ko dati eh feeling ko pag tablet na dalaga na..then pag sa grocery and dept store pag pumasok ka then yung guard nagsabi nang goodmorning mam im so kilig feeling ko dalaga na ko hehe! Chill lang tayo mga mommies..babies pa din natin sila remember, only a child wants to be an adult hehe

Shadow Angel

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #13 on: February 14, 2013, 03:16:58 am »
Uso na ata sa kids ang ganito rin kasi mga pinsan at pamangkin ko.. Minsan OA na sa kaartehan..

iampennylane

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #14 on: February 14, 2013, 05:58:36 am »
I have 3 girls, 6, 4 and 3 yung ages nila. Yung nasa gitna yung pinaka maarte, as in everyday gusto niya naka dress sya lagi, and sya yung laging may hawak ng suklay, laging nakaharap sa salamin. Pag aalis kami lagi nyang sinasabi, gusto niya naka lipstick din sya, umiiyak talaga pag di ko nilagyan so minsan napapagalitan ko din. Iba na talaga siguro mga bata ngayon eh. Sya naman ang lagi niyang sinasabi "That's so eeewwwiiie, mama!" O kaya, "mama, si Hailey so eeewwwiiee!" Daig pa ate nya mag inarte.

jjqxiv

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #15 on: February 14, 2013, 06:19:48 pm »
@ Shadow Angel,

Iba na talaga yung mga bata ngayon. Daig pa yung teenagers and mommies ;D



And eto pa, kanina nung pagkauwi nya from school, nagulat ako may binabasa sya. I thought she's studying pero hindi pala, Louis Vuitton catalogue pala yun :o At nagtuturo sya ng kung ano-anong bags yung gusto nya. Sabi nya sakin, "Mom please buy me this (pointing to the bag) on my birthday" Grabe talaga. Lady-like na ang baby ko!

Shadow Angel

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #16 on: February 14, 2013, 06:46:44 pm »
^oo nga.. Meron nga ako pinsan elementary pa lang grade 4 napapagalitan ng tita ko kasi pinanliligo gatas naloka nga kami sabi nga namin dalaga na ba? Bumibiili pa ng eskinol at papaya soap un daw ginagamit pati damit at ayos ng hair hindi namin maintindihan fashionista na kung mag style sabi ng tita ko elementary pa lang ganyan na paano na pag nag highschool naiiyak na lang si tita sa inis

jjqxiv

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #17 on: February 14, 2013, 07:04:09 pm »
^ Yes grabe... Yung daughter ko, ginagaya naman ako re maligo sa gatas ::) Gusto nya sya rin. Napapa-iling nalang talaga ako kapag napapansin ko yung "kaartehan" nya. Hindi ko na alam yung sasabihin or gagawin eh.

Shadow Angel

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #18 on: February 14, 2013, 07:25:06 pm »
^ganyan din problema ni tita., ang kinis at ang puti naman ng cousin ko un pero mega ligo agad ng gatas

iamgold

  • Guest
Re: How to deal with "feeling dalaga" daughter?
« Reply #19 on: February 16, 2013, 10:31:45 am »
Maybe mga sis make uto nalang dun sa pinsan mo..kunwari ibili ng tita mo ng lotion and shower gel
then sabihin nyo na maganda yun sa skin kesa sa milk.syempre mga kids na feeling dalaga bet na bet nila yung ganyang lotion lotion and shower gels na mababango di ba.. ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close