okay, so here 's the situation....
i have a partner (partner since we are not married yet and he has kids. 2 sons and 2 daughters)
the eldest is the daughter, that girl doesn't go to our place, mainly because she is busy studying. she is on her sophomore year in college now. but we (partner and i) visit her once in a while. payag naman yong family ng mom ng bata, they were nice naman when it comes to partner visiting his daughter.
the second and third child, both boys (iba ang nanay ng mga ito). eto yong mga pumupunta madalas sa bahay namin. 2011 pinalayas yong second child ng bio mom nila. so, siyempre, wala namang ibang tutuluyan yon, tinanggap ko kahit sa totoo lang ayaw ni partner. as in tatay niya mismo ang ayaw tumanggap sa kanya ha. reason ni partner is, maliit lang daw ang house namin (that time kasi maliit nga lang ang house then kasya lang for 2 occupant) at yong bed is kasya lang rin for 2. i mean, queen size naman pero siyempre kahit ako ayoko rin nagsisiksikan sa bed, eh.

dumating yong time na nagkaproblem kami ni hubby, he needs to undergo rehab so that means, mawawala siya sa house for sometime. when he started his rehabilitation, yong second child nasa akin pa rin. hindi bumalik sa bio mom niya. ako nagbibigay ng allowance everyday sa school and all he needs para makapasok. sige okay lang.pero nagka-problem for some reasons na kinailangan ni second child na bumalik sa bio mom niya. so hinayaan ko
[textspeak!]. after a month, may nabalitaan ako from the bio mom na kesyo ano ano raw ang pinagsasabi ko tungkol sa mga anak niya. so siyempre ako ide-defend ko ang sarili ko. pumunta ako sa kanila ng maayos, maayos akong nakipag-usap, pero iniskandalo ako nong nanay. okay fine, sige. hayaan na lang ayaw ko rin naman kasi ng nega vibes eh. after a month ulit, naka-online ako sa FB. nag-comment ako sa pic ng common friend namin who happened to be ex-GF ni second child (18 years old lang si ex-GF). noong nag-comment ako, i didn't know na naka-online rin pala si second child and his current GF. inaway rin ako for some reason that i do not know. kesyo masyado daw akong mapapel at ano ano pa ang sinabi sa akin at hindi ko talaga natiis. so habang online ako, i talked to my pamangkin na siya muna sa FB ko since alam ako malamang saan naka-online yong mga yon. so pumunta ako doon sa internet shop. to my horror, ang nakita ko eh si second child nasa harap ng computer, then si current GF nasa likod niya. so, naisip ko, malamang si second child ang nag-type ng mga yon. or if hindi niya naman idea yon at sa current GF, bakit sinunod pa niya.nakita nila ako at si current GF nagwala at ano ano rin ang sinabi na masakit sa akin
again...deadma. ayaw ko ng bad vibes.
when i visited partner, na-kwento ko sa kanya ang nangyari. kahit yong ginawa sa akin ng ex niya. nagalit siya and told me, wag ko na daw pansinin ang mga yon. sige, hayaan na lang.
fast forward...
after a year, umuwi na sa partner. so we started anew. everything is new.house, new job,gamit and everything. i was hoping magiging okay ang lahat sa amin, but then again, im wrong (sa tingin ko). pumupunta ulit ang second ang third child. again, wala akong pakealam. i mean, okay lang sa akin yon. pero this time is different. different kasi iba na ang pakiramdam ko. inis na ako kasi dahil sa ginawa nila sa kin. pero i know i have to let it go. walang mangyayari kong hahayaan ko lang na galit ang mauna at mangibabaw sa akin. minsan, dumating si second child with his friend. so, hinanap niya ang papa niya. eh nasa clubhouse ang papa nila so sinabi ko bakit hinahanap, ang sagot sa akin, "wala magba-basketball sana kami." (sabay kamot ng ulo parang nainis) so nagtaka ako pero i still kept my calm since nandoon ang mga friends niya. ang sagot ko, nandoon sa clubhouse puntahan mo na lang. eh di umalis na. after a couple of hours, dumating si partner, tinanong ko if nakita niya ng anak niya since pumunta dito at hinahanap siya. sabi oo daw then na-kwento ko sa kanya ang ginawa.so, okay lang.we went on with our lives.
si third son, mas madalas pumunta. okay lang rin yon. ang ayaw ko lang, hindi man lang makapag-hugas ng pinagkainan. hindi mailigpit ang bedsheet pagkagising. i undersand mga lalaki sila pero is that how they are sa house ng mom nila? walang alam gawin? c'mon, i have nephews the same age as them pero these teens know how to do the dishes and fix their own room! sila, walang alam gawin. ang ayaw ko pa, masyadong bine-baby ni partner, to the point na kakainin na lang kailangan pang ipaghanda ni partner. hay.
2 weeks ago, dumating si second child, kasama ang babae na nabuntis niya (eto yong current GF na umaway sa akin and yes, buntis na siya ngayon) ako naman, civil. ayaw ko silang bastusin. so sige, okay lang din ulit.
ang pinaka nakapag-painit ng ulo ko eh ang ginagawa nila pag nandito sila. walang ginagawa para malinisan ang bahay. lagi lang naka-nganga.
i confronted partner, and talagang we had a very heavy confrontation last week. as in nagsigawan kami kasi sabi ko sa kanya sana naman kapag nandito mga anak niya, pakilusin niya naman. hindi yong darating ako from the office, may dishes nasa lababo, hindi man lang maghugas ako pa maghuhugas eh pagod ako. kapag inutusan, ewan ko kong nananadya, mali mali ang bibilhin kahit malinaw naman ang utos sa kanila.and sabi ni partner, para ko daw ginagawang alipin ang mga anak niya, ang sagot ko, "alipin ba yong tawag sa paghugas ng pinagkainan, pagligpit ng pinaghigaan, alipin ba yon at hindi ba pagiging masinop yon?" at saan saan na napunta ng usapan namin.
yesterday, nanghiram ang pamangkin ko ng portable DVD, so dinala ko doon sa house ng mom ko since doon sila nakatira. mga 8pm dumating siya sinusundo niya ako, narinig ng sister ko, sabi ng partner ko "yong DVD dalhin mo na rin". nasa sala kami noon then biglang pumasok sa room si sister, eh nandoon ang DVD. noong kinukuha ko na, sabi ng sister ko "naku, noong isang araw pa hinihiram ng mga bata yan, dito muna yan." sabay tingin sa hagdan which nandoon ang partner ko na papababa na. so sige iniwan ko.
noong nasa sasakyan na kami, sabi ko hiniram ni sister yong portable DVD. nagalit siya. bigla ba naman pinaandar ng pagkabilis-bilis ang sasakyan.hanggang makarating kami sa bahay namin. daldal ng daldal. unli ang pagdaldal niya kong ano ano ang mga sinabi tungkol sa kapatid ko. tapos may linya pa siya na "yong mga anak ko di ko na pinapupunta dito kasi sabi ko nagagalit ka." ang sagot ko, "sana ang sinabi mo sa kanila kaya ayaw ko sila dito kasi mga tamad sila! kasi parehas kayo ng nanay ng mga yan, ginagawa niyong mga inutil ang mga anak ninyo! hindi niyo man lang turuan ng kahit konting chores para man lang magkaroon ng sense of responsilbility!
naguguluhan ako. parang ang feeling ko ang damot damot niya. ugali na ayaw na ayaw ko.
naiisip ko tuloy baka mas maganda kung maghiwalay kami?