we just got back. DIY trip ang sa amin. well dressed ang mga tao sa TST at central

ako lang ang nakita kong naka flipflops-type. ang bibilis ring maglakad at kumilos when you buy something pay na kagad or else makikita mo yung kahera inip na sayo.
para sa mga katulad naming window shopping lang at eating ang pakay, walang disney etc, pinakamaganda i think is to eat and rest/sit every 3 hours kasi nakakapagod. plan kung saan kakain, mahirap na pagod ka na disappointed ka pa sa food.
hindi kami nagpunta sa citygate at ladies
night market, kasi sa pagbabasa namin parang same lang siya sa temple street at fa yuen na flea market.
sarap sumakay ng ferry papuntang central, mababaw lang kaligayahan ko talaga

nakakatuwa pumasok sa shop at magtanong ng prices then malaman mo kung mas mura or mas mahal sa atin LOL. may mga mura/discounted nga sa sasa. i think bonjour is legit also? sine-sell nila yung mga sample sizes, around 200php each. para sa akin, parang mahal yun. buti hindi ako mahilig sa make-ups dahil parang mecca talaga ang HK sa addicted.
marami ring dessert shops. yung medyo maayos na shop nasa around $40hkd per piece pero masasarap naman

if anyone is interested i can post saan kami kumain, ano kinain, at price. sa ngayon tingin ko majority ang gusto mag sight-see at shop, so kung may mag request na lang dito.
overall, masaya ang trip pero hanggang 3-4 days lang kaya dahil nakakapagod!
edit:normally, walang tissue sa mga restos, so bring your own. yung tea na sine-serve nila (di ba yung water libre sa atin), normally may charge, pwede mo naman sabihin na hindi ninyo kailangan, pero kami ni hubby iniinom namin kasi hassle at mabigat magdala ng water.