watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 31)  (Read 76617 times)

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #180 on: February 27, 2013, 01:21:22 pm »
^ thank you sa inyong lahat. Na-comfort ako dun... takot talaga ako sa mga ganyang bagay... dapitan to ust gate nga di ko matawid hanggat di full stop ang mga sasakyan eh... Hehe... Enough of that, back to topic na ako :-)

sa tingin nyo, kung 9am ang flight namin pabalik ng manila... anong oras kami dapat umalis ng GC? kasi nakita ko yung sched ng bus, 5am ata ang pinaka unang alis sa morning... tapos 3am ata yung last nung night bus. Parang alanganin ako... iniisip ko rin yung travel time from GC to Airport. Ano sa tingin nyo magandang gawin mag bus or airport express na lang? As usual ayoko mangarag sa airport at gusto ko rin mag ikot ikot sa HKIA.
« Last Edit: February 27, 2013, 01:24:56 pm by melmedrano »

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #181 on: February 27, 2013, 01:42:06 pm »
^^sis, mas convenient ang bus, airport express kasi baba ka pa ng tsing yi, iba kasi terminal non sa MTR. 1 hour lang naman byahe from GC to airport. ;)

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #182 on: February 27, 2013, 01:51:35 pm »
^ thanks sis rocky... i'll make sure na lang siguro that we catch the first trip para di kami mangarag.

^^ thanks din sis diane... i will also include taking a cab as our option.

Sabi nga pala icheck ang website ng HKIA for specific details like kung saang hall/aisle... I will keep that in mind, pati mag w-web check-in talaga ako. :-)

thank you so much sa mga inputs.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #183 on: February 27, 2013, 02:16:54 pm »
^ilan ba kayo sis? kung madami kayo, keri na ang cab para may kahati ka sa expense pero kung 2 lang kayo, uber mahal ng cab sa hk tapos ang layo pa ng airport. :-\

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #184 on: February 27, 2013, 02:28:07 pm »
tatlo lang sis... ako, hubby and 3 y/o son.

dahil sa sinabi mo... bus na lang kami. Hehe! Kuripot ako eh... oorasan ko na lang ang travel time namin from airport to TST... pag papunta kami ng GC... para more or less maestimate ko yung time na kakailanganin namin para sa pagbalik ng airport. i-che-check ko nga ulit yung sched ng bus. Update ko kayo.

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #185 on: February 27, 2013, 03:05:14 pm »
eto sis ang nakalagay na sched nung N21 na bus:

N21   Tsim Sha Tsui (Star Ferry)   01:30 - 05:10

ano kaya ibig sabihin nung 05:10? yun kaya yung last na alis nya sa TST na terminal? or last na operation nya, as in stop na sya sa airport by then

Tapos yung A21 naman:

A21   Hung Hom Station   05:30 - 24:00

5:30 pa pala ang pinaka unang byahe nya... kaya kaya yun? 9AM ang flight namin?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #186 on: February 27, 2013, 04:02:06 pm »
^kaya naman sis, kasi 1 hour lang naman byahe & hindi naman katulad dito sa tin na mas madami pa hinto kakakuha ng mga pasahero. don may specific bus stop lang sya. :) hanapin mo lang check-in counter ng airline nyo tapos daan ng immigration then sakay ng train papuntang boarding gate. ;)

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #187 on: February 27, 2013, 04:12:21 pm »
ok sis... i trust you. bus na lang kami. We will check-out at 5am na lang sa GC and take it from there... kaya na namin yun. Chineck ko na nga agad ang check-in counter ng Cebu Pacific. Aisle D daw. Gusto ko rin sana mamasyal masyal sa airport, pero I can skip that naman... and save that for our next HK trip.

Almost planstado na ang vacation namin... may nakita din akong rickshaw sightseeing bus, baka itry namin yun instead na DIY... at least sa central lang ang terminus nya. Marami din akong nabasang must try na kainan around central so baka yun na lang ang gawin namin sa day3 namin after Giant Buddha.

We're so excited. Sana May na. :-)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #188 on: February 27, 2013, 04:32:45 pm »
N21   Tsim Sha Tsui (Star Ferry)   01:30 - 05:10

ano kaya ibig sabihin nung 05:10? yun kaya yung last na alis nya sa TST na terminal? or last na operation nya, as in stop na sya sa airport by then

Buses with "N" means it's a night bus. 5:10 am yung last trip nya from TST.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #189 on: February 27, 2013, 04:41:33 pm »
^^sis, halos tapat mismo ng GC yong bus stop. yong papuntang airport naman, lakad ng konti tapos tatawid ka lang sa kabilang kalsada. ;)

click mo yong map, makikita mo yong drawing ng bus stop na kulay blue sa tapat ng golden crown court. ;) http://www.goldencrownhk.com/hotels_hong_kong/location
« Last Edit: February 27, 2013, 04:46:20 pm by rocky »

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #190 on: February 27, 2013, 04:54:33 pm »
^^ thanks sis... that's good to hear na 05:10 pala ang last trip from TST going to airport... maybe we can catch that para sure na di kami magahol at makapag pasyal pasyal at picture picture sa airport. Hehe... Kung hindi naman namin abutan, we'll just wait for the first bus ng A21.

Thanks again.

^ yes sis, check mo lang sa site ng GC... andun sa location na tab kung paano ka pupunta sa GC pag mag-b-bus.

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #191 on: February 27, 2013, 09:19:35 pm »
^ sis "A" buses are express, "cityflyer" nga tawag sa kanya. Mga 30-40 mins ang byahe pag ito ang sinakyan mo. Pag "E" buses aabutin ka ng mga 1 oras. Kahit mga 6:30 am ka umalis sa TST, pedeng pede. Kasi pag umuuwi ako ng Phil. 6:30 am ako umaalis dito sa house pag 8:25 ang flight ko, saktong sakto lang, minsan nakakapag breakfast pa ko sa airport. Pero kung gusto mo mag ikot-ikot sa airport tama nga na agahan mo.

lilstar

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #192 on: February 28, 2013, 12:34:40 am »
Babalik kami ng HK sa May. Company outing namin. ofcourse sasama ko si hubby.
kamusta ang weather sa May? rainy na ba talaga? What to wear?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #193 on: February 28, 2013, 04:00:39 am »
^ Perfect weather ang May, hindi na malamig pero hindi din ma-humid, just right. You can wear anything you like na, shorts, tank tops... Maulan? Im not sure about that, pero parang hindi naman.

Diane

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #194 on: February 28, 2013, 07:15:23 am »
thank you sis melmedrano at sis rocky. I have baby with me kasi saka senior citizen kaya prefer ko is pinakaconvenient way to get into Golden Crown Court - sa yiu fai guesthouse kami, same building naman ng GC yun di ba?

marami bang cheap kainan within GC?

snowflakes08

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #195 on: February 28, 2013, 07:22:30 am »
How is the weather in HK this coming weekend? Malamig ba so hindi carry mag-shorts ganun?  ;)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #196 on: February 28, 2013, 07:36:54 am »
^sis, chech mo weather
http://www.hko.gov.hk/contente.htm

Babalik kami ng HK sa May. Company outing namin. ofcourse sasama ko si hubby.
kamusta ang weather sa May? rainy na ba talaga? What to wear?
sis, inggit much! ang bongga naman ng company nyo. kami hanggang subic & batangas lang. hehe ;D

^^sis Diane, yes same building lang sila ng GC :)

snowflakes08

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #197 on: February 28, 2013, 08:09:07 am »
^ Thanks sis Rocky.

Any feedback regarding Shamrock Hotel or Chelsea Hotel sa TST? Ok na magstay dun and accessible like MTR?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #198 on: February 28, 2013, 09:09:03 am »
^sorry sis, never pa akong nakapag-stay jan since may friend ako sa hk don ako sa flat nya nakikitira ;)

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #199 on: February 28, 2013, 10:21:05 am »
^ sis "A" buses are express, "cityflyer" nga tawag sa kanya. Mga 30-40 mins ang byahe pag ito ang sinakyan mo. Pag "E" buses aabutin ka ng mga 1 oras. Kahit mga 6:30 am ka umalis sa TST, pedeng pede. Kasi pag umuuwi ako ng Phil. 6:30 am ako umaalis dito sa house pag 8:25 ang flight ko, saktong sakto lang, minsan nakakapag breakfast pa ko sa airport. Pero kung gusto mo mag ikot-ikot sa airport tama nga na agahan mo.

Thanks sis... great to know na mabilis pala yung bus na yun. Hehe! Nawala ang kaba ko. At least hanggang pauwi relax lang kami. Im so excited na talaga! :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close