watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 31)  (Read 76201 times)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #120 on: February 22, 2013, 12:22:50 pm »
Did one day HK last time we were there. Macau kasi talaga destination namin. Arrived ng maaga sa HKIA, diretso kami Ngong Ping (left our luggage sa locker). After lunch, balik na Tung Chung, ikot konti sa Citygate then punta na TST. Checked in sa Holiday Inn Golden Mile, then rest. Lumabas na lang ulit kami around 7pm na. Malls, then Temple St. night market, then walk back to hotel. Knabukasan, brunch sa Crystal Jade then we took the 12nn ferry to Macau.

5th-6th trip na rin namin sa hk so oks lang talaga ang one day. Feel lang namin ni husband maglakad-lakad at kumain ng street food. Hehe..

msrain

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #121 on: February 22, 2013, 12:37:41 pm »
ask ko lang, strict po ba ang hk disneyland at ocean park sa ticket for 3 years old? we will travel on nov 6. my daughter's birthday is oct. 24. she will turn 3 by that time.. parang nanghihinayang naman ako kasi mga almost 2 weeks after nyang mag-3 e mag-HK kami.. tapos may bayad na sya sa entrance. vine-verify ba nila ang age ng bata? balak ko sana hindi muna sya bilhan ng ticket. baka sakaling free pa sya.

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #122 on: February 22, 2013, 12:47:59 pm »
Hindi nila vine-verify... My daughter is turning 4 already and libre pa din sya sa lahat, disney,ocean park, mtr, bus, even sa mga resto buffet.

engroselle

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #123 on: February 22, 2013, 01:54:52 pm »
questions po:
1) ano po mga do's and dont's pag namimili sa HK lalo na sa mga tiangge nila? di kasi ako marunong tumawad. hehe
2) i heard na parang pag hinawakan mo, buy mo na dapat. or kung makikipagtawaran ka, you must agree at a price at kung hindi kayo nagkasundo e, hindi pwedeng wala kang bibilhin sa kanila?... is this true?
3) ano po ang murang souvenirs from hk? yung maramihan yung pwedeng bilhin at saan po nabibili? shirts, keychains, coin purses... wala po kasi kami time to buy sa Temple st at Mongkok. TST area lang po kami.
4) ano po yung mura pero masarap na pasalubong na food? saan po nakakabili nito at magkano?
5) mura lang po ba food nila sa mga convenience stores? yung pwedeng baunin sa trips? like water, crackers, etc.
5) i read na unruly sila pagdating sa mga pila, how do you deal with them? ayokong mapaaway. :D
sa SG po kasi, super disciplined ang tao pagdating sa pila. sinusunod talaga nila.

thanks po sa sasagot!

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #124 on: February 22, 2013, 02:44:11 pm »
Kung pano ka mamili sa divisoria, ganon din dapat, wag ka tatawad kung di ka bibili para di ka kulitin, pag kinulit ka dedma lang or layasan mo...
Yung no.3 you already answered your own question, may nabibili din na mga i love you hk tshirt, key chains and souvenirs kahit sa TST, tingin ka lang sa mga gilid gilid.
Masarap na pasalubong sana ang beef jerky pero mejo pricey sya, roast duck and egg tart.
Mas mura bumili sa grocery kesa sa convenient store, pero konti lang naman ang difference mga .50-1hkd, may mga nabibili din don na mga sandwich and may ibang circle k na nagbebenta ng mga siomai, fishballs, noodles and char sui pao (siopao)
For number 6, may mga ganon talagang intsik, makukulit sa pila, kaya wag mo sila bibigyan ng chance na makasingit. Pag sumingit pa din dedma na lang.

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #125 on: February 22, 2013, 03:22:50 pm »
^ sis you mentioned beef jerky... san makakabili nun na masarap? sana yung store na malapit sa Gloden Crown. Thanks

Miss D-em

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #126 on: February 22, 2013, 04:25:08 pm »
Mga sis saan kaya sa HK magandang pagbilhan ng mga makeup or beauty stuffs? Yung parang daiso or saizen lang dito. Meron bang ganun dun.
Thanks :)

runbarbierun

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #127 on: February 22, 2013, 05:21:57 pm »
^ Sasa or Bonjour! Though not tig-php85 ganun ha.

melmedrano

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #128 on: February 22, 2013, 05:27:49 pm »
Eto na ang Day 3 and departure Itinerary namin...

After Breakfast, we will go to Giant Buddha. MTR na lang kami, then standard cabin cable car. Gaano ba katagal ang usual trip and sight seeing dito, 2 hours is ok na ba? Siguro mga 10 am kami darating dun then dun na rin kami mag lulunch. Any recommended place to eat there?

Tapos same route na rin kami pabalik ng Golden Crown then rest na muna kami dun.

Tapos around 3pm, gusto namin pumunta sa Haiphong Street to catch some street food. Ano po ba usually ang type of food dito? noodles? dimsum?

Then kung may time pa at di pa kami masyadong pagod... balak sana namin mag road trip... sakay lang sa double decker bus tapos balik na rin sa hotel... ano kayang route or bus ang magandang sakyan?

Then pahinga kami ng maaga kasi early flight kami kinabukasan.

By the way, 9:45 am ang flight namin pabalik ng clark, what time kaya kami dapat umalis ng golden crown? tapos saan kami sasakay ng bus, as in tatawid lang ba?

Thanks in advance sa mga sasagot! :-)

pampam2

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #129 on: February 22, 2013, 05:42:10 pm »
:( mukhang sira itinerary ko dahil sa Airphil..Akala ko relax na ko dahil 6 months early preparation ko tapos bigla cancelled flight namin pabalik. Tapos papaltan nila ng HK Mnl instead na Clark worst is early flight pa, eh di sayang na isang araw namin originally late night pabalik namin. 3 days na nga lang gagawin pang 2 days. Grrrr >:(
 

msrain

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #130 on: February 22, 2013, 11:37:05 pm »
sis prettybarbie, thanks! so pagdating sa entrance derecho na lang kami.... hindi naman na nga siguro matatanong pa unless na lang malaki yung bata.

another question po, nababasa ko po dito yung sa new yiu fai guesthouse. i checked the website and mukhang bago at maganda nga ang rooms nila. medyo hesitant lang ako kasi baka sa picture lang maganda. second, baka pagdating don, hindi mo naman makuha yung room na na-book mo.  previous trips kasi, we stayed at hotel benito... good experience ako don.... next nag-try kami mag-hostel. sa taisan kami nag-stay. what happened naman don, pagdating namin, hindi yung room na na-book namin yung actual na napunta sa amin.  actually, nabasa ko na sa PEX before na ganon ang sakit ng Taisan. Nag-iiba yung room assignments.  E ngayong pagbalik namin, I want to try different guesthouse.  So sana po, may magbigay pa ng review nila don sa new yiu fai.  I am still eyeing for hotel benito kaso wala pa sila available rates now dahil november pa kami.  how about kimberly hotel? any feedback mga sis? thanks!
« Last Edit: February 23, 2013, 02:11:40 am by msrain »

username.taken

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #131 on: February 23, 2013, 12:07:00 pm »
hi mga sis. :) saan ang mas ok magshop- hong kong or bangkok? planning to travel around july. super cheap ba sa hongkong during that time? coz i heard na sale season during that time.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #132 on: February 23, 2013, 02:19:31 pm »
^ for me - for "tiangge" shopping, Bangkok (Chatuchak, Platinum, MBK) is better than in HK.

mhitchy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #133 on: February 23, 2013, 10:13:05 pm »
hello mga sisies, We're in HK now, ask ko lang what malaoit na IKEA here sa Golden Crown?  Thanks!

sweety_paige

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #134 on: February 23, 2013, 10:57:14 pm »
^for me yung nasa causeway bay =)

engroselle

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #135 on: February 23, 2013, 11:12:56 pm »
hi mga sis!
may marerecommend po ba kayong bar or somewhere na pwedeng uminom ng beer to unwind?with a band perhaps?
 yung around tst or malapit po sa jordan station?
kid friendly po ba yung mga bars nila?
around how much po ang beer,  if may nakakaalam po.
thanks po sa sasagot!

btw, nakagawa napo ako ng it namin. post ko po sa monday. with budget na din. :-)
i decided to take the bus paakyat-baba ng the peak. arch kasi si hubby. i think mas maappreciate nya scenery at houses dun pag bus kami, instead na tram.

have been exchanging emails with BP Intl. they're offering 4 bunk beds for us. ayoko naman ng bunk bed. nabasa ko na matigas daw. haha
they also mentioned twin beds plus an extra bed. kasya kaya kami: hubby, me, 14 y/o, 10y/o?
thanks!
« Last Edit: February 23, 2013, 11:14:28 pm by engroselle »

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #136 on: February 24, 2013, 12:42:13 am »
^ sis maraming bar na may band sa Wanchai and Lan Kwai Fong, sa Cinta-J sa wanchai pede ang bata, bar restaurant to so pede na din kayo mag dinner dito. Katapat ng Cinta-J yung Spicy Fingers pede din ang bata pag wala pang 11 PM, may live band din dito pati sa katabing bar na Dusk Till Dawn (pero dito strict sila).  Mostly yung mga bars di sila nagpapasok ng bata/menor de edad. Sa LKF naman Insomia and Hard Rock Cafe lang ang may live band, ang alam ko sa Hard Rock pede ang bata, sa Insomia ata hindi.

May Sticky Fingers sa TST sa mody road malapit sa Shangrila Hotel, may live band din dito but im not sure kung nagpapapasok sila ng bata. And also Stormies in Austin Road West.

a bottle of beer costs HKD25-70, and cocktails around HKD80-130 depending on what you drink and where...especially bars and lounges with a view you have to pay more...

username.taken

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #137 on: February 24, 2013, 09:53:02 am »
hi mga sis. planning on going to hongkong this june or july coz it's sale season. question lang, ok na bang dalhin pang shopping ang 50k? and ggastusin ko lang yun sa mga shops like h&m, sasa, and mga tiangges sa hk. ok na kaya yun?

also, mas mura ba ang mac sa hk compared dito sa philippines?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #138 on: February 24, 2013, 10:16:33 am »
50k PHP= 9,5++ HKD pede na yan sis :) Yung 1k HKD madami ng nabibili sa tiangge like yung mga i love u HK tshirt parang 3 or 4 pcs for 100HKD, then yung mga keychain parang 25 each lang. Sa H&M naman and forever 21 makakabili ka na ng magandang shoes worth 160HKD and yung mga accessories parang 60-80HKD each. A nice dress costs around 200-400HKD. Sa Sasa ang mga perfumes around 250-500HKD. Madami ka na din mabibili sa 9,500 mo.

queencath

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 31)
« Reply #139 on: February 24, 2013, 08:56:13 pm »
Sa magccheck in sa golden crown, pakitanong naman kung pwede buli ng ticket ng DL kahit hindi nakacheck in sa kanila. TIA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close