watch now

Author Topic: SAGADA Thread 5  (Read 81836 times)

shegothim

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #220 on: January 08, 2014, 10:04:53 am »
malalakas mga guide ng sagada. kaya nila iyon. basta kung anong sabihin nila sa loob ng cave sunod ka lang.

kung first time mo mahirap pero kaya naman iyon. worth it ang pagod sa makikita mo sa loob ng cave. nung first time ko kasi doon hirap din ako, di ko rin kasi hilig noon ang akyatan. pero sa ngalan ng picture nagawa ko naman.

rinapie

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #221 on: January 08, 2014, 02:51:02 pm »
hindi naman yata mahirap ang sumaguing. ang alam ko yun ang pinaka madali. cave connections ang mahirap-hirap, mga 4hours. wala naman akong naalala na tumapak ako sa guide...pero umaalalay talaga sila.

true, malakas ang mga guide at yun ang kaligtasan mo, makinig ka sa mga guide. by the way, may orange picking yata sa sagada, malapit lang din yata, baka puntahan ninyo din.

tetet

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #222 on: January 08, 2014, 05:19:28 pm »
Haha. I read that sa blog ni sis chyngreyes. I think dun yun sa cave connection. Sabi naman ni sis shegothim nakaya naman daw nya spelunking sa sumaguing. Kuha na lang tayo ng malaki laking guide. Tapos magbigay ng tip pambili ng alaxan at salonpas. Hehe

shegothim

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #223 on: January 08, 2014, 05:25:22 pm »
nung unang sumaguing ko kasi di ako mahilig umakyat at maglakad-lakad plus mataba pa ako kaya nahirapan ako. pero nung pangalawang punta ko dun ok na. then nag-cave connection na nga ako nung last time.

kaya mo yan sis tetet. may friend nga ako na mataba din plus claustrophobic din sya nakapagsumaguing din nung pumunta sya. so kaya mo yan.

tetet

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #224 on: January 17, 2014, 03:42:04 pm »
We're going here sana unfortunately fully booked na lahat ang inns and lodging houses. Nataon pala kasi sa ETAD festival yung punta namin (Jan 30 to Feb 1). :( im broken hearted

beautyandcurves

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #225 on: January 17, 2014, 03:46:11 pm »
talaga? balak ko pa naman ganun date pumunta booo!

Maein

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #226 on: January 25, 2014, 09:19:31 am »
may mga sis ba tayo na pupunta ng holyweek? at kung okay ba pumunta dito ng holywk?

shegothim

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #227 on: January 25, 2014, 08:06:20 pm »
madaming tao doon pag holyweek. if plan nyo talagang pumunta ngayon palang magpareserve na kayo ng lodging na tutuluyan nyo.

hakunamatata

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #228 on: January 27, 2014, 11:41:10 am »
ano bang mas ok D.I.Y sagada tour or yung mga sagada tours from travel online? may kasama kasi kaming mga oldies naisip namin baka mahirapan sila yung putol putol ang byahe.

Suggestions please.



TIA.

shegothim

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #229 on: January 27, 2014, 01:53:57 pm »
diy na lang sis para on your own pace. pag sa tours online na may kasamang ibang tao baka kasi di kayo magkasundo-sundo sa time dahil may kasama kayong oldies. baka may mabagalan or di kayo makasunod sa pace ng kasama nyo.

mixxy16

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #230 on: January 28, 2014, 02:06:56 am »
Kasado na ako for Sagada on the 27th of Feb - Mar 1. Yung mga kasama ko pa lang yung hinde, at mukhang magsosolo trip na naman ako. Pero kinakabahan ako. :D


Meron ba sa inyo mga sis na planning to go here on the said dates? :D

Lady Blue

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #231 on: January 28, 2014, 03:47:03 am »
^ Wag ka kabahan, sis! Nagsolo trip din ako dyan sa Sagada. Enjoyed much! And food trip galore :D

mixxy16

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #232 on: January 28, 2014, 10:25:11 am »
^Sis yung sa fees sa tour guide, sumama ka ba sa ibang groups or solo ka din? Hirap kasi ako magapproach sa strangers lalo na sa groups. XD Yieeee kinakabahan talaga ako pero naeexcite ako, hahaha.

Lady Blue

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #233 on: January 28, 2014, 06:13:54 pm »
^ Sis, malas nung pumunta kasi ako dun, nung araw na dapat magki-caving ako eh may typhoon signal # 2 kaya di natuloy.. So ginawa ko na lang is nag-food trip. Pero kung solo ka at shy, punta ka sa office ng SAGGAS.. Pwede mo sabihin na gusto magjoin sa ibang group para makatipid, sila mismo hahanap ng group for you..

mixxy16

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #234 on: January 28, 2014, 08:38:46 pm »
^YAY! Thank you sis. Lumalakas na loob ko dahil sayo. :D

Kaso mga sis, puro yung nababasa ko sa blog kung pano pumunta lang. Wala ako nakikita pano bumalik from Sagada to Baguio. Asan yung terminal and what time byahe?

shegothim

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #235 on: January 28, 2014, 08:49:24 pm »
iyong sakayan malapit lang sa ganduyan inn. dito ka rin naman bababa if galing kang baguio or bontoc.

avane

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #236 on: February 01, 2014, 07:28:36 am »
may mga sis ba tayo na pupunta ng holyweek? at kung okay ba pumunta dito ng holywk?

naku sis, been there thrice already pero each time nag-aadvise ako sa mga kaibigan kong guides don na papunta ako ng holy week, sobrang pinipigilan nila ako kahit pa willing silang patuluyin ako sa mga bahay nila dahil nga lagi booked na mga inns at lodging places. so iniwasan ko yung ganyang panahon talaga kaya naenjoy ko yung punta ko palagi. sobrang pila daw kasi from don sa labas ng caves pag ganyang holy week, can't imagine ano itsura non pero siguro sa dami din ng tao, so hindi mo mamamaximize lahat ng pwede puntahan during your stay unless you plan to be there for the entire week. tska mahirap din makacatch transpo pauwi.

as for the cave connections topic, kahit first timer kayang kaya to, trust me, dami ko na friends naconvince gawin to kahit first time nila, mga babae pa yan karamihan hehe.  :)

tetet

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #237 on: February 03, 2014, 03:44:47 pm »
Just went back from our Baguio-Sagada Vacay!
Words are not enough to describe our experience there!
Sira ang itinerary namin kasi sa spelunking pa lang ubos na ubos na energy namin. haha!
Pero grabe super worth it ang hirap, hingal, pawis, lambitin, rapel at paglusot sa mga bato! Im so proud of myself dahil aside from nakalabas ako ng buo at buhay (with only one pasa sa tuhod), we were able to go and pass phase 3 of the cave na according to our guide hindi lahat pumupunta dun!
All i can say is... I shall return to do cave connection, visit bomod-ok falls and makita ang hanging coffins up close!

Maein

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #238 on: February 11, 2014, 11:09:29 am »
thanks sis shegothim at avane sa mga replies nyo. holyweek lang kasi yung time na makakapag vacay ako and yung mga kasama ko na hindi na namin kelangang mag leave sa work. sabagay kahit saan naman sigurong tourist spot pag holy week eh jam packed talaga. gusto ko lang kasi talaga ma experience ang Sagada, and this holy week is our only chance. pag hindi pa baka never na talaga namin mapuntahan to.

what i did eh nag book nalang ako sa isang travel agency, join kami sa group tour. wala rin kasi time para mag asikaso ng DIY trip kasi busy lahat. naka pag pareserve na ako sa kanila kasi habang maaga daw, punuuan daw kasi ang mga accommodations. the problem is, pag hindi kami umabot ng 12 pax, malaki possibility na macancel at marefund nalang yung pina reserve ko.

sa totoo lang, kinakabahan ako. iniimagine ko palang yung mga "never ending roads" na dadaanan. and with the recent news sa bontoc, kay tado. . sigh! i have a friend who went to sagada na, and he said "buwis buhay" daw. haha. part of me natatakot pero everytime i view pics of Sagada and nababasa ko dito na enjoy and successful mga trips ninyo mga sissies eh nagkakaroon ako ng lakas ng loob to go on.

well sabi ko nga if incase di macancel trip namin it's meant for us to see Sagada  :) So hopefully, sana maging okay and succesful trip namin.

rinapie

  • Guest
Re: SAGADA Thread 5
« Reply #239 on: February 11, 2014, 01:29:46 pm »
^ay...affected ako dyan kay tado..yan din kasi sinakyan namin papuntang sagada. mas gusto ko pa naman ang way na bontoc. ang tagtag kasi kapag baguio.

i agree sa buwis buhay...tsaka grabe lang ang pagod pero sulit naman lahat yun. mag ingat lang palagi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close