Jeng,
Yung siomai na sahog sa lomi? Masarap naman pero diko type, atay lang ang special order ko dun. Hehe.
Sa brettos ang fave ko dun yung streaky bacon tsaka hungarian sausage. Namamakyaw ako hehe. Once palang kami nakakain dun, matagal na panahon pa, nung kapapanganak ko pa ata kay jing.
Mitch,
Haha! Yun din sana sasabihin ko, pambayad utang haha. O yan, len ku mu nung makapag shot shot la pa ren hanggang umaga kapag lumabas na baby niya. Hehe.
Mommy,
Nako tinakot ako nung lindol kahapon. Nandun kami sa bed ni jade, nakaupo ako naglalaptop, si jade naman nakadapa nagdodrawing. Abay kalikot naman kako nitong bata na to, inuuga yung kama, nahihilo ako. Tapos babawalin ko sana si jade, naharap ako sa sampayan namin umuuga din, napa "ay sh!t!" Pa ako. Tapos nadidinig ko na yung mga tao sa bldg na parang nagpapanic na din. Kinarga ko si jade palabas ng kwarto, pupuntahan sana namin si mil at baka lumakas pa lindol. Paglabas namin nakasalubong na namin siya, nahihilo na daw siya. Pumasok kami ulit dito sa kwarto, tapos lumalakas pa ng konti lindol, magtago daw kami sa banyo, nagdala kami ng tig iisa naming unan pantakip ng ulo (hahaha, natatawa ako sa part na to). Habang papunta kami sa banyo nakatakip pa talaga yung unan sa mga ulo namin, feeling namin e dumadaan kami sa may mga nagbabagsakan na bubong. Hehe. Edi umuuga pa din. Iniwan ko yung maglola sa banyo, sinilip ko yung sampayan kung umuuga pa. Siguro mga 30secs pa ako nakabantay sa sampayan bago huminto. Jusko nanginginig ang tuhod ko kahapon. Parang natrauma tuloy ako, feeling ko umuuga pa rin.
Yung mga katabi naming bldg nagbabaan yung mga tao. Nasa kalsada sila lahat. Yung iba nagsakayan pa sa sasakyan at umalis. Sabi ni f i l, kung sakasakali man, kahit hindi na kami tumakbo pababa, kasi 10floors lang naman itong bldg namin, e nasa 9th floor kami. Kumabaga e isang floor lang babagsak samin, hehe. Oo nga naman. Haha!
Nung wala ng lindol tinawagan ko si jay kasi baka nasa basement nanaman, buti nalang nasa rooftop daw siya ng mirdif. Sa school din tumawag ako pero ok naman daw sila, hindi naman nagkagulo.
Parang si Di lang kung mag wish. Hehe.
Hay, matatapos na ako sa project ko. Monday DIY cupcake holder, tuesday DIY princess topper and thank you note, wednesday baking, thursday frosting. Friday delivery.
