^isa pa yan sa mga iniisip ko nung kumuha ng maglilinis si mil dito sa bahay. kabud nya mu atsu keni ita. tabalu nokarin ne akilala or nung ninu mig refer kaya. taga dito din daw sa building namin e, nadidinig ko nung nag uusap sila. baka pinatulan yung mga papel papel na iniipit sa pinto, yung mga nakalagay na house help, part-time kabayan.
hindi naman sa nanghuhusga agad ako, pero nung nakita ko sila, parang hindi magaan sa loob ko. unang una, mukang atribida, hindi ko alam kung mag nanay sila. abay san ka nakakita ng magdodoorbell e akala mo boss siya na nagmamadaling pagbuksan ng pinto. akala mo bahay niya yung kinakatok niya.
tsaka kapampangan din yata, pero nung andito hindi ko masyado narinig magkapampangan.
pumapasok na katulong e mas japorms pa sakin. hmmm.
tapos tinanong ni mil, "ano ba trabaho mo". secretary yata ang sabi. sabi ni mil, "e bakit ka namamasukan". kasagot sagot ba naman, "e sayang din yung kita, haha!" (ansabe!)
"o magkano ba per hour mo", sabi ni mil. "25", ansabe! si mil shocked, "ang mahal naman". sumagot ulit, "sa iba nga 30 e". ako sagutin ng ganun, "so!?" sasabihin ko. hehe.
haha! halatang hindi ako nanonood at nakikinig nalang pala ako sa usapan nila. naman kasi, mag usap ba sa sala kung san may nanonood. hehe.
so ayun, awa ng diyos, hindi pa rin tinatawagan ni mil para maglinis dito. buti nalang. ayoko din ng may ibang tao sa bahay, ano yun babantayan ko pa?! mamaya nakawan pa kami o kaya e lasunin, siyempre, sa kitchen yun, andun lahat ng pagkain. tapos pag may nawalang gamit, nanggagalaiti siya sa galit. yiii. hehe