HAPPY VALENTINE'S DAY! :-) ma le-late daw ng uwi si jay mamaya, may date daw siya.

dito lang kami ni jade sa house. hindi na kami umattend ng parlor games sa school , para makapahinga din. si jing lang ang pumasok. sabi ko kay jing, paarbor nalang mamaya ng isang bulaklak at chocolate.

kaye,
pinainom ka din ba ng curazid nung nag 8mm ka? si jade pinainom na ng pedia para sure daw.
mommy,
aray naman! bakit sa hita ka iniskin test? hehe. ako sa braso. napakahapdi ng tusok na yun, tapos medyo matagal pa siya nakatusok, hindi kamuka ng vaccine na isang tusok lang, tapos na. hindi ba pwedeng pagkatusok ng anesthesia atsaka i-skin test? hehe.
mitch,
ganito gawin mo, pag nagnonobela ka, bago mo i-post, copy mo muna then post. para kung sakali mag error, paste and post nalang ulit. hehe.
magbulus ya pa i potpot? painumin mo palagi ng tubig.
aru neh. lumilitaw na ata ang tunay na kulay ni ate B.

jeng,
pagkakataon na niya mag pink kaya yun talaga hinanap namin na tela. buti meron. siya pinaka cute kahapon. (siyempre! ako nanay e hehe)
post ko video mamaya pag naasikaso ko. yan ang ayoko sa digicam e. nakakatamad maglipat sa laptop. hindi kamuka pag sa phone mo kinuha yung video, post nalang ng post.

ging,
sinong pedia pinuntahan niyo sa AU? dun sa pedia nila jing at jade, 350 per patient.
may pajama talaga dapat yung costume na yun, pero pwede rin dress lang, basta mababa slit. hehe. e gusto daw ni jade sexy, kaya dress nalang daw.
hindi ko na inayos yung slit kasi may detailed seam pa siya, kaya parang pangit kung tatahian ko dun. hehe.
sandali ko lang naman ginawa yung pajama, kasi may sobra pa nga na tela. monday ng gabi, sinukatan ko na si jade atsaka ko ginupit. tapos inumpisahan ko na din tahi tahiin. tinuloy ko kinabukasan kasi naduduling na ako sa antok. hehe. ayun natapos ko nung tuesday afternoon at nilabhan ko na.
yung ponytail matagal ko na natahi yun, nung last thursday pa. excited kasi ako magtahi pagkabili namin ng tela. e si jay gusto niya ipatahi nalang yung dress, kaya pony tail nalang inasikaso ko.
pinagrush pa ako ng pajama sa huli.

kinamay ko lang kaya natagal. kung may makina din ako sandali lang yun.

teka, maya ko na basahin yung kwento mo kaye.
doctor ang peg ko ngayon. magrarounds muna ako sa alaga ko.
