watch now

Author Topic: what's wrong?  (Read 4182 times)

sweetylicious143

  • Guest
what's wrong?
« on: February 01, 2013, 08:48:16 pm »
ask ko lang mga sis may nka experience ba sa inyo ng palagi naman nag eexercise pero dipa din nababawasan ang timbang? or kung mabawasan man nasa 1-2 lbs. lang... ako kasi i often to go sa gym 6x a week pa nga 2weeks mahigit nako straight nag g-gym ng nagtimbang ako 1lbs. lang nabawas minsan bumabalik pa yung timbang ko. kung sa pagkain naman hindi nako masyado sa rice at puro low carb na kinakain ko. pero napapansin ko naman na magaan na yung pakiramdam ko feeling ko nababawasan naman ako lalo na pag tumitingin ako sa salamin yun nga lang sa timbang hindi nagbabago.nakaka depressed lang kinakantyawan tuloy ako ng friend sa gym. siya malaki na nababawas sa timbang halos sabay naman kami nag start.

freelancer_babe

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #1 on: February 01, 2013, 09:20:53 pm »
^ naranasan ko yan sis. lalo na noon. tumaba kasi ako tapos nagdecide akong mag-gym.

pero actually mas lalo akong tumaba noong nag-gym.

sabi ng mga kasama ko (na active sa sports) dapat raw mas active ako sa cardio kaysa sa gym. kasi yun ang mas nakakapawis. then pag nabawasan na ang timbang, saka ko na ipasok yung pag-di-gym.

ang benefit naman eh, lumalakas ako. feel mo diba?

ngayon ganito ang ginagawa ko - yung sinabing advice na yun. natigil akong mag-gym dahil nag-iba ako ng job (na kailangan 12 hours or more ang work ko noon). so far awaiting results. sa ngayon puro running ang ginagawa ko. plan ko pag nakuha ko na ang ideal weight ko saka ako mag-e-enroll sa gym.

btw, yung nangangantiyaw ba na friend mo ay guy? talagang mas madaling mabawasan ang mga guys ng timbang kung gugustuhin nila. muscular kasi sila. sa mga girls mukhang common na yung nag-e-exercise pero di pa rin nababawasan ng timbang. nabasa ko rin kasi online na sa weight lifting (gym) possible kasi yun dahil yung fats nagiging muscles, at yung muscles mabigat kaysa sa fat, kaya wala di mapapansin ang weight loss. pero despite that, wag raw titigil mag-exercise.

if you're losing 1-2 lbs per week, mas ok yan. according sa doctor-friend ko, dapat di lalampas ng 2 lbs lost per week.

artegirl

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #2 on: February 01, 2013, 10:45:36 pm »
sis, are you doing strength training?  kasi baka you're building muscles na, which is good.  but since muscles are heavier than fat, you'll gain weight.  ok lang yun basta you see results

ako nga nung halfway na sa personal training program ko, nag weigh ako, ayun +1lb from the time I started working out.  pero dun sa overall analysis, I'm already in normal weight range (overweight when I started) kasi nagincrease yung muscle mass ko, and some decrease in fat

grabe hirap to lose weight.  add to that age and hypothyroidism....  feeling ko patay na talaga metabolism ko :(

rastagurl11

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #3 on: February 01, 2013, 11:11:04 pm »
I suggest counting calories. Count how many calories you eat and the amount of calories you burn during exercise. Kasi you need to burn 3500 calories to lose 1lb. So you need to be on a calorie deficit. And if may hypothyroidism ka or any problems with hormones, medyo mahirap din maglose.

And please don't easily give up. Keep on going kasi madalas, give it 2 months muna before you can see visible results.  ;)

Go go go sis. Even if the wight loss seem slow, what's important is the will to go on kasi active lifestyle does wonders.   :)

kachich

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #4 on: February 01, 2013, 11:20:05 pm »
weight is not the ultimate basis in getting healthy. not even bmi. so weight lang ba talaga gusto mo mawala o you want to get healthy overall?

what is your starting weight and height?
- pag maliit lang kasi ang kailangan mo ibawas, mas mahirap tanggalin, kompara sa mga taong mas malaki ang kailangan ibawas.

a 200 lb woman at 5' could easily lose around 10 lbs or more in two weeks as compared to a 110 lb woman at 5' who could only shed 2 lbs.

what is your meal and exercise plan?
usually (usually lang ha), more women tend to pack up fat due to carbohydrate / sugar intake. tapos we get heavier din due to water so we need to limit sodium intake.

cardio works for other people but whole body strength training incorporated with cardio works best (at least for me).

sweetylicious143

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #5 on: February 02, 2013, 07:36:40 am »
hi sis freelancer_babe umaattend din ako aero class like zumba and yogo after that i do cardio 30mins. sa threadmill and 15mins. sa bicycle or crosstrainer..yup! lalaki nga yung guy friend ko (gurlalu) ..and napi feel ko nga na lumalakas talaga ako parang ayoko na mag stay sa house ng 1day gusto ko lalabas or may ginagaw..

sis artegirl..yup im doing streng training nga may personal trainer din kasi ako grabe mga pinapagawa niya parang buwis buhay hehe pero sabi nga nila no pain no gain kaya after namin mag PT. para akong nabugbog ng sampung lalaki..yan din akala ko patay na metabolism ko.

sis rastagurl ..nagpa consult ako sa nutritionist and i need 1,100 calories per day nasusunod ko naman minsan less pa nga. and yup todo na to,sayang naman ang bayad ko sa slimmers world..

sis kachich..im 4'11 lang ang height since nag start ako mag exercise  my weight is 131 lbs in after 3weeks now im 129 lbs minsan bumabalik pa sa 130 lbs. nakakainis lang yun lang ang nabawas. less sugar intake din ako ang ginagawa kong asukal pag nagtitimpla ako ng green tea yung equal..no junk foods din ako at no rice sa gabi more on veggies and fruits din ako.

anyway! pagpapatuloy ko pa din ang pag exercise ko i know soon may progress na kaya tiis tiis lang talaga.. im going to gym now ty. sa inyo mga sis.

freelancer_babe

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #6 on: February 02, 2013, 08:02:38 am »
^ very nice. matindi pala ang cardio mo sis, kaysa sa akin.  ;D

siguro mas maganda na lang isipin na mas healthy tayo doing workouts than doing nothing. eto di na ako lagnatin, sipunin at ubuhin ngayong cold weather - nagkasakit na ang mga kasama ko sa bahay samantalang ako, na madaling mahawa usually, ay di pa nagkakasakit. saka hinahanap-hanap rin ng katawan ko ang exercise. di ako mapakali pag wala ito.

lalake pa rin ang gurlalu mo, at mas nakikita nya ang weight loss sa side ng gender nya, hehe. mas madali pa rin sa kanila. kahit ako medyo naiinggit ako sa guys dahil kadalasan mabilis silang maglose talaga ng weight basta determined sila.

tuloy mo lang  :)
« Last Edit: February 02, 2013, 08:04:23 am by freelancer_babe »

rastagurl11

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #7 on: February 04, 2013, 09:18:44 pm »
^^ Go lang sis, don't give up, baka it's still too soon to see improvements. Tama si sis freelancer_babe, just keep on going, mas mabuti yan kesa sedentary.  ;)

I'm sure in due time, you will see the results. Keep your heart rate up during cardio!

Miss Charcoal

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #8 on: February 05, 2013, 12:19:56 am »
Sis, gano kabigat yung sa strengthening mo?
Di kaya nalalamangan ng strengthening yung cardio mo?

Senyorita_lakwatsera

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #9 on: February 05, 2013, 12:43:17 am »
Hi Sis,

Dapat ang exercise is more on Cardio like running and biking, then dapat yung aim mo is loss weight at the same time lumakas.

sweetylicious143

  • Guest
Re: what's wrong?
« Reply #10 on: February 05, 2013, 09:26:44 am »
sis charcoal hindi naman masyadong mabigat yung sa strengthening ko ..more on cardio din ako sumasali muna ako sa aero class 1hour yun then after that 30mins. threadmill 20mins. sa bicycle or elliptical machine..minsan pag dipa ganu pagod tig 20mins. pa sila. pero kahapon nagtimbang ako 128 lbs. na before 131 lbs. i hope magtuloy tuloy na pag loss ng weight ko :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close