watch now

Author Topic: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?  (Read 11992 times)

strongrichel

  • Guest
Re: naiinis na ako sa husband ko
« Reply #20 on: April 14, 2013, 11:17:22 am »
mga sis any suggestion nga please kung [textspeak!] ang dapat kong gawin sa asawa ko. Kapag nasa church kase kami lagi sya nagmamadali umuwi lalo na kung malikot un anak namin na 2 and half yrs old.. kadalasan hindi na nya natatapos ang mass.. naiinis na talaga ako kase bakit sa pagmomotor nya sa racetract nagtitiyaga sya?  >:(

phatgirl

  • Guest
Re: ang gulo ng pamilya ko :(
« Reply #21 on: May 24, 2013, 10:41:30 pm »
pasensya na mga sis,ginawa ko ba bang diary itong topic ko?wala po kasi akong mapaghingahan ng sama ng loob..

ayun patuloy pa rin ang gulo sa pamilya ko sa province,nitong ilang araw na dumaan,kausap ko sa facebook yung asawa ng kapatid kong lalaki..nai kwento lang naman niya sa akin yung sitwasyon ng ate ko,diba nga po yung ate ko na yun,nag asawa na ng bago..ngayon yung unang asawa niya,may ka live-in na..ang sabi sa akin ng SIL ko,gusto raw awayin ng ate ko yung babae kasi baka raw awayin o apihin yung anak niya-dun kasi nakatira panganay na anak ng ate ko sa una niya asawa,.at doon na raw nakatira yung ka live-in ng una asawa ng ate ko

bale ang sabi ko lang naman po dun sa SIL ko,bakit pa aawayin ng ate ko yung babae?hindi ba noon pa naman siya nga itong malikot,siya ang makalokohan,kung tutuusin hindi naman sa kampi ako dun sa unang aswa ng kapatid ko eh,tama naman kasi na bakit ka pa maghahabol,ikaw nga na-anakan ka ng ibang lalaki,habang asawa mo payung una mo?di poba?parang karma na lang yun sa ate ko eh.masakit yung sinabi ko pero totoo yun,ganun talaga hindi naman pwedeng mabuhay ka sa ilusyon lang >:(

tapos nag usap kami ng SIL ko dun nga sa facebook chat,hindi ko lang alam kung sinabi ba niya sa ate ko,o kinuha yung facebook niya at nakitang nag uusap kami.kasi yung kapatid ko nagpaparinig sa facebook..nakakainis lang po kasi sa araw-araw na makikita ko posts niya,madalas puro pagka war freak ang dating ng sinasabi,akala mo kung sinong matapang,kababae na tao,ayaw umayos.. >:(hindi naman po sa nanlalait ako,pero kasinaiinis rin ako sa ate ko,siya itong panganay,siya pang puro kalokohan,tapos ngayon nalaman yata niya yung usapan namin ng SIL ko,nagagalit tapos nagpaparinig siya,nagmura pa.

ayoko naman patulan,pero nagalit rin ako kasi kung ano man yung sinabi ko sa SIL namin,opinyon ko yon.Oo masakit yung sinabi ko pero yun ang totoo eh,bakit nagagalit siya?hindi ko naman sa kanya sinabi,at pag sinabi ko ba sa kanya hindi ba siya magagalit?nakakainis lang masyadong matapang,nabubuhay naman sa kasinungalinan,tapos pag nakarinig ng usapan tungkol sa kanya at hindi niya gusto,magpaparinig siya.

hindi nga po tama pag usapan ang ibang tao pero hindi naman kami nag chismisan,binabalitaan lang naman ako ni SIL dahil malayo na ako sa kanila,siguro naman kung may masabi man ako,opinyon ko yun respetuhin ng ate ko,dahil kung tutuusin pang 2 ako sa panganay kaya karapatan ko rin magsalita at dapat niya respetuhin yon..nakakainis lang kasi magmumura pa sa fb status,sobrang bulok ng mga ginagawa,hindi man lang bigyan ng kahihiyan yung pamilya o kahit sarili niya..

jared

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #22 on: May 29, 2013, 02:40:55 pm »
Buntot mo, hila mo! Hindi mo kargong buhayin ang pamilya neither be guilty for what you have now kasi pinaghirapan mo naman ang kung anong meron ka. Unless, gusto mo magpa-canonize sa Vatican. LOL! Cut off your ties with your family relatives in FB. That is an extension of your personal space so yung mga toxic na tao dapat di natin friend. Also, don't feel sorry if you scold them back. They deserve more than that - tough love dapat sa kanila.

babyboo.0326

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #23 on: May 30, 2013, 03:25:04 am »
sakto naman that i stumbled into this.

i've been having this kind or sort of this kind of problem din with my family. kaso the thing is, nandun pa rin ako nakatira, along with my kids. i don't have a nanny, so sa family ko sila naiiwan if i'm at work. and since i have kids, they know that i will have food for them. so ang hirap naman na i don't buy din food for them, kasi nagiging madamot na ako sa paningin nila.

what i don't like lang is, it's been like this for 4 years na since our dad passed away. i worked agad when he left us kasi i know wala nang susuporta sa amin. and yet, sila, they're still bumming around. ako na i have 2 kids, sinasalo ko pa what they can't provide (paying overdue utility bills, food, etc) na pati yung para sa mga kids ko naaapektuhan na tuloy.

my office mate offered me his house, he's gay by the way. he said i should leave na. and he said we can stay muna in his house since walang nakatira dun sa tanay, and he stays at san mateo.

i know this is long overdue. i was advised that if i don't make the first step, ganyan at ganyan lang din ang mangyayari over and over again.

please advise.  :-\

phatgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #24 on: June 21, 2013, 10:12:27 pm »
sinabi nga po ng tatay ko ipakita raw po yung anak ko sa kanila kasi baka mamaya bigla siya mamatay,magsisi raw po ako..nakakainis po kasi pwede naman po sabhin na maayos hindi yung parang magre-request na ikaw pa pagmukha-in na masama eh.balak ko naman po talaga ipakita sa kanila yun anak ko kaso nahihirapan ako humarap na pag kasama ko asawa ko,ang dami pa nila sasabhin na hindi naman na dapat.

para pong nakaka sakal,kasi sasabhin pa"baka magsisi ka" .parang nakaka sakal po,hindi ko po mai explain pero yung message na sinabi na ipakita yung anak ko at baka mamatay na sila hindi nila makita magsisi pa ako..hindi ko po maipaliwanag pero merong kung ano sa sinabi nila na naiinis ako,naiirita ako..kailangan pa may mga ganung salita pa,pwede naman sabhin ng maayos.


P.S--iba nga po pala yung name ko na ginamit ngayon,yun una po pregnantgirl,napangitan po kasi ako dati dun sa unang name na ginamit ko..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close