watch now

Author Topic: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)  (Read 28099 times)

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #160 on: June 05, 2017, 01:53:58 pm »
hi mga sis..share ko lang po..kababalik lang namin kanina ng manila fom cebu...sa santa fe kami ng stay overnight...2:05am kami nag arrive sa mactan airport then white taxi (40pesos flag down, additional 3.50 per kilometer) going north bus terminal and paid around 180 pesos kasi nag hanap pa kami ng bpi hehe...around 2:20am dumating kami sa bus terminal pero puno na yung bus na diretso bantayan and yung aircon bus going hagnaya kaya ordinary bus kami though nakakatakot ang biyahe kasi ang bilis magpatakbo ng driver kahit curved plus ang dilim kaya hindi ko nakikita yung dinadaanan...masakit sa pwet ang biyahe which took about 3hrs...gayunpaman, mas recommended ang super shuttle ferry compared sa island shipping, super shuttle took us only an hour from sta fe to hagnaya, island shipping naman is 2hrs from hagnaya to sta fe...after check in, nag pa arrange na kami sa hotel ng boat for island hopping...cost is P1,000 for the 5 of us...we started at 10am, hilantagaan kami first then sa virgin island na kami nag tagal...nagpasundo kami around 2:30pm going kota beach... ganda sa hilantagaan yung mga rock formations, virgin island is the best lalo sa medyo dulong part yung malapit sa canteen kasi mas refine ang sand at hindi mabato compared sa gitnang part ng virgin island...sobrang linaw din ng tubig, deadma ang sun burn :) kota beach is also ok, ganda rin ng beach...ang layo mo na pero mababaw parin kaya sobrang enjoy namin ng mga kids ang swimming...after kota beach punta kami ng cliff diving site, medyo oa nga ang rate ng tricycle parang minimum sila P20 per head per way, pero ok narin...enjoy naman :)

the next day check out kami ng 8am, punta kami st peter & paul church then buy ng dried fish sa market...pabalik ng sta fe pier, nag special (they called it "pakyaw") na kami ng tricycle which is P200...from hagnaya nag rent na kami ng van for cebu city tour...P5000 initial rate but since inabot kami ng almost 10hrs (12noon to 10pm) dahil sa traffic kaya nag dagdag si kuya ng 500...we've visited sirao, temple of leah, magelans cross and the nearby areas, 10,000 roses, lapu-lapu shrine then airport...all in all almost 31k expenses 2days/5pax including airfare..di ko sure kung mahal hehe..ayun lang po! pasensiya na napahaba :)

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #161 on: June 07, 2017, 03:23:28 am »
^ yun ang nakaka disappoint, yung hindi standard yung rates
sana may maayos na taripa, tapos ikaw na bahala if gusto mo bigyan extra si kuya driver diba?

Bet ko yung system sa Guimaras, may tourist desk sila na igguide ka..

oh well..

ganda sa Bantayan! Parang gusto ko ma experience din yung pag Holy Week, fiesta dun and mukhang enjoy talaga.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #162 on: June 07, 2017, 10:02:42 am »
^^Sis ang mahal ng trike ninyo, 20 per head?! 35 lang ang bayad namin sa trike nun one way and 4 kami sa isang trike. Nung mag tour kami sa Bantayn nagrent na lang ng bike kasi yung trike driver sabi 3500k daw ang tour. Patawa si Manong.

Re city tour nagcommute lang kami kaya tipid pero konti lang napuntahan namin kasi sabi ko sa mga kasama ko di ko na talaga kaya. Sakit na paa ko. Ayaw ko talaga ng city tour.  Ang mga taxi dun 1k lang ang offer ng tour.

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #163 on: June 08, 2017, 05:53:45 pm »
naku mukhang nataga kami sa transpo at tour namin... nagulat lang din talaga ako sa trike kasi ang mahal nga ng singil kahit malapit lang ang pinuntahan per head per way talaga ang charge nila though di ko sure kung ganun talaga sila mag charge :( ... gayunpaman, ok narin atleast na enjoy namin ang beauty ng bantayan

sis tomatostellar sabi ng van driver marami daw talaga napunta ng bantayan pag holy week kasi fiesta nga nila..maganda daw dami daw activities :)   

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #164 on: June 08, 2017, 08:46:45 pm »
Nataga nga kayo or baka nagbago na ang pamasahe. Nov2017 kami nagpunta and 35 pesos lang ang fare from Kota papunta sa mga kainan sa labas. I asked my friend who was also in Bantayan in 2017. Sa Anika naman sila nagstay and 35 din daw ang bayad nila sa trike. Ang laki ng itinaas ng pamasahe sa kanila huh. Parang ayaw ko na bumalik ng Bantayan inaaya ko pa naman bf ko na puntahan namin next year.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close