watch now

Author Topic: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)  (Read 28068 times)

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #140 on: February 28, 2017, 01:45:40 pm »
^ parang mahal mga nakita kong restaurant sa Bantayan
Mag 4D3N ako (1 night sa Cebu City) pero nasa mga 5-6k inallot ko budget bukod sa airfare and accommodation

pretty_B

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #141 on: February 28, 2017, 02:14:30 pm »
Thanks sis! solo travel mo din ba? kailan travel mo? :)

Hindi na kasi tutuloy mga kasama ko sa Cebu. Nakaplan kami ng South Cebu trip for 6pax. May mga nadown na din kami sa agency. So, naghahanap ako ng budget na itinerary for North Cebu. Kahit chill chill lang. :) 3d3n naman ako, if ever. do you mind sharing your iti? :)

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #142 on: February 28, 2017, 07:19:06 pm »
Yup. Solo trip din :)
March 7-10 ako.. wala ako strict itinerary. Pag baba ng gamit sa hotel, ikot sa city sa hapon. 
Gising maaga para mga 5am nasa North Terminal na. May nabasa kasi ako na hindi hourly ang aircon na bus. Verify ko pa yun.
Pagdating Bantayn chill lang din. Rent ng bike. Ikot sa mga maabot ng bike. Pag may nasabayan na group tour and keri pa budget, baka maki island tour.
So ayun wala talaga plan! Hahaha.
Puede din skydive!  Chozzzz penge 18k

huit

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #143 on: March 09, 2017, 04:45:45 pm »
^ parang mahal mga nakita kong restaurant sa Bantayan
Mag 4D3N ako (1 night sa Cebu City) pero nasa mga 5-6k inallot ko budget bukod sa airfare and accommodation

Parang sa Manila rin ang presyo ng food sa Bantayan, pero in fairness madami choices

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #144 on: March 10, 2017, 07:32:59 am »
Pauwi na ko. Ang ganda sa Bantayan. Favorite ko na sa Paradise beach!
Mahal lang mashado tryk para sa konting destination. Sana standard na lang sila. Like sa Guimaras and Baler.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #145 on: March 10, 2017, 10:06:23 am »
^Mahal nga trike dun sis, kaya kami nagrent ng bike (angkas lang ako kasi di ako marunong) nung naisip namin maglibot. Oa price ng tour via trike haha. Pagkakain kami naglalakad na lang din kami papunta sa mga kainan dun.

andreil_19

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #146 on: March 10, 2017, 12:40:37 pm »
We hired trike for p600 nakarating kami sa kota park one hour ang biyahe  papunta pa lang dun plus rough road kaya tagtag katawan ko after ng land tour namin kung hindi ako naghahabol ng oras para makapag-swimming ang anak ko dadaan pa sana kami sa shrine. Hapon na rin kasi kami nagsimula at di na rin kami bumaba sa mga cave, ruins, obo-ob Mangrove at kota park lang pinasyalan namin.

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #147 on: March 12, 2017, 11:48:27 am »
^^ diba super mahal.. Uber or Grab ba to??
Sana may gawin yung municipality ng Santa Fe para hindi feeling ripped off mga turista.
Nag rent din ako ng bike kaso sa Anika ako nag stay so medyo malayo dun sa mga madaming kainan.. napagod ako! Not sure kung ang problem is yung gear ng bike na na-rent ko, or sadyang di ako fit for physical activities :p
Ask ko tryk if puede may kasama..para makatipid sana pero reluctant si kuya driver..

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #148 on: March 13, 2017, 02:55:27 pm »
mga sis ask lang po what time ang first trip ng bus or van from city to hagnaya port to bantayan? and what time naman po ang last trip from banatayan back to cebu city? hope to hear from you po...thanks

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #149 on: March 14, 2017, 09:50:45 am »
^ kung di ako nagkakamali, as early as 2am may mga (non aircon) bus na to Hagnaya -- di ko lang sure if ang aircon ganon din.
Dumating ako sa North Bus Terminal around 5am pero mga 5:40 pa umalis yung aircon bus.


ooh-la-la

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #150 on: March 17, 2017, 03:30:27 pm »
Ask ko lang kung may alam ba kayo na bahay na pwedeng i-rent , good for 25 persons?
mag team building kami by may 12-14

Thanks!

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #151 on: March 18, 2017, 07:06:33 am »
^ wala ako kilala sis pero I can give you yung number nung tryk driver ko nun..ask mo if may ma-recommend sya

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #152 on: May 19, 2017, 11:59:08 am »
^hi sis, ask lang if may idea ka about sa mga public van plying from cebu city to hagnaya port.. mas ok ba mag van compared sa bus? marami din ba nasakay ng van? kasi diba aalis lang sila ng terminal once puno na... and how much kaya ang fare pag van? pasensiya na sis dami ko tanong... tia  :) 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #153 on: May 19, 2017, 08:27:26 pm »
For sure sis meron van from Cebu City to Hagnaya port di ko lang alam saan ang terminal since we opted to get to Hagnaya via Ceres bus. Pero pabalik ng Cebu City nagvan na kami, mabilis naman mapuno ang van sa port ng Hagnaya. Honestly mas gusto ko magbus nalang kung babalik man ako dun. Napaka-uncomfortable ng van. Masikip and walang legroom nakakangawit ang tagal pa naman ng byahe. May instances pa na maiistorbo ka kasi meron passenger na bababa or meron sasakay. Napakainit pa. May lalake na lumapit  sa amin sa port 150php lang daw ang van from Hagnaya to Cebu City kaya sumunod kami sa kanya pero 175php siningil ng driver sa amin. If magvan kayo sa driver na kayo direct na makipag-usap.

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #154 on: May 20, 2017, 08:31:45 pm »
^thank you sis :) ah so hindi pala point to point and sakay at baba ng mga pasahero pag van..akala ko straight ang biyahe kaya mas mabilis sana...gusto sana namin makarating ng bantayan ng mas maaga kaya check ko info about sa van...malamang mag bus na nga lang kami... ask ko narin sis, day tour lang kasi kami sa bantayan, mas ok bang mag virgin island muna bago mag inland tour or pasyal na muna then last na c virgin island? tia

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #155 on: May 21, 2017, 04:14:30 am »
Nung byahe namin hindi point to point ang sakay and baba sa van. If i'm not mistaken 20-30mins ang Virgin Island, dun sa mga offer sa amin nun puro morning ang island tour na inaalok, 9am then balik ng lunch so kaya naman siguro isingit yun nga lang pagbalik ninyo ng Bantayan saglit na lang kayo makakaikot and pics lang magawa ninyo sa ibang spots since 5pm last trip ng ferry. Ogtong Cave and Cliff Diving/Ruins lang ang pinuntahan namin before tapos explore ng kainan. Sarap magswim sa Ogtong Cave ang linaw ng water then sa Cliff Diving spot nila bumaba kami sa cliff at nagswim din. 3d/2n kami pero bitin pa din.

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #156 on: May 22, 2017, 03:03:52 pm »
^sis yung cliff diving site, yan ba yung nag dive si sam milby sa movie camp sawi? pwede ba mag swim dun kahit kids? wala kasi ako masyado masearch about sa cliff diving site na yan.. final answer mag overnight na kami sa bantayan :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #157 on: May 22, 2017, 03:18:16 pm »
^Sis dun nga yun scene na yun nila ni Bela. Pero di siya recommended for kids kasi tatalon ka talaga para makababa and need mo muna magpababa ng tao to check if pwede magdive sa area na yun kung saan ka tatalon kasi baka lowtide.
Or pwede dun ka sa batuhan sa gilid ng cliff kakapit para makababa and ganun din paakyat. Matarik nga lang masyado ang batuhan para sa kids. Ako nahirapan umakyat after magswim. Yung group lang namin naglakas loob na bumaba dun nung magpunta kami, yung ibang tourists ayaw nila.

If may kids kayong kasama magpic nalang kayo sa cliff site tapos mag-ogtong cave kayo, mayswimming pool sila dun (check ninyo if malinis, dati kasi nakakita ako ng palaka sa pool nila, katatapos lang kasi ng bagyo ng magpunta kami dun) and pwede din magswimming sa cave mismo ang linaw ng water and sarap sa katawan ng temperature ng water. Yung dagat nga lang sa part na yun panget and maingay kasi malapit sa port.

euqihn

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #158 on: May 22, 2017, 03:40:32 pm »
^oic, picture picture na nga lang siguro kami then ogtong cave nalang, malapit lang naman daw yung na check ko na accommodation sa ogtong...thank you so much sis... big help po talaga :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #159 on: May 23, 2017, 12:46:16 am »
^Kung malapit sa Ogtong ang hotel ninyo most likely medyo malayo kayo sa mga kainan, pero ok lang yan sa pagkakaalala ko 35php ang trike.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close