Magstart na ang summer! Any tips kung anong pwedeng gawin this summer para makatipid? Paulit-ulit na kasi mga posts dito, pare-parehas ang mga sinasabi at nasabi na yun from the old threads. It's time to give NEW TIPS to Save MORE! :-)
1. Always check the Freebies thread. May mga sisses tayo dun na nag-share ng mga freebies na nakikita nila online. Dati isa po ako sa nanalo sa Pantene. Ayun, may libre akong 2 bottled shampoo and 2 bottled conditioner. Dineliver yun ni pantene in my house. Although there are freebies na nagrerequire ng pick-up sa office nila for the winners, so keep in mind na shouldered nyo ang travel expenses, mas mabuting i-check nyo muna ang terms nila bago kayo sumali. Sa Pantene kasi, nasa terms na i-ship sa addresses namin. Pwede din sumali ka sa mga contests.
2. Buy a mechanically powered flash light. Yung flash light na iniikot para magkailaw. I bought one sa isang shop. Tagal ko nang hinahanap yun and luckily may nakita ko when I went to Palawan last year. Hwag nyo bilhin yung pinepress, madaling masira yun eh. Buy nyo po yung iniikot. Although hindi ganun kalakas ang binibigay nyang ilaw, at least nagbibigay na sya ng sapat na ilaw whenever pumunta ako sa madilim. Naka-save na ako sa pagbili ng battery or i-charge sya sa kuryente. Meron pa isa e, yung radyo na iniikot din. Kaso I'm still finding where ako makakabili nun.
3. If you have old clothes na butas butas na, make it as a basahan. Pwede yun pampunas ng sahig, lamesa, ng table and etc.
4. Kapag naubusan na kayo ng baon nyong water when strolling sa mall, you can refill it up for free sa SM food court, o kaya when you eat sa mga restaurants or fast food chains. May free na mga tubig dun.However, hindi lahat ng service water, mineral. So ingat din.
5. Magdala ng biscuit at candy kapag bumibiyahe. Kapag nagutom ka when travelling, mapapabili ka sa mga tabi-tabing tindahan. Halimbawa yung siomaian sa MRT/LRT. Mapapagastos ka pa at iwas ka pa sa sakit na ulcer.
6. Magsetup ka ng mini-tindahan sa office nyo. Mahal din kasi mga binebenta sa mga 7 eleven at mini-stop, so magbenta ka na lang sa office nyo na sa nakikita mong binibili din ng mga kasama mo sa office. :-) Kumikita ka pa, nakakatipid ka pa.
7. For internet connection, it's better buy ng sa tingin nyo na need nyo. For example, maraming nilalabas na mga Tattoo sticks ngayon. Mas mahal mas malaki ang makukuhang speed. I-check nyo sa place nyo kung sino ang mas malaki ang signal na nakukuha sa place nyo. Kung si sun ba, si smart, or si Globe. You might ask your friends to borrow their sticks and check which is effective. In my part kasi, I'm always online because of my work so I decided to buy dsl. Worth it naman ang binabayad dahil lagi akong online, 10-12 hours a day. Mas makakatipid ako dun compared sa tattoo sticks. Sa tattoo stick kasi, mapapamahal ako kakaregister ng unlimited surfing.
8. Kung hindi naman ganun kainit at tama lang ang temperature, patayin na lang yung electic fan. Lagyan nyo din sa may kisame ng styrofoam ba yun. Bsta yung mahaba na glossy silver. Effective yun para di masyadong mainit sa loob ng bahay. Di ka pa makakagamit ng electric fan.
Any other NEW tips na ma-share nyo mga sis?