watch now

Author Topic: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18  (Read 92743 times)

ayionick

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #420 on: October 21, 2013, 10:29:14 pm »
^try mo sa puerto pension o kaya sa big brother's.. search ka ng map ng ppc tapos makikita mo dun yung accommodations along rizal avenue

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #421 on: October 22, 2013, 12:45:03 am »
Sis +arte+ yung blue lagoon parang ok sya for honeymooners. Hindi ko lang sure if true na 5minute drive lang sya from the airport and downtown. OneRovers mukhang oks din. Saka yun nga Big brother -my choice din :)

Crazylabel

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #422 on: October 22, 2013, 04:13:24 am »
^yes, Blue Lagoon is just 5 minutes from the airport.

ayionick

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #423 on: October 22, 2013, 08:23:45 am »
^^malapit lang talaga sya sa airport, kaya nga lakarin eh. dun kame nagstay last march kaso more than P2,000 ang room wala pang breakfast pero for me ok naman kasi tahimik yung area. nakakatakot lang yung dadaanan papasok/palabas kasi nasa looban sya, parang likod ng elementary school at mejo kulang pa ang ilaw sa daan. safe naman kasi pabalik-balik kame ni hubby dun ok naman eh at mababait ang staff nila talaga!

ayionick

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #424 on: October 22, 2013, 08:26:55 am »
Naalala ko may bago din dun yung Island Stay ata? Along Rizal street lang sya.

+arte20+

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #425 on: October 22, 2013, 10:01:37 am »
Mga sis salamat sa mga suggestion! Mukhang ok naman lahat kaya ang hirap mamili. Haha. Sige i'll check Blue Lagoon din. Mukhang magover the budget na lang kami ng konti kung sakaling magustuhan ko din dun. Hehe.

+arte20+

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #426 on: October 23, 2013, 10:06:49 pm »
one rover's place pa rin ang lagi ko recommend na place sa PP. malapit sa lahat, even the airport =)

Sis, i checked this place. Sobrang lapit lang pala sa airport. Ok ah! Since 10am flight kami pabalik ng Manila. Kaso naisip ko lang hindi kaya maingay dito kasi masyadong near airport? Hehe

px17

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #427 on: October 30, 2013, 03:21:34 am »
going to puerto this thursday na! todo backread na ko. :)

kamusta pala weather ngayon?

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #428 on: October 30, 2013, 01:47:58 pm »
^san kayo magstay na accommodation sis?

px17

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #429 on: October 30, 2013, 04:16:28 pm »
^sa mictrotel sis.

scruffs

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #430 on: October 31, 2013, 12:53:57 pm »
hi mga sis, just booked our flights to PPS however, sa July 2014 pa siya. haha

its a 3D2N trip, any suggested itineraries, affordable accommodations (for 5-6 pax), and mga kainan. Kung may mabibigay po kayo mga contact persons, since this is just a DIY trip.

We're planning to go to the underground river, honda bay and crocodile farm.

Mga how much kaya budget na need? Thanks in advance! :)

Kady_14

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #431 on: October 31, 2013, 05:55:47 pm »
Just got back from Palawan. Stayed there for 5d4n.

The UR is a must see. Bring off lotion and travel light para madali kumilos sa boat. Yung mga nakasabay namin daming dala hirapan sila. Also wear footwear na pwede mabasa like sandals or rubber clogs like crocs.

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #432 on: October 31, 2013, 08:18:24 pm »
^naku sis kami naman eh after ng UGR derecho na kami sa El Nido. kaya dala na namin lahat ng bags namin. pwede naman siguro iwan sa van yung gamit while nasa tour safe naman siguro. kay sis tiara ako nag avail lahat. may permit na daw kami for 3Dec sa UGR. excited nakoooo!!!!

+arte20+

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #433 on: October 31, 2013, 09:31:51 pm »
^Hi sis dec. 3 na pala kayo. Kami kakadeposit lang namin kanina kay sis tiara pero UGR tour lang, dec. 5 naman right after El Nido. ;) Saan na pala kayo magstay sa PPS sis?

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #434 on: October 31, 2013, 09:37:32 pm »
Yes sis, uunahin muna namin yung UGR kasi parang ayoko muna magbyahe ng el nido pag dating namin ng 2Dec. Kapagod layo din kasi kami from NAIA kaya byahe palang pagod na.
Sa big brother kami nagpapareserve kay sis Tiara pero wait ko din muna confirmation nya sa accommodations namin if available :)

+arte20+

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #435 on: October 31, 2013, 10:15:07 pm »
^Oo nga sis e malayo kaso alanganin flights namin kaya derecho na lang kami El Nido para isang pagod na lang. Hehe. May nagustuhan si h2b yun Casa Fuerte hindi nga lang malapit sa airport pero accessible naman daw kaya baka dun na lang kami...

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #436 on: October 31, 2013, 10:29:58 pm »
Nakita ko yung. Casa fuerte sis. Maganda din sya pwede pang honeymooners :)

px17

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #437 on: November 04, 2013, 05:13:49 am »
nakauwi na from palawan. :) sobrang  nagenjoy!

We stayed at microtel fro 4 days and 3 nights. 15-20 minutes drive yung hotel from the city. Free din yung service nila (pick-up and drop) basta advise lang yung frontdesk what time mo gusto. The rooms and facilities, Thumbs up! Beach front, may pool, lagoon, unli coffee and tea, yung buffet breakfast was also nice, yung staff naman nila mababait. Naglalagay ako ng note palagi sa room at laging may reply.

Day 1
supposed to be day tour namin to. Kaso timad kami eh. Nagchill lang kami sa hotel.
Lunch: Ka inato
-sarap ng chicken nila! walang wala chicken dito sa manila. Eh same price lang.
after lunch nagrob.
Dinner: Ka Lui
-sa lahat ng kinainan namin eto pinaka the best! as in wala naman akong maririklemo. Mabilis din ang service at ang crew attentive.

Day 2
Underground river.
-Sobrang natuwa ako dito. Nung on the way kami sa UGR sobrang bilis magpatakbo nung driver. Kaya natatakot kami. Kahit sinabi na namin sa tour guide at sinabihan na nung tour guide yung driver, Ang bilis parin! biruin niyo sa zigzag naka 100-120 ng takbo. Oo kabisado na ni kuya daan Paano kung may biglang tumawid dun.
Nagkaron din kami ng mga stop stop sa karst limestone formation. Mejo mali mali lang sinasabi ni tour guide tungkol sa mga bato. Siguro hindi naman lahat interesado dun pero sana icheck nila palagi and do some research parin. Napapakunot na nga lang noo twing may mali siyang sinasabi nahihiya naman ako icorrect at baka sabihin "know it all" ako. Although bato naman talga ang inaaral ko baka ma-offend.
Yung monkeys sa UGR makukulit, nambubukas ng bag.
Yung bankero namin si kuya joy. napaka kwela! kaya tuwang tuwa mga kasama ko kahit na wala sila masyado alam sa bato.

after UGR nag buffet lunch kami (kasama na sa package) at hindi masarap.
stope over sa ugong rock. Hindi na kami nag avail ng zipline pagod na kasi mom and dad. kaya we went back to the hotel to take a rest and wash up.

Dinner: kinabutch
-sobrang accommodating mga crew. Mabilis service at the best yung croc adobado! :) must try talaga to. :)

Day 3
Honda Bay
630 usapan namin nung tour guide kaso 7:15 na dumating kasi sinundo pa nila kasabay namin. Dapat kami lang talaga kaso hindi raw nakasama the other day. Ayan na hassle pa kami.
Island na mga pinuntahan namin
-Luli- Masaya diving board. :) yung mga fish hindi masyado magaganda at daming sirang coral reefs
-Star fish- para samin dito the best mag snorkel. Hindi ganoong kalalim plus ang gaganda ng mga isda dito.
Cowry- dito naman okay mag liwaliw. Nagpamasahi kami at snokel. Kaso anlayo at anlalim na ng arating namin konti lang isda.
dito rin kami ng buffer lunch (kasama ulit sa package) dito masarap na food! wala kaming marereklamo.

After honda bay mga 4 pabalik na kami sa hotel. Nag palit lang then dinner na ng 6pm

Dinner: Palayok (may kadugtok name forgot lang)
Ang TAGAL ng service, sungit ng crew, at nagorder kami ng budol fiest pagdating  ng order namin we asked asan yung crab. Tas bigla sabi "wala pong crab kaya pinalitan namin ng hipon" WTFFF! bakit hindi man lang ininform. at ang baho baho pa ng tables at menu. Hindi ko alam kung kami lang ba nakaexperience neto.

Day 4:
Rest then pagkacheck out deretso city tour.
-Mitra's Farm
-Baker's Hill
  *sa backer's hill kitchen kami ng lunch. Sobrang sarap nung sinangag na sinigang at bulalo steak. Yung order naming iba nothing extra ordinary naman.
-Croc farm
-Baywalk
-Cathedral
-Tiangge
Merienda ng chaolong (nakalimutan ko name nung parang karinderya na pinagdalha samin nung driver)
then airport na. :)


mizzybebz

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #438 on: November 06, 2013, 10:44:33 am »
^ Sis, how much underground river nyo and honda bay? :)

mizzybebz

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #439 on: November 06, 2013, 01:17:29 pm »
may number po ba kayo ni sis tiara? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close