We're back from PPS. hay, sarap dun lalo na seafoods. ang mura ng seafoods at sariwang-sariwa pa kaya we didn't eat any meat, puro seafoods except during breakfasts (kasi yung ang sineserve sa pension house).
We stayed at Sunflower Royal Pensionne. Recommended ko din siya for budget accommodation. I booked it through Agoda for 1.2k/night. Standard room for 2 with basic amenities (shower, A/C, double bed and breakfast). Medyo mahina wi-fi sa loob ng room, malakas lang sa lobby area. Di buffet yung breakfast pero madami servings (pwede pa atang humingi) at masarap. Sa rooftop yung dining area, masarap dun mahangin at maganda yung view. Mababait din yung owner ng pension (medyo tahimik nga lang yung mga anak nila), but they're very helpful. Di sila located along Rizal Ave, pero madali sumakay ng tricycle kasi malapit sila sa main road at malapit lang din sa lahat. Through them, we met Kuya Tong, na tumulong samin for our DIY Honda Bay Tour.
Eto breakdown ng gastos, itineraries, etc
Day 1: DIY City Tour (P600 c/o Kuya Tong)
Lunch: Dampa - sobrang sarap ng luto nila ng seafoods dito. Paluto style. Sa lahat ng kinainan namin, dito favorite ni hubby.
Iti: Mitra Ranch, Baker's Hill, Crocodile Farm, Butterfly Garden, 2 Tiangges, Baywalk (dumaan lang kami pero di na kami bumaba ng trike) - di na namin pinuntahan yung iba kasi sobrang pagod na kami tsaka gabi na din kasi 3 pm na kami nagstart magtour. Di maganda sa Butterfly Garden, so kung DIY din kayo, you can skip it and save the P25 entrance fee.
Dinner: Kinabuch - masarap din naman, but nothing special, siguro kasi we didn't order the bestsellers. basta stick lang kami sa seafoods diet.
Day 2: UGR Tour (P1500/pax c/o iConquer Agency na ka-tie up ata nung pension)
Lunch: buffet lunch kasama na sa tour so di na kami nakapili ng kakainan.
Ang saya ng UGR Tour namin, sa sobrang saya 7pm na kami nakabalik sa pension house. Thanks dun sa nag-suggest na i-move namin sa 8:30 pm yung reservation sa KaLui, otherwise di kami nakaabot.
Dinner: KaLui's - panalo sa ambiance, pero sa food hit and miss para sa'min.
Day 3: DIY Honda Bay Tour (c/o Kuya Tong)
If you want to DIY yung Honda Bay tour, dapat at least 6 kayo para makatipid ng malaki. 4 lang kami pero we decided na mag-DIY pa din kasi solo namin bangka, hawak namin yung oras and makakapili kami ng food. Medyo nakatipid din kami kahit konti. Eto breakdown ng expenses:
Tricycle (hatid-sundo): P500
Rent sa bangka: P1500
Rent sa snorkeling gears: P300 (P100 each)
Cowrie Island fee: P300 (P75 each)
Luli Isand fee: P200 (P50 each)
Pambato reef fee: P150 (P50 each) - di ako nag-snorkel kasi inabutan ng red flag. Bad trip nga, di man ako pinagbigyan makapag-swimming
Pandan Island fee: P300 (P75 each) + P300 rent sa cottage (table under the tree)
Lunch: P1000 - good for 8 persons na, sinabay na namin sa lunch yung bangkero and assistant niya pero dami pa ding tirang food. Paluto style pero natapat kami sa di masarap magluto, buti na lang fresh yung mga seafoods so okay na din.
Bale P4550 lahat for 4 pax. Yung quote samin sa pension c/o agency is P1.3k each (P5.2k for 4 pax). Tipid na din. Then nalaman pa namin na yung group na kasama namin dapat sa tour eh nadelay na ang alis sa pension tapos 3 islands lang ang napuntahan kasi nagmamadali sila. Buti na lang di kami sumabay sa kanila.
Pero sabi nung bangkero, minsan daw di pinapayagan ng boat association na umalis ang bangka pag konti lang ang sakay, kasi nagkaka-ubusan ng bangka lalo na pag peak season. Yung bangka namin pang 20 pax pero 4 lang kaming sakay kaya pwede pa kami tumambling. Di din kami dumaan sa wharf, dun kami dumaan sa bahay ng bangkero na malapit din sa wharf.
Dinner: Max's at Robinson's. Sa Gerry's Grill dapat pero opening day pala nila at ang daming tao.
Day 4: Shopping at pahinga day. Lipat kami sa Airport View Pension, walking distance from the airport. Muntik pa kaming ma-highblood kasi di nila ni-reserve yung 2 standard rooms na binook ko thru Agoda. Ang gusto nila eh pagsamahin kami sa dun kami sa family room na good for 4. We insisted na we booked 2 separate rooms kaya ang ending binigay samin 1 standard room and 1 family room.
Lunch: Ka Inato - masarap din at mura pa.
Dinner: Badjao Seafront - for me the best restaurant sa lahat ng nakainan namin. panalo na sa ambiance, panalo pa sa food and service.
Pasensya mga sis, sobrang haba, pero hopefully makatulong sa iba esp dun sa gustong mag-DIY ng mga tours. Thanks din sa inyo kasi naging hassle-free ang PPS trip namin because of this thread.