watch now

Author Topic: All About Braces - Thread 3  (Read 276657 times)

alexii

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #220 on: September 06, 2013, 03:44:03 am »
^aww thanks sis sa info. Update ko kayo pag nagpakabit na ako. ;D Excited lang! Call center agent pa naman ako baka hindi ako makapagsalita masyado.  ::)

Anyway, kasi yung pinsan ko nagpabrace tapos napansin ko lumapad yung face niya eh hindi naman talaga mataba yun as in super payat niya dati. Eh baka lalo kasi lumapad face ko kaya nagiisip din ako.  ;D

orangeraine

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #221 on: September 06, 2013, 12:16:42 pm »
^medyo mahirapan ka lang sis sa simula. But eventually, masasanay ka din. ;)

alexii

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #222 on: September 06, 2013, 09:09:18 pm »
^tiis gondo lang.  ;D

alice_alice

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #223 on: September 08, 2013, 10:10:35 am »
Mga sis san ba pwede magpagawa ng braces sa may Medical Plaza may kilala ba kayo?

Kailangan ko pa ipatanggal yung wisdom tooth ko mahal nga eh 8k may maisusuggest kayo na cheaper? Sabi kasi ipabunot muna yun bago magpabrace

mikewazowski

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #224 on: September 08, 2013, 05:47:37 pm »
Pls reply :(

Pag na bottom lang 5k downpayment or same na 10k?

orangeraine

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #225 on: September 08, 2013, 07:19:51 pm »
^sis, depende po sa dentist. :)

gracita13

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #226 on: September 08, 2013, 07:33:01 pm »
Pls reply :(

Pag na bottom lang 5k downpayment or same na 10k?
nagpa check up ka na ba sa ortho sis? ok lang ba daw kung bottom lang ang i-brace? kasi case to case basis yan kung ok naman ang bite mu pwede na siguro ang bottom lang.sa ortho ko hindi nya talaga inaadvise na bottom lang kahit wala naman akong prob sa upper kailangan daw kasi sabay na magmomove ang teeth & overbite kasi ako.

mikewazowski

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #227 on: September 08, 2013, 08:02:08 pm »
Thanks :) hindi pa eh, pero obvious kasi yung sungki ko sa bottom. Besides, we're not rich and medyo naguguilty ako kung 10k, mapupunta lang sa teeth ko :) pero isusunod ko naman yung sa upper. Pwede kaya yon? Hihi

Papayag kaya na bottom lang, kahit explain ko pa yung reason. 5k bottom, may papayag kaya? Btw, from laguna ako. Near uplb to be specific :)

gracita13

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #228 on: September 08, 2013, 09:49:34 pm »
^ ortho lang talaga makakasagot sayo sis kasi sya lang naman makakaalam sa case mu.
pwede mu naman siguro pakiusapan na 5k lang muna down mu tas monthly sabihin mu mag 2k ka kada adjust.

jeune

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #229 on: September 08, 2013, 11:56:33 pm »
I spent $4K after insurance with my Invisalign ($5K total). I wish I could've went with traditional braces ;D  It was easy for me to take my trays out when I want to especially when my teeth hurts, so in the end it wasn't the best result I wanted although it had improvement. Then after my treatment I had to wear aligners, had to change it every 3 months and costs $300. Sakit lang sa bulsa  :-\

felicity_ong

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #230 on: September 09, 2013, 03:20:13 pm »
I think i had the most terrible experience with my dentist. Ang usapan namin before is 40k, 20k down payment. Sabi nya mas mahal daw yun braces ko dahil from US daw. last year kinabit nya yun brackets, hindi natapos within the day so kelangan ko ba bumalik after ilang days para makabit nya yun wire. Ayun natanggal and nalunok ko yun 2 brackets ko. So pinagbyad nya ko nga 720 each para dun sa bracket. Nainis na ko that time kasi bakit hindi pa nya kinabit agad yun wire eh sandali lang naman pala yun. hindi sana nawala yun bracket. Tapos may isa akong bracket sa tabi nun molar ko na palaging naalis. last balik ko sa kanya was on june 22, kinabit nya ulit yun bracket na yun pero siya mismo nakita nya na naalis din agad. so sabi nya wag na lang muna ikabit tapos magpapahanap daw siya na bracket na fit sa ngipin ko na yun dahil flat "DAW" yun ngipin ko na yun kaya palagi natatangal.Almost 2 months na ko hindi ako nakabalik dahil sa sched ko at dahil din sa sched nya dahil minsan siya yun hindi pwede. Natanggal na yun 3 brackets ko,siguro dahil din kulang ng isang bracket kaya ganun.

Then last Saturday was the turning point. Hinanap ko sa kanya yun isang bracket ko,sabi nya wala daw mahanap yun supplier na, ayaw daw kasi niya ng made in china. kaya ittry nya na lang daw ulit ikabit sa ngipin ko,kakapalan niya na lang daw this time yun cement. and for the 3 brackets na naalis sa akin, kelangan ko daw magbyad ng 350 each para sa cement na ipang didikit niya na dun. una deadma pa ko. kasi sa isip ko bakit ko kelangan bayaran yun pang dikit ko sa bracket ko? pero dahil nga kakilala ng sister ko tong dentist na to may respeto ako sa kanya.

so nun bayaran na, siningil niya ako ng 350 sa cement na pinandikit sa bracket ko pero 300 na lang daw para may discount. ganun daw kasi yun kapag hindi ko naibalik agad. kung naibalik ko daw agad yun,wala daw dapat bayad yun cement. so medyo nag agree na ako. aba hindi pa tapos.

siningil ako ng 1800 para sa wire ko. dahil may deformity daw at hindi pa daw time para palitan yun wire ko. kakapalit nya lang daw kasi nun june. to think na simula december last year twice pa lang niya napalitan yun wire ng braces ko! so pwede pa tong reasoning nya,medyo tinatanggap ko pa. dahil kakilala nga namin siya e.

ang pinaka nakakainis,hindi pa pala tapos.
siningil nya ko ng 3k para sa adjustment or pag visit ko sa kanya nun sat. bayaran ko din daw yun last month na hindi ako pumunta. ganun daw yun kasi talaga,dahil binayaran niya na sa supplier nya yun. ang usapan namin before, 20k down payment tapos every visit ko magbabayad ako ng 1500 until macomplete ko yun 40k. at wala daw siyang resibo from bir, hindi pa daw siya nakakakuha kaya acknowledgement na lang daw muna ibibigay niya sa akin. mga next year pa daw siya makakakuha nun bir issued receipt.

totoo ba yun mga sinabi niya sa akin? i asked most of my friends na may braces din pero sabi nila hindi daw ganun ang dentist nila. nakaka 34,940 pesos na siya sa akin since december.
« Last Edit: September 09, 2013, 03:23:21 pm by felicity_ong »

gracita13

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #231 on: September 09, 2013, 04:15:14 pm »
^ hala pati ba naman yung month na hindi ka nakapunta eh pinabayad pa! eh hindi ka nga nagpa adjust diba.sa ortho ko sis hindi ganun kung kelan lang ako magpa adjust dun lang ako magbabayad ng 1k.
re cement hindi na din pinabayad saken ng ortho ko yun anong silbi ng binayad ko sakaniang 1k kung lahat ng gagawin nya sa ngipin ko pe-presyuhan nya.tska kasalanan ba naten kung matanggal yun.
re brackets ayun sis nagbayad din ako kasi nalunok ko din yung isa  :P 700 ata yun kasi nga oorderin pa talaga yun.
re wire hindi din ako nagbayad pag pinapalitan yun.
and sis hindi ko magets yung hindi nya pagkabit ng wire sabay ng brackets kasi panu magmomove ang teeth kung brackets alone lang diba? kasi dapat may wire and rubber bands para start na magmove mga teeth mu.


felicity_ong

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #232 on: September 09, 2013, 04:43:46 pm »
sobra nga eh.. ngayon namomoblema ako dahil ayaw ko ng bumalik sa kanya. mamaya pati yun tubig na pinang mumog ko singilin pa niya sa akin..

gracita13

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #233 on: September 09, 2013, 04:56:03 pm »
^ kung ganyan lang din tapusin mu na lang yung 40k tutal mga nasa 6k na lang kulang mu tas lipat ka sa iba.buoin mu muna yung 40k para wala syang masabe baka hindi pa ibigay ang record mu if ever lilipat ka sa iba.

orangeraine

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #234 on: September 09, 2013, 05:03:11 pm »
^pa-imbestigador mo yan sis. :p kidding aside, lipat ka na lang sis. yung 30k+ mong naibayad sakanya, fully paid ka na sa ibang dentist.

felicity_ong

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #235 on: September 10, 2013, 07:56:43 am »
ayoko na nga tapusin eh, kasi nakakairita siya talaga kaya ayaw ko na siya makita..

ohcmon

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #236 on: September 10, 2013, 09:21:54 am »
@felicity_ong: So 'yung 40k na bayad mo, para sa services lang niya dahil binabayaran mo ng extra 'yung mga kinakabit niya sa'yo? ??? Sorry, pero the fact na ilang beses natanggal brackets mo, parang hindi sulit 'yung 40k.


@mikewazowski: I asked my ortho your concern. Hindi daw advisable na bottom lang ang papalagyan ng braces, kahit pa isusunod mo naman 'yung upper. Kailangan daw sabay dahil pag nag-move 'yung teeth mo sa baba, maaapektuhan din 'yung nasa taas. I suggest kung hindi pa kaya pagsabayin na upper at bottom, huwag muna. Baka mas makasama lang sa ngipin mo in the process instead na maiayos, sayang naman ibabayad mo.

felicity_ong

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #237 on: September 10, 2013, 10:56:32 am »
@ohcmon yun 40k na yun, all in na lahat yun sa pagkakaalam ko. wala lang kasamang retainers daw. 20k deposit tapos 1500 every visit ko daw until mabuo yun 40k. sobrang nakaka badtrip siya. pati cement ng bracket sinisingil separately.. at oo sis hindi talaga maayos gawa nya sa akin dahil yun mga brackets ko na aalis. kahit hindi naman ako kumain ng matigas na food.

orangeraine

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #238 on: September 10, 2013, 11:22:25 am »
^lipat ka na sis. kausapin mo na lang ng maayos yung ortho. pero mag isip ka na lang ng dahilan na halimbawa, sa location or sa schedule kaya ka lilipat ng ortho. ganyan ginawa ko before. sabi ko, malayo kasi. hindi ko na kaya bumyahe. :)

rei_chan

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #239 on: September 10, 2013, 11:45:51 am »
Hi po. Question lang po, pwede po ba magpalagay ng retainers kahit hindi nagbraces? Kasi maayos naman ang teeth ko, wala namang sungki, gusto ko lang mawala yung mga spaces between my teeth. And sinuggest ng friend ko na pwede na retainers lang ipalagay ko? Pwede po ba yun mga sis? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close