watch now

Author Topic: All About Braces - Thread 3  (Read 276259 times)

crazycoolchic19

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #60 on: April 02, 2013, 09:15:20 am »

 thumbsucking may lead to openbite.(ndi magkadikit yung upper and lower front teeth),.2 reasons of having a diastema(spaces between 2 front teeth) 1.the attachment of the frenum is too low(almost in between the 2 centrals) 2. since she's still 9 yrs old,.maybe the 2 permanent canines aren't erupted yet which eventually pushes the incisors and closes the space.

 to answer your question kung pwede na mag braces ,the answer is pwede but if i were you .,I would wait til the canines are totally erupted at the age of 12

Thanks sis for the reply:) il visit her dentist soon, and update this thread, baka may mga worried din na mommies here like me, :)

artificialstar

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #61 on: April 02, 2013, 08:54:53 pm »
I really hate my dentist. I wish I can switch dentists, but malapit na akong matapos sa pagbayad. Parang sinadya talaga nya na 40k ang i-charge sa braces ko because she asked if my job na ba ako before she told me the price. Long time friends na sila ng mom ko, pero hindi man lang sya nagpatawad sa price. May friend akong nagpa brace sa kanya na mas malala yung case ng ngipin nya(overbite lang kasi case ko. sa friend ko andaming sungkil and overbite din), eh 30k lang ang charge nya. Kakainis talaga! Hindi nga niya tinitingnan ng maayos ang ngipin ko. If hindi ako magrereklamo, wala rin siyang gagawin. Nagcompute din sya sa balance ko, sabi nya 3k daw ang remaining balance. Nilalagay lang pala nya sa index card yung payments. But may excel file ako na ni-uupdate ko every payment. 800 nalang yung balance. Ipapakita ko to sa kanya on my visit this week.

Hindi rin sya ganon ka hygienic. Hindi ganun ka linis yung tools and office nya. Okay lang sana yung 40k pag nakikita ko naman na taken cared of talaga yung tools and place. Kaso hindi. Btw, member nga pala sya sa networking and even asked me to join her! And she awlays asks me to buy the coffee she sells when I visit! PFFT! I'm sorry for saying this, but mukha talaga syang pera.  >:(

Pwede po ba na pagkatapos ng braces ko, ipapatanggal ko lang tapos sa ibang dentist ako magpalagay ng retainers? Sabi kasi nya na  i-wh-whiten and lagyan daw ng retainers yung ngipin ko. No, she's not getting any money from me as soon as I finish paying!

Sorry for the rant, mga sis. Thanks in advance.
« Last Edit: April 02, 2013, 09:06:42 pm by artificialstar »

lionheart2010

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #62 on: April 03, 2013, 06:30:13 am »
Kung LRT kayo, pwede kayo bumaba ng UN or Pedro Gil. Tapos lakad kayo sa Padre Faura St. May madadaanan kang unang UP Campus pero di pa yun, nasa bandang dulo yung UP Orthodontics halos katapat na ng Robinsons.
Pag pasok niyo sa UP, kanan kayo hanggang dulo (madadaanan mo yung mga nagtitinda ng scrub suit at pagkain). Tapos may bldg dun, akyat kayo hanggang 2nd flr. Sa 2nd flr, may transaction window dun, may parang secretary dun tapos siya na makakausap niyo.

Super thank you sis. This really helped! I'll accompany my sis probably before April end! Thanks talaga!

Miss Charcoal

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #63 on: April 05, 2013, 10:12:31 pm »
^Ay sis. Mga April 20+ na kayo pumunta ha, school vacation daw sila ngayon. Sabi ng ortho ko, balita niya aabot pa nang year 2014 yung nasa waiting list ngayon. Kaya inquire ka muna, eto pala tel # 3025424/5262297 nila.

amelia_eyeheart

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #64 on: April 09, 2013, 12:03:25 pm »
wala ba talagang nag-lilingual braces sa inyo sisses? parang isa palang ata nagcomment long ago about lingual braces... sana may magfeedback. maganda kasi siya for adults especially. di nakikita yung metal kasi nasa likod ng ngipin. ang pangit kasi sa adults yung may metals pa... sa mga teenagers okay lang pero pag nasa twenties na and above parang off tignan

akosibulinggay

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #65 on: April 09, 2013, 03:18:21 pm »
wala ba talagang nag-lilingual braces sa inyo sisses? parang isa palang ata nagcomment long ago about lingual braces... sana may magfeedback. maganda kasi siya for adults especially. di nakikita yung metal kasi nasa likod ng ngipin. ang pangit kasi sa adults yung may metals pa... sa mga teenagers okay lang pero pag nasa twenties na and above parang off tignan

Last feb lingual ang braces ko, pinaremove ko then nag ordinary metal braces nalang ako infront, mas gusto ko ito kesa lingual kasi hassle maglagay ng maglagay ng wax kasi di talaga gumagaling ang singaw ko sa dila ang hirap. Dito sa metal 5 days lang sanay na ako.. Btw, im 27 na, nung una nahihiya din ako pero sa inabot kong sakit sa dila ko mas okay na makitang sa edad ko nakabraces pa ako kesa mukha akong engot sa pagsasalita ko dahil sa singaw, and 15 months lang naman ito okay na ipin ko.. Wag kana mahiya sis, mas mahiya ka kung pangit ang ipin mo hehe  ;D

amelia_eyeheart

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #66 on: April 09, 2013, 09:13:18 pm »
Last feb lingual ang braces ko, pinaremove ko then nag ordinary metal braces nalang ako infront, mas gusto ko ito kesa lingual kasi hassle maglagay ng maglagay ng wax kasi di talaga gumagaling ang singaw ko sa dila ang hirap. Dito sa metal 5 days lang sanay na ako.. Btw, im 27 na, nung una nahihiya din ako pero sa inabot kong sakit sa dila ko mas okay na makitang sa edad ko nakabraces pa ako kesa mukha akong engot sa pagsasalita ko dahil sa singaw, and 15 months lang naman ito okay na ipin ko.. Wag kana mahiya sis, mas mahiya ka kung pangit ang ipin mo hehe  ;D

hehe  ;D you have a point. pero nagresearch din ako sa mga naglingual braces okay naman daw.
pero pwede naman yung lower teeth lang yung may metals di ba? tapos sa taas lingual  braces? para di masakit sa dila  ;D

happyheizel

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #67 on: April 10, 2013, 12:01:03 am »
wala ba talagang nag-lilingual braces sa inyo sisses? parang isa palang ata nagcomment long ago about lingual braces... sana may magfeedback. maganda kasi siya for adults especially. di nakikita yung metal kasi nasa likod ng ngipin. ang pangit kasi sa adults yung may metals pa... sa mga teenagers okay lang pero pag nasa twenties na and above parang off tignan

Hi sis amelia_eyeheart, nagkita ulit tayo sa thread na ito, dati sa derma thread eh. Hehe. Makikisingit ulit ako. If yung concern mo lang is, ayaw mo makita yung metal, why don't you try sapphire braces? Sapphire talaga, hindi ceramic. Sobrang magkaiba ang sapphire at ceramic. Hindi kasi nagkaka stain ang sapphire e. Mabilis din ang movement niya. Ang downside niya is, very expensive siya. Hehe. Kasing mahal din ng lingual braces. One brand of sapphire braces is Radiance.

rinapie

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #68 on: April 10, 2013, 11:47:43 am »
i agree with akosibulinggay. hehe! di naman off... baka nga ito rin ang dahilan kung bakit napagkakamalan naman akong college student. haha! isa pang nakita kong advantage na nasa 20s na nagpa brace e naglalabasan na yung wisdom. nakakagalaw din kasi yun e kaya yung iba parang bumabalik din yung ngipin. yun nga lang, sa case ko, nakatagal gumalaw kasi sumisikip pero okay naman...malapit na din hopefully. 3 years na yung akin e, sana matapos na. pero ayun.. try mo din yung sapphire nga.

px17

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #69 on: April 22, 2013, 09:23:10 pm »
Mga sis. May nagtry ba sainyo magpurchase sa deal sites? I saw a deal na upper or lower ceramic braces for 8099. Okay kaya yun?

Nagbraces na ko before for almost 4 years tapos 1 year retainers. Kaso napansin ko na nagmove yung upper front tooth ko. Eh ang panget tignan kaya nagbabalak na magbraces nalang ulit ako baka kasi wala ng magawa ang retainers. Yung dentist ko naman nagabroad na.

dr.smile

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #70 on: April 24, 2013, 02:59:59 am »
Usually from what i know sa mga deals, ang covered ng price nila is just the initial payment, you have to pay additional for every visit..

grace888

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #71 on: April 27, 2013, 11:46:41 pm »
hi mga sis tagal ko hindi nag post at naging pasaway lately 3months ako hindi nakabalik sa dentist and ngaun i'm suffering from gingivitis sabi ng dentist ko mild lang naman daw feeling ko rin kasi nabulok na yun rubbers ko ... what more kung yun mga ilang taon na edi yuck na yun?
nagkasakit kase ako at eto pa 6 yun natangal 4 nawala or nakain ko
so sad talaga pero anyway nag promise na ako not to skipmy sched buti nalang mabait at kasundo ko yun dentista kundi na kutusan na ako:(

pyjamas

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #72 on: May 06, 2013, 03:27:52 pm »
any reco na ortho sa espana, sta mesa or roces, qc area?
Yung mura lang sana, ang pwede lay away. :)
Thanks!

minatay91

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #73 on: May 08, 2013, 07:54:58 am »
Im getting my braces taken off this year hehe :P

ilovejdy

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #74 on: May 12, 2013, 10:25:09 am »
^sis minatay91... may face shape changes ba before and after ng braces mo?

minatay91

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #75 on: May 13, 2013, 12:40:58 pm »
^ wala sis. upper lang kase sa akin. :) yung overbite po yung correction. sa side profile may difference though :)

ilovejdy

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #76 on: May 13, 2013, 07:25:30 pm »
^sis paanong change sa side profile?  ;)

minatay91

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #77 on: May 13, 2013, 07:32:50 pm »
^ kase if overbite ka, your nose looks less prominent from the tip. :) or your upper lip really bulges out.. makita yun from the side..

actually, advice yun ng plastic surgeon sa akin, sabi niya daw upon assessment sa aking face, magbraces lang daw ako para making mas matangos looking yung nose ko.. ewan. eheh

ilovejdy

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #78 on: May 13, 2013, 08:26:50 pm »
^ay gusto ko yan! haha overbite din kasi ako
and talagang fear ko lang yung changes sa face shape/profile and length ng face

puro nakikita ko kasi humaba yung baba
pero thanks sa info

Pie_3R

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 3
« Reply #79 on: May 13, 2013, 09:16:03 pm »
Hi sisses!

Can anyone refer me to Bonoan Dental Clinic? Will appreciate it big time!:) Thanks!:)


Hi Girl,

Sa Bonoan Clinic yung dentist ko, and may 5 clinics sila. Saang clinic ka malapit? Sa Civic Prime Alabang ako. Let me know kung dun ka.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close