watch now

Author Topic: your ill feelings towards your siblings  (Read 11642 times)

AnJelatine

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #20 on: September 18, 2013, 10:26:23 am »
Dalawa lang kame magkapatid, I'm 7 years older. Nung mga bata pa kame, away-bati-away-bati. Pero ngayon I'm 24, he's 17 close na close na close na talaga kame, matured na ;D Hindi na kame nag-aaway. At Mahal na Mahal niya yung Baby ko. Nakakatuwa :D

eyorro

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #21 on: September 19, 2013, 10:46:26 am »

To my brother and sister, sana naman wag na kayo umasa sa mother natin dahil matanda na sya. Dapat nga nagpapahinga na sya, pero sya pa rin kumakayod ngayon sa ibang bansa para masustentuhan kayo e mas malaki pa katawan niyo kesa sa mother natin. Grabe. :( :(

rannastillero

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #22 on: September 24, 2013, 05:06:02 pm »
Sister and brother...
love na love ko sila...
yung sister ko pinag aaral ko ngayon tuition plus baon sagot ko, pati mga damit at uniforms nya saken lahat, pero wala naman akong problema sa kanya kahit na madalas kameng i compare sa isat isa ok lang kasi para sa akin mas maganda talaga sya. tsaka love na love nya yung baby ko kaya love ko rin sila. si brother ko naman kahit na tambay at puro hingi saken love ko pa rin. ayoko kasi ng makakaaway ko sila. kung magkakaron man ng time na di kame magkakasundo, pipilitin kong ayusin bago maging magulo yung mga buhay namin.

simang

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #23 on: October 01, 2013, 02:11:46 am »
Nakakasad naman to :(

Nung bata kame madalas ko kaaway yung ate kong 2 yrs older sa akin. Opposites kase kame and because youngest ako mas madalas akong pinapaboran ng parents namin.

Pero eventually naoutgrow naman namin ang petty fights. 4 kame magkakapatid and im fortunate enough na ngayong matatanda na kame (31, 29, 28, 26), super close namin. Yung ate ko na dati ko kaaway lagi, lagi na ngayon nagpopost sa fb ng ako daw ang best sister nya. Hihi kinikilig naman ako.

chubilita0290

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #24 on: April 28, 2015, 12:46:57 pm »
3 kami magkakapatid.all girls.nung namatay ang mother ko, may naiwan naman samin kaya di masyado nahirapan.nagtrabaho ako para makatulong sa bahay at sa pag aaral ng 2 kong kapatid.nung namatay ang father ko,dun talaga sobrang hirap.though tinutulungan kami ng auntie ko i really need to work hard at the office and at home.

College na yung 2 kong sisters nun.hati hati kamo sa household chores sana. pero ang hirap talaga.pati kakainin ikaw magiisip ikaw pa magluluto tapos hindi naman sila kakain.ang dumi at kalat pa sa bahay.parang galit pa sila pag tinanong,hello di ba nila ang alam ng malinis at madumi. Lumayas yung youngest namin.kesyo ganito ganyan.sumama sa gf.nagworkinh student kuno.hindi naman kinaya ngayon sa halip graduating na sya naging irreg pa.pero ok lang atleast bumalik pero bulagsak pa din sa pera.kung makahingo kala mo andami ko pera.hindi marunong dumiskarte

Yung pangalawa naman.napagtapos ko.syempre gipit so sobrang hindi ko mabigyan ng malaking budget pag may extracurricular.pagkagraduate tambay ng ilang months.sabi ko try working para pag dumating na yung hinihintay nyang job offer may pambaon.ayaw nya.so ok.pinabaunan ko for the first 2 weeks hanggang makasweldo.nung payday na nya lumayas at nakitira sa bf nya.di na nahiya.kesyo ganto ganyan.bs lang. tapos galit pa sa sinabi kong hatian sa bahay.reason sya daw magbabayad sa utang namin noon. Pero lumipas ang panahon wala naman nababayarang utang.

Sorry mahaba.nakakainis lang kasi sa lahat ng ginawa ko di man lang nila naappreciate yung good side ko.yes i do have bad sides pero hello. You wont expect too much sa isang early 20's to give you all the luxury. Di ko kasalanan nahirapan kyo pero ginawa ko ang best ko para supportahan kayo Tapos what?you end up leaving me.. at ito naman ako t**** t****.still thinking if you're ok and doing good than minding my own life, sometimes i wish karma would struck you para malamaN nyo how bad i feel but only God can decide on that.

Project60

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #25 on: May 19, 2015, 11:25:57 am »
Hay nako. nacoconfuse na ko if madamot ba talaga ako or may karapatan naman ako mainis.

I live with my mom together with my partner and son. We live with her because ako ang bunso and I don't want her to live alone because when my dad died he was alone in our house and it took us 2 days to find out he died so it was quite traumatic for me.

I have a brother and sister in law na nakatira sa house namin sa province. Medyo tamad at matagal ng hindi nagtratrabaho. Hindi nakapagtapos pareho si brother dahil tamad at attitude si sister in law gawa ng hindi siya kaya pag aralin ng family niya. Most of the time they only text and go to my mother when they need something.

Naiinis ako that I think they are assuming all the food in the house is bought by my Mom when in fact hindi. Grabe kasi hindi pa bukas yung items kinakain na ng walang paalam at uubusin or magtira man super parang joke yung ititira. One instance, may malaking toblerone yung bata halos walang bawas paguwi namin isang triangle nalang natira. Kaninang umaga, i checked my cereals na bagong bili almost ubos na and the big milk carton I bought almost ubos na din (parehong almost less than 1 serving)

Hay i feel bad and guilty na parang ang damot ko.

lonelymiss28

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #26 on: May 24, 2015, 12:44:29 pm »
kaming magkakapatid, masama rin loob namin sa isat isa pero civil naman kami. actually dito ko lang sinasabi sa fb mga prob ko sa kanila at sa asawa ko at close friends. pero pag magkakasama kami di mo malalaman kasi di naman namin sinasabihan isat isa ng mali at di rin kami nag aaway sa personal. Hindi naman sa pagpapaka plastik ang ginagawa namin pero ayaw lang namin saktan ang feelings ng isat isa yun ang sa akin lang or kung may dapat talagang sabihin we say it in  a way na di nakakasakit.

dami ako kilalang magkakaaway na magkakapatid as in siraan, pagalingan etc. pero sila sila rin nasisira sa mga pinaggagagawa nila. hopefully di mangayrin sa amin yun magkakapatid.

nicoletta

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #27 on: June 22, 2015, 08:01:22 pm »
Ako naman I love my siblings.  Ngayon that I am married, sister ko nasasabihan ko ng problems ko.  And I worry naman about my brothers kasi malapit na sila sa marrying age, and I worry for them siyempre na they won't find a suitable help mate. 

When we were younger, we would always fight about a lot of things pero malaking changes when we were all busy with our own thing.  Siguro inggitan na yan and mga away will pass with age.

aquacharly

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #28 on: June 23, 2015, 12:20:56 am »
Maturity brings peace among siblings.

Kaming 5 sisters have always been close, regardless of the age gaps & economic differences.  We easily share if required, and we respect each other's privacy and preferences.  We generously share what we learn of life, marriage & parenthood.

Our 3 spoiled brothers, because they were brought up with heredero mentalities -- have always had messy marriages, disastrous philandering results and troublesome children.  Money is never the problem, child rearing is always the problem. Karamihan sa mga kids nila pasaway -- follow the footsteps of their pass way irresponsible fathers.

We sisters have tried to involve ourselves in the kids' lives. May matigas ulo, Tapos t**** t**** din  mga mom nila na gold digger kab1tch: so live and let die.  Bahala kayo. And they breed like rabbits, another round of bastards.  My mom funds it all to the lifestyle she has accustomed her sons to - for reasons only she knows.

We sisters have taken over a few of the legit kids (whose moms leave them behind to save themselves). I have been the guardian of a niece who is like a younger sister to me. She joined my mom's household when she was just 3 and left behind by her mom. Kesa maiwan sa kab1tch, our dad got her.  Como I am 1 of the youngest -- I managed her like my baby doll. :).  She is close to me, and though I was only 10 or 11, I managed her life since.  I signed for my mom for all her school permits, etc. I enrolled her, attended PTAs.  After awhile, the Assumption authorities got  used to a teen being her "guardian".   She is now studying in New York.  I bought her a condo, pay all her expenses -- and collect from her dad my brother.  :D.

We love each other very much.  My husband knows she is a part of my life and he has added to the guidance and all.

imprincessfiona

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #29 on: June 24, 2015, 11:03:15 am »
^ako naman I have one brother (eldest) and one twin sister. Yung eldest may pagka-irresponsible nuon lahat ng gastos sa akin palibhasa ako ang bunso at yung 2 niece ko nakatira sa house ni mother kasama namin. Irresponsible in the sense na panay ang pambababae kahit may 3 kids na sya, hiwalay sa asawa at may jowa (ngayon hiwalay na din sila). Walang ka-sawa sawa sa babae at 43yo. Hay pero ngayon medyo ok na tumutulong na sya sa akin financially pero may babae pa din. Yung twin sis ko naman simula nung nag-asawa hindi man lang nag-aabot kay mother kahit konte. Alam naman nya na walang source of income si mother dahil hiwalay na sya sa father namin. Since ako ang bunso ako lahat. At ngayon na may asawa na ako, ako pa din lahat. Nakakasawa na. Nakakapagod na. Kaya nga gusto ko na bumukod kasi hindi kami makakaipon ng asawa ko. At isa pa, yung twin sis ko nanghiram sa akin ng 50k nung Dec 2013 hanggang ngayon hindi pa din nababayaran sa akin yung balance na 15k hanggang ngayon. Partida ni-loan ko pa yun sa company namin pero tapos ko na bayaran hindi pa din sila nagbabayad at yung singil ko sa kanila buwan buwan pahirapan pa. Ako pa nga ang nahihiya maningil. hindi ko na nga siningil yung butal kahit medyo malaki yung amount pag tinotal ko. Ngayon na kailangan ko yung pera pag nagtetext ako madalas walang reply at sasabihin pa nila wala daw signal sa lugar nila pero pag miss call mo may signal naman. Nakakagalit lang na nung nanghiram sila sa akin agad agad ibinigay ko kasi kailangan nila I mean hindi talaga ako nag-doubt kasi malinaw yung usapan namin na babayaran nila ako monthly walang mintis. Tapos nung isang beses naman, I let them borrow my wifi na dinadala ko sa office kasi sabi nila naputulan daw sila ng net sa bahay (ginagamit nila sa work) so ipinahiram ko pero 1 month na hindi pa din ibinabalik sa akin. Pag tinatanong ko sila pag punta sila sa house sasabihin nakalimutan nila, laging ganun. Hay naku sa sobrang inis ko pina-cut ko na yung service ng wifi ko without telling them. Tapos nakagawa na naman sila ng way para maisahan ako. May net din kasi ako sa house tapos ang gagawin ng sis ko makiki-internet from afternoon until evening (hintay nya asawa nya na pickupin sya sa house namin). Halos gabi gabi ganun ang ginagawa ni sis. Kamusta naman ang kuryente namin? Eh ni singkong duling wala man lang silang contribution o hindi man lang nila ako hatian. Lahat talaga ako? Nasanay kasi sila na ganyan. Nakakairita lang talaga na hindi man lang nila naisip na pare-pareho kaming nagta-trabaho. Saka sana lahat kami tumulong sa mother namin kasi hindi lang naman ako ang anak ng nanay ko e. Sorry sa mahabang post mga sis. 
« Last Edit: June 24, 2015, 11:05:50 am by imprincessfiona »

Obachan

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #30 on: June 25, 2015, 01:13:25 pm »
Pag sinabi ng mga kapatid ko (2 brothers younger than me) wala sila pera.
Wala talaga. As in hindi man lang gumawa ng paraan.

Parang hello! pag sinabi mo bang wala kang pera, un mga anak nyo hihinto ba sila sa paghinga
at mag-on na lang uli pag me pera na kayo.
Hindi na inintindi kung  me kakainin or wala anak nila.

so ako naman, since hindi ko matiis dahil sakin nakatira, tuloy ang life.
at mag aabot na lang sila ng financial support sa mga anak nila kung kelan nila gusto
at kung magkano.

graZiousa

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #31 on: June 26, 2015, 10:02:27 am »
Nakakasad naman talaga pag mag kagalit lalong lalo na sa pamilya. Kami ng ate ko marami ring hindi napagkakaintidihan. Iba kami ng ugali, super kalog ako galawgaw sya naman ang prim and proper. Iab rin ang upbringing ng parents namin samin, tatlo nga pala kami. Eldest si ate,second ako, youngest namin si brothe dear. May mga asawa na kami lahat ngayon. Yong mga differences namin ng ate ko dahil nagmature na  kmi pareho eh dinadaaan nalang namin sa hindi nag iimikan, or i say i prefer not to talk when meron akong sama ng loob sa kanya para wala nalang gulo at hindi ko naron sya mapagsalitaan ng masakit. Pinakaproblema namin ngayon sa family ang brother ko. Sa asawa ng brother ko. Hirap tantyahin ng ugali. Napag usapan naming tatlo magkapatid na sa kanila na ang ancestral home namin, pero hangat andyan si tatay dyan si tatay nakatira. At ako naman since until end this year pa ang work ko dito sa city namin dyan ako nakatira. And problema habang tumatagal na magkasama kami lumalabas na. Daming gamit ko nasisira sa bahay, kahit mga gamit na ang nanay pa ang namili eh tinatapon (by the way wala na si nanay, so mahalaga samin ang mga naiwan nyang gamit). Daming nababasag. Pag ako namili ng grocery para sa lahat, gumagamit sya. pero pag naubos na pinamili ko tsaka sya bibili pero itatago sa room nila. Di ko lang alam if alam ba ng kapatid ko lahat ng to. Pag namili ako ng ulam para sa lahat pero pag sya nagluto para sa kanila lang ng kapatdi ko at anak nila.. Until one time nabasak ang wall clock na regalo samin nung kasal namin. When i ask her bakit nabasag, sinagot ako ng pabalang..kesyo hindi naman daw sinasadya, kesyo ang bata daw binitbit nung ibinaba nila ang clock kasi nagrepaint. So sabi ko hindi naman pambata na trabaho yan bakit pinabayaan. Ang daming sinabi nagpainit na ng ulo ko, siguro napuno narin ako. Sinabihan ko na ikaw pa galit kayo na nga nakadamage. Since nag la-lock na ako ng room ko nakasimangot sya sakin. But for me bahala sya magalit sya mabuti nalang yong harapan ko sya pagsabihan, brother ko naman wala lang. Which is nakakainis ng sobra, dapat sya magsabi sa asawa nya hindi yong parang tinotolerate pa.

alexmack

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #32 on: May 16, 2016, 08:25:01 pm »
Yung brother ko sobrang bastos at sobrang tamad. Mahilig syang magparinig o magpost sa social media na alam ko namang ako ang tinutukoy nya. Lahat pinalampas ko.

Until yesterday nagmura sya sa twitter pero obvious na ako talaga ang tinutukoy because of the word "kapatid" na ginamit nya sa post. Hindi pa rin ako umimik pero hindi ko na sya pinapansin. Yes, magkasama kami sa bahay at parang alila nya ako dito kasi wala naman syang ginagawa kundi humilata at makipag-usap sa gf nya na nasa ibang bansa. Ang sabi ng iba, dapat tinuruan ko ng leksyon pero huwag na lang kasi ayoko na mag-aksaya ng laway or effort sa kanya. Siguro simula ngayon matututo na syang asikasuhin ang sarili nya kasi nagsawa na ako talaga.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #33 on: June 04, 2016, 03:54:30 pm »
Naiinis ako sa ate ko. Ate and Kuya ko may mga anak na, ako and yung bunso na lang namin ang wala pang anak and asawa. Ang ayoko sa sister ko, parang gusto niya lagi na lang ako papayag sa mga favors niya na hinihingi sa akin. Parang di ka pwedeng humindi at DA DRAMAHAN ka pag humindi ka sa favor niya na hinihingi. Manipulative. she will make you feel guilty na di mo siya pinag bigyan sa gusto niya.

Whereas sa kuya ko naman, if di ako pwede sa hinihingi niyang pabor( hatid or sundo sa anak niya sa school) okay lang naman. Wala kang maririnig na ka telenovelahan at kadramahan sa kanya. May mga times, kung wala pa akong gagawin or schedule sa mga araw na hihiling siya ng favor, ginagawa ko naman. Pero, di maiiwasan naman naman na may gagawin ako. At may times na di niya pinapapasok anak niya if no choice siya if wala talagang mag susundo or maghahatid. But, my brother DOES NOT TAKE IT AGAINST ME. 

Sister ko, bossy type. Sa 10 favors na hiningi niya eversince yung panaganay pa lang yung anak niya, ngayon lang ako HUMINDI.. Isang beses lang. Pero yung 9 na pabor na ginawa ko, nakalimutan ata lahat ng yun DAHIL LANG SA IISANG PABOR NA HINDI KO GINAWA! ( with DRAMA pa!) 

Sa akin naman, may buhay ako. Hindi naman siguro ako pinanganak para ako mag paka YAYA/ DRIVER, CAREGIVER, GUARDIAN sa anak nila. Si Kuya, once in a blue moon lang humingi ng pabor sa akin. Si Ate ang pala hingi ng pabor. Aalis,sasama sa asawa.. At ako ang pagbabantayin sa mga anak niya. Pag may lakad sila ng asawa niya, ako ang tatao kasama ang anak. Isang beses lang ako hunindi.. Parang napaka SAMA KO NA, para di ako kausapin.

Ganyan ba talaga mga ate na nanay? Kailangan laging yes ka sa hiling nila iyo, at lilitanyahan ka ng drama kung di ka pumayag? Nakakainis! 

Isang beses humiling siya na tulungan siya sa bday handa sa eskwelahan ng anak niya. Okay, nag brainstorming kami para sa kanyang bento, para sa ilalaman, ihahanda.. Ako pa nga ang nag isip sa mga ilalaman at ako pa bumili ng mga treats sa mga bata eh, gumising ng 6am para sa bento. Pero, while preparing for the bento syros. Pinabibilis ako. " ano ba? ( turo sa watch) di ba sabi ko sa iyo dapat 7 andoon na tayo sa school? ( rolls eyeballs..) hello! Pabor mo lang ito! Wag mo akong rolyohan ng mata at hindi ka na makakahingi pa ng pabor kung ganyan ka!

Eto na! Kahit antok antok pa ako.. Nag handa kami sa school ng anak niya. Picture picture!!

Post sa fb..

She claimed all the credit to herself!   

Caption.. " MADE ALL THESE FOR MY LITTLE GIRL!" Kumusta!! Wala man lang pa THANK YOU! May narinig ba siya sa akin? WALA! Ngayon, umayaw na ako magsundo sa anak niya na incoming grade 1.. Dinadramahan ako.. Kesyo minsan lang daw siya humingi ng pabor para sa little girl niya, alam ko naman daw na impossible ang schedule para masundo nila anak nila on a weekday.( May business ako na may hinihintay na delivery sa bahay, at di lang sa basta na lang ako humindi) hindi ko pa daw mapag bigyan. Wala daw problem.. In a sarcastic tone sa text. Bakit ba hindi niya maintindihan na pwede naman ako humindi, kung may iba akong trabaho?its a favor, di ko obligasyon yan.She should understand na pwede ako humindi,and she shouldnt take it against me.

Dapat ang pabor, hindi SAPILITAN. Kung hindi pwede.. Eh di HINDI. Accept mo yan. Ikaw ang may kailangan. Kung di libre oras ng taong hinihingian mo ng pabor, WALA KANG KARAPATAN MAGALIT, MAG DRAMA,o MANGUNSENSYA! Ang pabor kasi hinihingi mo ORAS ng tao para gawin ang pabor na kailangan mo.
 

 Yung mga ginagawa kong pabor naman di ko sinusumbat sa kanila. Pero oras na sumagot ako ng hindi sa isang pabor.. Out of 10...  Isa lang ang di mo magawa.. Parang napakasama mo.

cupcakebaby

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #34 on: July 27, 2016, 04:49:18 pm »
What if your brother did something really horrible to you when you were 15-16?  the most horrible thing that you can think of, your mom doesn't know because you don't want to hurt her, so you just kept it to yourself.  This brother did not grew up with you because your parents were separated, you actually didn't know him before you met him when you were 15, and because of that, he does not see you as his sister.  You just met him because they said they wanted to get to know your mother, but in truth, they just wanted to take advantage of your mom's guilt because she left them and took you instead.  So this brother lived with you and your mom for a short period.  Then that horrible thing happened.  You did not tell anyone probably because you were ashamed, you did not think that they will believe you, you were scared, period.  And then this brother threatened to stab you, so you told your mom because you were scared that that brother was going to kill you and he might kill your baby sister as well.  He admitted this to your mother, so your mom sent him away again.

You thought that you will not see him again after because communication stopped between them and your mom.  But 12 years after, you saw him again, because your mom begged you.  Your husband knows what happened to you and this brother, so he did not want you to go.  But you had to because you love your mom, so you had to pretend.  It was just one afternoon, you can make it through one afternoon, you don't have to talk him, you just had to be there, so you went.

Now, 5 years after that meeting, your mom talks to you again.  Saying that she wants to celebrate her 60th bday with all of her kids.  That you should bury the past because he is still your brother.  Her words to be exact are "kung anuman ang ginawa sa yo ng kuya mo, ayoko ng malaman dahil baka hindi ko kayanin, pero sana you can find it your heart na mapatawad mo siya, for me, bago man lang ako mamatay, gusto kong makita ko kayong maayos na magkakapatid."  Those were her words. 

This time your husband will probably go with you, because your mom asked him also.  Your husband still hasn't realize that this brother is one of the guests.  Your worried of his reactions.  You want to tell him not to go and just go to work instead.  You want to tell him that you can pretend for one more afternoon for your mom.   

What would you do? Time is running out because your mom's bday is only a few days away.  What would you do?
« Last Edit: July 27, 2016, 05:02:49 pm by cupcakebaby »

miminibebe

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #35 on: August 05, 2016, 01:11:54 pm »
^ang lungkot at ang hirap niyan sis. nangyari ba yan sa yo? or totoong hypothetical lang?

cupcakencheese

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #36 on: August 18, 2016, 09:38:13 pm »
sometimes its competition within the siblings that lead to ill feelings, pasigklaban or pagalingan.

best is just let go, love yourself more.

hisana

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #37 on: August 21, 2016, 03:27:54 pm »
^^^
If it were me, I wouldn't go. I mean, has this brother made any amends at all for what he's done, or puro yung mother lang ang nakikiusap on behalf of the brother? And why is she forcing a reconciliation? For her peace of mind? Eh sya nga hindi na daw makakayanan if nalaman nya yung nangyari, ano naman  kaya pakiramdam ng daughter nya who was the actual victim. Do you think the daughter will get peace of mind from all this o mas lalo syang hindi makakamove on? I don't like what the mother is doing, sorry to say. It's weird and cruel to ask that from the daughter. Jusko, hayaan nyang the daughter will forgive when she's ready.
« Last Edit: August 21, 2016, 03:30:32 pm by hisana »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close