watch now

Author Topic: your ill feelings towards your siblings  (Read 11613 times)

miei2dolcifigli

  • Guest
your ill feelings towards your siblings
« on: January 25, 2013, 07:13:57 pm »
never kami nagkakasundo ng mga sisters ko pero nagkakaayos din kmi kagad before...pero habang tumatanda lumalalim mga issues at yung mga batuhan ng salita sobrang nakakasakit na. dumADATING NA PATI SA FB nagpapasaring na...at 45 aakalain mong ganito pa siya makipagdeal ng problema? at tama bang kasalanan ng asawa ko, ako sinisita...di naman sa naghuhugas-kamay ako...pero dapat ba lahat ng kinonfront ng mister ko sa kanila sa akin babalik?

brendzy

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #1 on: March 06, 2013, 07:44:31 pm »
It's not ok, OMO, na pati sa FB eh, umabot pa away nyo.
my siblings have issues too. mula ng nagtrabaho kami nung elder sis ko since we work sa call center, they were thinking na super laki ng sahod, without considering yung deductions like taxes and all.
it started dun sa 3rd na panganay namin, sya yung tumulong sa min nung elder sa akin na magtapos sa pag-aaral, nung nagkaanak na itong 3rd panganay, and eventually started her small business, pag nagigipit sya, sa amin sya lumalapit, which is Ok. the thing is, pag di sya napagbigyan, lagi nya sinasabi na wala daw kami utang na loob. then yung 2nd youngest namin, nagwowork na din sya, pero di sya nagbibigay, reasoning na maliit lang daw sahod nya. pag nakikita naman pics nya sa FB laging nasa gimikan, galaan, umaabot sa mga beaches. alam ko may inggit factor kami nung elder sis ko kasi we cannot find time and extra money para gumala or gumimik sa sobrang pagtitipid namin to support our family. let's just say, kami nung elder sis ko yung super nag iisip ng solusyon ng problema then pag wala pag solusyon sa amin pa nagagalit iba naming kapatid  :(
I got tired yung sagutan blues namin kasi ang sakit sakit lang. I just learnt to pray more.
for you sana - malampasan mo yang struggles mo, instead na pansinin mo sinsabi nila, pray for them nalang (OMO).

px17

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #2 on: March 28, 2013, 01:58:39 am »
dalawa lang kami ng brother ko sa bahay parehas kami in college na. I'm 3 years older pero sobrang close naman kami. There are times lang nagaaway which is normal naman pero hindi matatapos ang araw na hindi kami magbabati.

with my ate naman na 7 years older. Sobrang gusto ko maging close kami but I think she hates me.. lagi niyang sinasabi na favorite ako ng mom ko (yun siguro tingin niya) pero close lang naman ako sa mom ako.IMO siya yung lumalayo saamin. Sa totoo lang tingin ko nga mas mahal pa siya kesa samin kasi when she was 15 nagtanan and she had a baby.she even fought back towards our parents..she and my mom even had a physical fight (4 years ago) then last year she said hurtful things to my dad. Pero even those things happened parang wala lang ngyare between her and my parents.

When I was 7 or 8 yrs old lagi niya sinasabi sakin "ikaw pinakapanget sa mga panget..reyna ka ng mga panget" kaya siguro I have self esteem issues..and di ko talaga malilimutan na sinipa niya ko sa dibdib (wala naman na sakin yun ngayon, iniisip ko lang bakit kaya niya ginawa yun).Tapos ngayon naman lagi niya sinasabi sa parents ko na ako lang naman daw ang magaling..hindi ko naman siya inaano. Sa fb naman I'm trying to be close parin yung out of nowhere iPPM ko siya sasabhin ko na "ate alam mo etong soap na to maganda.."etc etc..pero parang pinaplastic lang ako.  ::) ahh tsaka pala close kami ng anak niya..pati yun ginagawang issue (like duh pamangkin ko kaya yun). Hayy life!
« Last Edit: March 28, 2013, 02:08:31 am by px17 »

myleia27

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #3 on: April 02, 2013, 01:57:54 am »

2 years ago my brother did something to me (di ko na eelaborate, masyado madrama) na hanggang ngayon di ko siya mapatawad. My parents kept talking to me na forgive ko na raw, pero I still can't find it in my heart na patawarin siya. I even told my parents na hindi na ako naniniwala sa kahit anong sasabihin nya at hindi ko na siya tutulungan kahit kailan kahit mag makaawa pa siya. that's how i resent him so much. we can be at 1 room, we can eat in 1 table together pero talagang di ko siya pinapansin at kinakausap. i even play with his kid when they visit pero silang mag asawa non existent. My dad told me contented na raw siya na we can be civil (though silent) to one another pero sana raw dumating ang day na mag usap na ulit kami, di ko na lang vinocalize pero sa loob loob ko "asa!" naku, ang sama kong kapatid.  :( sana one day lumambot rin puso ko, ayoko naman makipag ayos na may baggage pa pala.

break_free

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #4 on: April 02, 2013, 12:48:31 pm »
Nasa-sad naman ako sa thread na ito. I feel so fortunate kasi magkakasundo kami ng mga kapatid ko, eldest ako by the way. I'll pray for you mga sis na sana maging harmonious din or kahit civil man lang ang relationships ninyo sa mga sibs ninyo.



miei2dolcifigli, grabe naman sis at the age of 45? Basta ang mapapayo ko lang, kahit na kapatid basta't ganun ka katanda eh stay away nalang sa mga nega vibes nila. Iwas nalang mag cross against them. Sakit din sa feelings na may kaaway na immediate family.  :-[



myleia27, don't feel bad about yourself sis, you know what? I am kampi to you. I am sure naman that you are trying your best am I right? But if you don't feel like giving your forgiveness to your brother then don't. Do not forgive just because it's what the society, religion, other people dictate - just be true to yourself. Let time heal all wounds. Self healing must always come first. The decision to forgive comes naturally, and it's more of a process than a one-time event.

j.adore

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #5 on: April 06, 2013, 03:36:03 pm »
I hate my brother kasi napaka irresponsable niya. May time na nagkaron kami ng financial difficulty at imbis na tumulong siya sa pamilya, na-max pa niya yung credit card ng nanay ko sa mga walang kwentang bagay. Ako din yung mega tipid at lahat ng sweldo napupunta sa daily needs.
Di ko gets bakit ang hilig niyang magbibili at magyabang kahit di naman niya afford to the point na puro utang sa kung kanino at kung saan.
2 kami at siya pa mismo ang panganay at 30 y.o pero hanggang ngayon walang pinagbago. Nung una may care pa ako pero ngayon as in wala na I don't feel like may kapatid ako. Parents ko naman wala lang. Hindi na dinidisiplina di ko alam bakit kasi di nila ako pinapansin pag yung problema na ang pinaguusapan.

xhawie0131

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #6 on: April 23, 2013, 12:42:07 pm »
i want to start a new topic sana but i guess im not yet allowed pa. since about a siblings naman din itong thread na to, so gora na ako dito.. 

naiinis kasi ako hindi ko ma gets sister ko the way she managed her money or shall we say pera nilang mag asawa. they have both a stable, secure job in the government. my sister is a public teacher while her husband is an engineer/nurse by profession and works at the city government. but i just can't imagine why is it kinukulang pa rin sila? oh well, kasi nga naman pag may offer na pwede utangan grab kaagad. halos ata lahat ng banko may loans. hindi ko naman alam kung saan nila pinag gagastos. hindi ko na nga sila sinisingil sa mga utang nila, ok lang. ang kinaiinisan ko lang is every year nalang, kada enrollment naghahagilap pa ng pang pa enroll. every year yan. kung kelan last day na nang enrolment dyan na yan papa enrol. ma swerte if may nahanap na agad na mapag loanan. same school kasi anak namin. ok lang sana if sa public shool walang problema. nasa pre-skul at elementary pa mga anak nila hirap na silang paaralin, ano pa kaya pag college nila ni wala silang ipon. ok lang sana kung walang mga trabaho pero ang lalaki ng sahod! 

sister ko kasi feeling din. gusto makipag sabayan sa family ng husband nya. kailangan talaga pag may birthday laging may party, bahala uutang pa yan.. hay kainis..di rin mapagsabihan kasi sobra ma pride ikaw pa ang aawayin, ikaw pa masama. 

jie1015

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #7 on: April 25, 2013, 05:58:38 pm »
share ko lang issues ko with my sister.
actually, bati na kami ngayon, for the past 7 years na. pero before that talagang hindi kami nag papansinan. nagkasakitan pa kami physically. until nauwi na lang sa deadmahan.

move forward to present time, nasa abroad na siya with her family. and okay naman na kami pero may mga comments/actions siya na for me are not so good.

one example, nakuwento sa kanya ng mother namin na nagbebake ako ng cake and maraming nasasarapan sa gawa ko. better than red ribbon pa nga daw. inopen up niya sa akin iyon ng mag skype kami one time. sabi nya, "talaga? mas masarap pa sa red ribbon or goldilocks? hindi nga." yung tono ng voice niya ay parang nagdadoubt sa capability ko. saka mataray. nahurt ako kasi why can't she be happy for me? be proud of what i can do? wala kang marinig na words of encouragement from her.

second naman, nagpadala siya ng chocolates for me. sabi ng mother ko, magpadala daw ako ng slippers for my pamangkins. bumili ako for each of them. an idea came to my mind, naisip ko ibigay na rin sa BIL (her husband)  ko yung mga unused shorts ni hubby na gift pa last christmas. 4 pairs iyon, so tig-2 sila ni hubby. i even placed a note for my BIL. so inexpect ko, ng matanggap nila na kahit papaano naappreciate nila. kaso nagtuksuhan pa sila, sabi ni BIL sa sis ko, itanong daw kay hubby kung may nawawala siyang shorts. mga ganong joke ba. nakakahurt lang kasi di sila marunong mag appreciate.  naisip ko sana binigay ko na lang s brother ko.. :(

jaemi33

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #8 on: April 26, 2013, 04:57:02 pm »
hmmm relationships amomg siblings are one of the most complicated things in life.

I'm the eldest among the 4 kids in my family and I can say lahat kami may kanyang kanyang mundo. Wala yung mas close yung lil sis ko sa akin or sa lil bro ko. Wala talaga haha but I guess we are already comfortble in this way. I guess one of the factors na naging ganito yung relationship namin mag kakapatid is that we grew up having our own seperate room and hobby. It may sounds like maliit na bagay pero dahil less yung interaction namin mag kakapatid kahit nung bata pa kami we just don't know how to interact anymore. Also, seperation of our parents. Naiwan yung brother ko sa dad ko and kaming babaeng anak napunta sa mom ko. Pero after my father passed away, now my brother is living with us pero it took time na naging comfortable ulit siya sa amin kasi sa isip niya we abandoned him.

Kami rin ng sister ko we had this huge gap between us kasi simula pag ka bata na cocompare talaga kami. She was the pretty one and I was the smart one. My first insecurity in life started from her, so I pushed her away para hindi na kami ma compare, but I can also tell na I've received all the attention I wanted from my mom and sa ibang relatives rin kasi ako yung panganay and unang apo and stuff. After nung pareho na kaming teenager ng sis ko we had this huge fight and doon ko lang nalaman how she also felt insecured by being compared with me. She told me na ang approval ko lang ang kelangan niya and she is my no. 1 fan. Naiyak talaga ako at na-touch. We are still awkward with each other pero now we know how much we love each other naman. Wala na talagang competition. We both realize our own beauty and talents in seperate ways. 

Yung bunso naman 12 age difference kaya chill lang ang relationship namin with him haha it's funny kasi he seems very independent sa edad niya compare nung nasa edad niya kami.

Basta at the end of the day, kahit na anong sama ng loob mo kagaya rin sa mga parents natin, kapatid mo parin yan  :)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #9 on: May 25, 2013, 12:25:38 pm »
sa amin naman ng ate ko,ang hirap kasi simula bata kami palaging may comparison.yung ate ko inggitera asi kahit hanggang ngayon may mga nak at asawa na kami,pag may nakita siya na bago sa akin,gagawa siya ng paraan para magkaroon rin ng bago sa kanya..

ayoko na pahabain kasi pero totoo lang,dami kalokohan sa buhay ng ate ko,5 kami magkapatid at 2nd to the eldest ako.may K ba ako na magsalita kapag nakikita kong mali ang ginagawa ng ate ko?kasi naman porque ate siya,kahit mali lahat ng ginagawa niya,hindi rin siya pinagsasabhan ng parents namin kasi rebelde siya.

pag kasi nalalaman niyang nag side comment ako sa buhay niya,galit agad.pinaparinggan ako sa facebook,nagsasabi ng kung anong masasakit,tingin ko naman bilang pangalawa sa ate,karapatan ko magsalita ng opinyon ko lalo na kung alam kong tama yung sinasabi ko.

Marin

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #10 on: May 25, 2013, 07:07:08 pm »
I'm the middle child- never been close to them. Although it is also my fault, naiinis ako na hanggang ngayon sisihan kapag may mga trips/celebrations na hindi natutuloy o hindi kumpleto. I don't budge  and they don't understand even after how many years na hindi ako nag-eenjoy na kasama sila. I want to live my own life and I don't even meddle with their choices para pakialaman nila ako. sana matanggap nila yun

CmomS

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #11 on: May 29, 2013, 07:52:58 pm »
2nd ako sa magkakapatid. I think Im not close to them too. feeling close lang siguro. I tried everything para pakisamahan sila. Nandyan na utusan nila ako, pagawain ng homework or project, magpabili ng gamit, manghiram ng money. Ang pinaka-concern ko is yung panganay and bunso ko na kapatid. They thought na ako lagi ang kinakampihan sa bahay dahil ako lang ang nakakatulong financially. Pero di nila makita na sila mismo ang pinakikitunguhan ko dahil sa kanila ko lang maiiwan mga anak ko. Ang hirap-hirap dahil pag may ginagawa silang masama sa akin di ako makaganti dahil di ko rin kayang gawin sa kanila. Ako lang katulong ng mother ko sa financials kahit na may anak na ako. Ate ko walang work, di rin gumagawa ng gawaing bahay. Yung bunso namin kikay naman. puro porma at gastos lang ang alam.

Parang ate ko yung reyna sa bahay, tiklop parents ko kapag nagagalit sya. Sya ang may "say" sa kung ano ang dapat. Bawal din na may makitang gamit ko sa labas ng kwarto namin kahit na ako ang nagbabayad ng bahay.

Recently nasabihan ako ng kapatid ko na bunso na baboy at kadiri...  dahil daw nakikipag mate ako kahit di pa daw kami kasal ng mister ko. Masakit lang kasi sa dami dami ng tao na magsasabi nun, sya pa na halos di ako matulog para lang matapos ko ang assignment or project nya. Sya pa na onting imik eh naaaya na nya agad ako para samahan sya at magpabili sa akin ng kailangan nya. Iniisip ko tuloy, baka nga yung ibang mga tao ganun na rin ang tingin sa akin... nakakadiring babae dahil sa hindi ako kasal kahit na may anak na kami.

Purple_Power

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #12 on: August 09, 2013, 10:29:11 pm »
Nagtitimpi pero napupuno na rin ako. Mabuti na lang mabait si hipag kung tutuusin nga mas nakakausap ko pa hipag ko compare sa kapatid ko. Ewan ko na lang kapag napuno na talaga ako baka mapasigaw ako or worst case makasakit na ako but of course self defense lang. Nung minsan kasi pinagsisipa niya ako pero pumalag ako nang husto. Kanina lang uminit ulit ulo ko sa kanya dahil sa hirit niya na sablay. I saw my hipag na mukhang sinenyasan niya to keep his mouth shut pero tumaas na talaga boses ko.

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #13 on: August 10, 2013, 07:42:12 am »
Okay naman kami magkakapatid, except dun sa pangalawa. I'm 4 years older than him. He's our black ship and was a drug addict. Thank God okay na siya. Pero when we were young lagi kami mag kaaway and lagi siya kinakampihan ng mother namin. Kakainis, parents shouldn't ever take sides kasi yong kinakampihan humahaba sungay.

Madamot tong kapatid namin and napakasama ng ugali and we can't even explain why. Sabi na lang ng nanay kasi he was a sickly baby and naluto ng medicines or something. Basta daw hindi maayos ang pang-unawa so kami na lang mag give way

Never kami nagkasundo and now we don't even talk to each other. But the rest of my siblings, okay samahan namin and they respect me being the eldest. Among the younger ones naman may away na normal lang lalo dun sa 2 teenagers. But at the end of the day, they are each other's best friend.

To TS - yong pag post ng sibling mo sa FB huwag mo na patulan. Don't even respond through FB, although nakakainis yon. Pag di mo sinagot magmukha lang siyang t****.

snowhite_12

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #14 on: August 11, 2013, 06:43:09 pm »
I have two sister na may anak na super tapad.pati mother ko ang nagpapakakain at nag aalaga
sa mga anak nila. sometimes nakakainis isipin, hindi man lang gumawa sa home chores dito.
mga senyorita talaga. ewan ko bah, hindi tumutulong pero hindi naman kukuha ng maid para
mag ligpit sa gamit nila. Ayoko e excuse dahil pagod sa work,ako pagod din sa work pero
kahit sa maliit na bagay tumutulong ako sa gawain. haist! meron ba kayo mga kapatid na ganito?

aquacharly

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #15 on: August 22, 2013, 12:38:22 am »
I pray my brothers curb their greed. So we can end all this inheritance-related family issues. 
I pray they & my mom give my sisters their fair share (hmmm, me oo! Me too!  Hahaha)

gandangDImoinakala

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #16 on: August 22, 2013, 01:17:28 am »
Ill  feelings toward my elder sister YES meron paano ba naman siya yun ate at single pero NEVER in my life na nakita ko mag grocery siya for the rest of the family. Laging sa kanya lang! Tapos ang share niya sa kuryente half kami, half sa maid, pero ang pag kain ako nag ggrocery since ako yun may asawa at anak na. We're both living with my mom pero mag momove out na pag tapos na yun house ko.

Ok na ko dun pinapalampas ko Pero ang diet niya NO RICE so expect mo kung mamapak ng ulam eh wagas imbes na pwede pa kinagabihan or initin kinabukasan dba??? One time yun maid namin nagkasakit so pina xray niya and buy some meds alam mo text sakin. Hati tayo sa 510 na ginastos ko sa maid. Talagang may 5-10 pesos hindi nalang palampasin yun sampung piso!

Kaya ang code name namin magasawa sa kanya BU short for BURAOT! Civil kami pero were never gonna be close since she's born to be buraot!

agape

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #17 on: August 23, 2013, 04:40:11 pm »
For those who have selfish siblings like my brother...this might give us some tips.

http://www.caring.com/blogs/caring-currents/how-to-deal-with-financial-freeloaders

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #18 on: September 16, 2013, 05:24:50 pm »
hayys! reading this makes me sad. I used to be close to my only sibling. Dati nung wala pa ako asawa we can go out anywhere. Libre ko pa nga sya during out of town trips and eat outs namin. Nung nag aaral sya kahit di ko sagot tuition nya I was there to help out sa mga needs nya sa school. Fine Arts kasi kinuha nya so medyo mahal yung gamit, imagine noon na di pa kalakihan yung kita ko kahit last money ko na basta sinabi nya na she needs this, go buy lang ako. Then nung naka graduate sya at bum sya for two years, I willingly helped her to enroll sa Fine Arts school for additional trainings and seminar. Ni thank you wala ako narining pero oks lang.

Ngayon we are not on good terms na talaga. Since naging sila nung ulikba nyang GF everything was turned upside down. Gusto kasi nya after ko mag asawa magkaroon din sya ng right na katulad sakin - yung gf nya dun na patitirahin sa bahay ng parents ko. All I want was respect and consideration. Para kasi kelangan kami lagi mag give way sa kanya dahil may "suicidal" tendency kuno pag iniwan ng gf. Sakin naman, how about me naman? Kelangan ba lagi nalang ganun? Ever since nung maliit kami, I always consider my sister pero ngayon sobra na ata. Parang ganun nalang ba lagi na kelangan ako yung magparaya dahil ako yung may "isip" saka nakakaintindi. My sister is not young anymore, pero suportado pa rin ng parents. I am not ranting about sa treatment ng parents ko pero minsan nagiging unfair sila. Imagine lahat ng luho ng kapatid ko todo bigay kahit na bum lang sya. Makahingi ng pabili like new camera, may Macbook saka Samsung galaxy plus basketball shoes eh talaga naman di pinaghihirapan. Samantalang ako if I want to buy gadget, stuff, travel... I really have to work hard para lang makuha yun. Hindi naman ako bitter but thankful nalang na at least alam ko pano paghirapan yung pera.

My dad was telling me namimiss daw ako ng sister ko, sinabi ko nalang sa phone... yeah right, plastikan lang? Di nako naniniwala. I am already fed up and I guess whatever gap we had it will really take time para maayos. Kasi sa ngayon pag naiisip ko kapatid ko nagagalit ako ng sobra lalo na dun sa GF nya na feeling.

Shadow Angel

  • Guest
Re: your ill feelings towards your siblings
« Reply #19 on: September 16, 2013, 06:15:46 pm »
Ako kasundo ko naman lahat ng siblings ko i don't know lang dahil ako mas nakakatulong sa amin. Sana lang nandyan pa tin sila if ako naman may kailangan. Ang youngest namin un talaga sobrang tigas ng ulo although hindi talaga sya makalaban sa akin pero hindi ko gusto way of living nila mag asawa dahil asa lang sila sa mga biyenan ng sis ko parang ako nahihiya talaga ganun sya pero kebs lang ang leg dahil choice nila un as long as hindi nila ako na iistorbo hindi ko sila pinapakialaman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close