watch now

Author Topic: Boracay Thread 32  (Read 89129 times)

ibarra

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #60 on: January 29, 2013, 12:37:52 am »
hi mga sis, ano suggestion niyo plan kasi namin mag-boracay ng gf ko sa march 4 to 7, ngayon wala pa ko mahanap kung san kame mag-stay. Magpa-book na ba ako ng hotel or dun na lang kame sa boracay maghanap? first time namin mag-boboracay ng gf ko at may plan na rin ako na dun ako mag-po-propose sa kanya. salamat

honeycrushed

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #61 on: January 29, 2013, 01:33:35 am »
aww... so sweet  :)

suggestion ko is magpa book na kayo ng room kasi peak season ngayon and madaling mapuno ang mga hotels.  depende sa budget ninyo pero check out myboracayguide for a list of possible hotels na pwede ninyong pagstay-an makikita mo na din dun ang prices.   best place to be is in station 2, lalo na sa couples kasi malapit sa night life and sa mga kainan.  kung gusto mo naman medyo tahimik, station 1 kayo.

goodluck in your proposal! have a good time in bora  ;)

hun_nie08

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #62 on: January 29, 2013, 05:34:55 am »
I agreed with honeycrushed better booked your hotels kasi nga peak season yun.. unless gusto mong mag stay ng malayo sa beach.. We always stayed in Station 2 kasi nga malapit sa lahat, kainan, gimikan.. near the mall palagi para di nakakatakot umuwi pag gabi na.. and since gitna, di nakakapagod maglakad if you go to station 1 or 3

chummychum

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #63 on: January 29, 2013, 07:56:48 am »
been to boracay last Jan 20-22. station 1 still has algae and nun ngsnorkeling kami ni hubby inatake kami ng jellyfish. :( hindi na tuloy kami tumuloy maghelmet dive. and don sa mga snorkeling sites, meron ba talagang bayad na 20pesos environmental fee?

mikaela325

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #64 on: January 29, 2013, 09:17:11 am »
Hay kakaka tense and excite at the same time. Biglaan naman kasi etong first ever boracay trip namin ni hubby. Two yrs ago punta dapat ako dun with my sis and her bf. fully paid na hotel and airfare di naman ako nakasama kasi na preggy ako.

Kaka book ko lang yesterday sa cebupac ng ticket. Dapat airphil express kaya lang after the nth time eh biglang nageexpire ang page after payment. Naka ilang tawag tuloy ako sa cc hotline baka napost. When i called up airphil nagdodown daw yung page nila try after an hour. Eh baka wala na yung seat na gusto ko. Kaya i ended up with cebupac. Hassle free online booking cheaper pa. Got the 188 base fare going to kalibo and 1500 going back. ++tax etc.

Ang assignment ko today is book for a hotel. Gaano ba kalayo ang station 1 sa dmall?

And same question with sis, cheaper ba swimsuit dun kaysa mall here? Like speedo for ex.

This coming weekend na kami. Feb 3-5. Pareho naming first time. Atv pa lang ang sure na gagawin namin and a visit to Puka beach.

tannya

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #65 on: January 29, 2013, 09:39:05 am »
mga sis mga gaano katagal ang biyahe from kalibo to the beach?  May kasama kasi akong anak kaya medyo worried ako kapag matagal dahil baka magwala.

hi sis!if i may lang...

from kalibo more or less 1 hour 30 mins nalang ang travel.
kasi either you take the bus (ceres yata) or mag van ka (so 1 hour yon). after land transpo, sasakay pa ng boat going to the island so say +15 mins tapos sakay na ng tricycle going to your billeting area. :)

hakunamatata

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #66 on: January 29, 2013, 01:23:46 pm »
hi naka book din kami ni hubby for our first wedding anniversary sa bora, april 18 to 22 pero ang dating kasi namin sa kalibo is around 6pm na so mag stay nalang muna kami sa kalibo overnight sayang kasi ang bayad sa hotel sa bora if late check in kami.

naghahanap kami ni hubby ng affordable hotel na may pool sa bora, may massuggest ba kyo? then sa activities anong suggested activities kaya? first time ni hubby sa bora and my 2nd time kaso hindi ko na maaalala yung person na nakausap namin sa activities.

sajo

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #67 on: January 29, 2013, 02:39:49 pm »
good afternoon  8) we booked already flight manila - kalibo via airphil. travel dates from March 1 to 5, 2013. arrival namin sa kalibo 7:10pm hopefully makahanap ako ng affordable hotel/inn sa station 3 yun magooffer na din ng transfer. magcecelebrate din kasi ng first wedding anniv yun sister and brother in law ko then chaperon kami ng younger sis ko. first time namin mag out of town na 4  ;) share pa kayo mga sissies ng mga tips/referrals nyo about your boracay escapdes. it will be "big" help sa amin, tia!

badgurl23

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #68 on: January 29, 2013, 03:42:52 pm »
Thanks again sis badgurl..try ko na rin muna itext si kuya ron or nino..pero palagay mo, hindi kaya mahirap makipag bargain sa kanila kung pupunta muna ako sa booth nila considering peak season yung punta namin?


Go sis, inquire ka na lang kina kuya ron or nino, then pag nabigyan ka na ng quote, pag naglakad lakad kayo sa may booths im sure madami pa din nagaalok dun so tanong tanong lang din kasi minsan mas mura sa mga nagaalok depende lang talaga. kapag sinabi mo kasing may contact ka na, binababaan nila yung rate. kapag unang alok kasi same rate or mas mahal pa ang ibibigay sayo na presyo.

mikaela325

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #69 on: January 29, 2013, 07:41:24 pm »
mga sis which is better kaya shore time boracay or the strand? both in station 1 but the latter is not beach front.

riandrew

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #70 on: January 29, 2013, 09:28:33 pm »
pahiram neto from PEX

guys, update ko lang mga activity prices ni kuya Rn para makapag reserve kayo agad sa kanya.
Helmet Diving 300 each
Parasailing 800 each
banana boat 200 each
flying fish 450 each
ATV 350 each
Zipline 450 each
Zorb 250 pag tatluhan at 330 pag dalawahan.
Island hopping 1200 for up to 6 pax add 100 lang for teminal manifest fee. plus snorkeling sa kanya 25 lang ang rent. sa iba 50 ang rent

text nyo 0920-9060466 or 0922-8876639 laging cheapest lahat ng alok nya.

hanson15

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #71 on: January 29, 2013, 09:38:47 pm »
pano pag 2 lang how much naman ang bayad sa island hopping?

tammy1979

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #72 on: January 29, 2013, 10:21:03 pm »
sis chyng! feb. 14-17 ang bora namin, pero hindi ko kasama yung 2 angels, hehe.. 3 officemates ko kasama ko saka mga partners nila, hehe..Makahanap na lang ng kabalentayms dun, lol!

riandrew

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #73 on: January 29, 2013, 11:16:09 pm »
^
naku teh, patok na patok ang legs mo sa kahit sinong lalake. hihi
kala ko sabay na naman tayo eh, pero sa 1st week of march pa punta ko.  ;)

bachoi

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #74 on: January 30, 2013, 03:23:00 am »
Excited na rin ako sa trip namin ng sister ko sa Boracay though sa March 15-17 pa yun. First time kasi,eh. hehe. Sa Tonglen kami magstay. Nakuha ko siya ng 2000 per night without breakfast. Nagpabook na lang ako sa friend kong travel agent. May nakapagtry na ba sa inyong magstay dito?

Eto yung balak ko.
Day 1 - Paraw sailing
Day 2 - Parasailing (Ok lang ba dun sa boatman na magpicture gusto ko kasi macapture yung moment. hehe. Tagal ko ng pinapangarap na matry to)  and Helmet Diving (pwede bang pagsabayin to)
Day 3 - ATV

tammy1979

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #75 on: January 30, 2013, 05:35:25 am »
sis chyng, na try mo na ba yang mga activities ni kuya Ron or Nino? Same rate din kaya yan sa Valentines Day? Lika na, re-sched mo na yang bora mo at nang sabay na tayo hehe!

kakaloka ka, may ganung factor talaga na patok ang legs hahaha! natawa ako bigla, lol! Malamang matutulog lang ako ng bongga dun hehe... If i remember it right, sabi mo sa sagada ang gala mo sa feb. 14, tama ba? pwede ba magpabili ng persimmon vinegar? hehe.. sorry OT..:D

hakunamatata

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #76 on: January 30, 2013, 07:47:54 am »
Excited na rin ako sa trip namin ng sister ko sa Boracay though sa March 15-17 pa yun. First time kasi,eh. hehe. Sa Tonglen kami magstay. Nakuha ko siya ng 2000 per night without breakfast. Nagpabook na lang ako sa friend kong travel agent. May nakapagtry na ba sa inyong magstay dito?

Eto yung balak ko.
Day 1 - Paraw sailing
Day 2 - Parasailing (Ok lang ba dun sa boatman na magpicture gusto ko kasi macapture yung moment. hehe. Tagal ko ng pinapangarap na matry to)  and Helmet Diving (pwede bang pagsabayin to)
Day 3 - ATV

hi sis, may contact ka ba ng tonglen? ang andun kasi sa site nila phone number lang walang cp or email.

Thank you.

tentendelight

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #77 on: January 30, 2013, 08:36:54 am »
tentendelight 4900 Sur boracay Family room, transfer lang. Wala airfare kasi nakabooked na kami sa TA :D

princeszhengSis, naka-book ka na sa travelonline? Post mo sis, pag nakapagsend ka na ng payment ha. :) Ano yung TA sis? Tigerairways ba yan?

Hay.. May money na para magpa-book ng ticket nalilito naman ako kung saang airline kami.  :(

Cebu pacific or zest air. Sa zest air nabasa ko lagi daw delayed flight and bumpy ang ride. :(

Okay ba mga sis sa airphil? Naghahanap kasi ako ng affordable pero maayos naman yung airline.


aylin_santos

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #78 on: January 30, 2013, 08:58:51 am »
excited to see boracay again :) will be there with friend this saturday. any reviews about sun woo hotel? dun daw kasi kami mag stay.

mauuna kasi ako sa mga friends ko dahil kalibo flight nila ako caticlan . papayag kaya yung sa hotel na mag check in na ako kahit 12pm pa yung check in time?

ang hassle naman kasi mag ikot mag isa nang may bitbit akong backpack :( 730am nasa caticlan na ako darating mga friends ko 9 or 10am pa.

badgurl23

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #79 on: January 30, 2013, 11:09:38 am »
mikaela sis nadadaanan namin lagi yung shoretime at nagagandahan talaga kami dun ni bf, restaurant nila yung obama grill sa beachfront. nagbasa din ako ng reviews dun before our trip nung jan21-24 at madaming good reviews sa trip advisor

riandrew waaa sis grabe, nagtext nga ako kay kuya ron ngayon lang, 3days ago lang naging 300 na lang yung rate for helmet diving. nung january 23 600php pa kuha namin dun per pax. sayang naman :(

bachoy hi sis , yes pwede mo iabot sa magassist yung camera to take pics habang nagpaparasail kayo, kay kuya nino kami nun then sa BIA aqua sports niya kami dinala, sakto nga kasi speedboat yung naghatid samen tapos mas okay yung designs, yung nagamit namin sa parasailing yung may malaking smile na design, haha! willpost it sa mini mini blog ko soon :D
« Last Edit: January 30, 2013, 11:24:08 am by badgurl23 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close