watch now

Author Topic: Brother in Law na umaasa kay Hubby  (Read 2899 times)

cutiemom5775

  • Guest
Brother in Law na umaasa kay Hubby
« on: January 23, 2013, 11:11:46 am »
Naawa na talaga ako sa husband ko. Lahat ng expenses ng kuya nya sya ang umaako. Noon okay lang kasi may work pa si hubby kayalang nagkaroon ng mass layoff sa company nila buti nalang at may business kami na napagkukunan pa ng income. Sa ngayon hindi narin ganun kalakas ang kinikita ng business namin, may pinag aaral pa kaming anak at may bago kaming baby kaya naman napakarami naming expenses. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ng BIL ko wala syang permanenteng trabaho (hindi sya nakatapos ng pag aaral), may tatlo syang anak na maliit parin at dagdagan mo pa ng pasaway na asawa (bilas ko) na wala na atang ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo si BIL kaya pati si husband ko pinoproblema ang problema nila. 3 years na kaming magkakasama sa isang compound pero until now walang nagbago. Sabi noon ni hubby pansamantala lang naman na kami  muna ang sasagot sa mga expenses nila(water bill, electricity bill) pero yung pansamantala naging pansamantagal. Pagkain na nga lang ang problema nila pero minsan kinakapos pa at syempre si husband ko ang tinatakbuhan nila, hindi naman ako madamot na tao at kapag alam kung meron kami okay lang naman sa akin wala silang naririnig sa akin. Aware naman ako na inaabutan ni husband ang kuya nya minsan ng panggastos at maraming beses naring nagkaproblema si BIL sa wife nya dahil sa mahilig itong mangutang ng 5-6 na di alam kung saan ginamit ang perang inutang di naman kayang bayaran kaya tuloy lumaki ng lumaki at dahil hindi nila kaya si husband naman to the rescue ulit. Noon hindi ako masyadong nag rereact hindi naman ako nagger na asawa tahimik lang ako nagsasalita lang ako kapag napupuno na talaga ako. Sa sitwasyon namin ngayon lumalaki narin ang pamilya ko hindi maiwasang napagtatalunan na namin ito ng asawa ko. Iniisip ko ang future na mga anak namin. Unti unting naubos ang savings namin sa bangko at ngayon kinakapos narin kami ng pambayad sa tubig at kuryente na sobrang nagpapa stress kay hubby. Naawa na ako sa kanya kahit naman kasi singilin namin si BIL at sabihing sila na magbayad ng expenses nila hindi rin naman nila kaya. Okay lang sana kung nagtitipid kaso hindi rin everyday naglalaba, kung makanood ng  tv parang wala ng bukas minsan tulog na sila bukas pa yung tv or radio nila. Sana lang marunong silang makiramdam, aware naman sila na hindi na ganun kalakas ang business na pinagkukunan namin ng income pero walang pakiramdam. Okay lang tumulong kayalang parang umaabuso naman... wala akong mapagsabihan nito kaya dito ko nalang inilalabas...

quinone

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #1 on: January 23, 2013, 04:04:20 pm »
ang tanung hanggang kelan ninyo pro-problemahin ang problema ng ibang tao?

iisa lang ba ang linya ng meralco or maynilad ninyo ng BIL mo?
kasi kung tutuusin, indi dapat ninyo inaako yang mga ganyang problems kasi yang nangyayari sa buhay ng BIL mo e consequences ng actions niya. huwag mong pasanin yung krus ng iba.
tingnan mo pati kayo nahirapan, kanya-kanyang bitbit ng cross sa buhay.

tulungan lang ninyo pero wag ninyo akuin lahat. kung manghiram ng 100php, pahiramin ninyo 25php or less, ganun lang sa palagay ko ang tama. kahit pa sabihin nating mabait yung BIL mo, paano naman kayo pati savings ninyo naapektuhan. sana mahanap ninyo ang right solution sa issue na ito :)

binggay

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #2 on: January 23, 2013, 04:26:28 pm »
^ Agree. As soon as possible start setting limits sa mga itinutulong ninyo. Human nature yan eh -- "kung kaya kong makuha ng di ko na pagsisikapan, ba't pa ko magpapakapagod?" Dahil anytime naman ready kayong tumulong, yang BIL mo at asawa niya will never learn to fend for their own family.

Wag mong sabihin na kawawa ang BIL mo dahil hindi nakatapos. Ang dami kong kilala, di rin nakatapos, pero nagsisikap at nairaraos ang pamilya nila. Ganyan ang mga messenger namin sa opisina. lahat naman di nakatapos. Pero lahat nagta-trabaho. Yung isa nga naming messenger, awa ang Diyos (at salamat sa pagsisikap niya) -- napagtapos ng college yung apat niyang anak. Isa na lang ang nasa high school. At ang nakakatuwa pa sa kanya, nung nakatapos yung pang-apat niya, inampon pa niya yung isang pamangkin niya para mapatapos din ng pag-aaral. So what makes your BIL so different na hindi niya na mapagsikapan magtrabaho? Isama mo pa ang asawa niya.

Alam mo, ayokong maging mapang-mata, pero di ba we always hear sa news na sinasabi lagi ng mga tao "ang mga mayaman, sila lang yumayaman, tapos yung mga mahirap, di naman nakakaramdam ng ginhawa". Pero ako minsan naiisip ko -- kaya din nagkakaganun, dahil karamihan din naman sa mga mahihirap at di umaasenso ay mga TAMAD. Sa totoo lang. At yung mga mayayaman, lalong yumayaman dahil nagsisikap silang paunlarin at palakihin ang mga negosyo nila. Of course, I do not look up to those na yumaman dahil sa pangungurakot at pagnanakaw.

cutiemom5775

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #3 on: January 23, 2013, 04:51:27 pm »
yun nga rin ang tanong ko sa husband ko, hanggang kelan namin sila aakuin? madalas ito ang pinagtatalunan namin ang lagi nyang sagot lahat ng bagay may katapusan ayaw nya lang daw magkasira silang magkapatid. Sa totoo lang Tamad ang BIL ko noon pa kaya may mga relatives sila na di nila kasundo dahil sa ganyang issue. Araw araw nireremind ko sa husband ko na wag masyadong mabait dahil inaabuso na sya. Ayoko lang na dagdagan pa ang stress nya kaya diko sya inaaway kundi sinasabi ko nalang kaya natin ito, nandito lang ako basta kapag nalagpasan natin magsisimula tayo ulit.

quinone

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #4 on: January 23, 2013, 05:22:15 pm »
kung tamad ang family ng BIL mo, ibig sabihin ang "katapusan" na sinasabi ng hubby mo is when nag e-earn na kayo enough to support you & your BIL's family?

cutiemom5775

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #5 on: January 23, 2013, 06:06:29 pm »
Katapusan as in maubos na pasensya na, last month nga nanghihiram si BIL ng 20k para sa utang ng wife nya, 3k lang pinahiram nya para naman daw malaman nila na hindi lahat ng oras nandyan sya. Iisa lang kasi ang meter ng kuryente at tubig namin pero meron silang submeter. Napagod na ako kaka read ng bills nila kahit bigyan mo ng list ng amount na dapat nilang bayaran wala namang ibibigay mapuputulan pa kami kung hihintayin pa namin sila. Kung ako lang masusunod pinalayas ko na sila kaya lang hindi naman ako pwedeng gumawa ng hakbang lalo nat hindi naman ako ang kamag anak nila.

gil12

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #6 on: February 01, 2013, 11:49:51 am »
pabigat yang BIL mo.. tanggihan niyo ng tanggihan.. eh kung kayo nga namomroblema na rin sa gastusin, hindi naman pwedeng sila na lang lagi tinutulungan. malamang nasanay na rin sila na puro inaabutan. yan din minsan ang hirap sa pag tulong sa ibang tao para bang nakukunsinte pagiging tamad nila. hindi rin excuse sa BIL mo na hindi siya nakatapos sa pag-aaral, ilang taon na ba siya? kung tutuusin swerte na nga siya kasi sa panahon ngayon andami trabaho na kahit hindi college grad tinatanggap eh... may mga callcenters na hindi naman required na college grad and di gano strict sa age limit... may naging officemate nga ako dati na mag-ina sila sabay sila nagtraining and nagwork sa isang callcenter.. kung matiyaga and masipag isang tao maghahanap at maghahanap yan ng trabaho, sa case ng BIL mo parang wala na yata siya plano kumita ng mas malaki para sa family niya.

Kady_14

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #7 on: February 13, 2013, 09:30:00 am »
I'm assuming na "libre" na your place? Sabi mo sa isang compound kayo nakatira. So sa in-laws mo ang compound?

Kung yes, mahirap umalis kasi sa inyo na pala yan. If No, maybe you could move houses?

Nung bata pa ako our house was right next to my uncle's house. (My paternal grand dad bought all of his eight kids lots pero hindi sa iisang lugar lang) My dad's the youngest and kanya yung ancestral house na katabi ng lot ng uncle ko.

So ganun din, mayat-maya my Uncle will ask from my Dad, lahat halos sa amin sila takbo, well una sa lolo and lola ko muna then kapag wala sa parents ko. Maski gamot for their children. Even bigas and ulam. Ang pansin ko mali din kasi my parents, hinahayaan nila. Dapat natuto din sila mag-NO.

Kaya parang yung Uncle ko, hindi na talaga nag-effort kasi siguro iniisip nya if ever naman anjan naman kami sa kabilang bahay to help them. Ang nakakaawa lang yung mga pinsan ko, kasi they were really deprived of so many things.... pang MMK. Nakabuti sa kanila (imo) nun umalis na kami dun, wala na sila matakbuhan na malapit kaya kinailangan nila mgsumikap talaga.


lent0t

  • Guest
Re: Brother in Law na umaasa kay Hubby
« Reply #8 on: March 23, 2013, 10:15:28 am »
Hi sis,

mahirap yung prob nyo. maalala ko lang may business kayo diba? may employees kayo or kayo lang ni hubby? why don't you hire your BIL? sa mga ganyan, dapat binibigyan ng source of income. masasanay sila sa hingi.

I wish my BIL is like your husband. I never expect financial support from him though. sa amin naman baligtad, di makatulong si kuya ni hubby kahit gusto nya since ang wifey nya ayaw. magbigay nga lang ng pasalubong ayaw nung wifey hehe. kinaya naman namin ni hubby na walang tulong nanggagaling sa family nya. ok na din, para wala silang masumbat. we move out from MIL's house. dun din kasi nakatira yun family ng kuya nya. nakaka stress kasama hipag nya, take note hindi un MIL ko hah. BTW, nasa US kuya nya.

anyway back to the topic, tama din sila na set deadlines. siguro sabihan nyu na rin ng financial standing nyo, na nahihirapan na rin kayo. kung di nyo sya kaya hire sa business nyo, help him look for a stable job. if he's not a college grad, let him take TESDA courses. malaki ang percentage na makakuha ng work pag may certificate from tesda since lalabas skilled worker sya. may possibility pa syang mag abroad. wala naman bayad yan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close