watch now

Author Topic: Singapore (Thread 20)  (Read 99146 times)

bonita8888

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #80 on: February 02, 2013, 01:28:40 pm »
hello mga sissies! baka puede nyo ko gawan ng iterinary April 24-30 2 adults 2 kids gusto rin sana namin mag KL kung may time pa TIA!!!

xtine

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #81 on: February 02, 2013, 01:41:33 pm »
^day 3 can be your marina bay sands, gardens by the bay and then dinner at makansutra.

^day 4, you can check out chinatown for pasalubong (pagoda st and temple st).  Smith st, the third street is the food street.  Buong street makansutra style.
To get here in pagoda st.  From chinatown mrt exit A.

joeshred

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #82 on: February 02, 2013, 01:46:13 pm »
thanks for the hawker food tips. since pagkain narin pinaguusapan natin, san ok kumain ng chili crab? bukod sa no sign board? like i said in my previous post na sa may chinatown lang kami naka stay, so the nearer the better.

last question ano na ba average proce ng hawker food? sa mga food blogs $5 SG average pero sa mga ka chat kong pinoy $8-10 SG.

TY, bukas na alis namin!

prettygretchen

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #83 on: February 02, 2013, 01:51:30 pm »
thanks sissies, yes yun hop on and hop off OK ba yun? saan ako bibili ng ticket?

saka ask ko lang pwede ba mag dala ng water jug sa loob ng USS at sa singapore flyer ganyan. maya kasi bawal at dun lang pwede sa loob bimili eh :)

at kung sa Day 4 namin, since 1:30am at 3 hrs before the flight andun na sa airport, may mga pwede bang puntahan near the airport? or factory outlet nlng na malapit sa airport para dun kami mag ikot ikot thanks

ficklemind

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #84 on: February 02, 2013, 01:54:03 pm »
^^
yup tama naman yung 5$ average,  8-10? hmm pwede din depende sa oorderin mo at sang hawker, dun sa city area at puntahan ng tourist eh mas mahal talaga compared sa mga nasa residential aread.
so safe to say siguro yung 5-10. 
 
sa baba nga ng hdb namin 3$ lang e, yung bak ku teh lang inaabot ng 5$.

bukod sa no signboard, pwede din sa jumbo seafood meron sa clarke quay, meron din dun sa makasuntra nung seafood na stall, sa chinatown din meron di dun yung seafood restaurant ba yun.

bonita8888

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #85 on: February 03, 2013, 10:34:30 pm »
Hello again mga sissies, baka pwede nyo naman akong tulungan kasi im travelling with my hubby and 2 kids on April 24-30, and sa Geylang lang kami nakakuha ng hotel, Gusto ko sana malaman kung pagdating ng Changi magtataxi nalang kami papuntang Geylang or magshashuttle? Saka san po ba puedeng kumain na affordable lang around Geylang kasi 6 days kami magstay dito. Any suggestions? TIA!!!  ;)

prettygretchen

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #86 on: February 03, 2013, 11:45:07 pm »
Hello mga sissies, here in sg YMCA, infairness malines at maluwag kami sa junior suite with 1 extra bed for 4 adults and 1 kid. Nakapag check in kami around 7pm na kasi traffic sa air hindi kami nakalapag agad na supposedly eh 5pm nasa lapag na kami. Anyway nag limousine taxi kami for 36.50$ pero keep the change na ang 40$ na inabot ng asawa ko.

Pag dating ng hotel nag lakad papunta cathay mall kasi nakita ko yun sign ng popeyes kumain pagkatapos nilakad papunta bugis market. Ang layo! Souvenir:5 for 10$ ang mga dinidikit sa ref, 18 + 2 pcs for 10$ [textspeak!] ang keychain. Yun nalang binili ko pang pasalubong sa teacher anak ko at i love singapore ballpen na 10$ per 3 packs.

Tanong ko lang paano ba pumunta sa hawker centre by train or bus?

Bukas plano ko mag singapore zoo at night safari na lang kami kaya ba ng 10am-gabi na yun or madami pa ko pwede gawin sa oras bukas? Ano pa pwede puntahan na near ng attraction na to? Malapit ba ang chinatown dito?

Tuesday 02/05: dad's bday USS/Sentosa

Wed 02/06: uwian na by 1:30am midnyt so around 9pm airport na kami dapat. Ok lang ba pumunta kami ng 10am sa singapore flyer? Or gawin ko nlng ang singapore flyer bukas para mapanood namin un sea light dance ba yun? Kasi naisip ko ang flyer malapit lapit sa orchard so pwede after ng show takbo hotel kunin luggage sa reception tpos airportna. Kaya ba?

Help! Thanks

WED.

xtine

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #87 on: February 04, 2013, 01:10:22 am »
^^Sang area ng geylang ba sis? kasi malawak ang Geylang.  Maraming street.  San mismo yung hotel nyo?

xtine

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #88 on: February 04, 2013, 01:24:42 am »
^^PrettyGretchen, malayo ang Orchard sa SG flyer.  Kelangan mo mag bus or mag taxi.  Kung sa bugis, may hawker center doon.  sa likod ng Bugis junction ang name is Albert center.  Hindi sya malinis na hawker. 

From the Brash basah or Douby ghaut station, get the MRT map sa cashier ng MRT.  Let this serve as your guide ng MRT ng Singapore.  Mas madali mo maipaplano yung pupuntahan nyo at gaano kalayo. 

Malayong malayo ang SG zoo sa Orchard,  one hour via MRT ang byahe.  If I were you and you chose to do SG zoo, buong araw hanggang gabi nyo na doon.  Lalo na kung gusto nyo mag night safari.

Kung gusto nyo mag hawker na malapit.  Meron sa may Waterloo apartments (waterloo st).  If you want to know how to go there, use www.gothere.sg

Why don't you visit Gardens by the bay and Marina bay sands.  Pwede etong last day nyo.  Isama mo pa ang chinatown.  Mas ok ang pasalubong dito kesa sa Bugis.  I buy my scarves there 5 for 10SGD.  Keychains are 36 pcs for 10SGD.  IMO SG flyer is not that good.  My friends do not recommend it lalo na pag umaga.  After nyo sa chinatown or Marina bay sands, taxi or MRT to Douby ghaut na kayo para kunin nyo na luggage nyo to airport. 

prettygretchen

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #89 on: February 04, 2013, 07:20:16 am »
Thank you sis xtine, getting ready na. Ok mag singapore zoo& night safari kami today. Kakapain ko yun papunta dun ano sasakyan ko at saan kami baba? Thanks.

lululemon

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #90 on: February 04, 2013, 08:49:04 am »
^sis, kumusta sa immigration natin at sa SG? I read sa isang forum na mahigpit daw ngayon at need pa mga docs na ipresent? Nung nagpunta kasi kami last 2011, wala naman ganon ni wala nga kaming dala na hotel booking. return ticket lang meron kami pero no questions naman.
Will be going kasi this May and kasama ko kids ko at nephew who are 18-22yrs old na.
Sabi need ng cert. of employment eh they are not yet working and 1 is still student.

ficklemind

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #91 on: February 04, 2013, 10:38:09 am »
^ no worries sis!  you're going with your family NAMAN so for sure wala naman kayo magiging problem sa Immigration sa Pinas, mga solo traveller lang naman napopowertrip ng IO ng Pinas. wala problem sa IO sa SG.

bonita8888

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #92 on: February 04, 2013, 11:06:07 am »
thank you sis xtine for getting back to me, sa Fragrance hotel Ruby 10 Lorong 20 Geylang yan ang address, puwede na ba kaming mag taxi from the airport? Saka sis isa pang question, marami bang hawker centers na malapit sa area? thanks so much xx

lululemon

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #93 on: February 04, 2013, 11:18:22 am »
Thanks sis ficklemind! Bigla lang ako napaisip kasi sa Korea nga hindi ko kasama family ko pero walang questions din eh alam ko mag mahigpit dun.. :)

Ella Montana

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #94 on: February 04, 2013, 11:35:02 am »
Hi girls! My parents, siblings and I are going to SG first week of March. 4D3N
Saan magandang mag stay na hotel na malapit sa mga magandang puntahan?
Worth it ba to have an overnight stay sa Sentosa?

purpleish

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #95 on: February 04, 2013, 01:32:46 pm »
sis joeshred ...since nasa Chinatown kayo sis, tamang tama dun den kame kumain ng chili crab ;) ang sarap ng food ng kinainan namen dun.. pag kalabas sa MRT Chinatown, sa right side yung unang kanto na restaurant na may yellow chair dun kame mismo kumain, ang dame namen na order at reasonable ang price nila...so hindi niyo na kailangan lumayo pa..  yung sa hawker mga nasa $4.50 above depende na lang sa kung ano ang oorderin...

sis bonita8888 ...sis na finalize niyo na ba yung pag stay niyo sa Geylang, since may bata kayong kasama, red light district kasi yun :-\ pwede naman mag MRT na lang coming from airport, carry naman mag commute, madali lang kung di naman masyadong nag mamadali at tyaka mas tipid ;)

sis prettygretchen ...sis meron ng hawker sa bugis, yung Albert Centre ;) hindi niyo ba napansin yun?? or sana kung nag punta kayo ng chinatown, since andun den naman mga shopping area meron den dun hawker place..

sis lululemon ...yesterday nasa Terminal 1 ako may inasikaso ako sa isang certain airline kasi need ko mag verify ng credit card para walang problema sa pag alis ng BIL ko from SG.. habang nag aantay ako ng mga tao na nasa baba, meron akong mga nakasama na 4 na babae puros mga solo traveller.. lahat sila off loaded, mahigpit daw ngayon talaga sa immigration.. pero kung titignan ko sila para ngang mukhang mag wowork dun pero ang sabi nila mag tour lang naman daw...

sis Ella Montana ...kung carry boom-boom naman mag stay sa Sentosa pwede na den... pero para saken sayang naman ang money kung most of the time nasa labas den naman...try mo muna sis backread dun sa past thread naten, madame kang makukuha na choices ;)

xtine

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #96 on: February 04, 2013, 02:37:46 pm »
thank you sis xtine for getting back to me, sa Fragrance hotel Ruby 10 Lorong 20 Geylang yan ang address, puwede na ba kaming mag taxi from the airport? Saka sis isa pang question, marami bang hawker centers na malapit sa area? thanks so much xx

Sis, try mo tignan sa www.gothere.sg  Ilagay mo "Changi Airport to Fragrance hotel Ruby".  Baba ka lang daw aljunied station then exit A.  Pacheck nlang www.gothere.sg for complete details, nakalagay doon kung pano ka makakarating.  Detalyado sha.

purpleish

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #97 on: February 04, 2013, 02:53:06 pm »
^ oo nga sis super big help ang www.gothere.sg ;) may idea na kung paano ang pag commute kung saan sasakay, baba at kung magkano ang pwedeng magastos... nag kaka-idea den sa location kung gaano ba kalayo... sana nga sa ibang countries meron ganito, kaso mas organize lang talaga sa SG..

Ella Montana

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #98 on: February 04, 2013, 03:32:33 pm »
Thanks sis purpleish!

Pag 3 star hotel ba sa SG okay na yung room?
Medyo matanda na kasi parents ko so gusto nila
spacious ang bathroom and comfortable ang bed.
Ang mahal nga lang sa SG.

bonita8888

  • Guest
Re: Singapore (Thread 20)
« Reply #99 on: February 04, 2013, 04:29:56 pm »
sis purpleish thanks sa reply, oo sis nabayaran ko na eh, bakit puede pa ba ipa cancel yun kung sakali? sa agoda naman ako nagbayad eh, ibig sabihin sis hindi pala maganda yung lugar na pagstayan namin :( nakakainis nagmadali kasi ako eh sya lang kasi ang me family room na available sa lahat ng fragrance, at kaya ko naman nalaman yang fragrance hotel na yan eh una kasi nag inquire muna ko sa mga travel agency then i decide mag sariling lakad nalang

sis xtine thank you sa guide  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close