watch now

Author Topic: first time mom, how to deal with baby  (Read 148720 times)

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #180 on: March 28, 2014, 08:31:06 am »
^Thank you sis! Ganun kasi sya every breastfeed tulog sya after kaya minsan kapag nirest ko na sya sa shoulder ko tapos mga 10 mins di parin sya nag buburp nilalapag ko na kasi minsan nagigising sya kapag matagal syang naka ganun. Eh kapag pinapaburp ko sya minsan pag nasa shoulder ko sya kung mag buburp sya wala pang 1 minute nag buburp naman sya agad eh.

gharz412

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #181 on: March 28, 2014, 02:34:33 pm »
Actually my hubby noticed this kase at night minsan he helped me out. Mas madali magburp si baby pag awake kesa tulog and it really worked for us nung nasa aroung 5 to 12weeks si baby. Kaya si hubby ginagalaw niya si baby then yun burp...burp na siya... ;D

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #182 on: April 01, 2014, 06:38:40 am »
Mga sis i've been from my baby's pedia yesterday and tama yung hinala ko may sipon nga sya pero mild lang naman daw sabi ng pedia. Pero niresetahan nya baby ko ng cefalexin amd solvamin. Ask ko lang mga sis ok lang bang painumin na ng meds baby ko? He's 2 weeks old pa lang kasi kaya mejo nag aalangan ako though doctor naman nag prescribed.

nikki

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #183 on: April 02, 2014, 06:07:25 pm »
^hi sis! Based on my experience with my first baby, walang meds binigay sa kanya. I think he was also about 2 weeks then, sinugod pa nga namin sa ER because he cried so loud while sleeping tapos parang yun sipon was in his mouth (sorry if gross). He was only prescribed with salinase (saline drops) na dropper sa nose and nebulize with NSS. Even with follow up sa pedia the next day, same prescription pa rin.

Kaya Lang sis Baka naman based sa history and evaluation ni pedia mo yun meds niya.. Maybe trust your pedia na Lang or ask for second opinion. Sorry, hope this helps.

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #184 on: April 02, 2014, 06:55:20 pm »
^thanks sis yung pedia kasi na yun sya yung pedia ng brother tska sister ko he's a good pedia naman actually kaya namin sya kinuha kasi magaling sya hindi naman kasi talaga dapat sya pedia ng baby ko pero sya gusto namin kunin. Sabagay he knows best naman :)

Oo nga pala mga sis ask ko lang may difference ba yung enfalac a+ premature sa enfalac a+? Nagkamali kasi ng bili hubby ko yung premature nabili nya. Actually na take na ng lo ko pero konti pa lang 3 weeks na sya and Breastfeed kami minsan ko lang sya i formula kapag alanganin. Pero mejo nag aalangan ako baka pag tinukoy tuloy ko e may effect sya kasi pang premature e di naman premature baby ko. Nakakahinayang din kasi nasa can na yung binili namin. Ok lang kaya yun?
« Last Edit: April 04, 2014, 02:53:07 pm by EJ2526 »

shellf1sh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #185 on: May 03, 2014, 02:06:56 am »
nakaka-relate ako with everyone here. first time mom ako, no pamangkins, in my mid-30s and hindi mahilig sa bata prior to this pregnancy. hindi nga ako marunong kumarga ng bata (again, before i had my baby). we are living outside of pinas kaya wala kaming katulong or yaya. good luck talaga sa akin!

first few days namin were the toughest! kaming 2 lang ni hubby. si baby super iyak (hysterical) kahit 1 hr na akong nagbbreastfeed. nakatingin na lang ako sa kanya dahil di ko alam gagawin ko. at one point naisip ko na baka may diprensya siya coz parang seizure na ang ichura ng iyak niya. sobrang heartbreaking talaga. may times na after breastfeeding iiyak siya or parang in pain siya, with matching arching of the back...yung para bang sinuntok sa sikmura?

we went to our pedia on his 4th day and dun namin nalaman ang prob. kailangan ayusin ang diet ko para ma-take ni baby ang breastmilk. bawal sa akin 'acidic' food like tomatoes, garlic, onions, berries and any type of milk. as soon as na-eliminate ko sa diet ko yun, nag-improve si baby, pero may mga crying episodes pa rin especially at night.

another problem was hirap siya makakuha ng milk, even if naka-latch siya ng maayos sa akin. so kailangan ko na mag-breastpump para measured ang milk na nakukuha niya and to ensure hindi siya dehydrated. ni-recommend ni doc na bottle ay dr. brown's using stage 1 teats. dun na siya nag-weight gain ng husto.

ang hirap talaga ng first few weeks namin. wala akong mahanap sa mga friends ko for support kasi mga experiences nila hindi kasing-grabe ng sa akin coz lahat sila may yaya na pwede tumulong. so after reading everyone's experiences here, i felt some kind of relief na hindi lang pala ako.


stacies83221

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #186 on: May 04, 2014, 12:26:35 am »
Subscribing! :)

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #187 on: May 04, 2014, 08:19:44 am »
^^ i know how you feel, sis.

honestly, kahit may experience ka na sa bata, iba pa rin pag anak mo na. I took care a lot of kids before, it gave me a bit of an egde, hindi ako sobrang napapraning pag may iba kay iba (husband ko ang praning kasi di pa sya nakapagalaga ever) pero may times i doubted myself too.

Pero i tell you, after 3 months, magkakagamayan din kayo ng baby mo. It took me around the same time nung nakuha namin ang rhythm nya. Iniisip ko talaga, naninibago lang si baby kasi sa tummy natin very comfy, warm, ready na ang food. Outside world has the weather, has to breathe, and food concerns na a baby has to learn so hang on! :)

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #188 on: May 05, 2014, 01:13:31 am »
mommies, anong months baby nyo nung nag steady na yung sleep nya during nights? as in derecho like 8pm-6am ganun...

my 4 months old baby kasi still wakes up every 1am and 3am usually to drink milk pero nakakatulog naman sya after feed.., natutulog sya around 9pm minsan 8pm..

kelan kaya sya mag dederecho ng sleep.. :(

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #189 on: May 05, 2014, 09:06:49 am »
^ Depende kasi kay baby sis. Ang anak ko mga 7months nagsleep thru the night, di ko sya natrain, sya mismo hindi na magmilk sa madaling araw. May ibang baby mga 3-4 mo ths naman sleeping through the night na rin.

marose17

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #190 on: May 05, 2014, 12:08:26 pm »
^^ My children did not sleep through the night until they were 3 1/2 years old.  I decided to wean them cold turkey just so they will not anymore feed at night.

shellf1sh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #191 on: May 06, 2014, 01:24:07 am »
my baby is 2 months old and he can sleep through the night after we followed our pedia's advice. recently lang namin ginawa and so far effective naman.

here's what you do: allow your baby to get some sleep 30 mins only every after feeding starting after 5pm. meaning, pwede siya matulog as usual during the day pero pag 5pm na gawin yung 30mins sleep after every feeding. it doesn't have to be 30 mins straight kasi may babies na 10mins lang matulog so basta total of 30mins. then yung feeding closest to 12mn na, dun na siya matulog ng direcho. do this for 4 days only. then after that, hopefully masasanay na matulog si baby all throughout the night.

nag-start kami last thursday lang (May 1) and today we'll start letting him sleep-all-you-can and we'll see if makakatulog pa rin siya through the night. pero so far since we started, direcho tulog niya kahit madaling araw and will only wake up to feed and sinasabay na rin namin diaper change.

torture lang talaga yung process of keeping him awake kasi nakakaawa talaga. but we have to do this coz nahihirapan ang biyenan ko magpuyat and baka maging anemic pa. prior to this, gising si baby from 1am to 4am! nanghihina yung biyenan ko due to lack of sleep and ayaw namin may mangyari both kay baby and biyenan coz of this.
« Last Edit: May 06, 2014, 01:27:31 am by shellf1sh »

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #192 on: May 06, 2014, 08:50:20 am »
yay! si baby ko naman sis kahit gigising pa sa madaling araw eh dede lang talaga... hindi namumuyat like gising from 1am to 4am! hehe..

aun well hindi pala ako nag iisa :) wish ko lang matuto narin sya before sya mag 1 yo kasi i need to go to work na.. :(


EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #193 on: May 09, 2014, 04:23:38 pm »
Mga sis meron ba dito na yung lo nila is yellowish? Sabi nila normal lang daw pero pag lumampas ng 2 weeks dapat ng icheck. Yung baby ko kasi 2 months na next week pero mejo yellow parin sya. Pero dina tulad dati na yellow talaga ngayon mejo may white na sa mata nya kaso bothered padin ako dahil sa konting yellow. Mix feed sya kasi di sya msyado nag weight gain nung breastfeed lang and mejo payat sya. 3.2 sya nung pinanganak and 4.1kg sya 1 and a half month. Normal ba yun? Everyday ko naman sya pinapaarawan bakit hindi parin tuluyang mawala yung pagka yellow nya? :(

evilwoman

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #194 on: May 09, 2014, 08:12:48 pm »
^sis itry mo magpump every hour or two para lumakas ang milk mo then malunggay capsules 3x a day.yun ang nagpalakas ng supply ko.dati mix feeding din kami,ngayon exclusively breastfeeding na. :) anyway re your question,yung bunso ko,mga 5wks tuluyan nagclear ang pagkadilaw.yung nephew ko naman,almost 2months na,super yellow pa din.ok lang naman daw sabi ng pedia.may mga cases talaga na mas matagal mawala ang jaundice pag breastfed (ebf din yung nephew ko) double check mo pa din sa pedia nyo pagbalik nyo.

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #195 on: May 09, 2014, 08:43:48 pm »
^thank you sis! Mejo relieved nako kahit papano. Nung 3 days si lo napansin ng pedia yung pagka yellow nya then inadvised nya na painitan ko daw everyday 30 mins pag daw di nag lessen ipapa laboratory. After a week nag lessen naman sya mejo na lang pagka dilaw nya kaya nakahinga nako ng maluwag tska hindi na yung buong eyes nya yung yellow yung bandang gilid na lang. Eh kaso hanggang ngayon di padin nwwla kaya nabothered na naman ako kaya until now pinapainitan ko sya. Di naman ako makapag pump sis kaya minix feed ko na sya. Simula nung imix ko sya dun na sya unti unting nag gain ng weight baka nga kulang ang milk ko. Kaso yun nga payat daw sis.

shellf1sh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #196 on: May 10, 2014, 01:57:12 am »
^ sis mukang may jaundice pa rin si baby. ang magpapagaling sa kanya ay breastmilk. eat/inom ka ng LOTS of malunggay soup. ok mag-mix feed para mag-weight gain siya ng husto pero dapat mas malaki pa rin ang ratio ng breastmilk vs formula.

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #197 on: May 10, 2014, 08:40:24 am »
^thank you sis ha. Natatakot lang ako ibalik sa dati na mas lamang ang breastmilk sa formula baka kasi di na naman sya mag gain ng weight eh or bumagal ang pag gain nya. Pero need ko padin ba sya painitan?

marsh_candy

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #198 on: May 10, 2014, 03:59:25 pm »
^hi sis EJ, same tayo.. si lo ko naman, 5wks old but 38wks gestational age since 32w4d sya lumabas sa kin. Dahil dito sa Singapore ko sya ipinanganak, SOP talaga dito na may follow-up check-up since si baby may jaundice nung ipinanganak ko.. 3 days lang naman sya naka-phototheraphy. Nung na-discharge sya on his 35th wk, mababa na bilirubin level nya nasa 128.. Normal kasi until 260. Then nung nagfollow-up na kami, di na natigil until kanina pagkuha ng blood sample sa kanya.. 1st check-up, 160, then 180, then 185, then tumaas ng 203.. nagtataka doc bakit daw pa-uptrend, though nasa normal range naman sya.. di pa rin kami natigil sa paglab sa kanya.. after nyan, 190 then today, 192 akala namin bababa.. tapos kanina, sobrang naaawa ako kay lo kasi yung series of tests, capillary tube samples lang 2x, 2nd test kanina dahil di pa rin bumaba, 2 vials na sobrang dami.. naiyak ako sa sigaw ni baby.. :(

Then sa next sat uli, test ulit.. sana nga bumaba na.. Sabi ni doc, breastmilk jaundice daw.. very common sa mga breastfed babies pero dapat tuloy-tuloy pa rin EBF ko.. Naninilaw sya pag-umiiyak, dun sa may brows area nya.. tapos eyes nya yellowish pa rin.. for the rest of tests, normal sya lahat.. jaundice na lang kami na-stuck talaga..

Di mo ba try ipa-test bilirubin nya?at least malaman man lang kung nasa normal range naman.. basta si lo ko, nasa normal range sya pero yellowish nga pa rin sya pero sa mukha lang.. other parts, reddish naman..

Isa pa pala concern ko.. dahil EBF ako, si baby.. ilang days na hindi nagpo-poop.. 2x na rin namin dinala sa ospital pero seems normal naman daw sa mga breastfed babies din.. binigyan sya ng glycerin suppository para lang magpoop, then nagpoop sya.. very normal naman poop nya.. Lagi lang talaga naiyak si baby pagnagstretch at uutot tapos di naman poop.. Medyo napagalitan ako ng pedia kanina kasi 2x ko sya nalagyan ng suppository kasi nga gusto ko maalis discomfort nya para magpoop, sabi ni doc, sinasanay ko daw.. normal lang daw even after 10 days di magpoop.. since konti lang naman residues ng breastmilk.. at least 8x naman sya nagpi-pee..

Medyo nasanay nako since first time mom din ako.. alam ko na behaviour ni baby. Medyo guilty lang dahil preemie pala si baby kaya gusto nya lagi pakarga kaya yun na ginagawa ko sa kanya now..

Happy Mother's day sa atin mga mommies :)

EJ2526

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #199 on: May 10, 2014, 04:30:41 pm »
^Yung eyes ba ng baby mo sis yellow yung buong paligid or may parts lang na yellow? Feeling ko nga din sis breastmilk jaundice tong baby ko [textspeak!] 4 days syang ebf then pinatry ko na ng formula ynti unti mga once or twice a week hanggang sa nung 3 weeks na sya fully mixed na ginawa ko sakanya hanggang sa mas lamang na yung formula kesa sa breastfeed. Di namin sya napa lab sis kasi nung una nirecommend ng pedia nya chineck muna namin kung ma-lelessen kung hindi naman tsaka namin ipapa lab. Eh mejo naglessen naman. Mejo madilaw na lang unlike nung una madilaw talaga sya. Hinihintay ko na lang sis na mawala ng tuluyan. Di kasi ako makampante pag nakikita ko yung yellow parts sa eyes nya eh. Malakas naman sya dumede and normal din ang poop nya. Yun nga lang di sya tulad ng ibang baby na matataba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close