watch now

Author Topic: first time mom, how to deal with baby  (Read 148630 times)

m_lim

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #120 on: March 11, 2013, 03:23:01 am »
10 weeks si baby ngayon at bumalik nanaman yung namumuyat sa gabi.

kala ko pa naman tuloy tuloy na naka adjust ang tulog niya sa gabi.

hirap pa gusto nakahiga sa dibdib pag matutulog. :(

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #121 on: March 11, 2013, 03:26:49 am »
I feel for you sis gising na gising din si baby hehe buti anjan lola nya taga patulog ako nagiintay ;)

m_lim

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #122 on: March 11, 2013, 07:01:40 am »
^problema ko nga sis pag dumating na bagong yaya niya sa May eh ayoko patulugin sa dibdib ng yaya.

kaya sana masanay na siya sa crib.

ginagawa pang pacifier nipples ko pampatulog. hay ang sakit!!

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #123 on: March 11, 2013, 08:03:00 am »
^hay nako si baby ko naman ayaw magpababa sa kama and ang dali magulat mas gusto talaga nya karga lagi ginawa ko bumili ako ng carrier para lagi syang nakadikit sakin ayun ok naman mahaba tulog nya kaso kagabi until ngayon mababaw tulog nya talaga di namin alam kung ano problem nya eh

Pookiekai

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #124 on: October 18, 2013, 04:42:38 am »
Hay thank God, di pala ako nag iisa sa ganitong pakiramdam.

Hemicath

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #125 on: November 16, 2013, 11:25:25 pm »
Hi mga sis, pa-join :)

Im also a first mom, and ang baby ko sobrang iyakin. Grabe, ang hirap patahanin, need ko pa help ng Mom, Sis in law ko para patahanin si baby. Inis na inis ako that time sa hubby ko kasi di nya mapatahan si baby, hehe. Tapos sa madaling araw, antok na antok ako, pag need ni baby milk, babangon ako para magtimpla, ang hubby ko tulog mantika. :-\ Madalas kami mag-away nun ni hubby lalo na pag di kami nagkakasundo paano patahanin si baby. Di ko kasi alam na gano pala kahirap umiiyak pa ako nun. May times na nasigawan ko si baby, pero after nun nagsorry ako then iyak ako. feeling ko that time ang bad ko sa baby ko. Then now na 9 months na sya, since kami lang naiiwan sa bahay ni baby, lagi talagang nahabol sakin, kahit hawak sya ng Papa nya, naku habol pa din sakin. May times naiinis ako kasi, kapag may ginagawa ako, iiyak talaga sya para kunin ko kahit hawak sya ng Papa nya. Pero may nakapagsabi sakin na ok lang yun, maganda nga yun na maka mama sya, it means I'm her most favorite person :D

lgf08

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #126 on: November 23, 2013, 01:33:57 pm »
Reading posts on this thread made me smile and reminisce my baby's first few weeks :).. I wish I've read these posts then but nevertheless it's good to know naranasan din ng iba ang experiences/frustrations ko.

When I was still pregnant, my husband asked if we will look for someone to help us when the baby comes out, I said no, feeling confident ako kasi we both work from home so I thought we can manage by ourselves. Ayun nung lumabas si baby, dun ko na-realize napakahirap pala. Nung first month ni baby was the worst, iyak sya ng iyak at di ko mapatahan. My in-laws wanted to help pero takot sila hawakan si baby dahil parang napaka-fragile pa daw at natatakot sila mabitawan (They started holding our baby and playing with him nung mga more than a month na at until now katulong namin sa pag-alaga kay baby). Good thing very patient si husband, I can see na pagod, puyat at stressed pero laging hele si baby at kinukuha sakin pag naiiyak ako habang karga si baby. We made the call to find help kasi babalik na sa work ang husband ko so nakakuha ng yaya nung 1 month na si baby.. Mabait naman ang yaya, she goes home for 2 to 3 days a month and nakakaya namin alagaan by ourselves si baby. He is more than 10 months na ngayon at very cheerful baby. Seldom na sya umiyak at minsan natatawa ako kung naalala ko un first month na iyak na iyak sya.

It's important pala talaga to have someone to help you sa first few months after giving birth (be it your husband, mother, MIL, sister, SIL, yaya), para may mag-alaga kay baby habang rest si mommy. Hindi kasi maalagaan si baby ng mabuti pag stressed si mommy 24/7. The next months, it gets easier. :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #127 on: November 28, 2013, 10:56:13 am »
time flies so fast. Last year lang naalala ko pano kami super nag adjust ni hubby because of our new baby. Thankfully naman naging cooperative samin baby ko kasi first 3 months lang kami pinuyat ni hubby. Kasi nung bumalik ako ng work every night kinakausap namin si baby (kahit di pa nya naiintindihan) na humihingi kami ng favor na dire-diretso tulog nya. Though may mga times nagigising sya sa gabi at nagpapatimpla ng milk or gusto magpalambing... other than that buo tulog nya magdamag. Naging problem lang namin ni hubby ngayon na since malaki na si baby at nakaka intindi na, minsan pag nakatulog hanggang gabi until 12am gising at minsan inaantay kami pag late kami nakakauwi. Kami naman ni hubby napupuyat kaka-patulog ka kanya kasi gusto pa makipaglaro. Nakaka guilty minsan kasi kahit gusto mong lambingin kapag super pagod ka na at antok eh no choice ka kundi patulugin si baby.

malaking bagay talaga if you have in-laws or relied relatives to look for your child while he's growing up. As much as possible I want spend some quality time with him pag weekdays medyo busy lagi sa work. Nakakatulong din if you have friends who are also moms kasi nakaka relate kayo sa pinagdadaanan ng isat isa so hindi ka nag iisa sa mga challenges pag first time mom ka. 

lgf08

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #128 on: November 28, 2013, 02:16:24 pm »
@daisy14 - hang in there! kaya mo yan for your baby, it does get better.. sulit na sulit talaga ang pagod when you look at your baby, pag natuto na syang ngumiti, humagikgik, etc.. at pag yayakap sayo..

^onga, some of us moms have to work kaya pag walang work sulitin ang time with baby..

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #129 on: November 28, 2013, 02:20:44 pm »
^ kahit minsan I'm really thinking of giving up my work para masubaybayan si baby parang di feasible lalo na ngayon na kakaiba na expenses of having your own family.

daisy14

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #130 on: November 29, 2013, 07:18:29 am »
@daisy14 - hang in there! kaya mo yan for your baby, it does get better.. sulit na sulit talaga ang pagod when you look at your baby, pag natuto na syang ngumiti, humagikgik, etc.. at pag yayakap sayo..

^onga, some of us moms have to work kaya pag walang work sulitin ang time with baby..

thank you mommy lgf8 :) siguro di pa lang talaga ako sanay kaya hirap pa mag adjust lalo ngat malayo sa family saka as in solong nag aalaga., sana nga masanay na agad ako para di na ako nappraning dito., puro na lang din pag aalala kasi nasa dibdib ko kasi nga lagi lang kaming dalawa., tapos ang tahi tahimik pa ng paligid parang laging walang mga tao dito.,iba pa rin talaga dyan sa pinas., :'(

lgf08

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #131 on: November 30, 2013, 02:39:47 pm »
^^me too, pero naiisip ko din na kelangan magwork para magsave para sa future ni baby.. :)

@daisy14, try mo mag-play ng music madalas para di masyado tahimik, un na-aappreciate din ni baby.. my baby loves music, kaya at 10 months he sort of hums lalo na pag sleepy na. :)

daisy14

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #132 on: December 01, 2013, 01:33:58 pm »
@lgf8 - oo nga sis minsan nga nagpapamusic na ako sa araw kasi si baby mukhang nasasanay na sa tahimik,konting ingay lang nagugulat or nagigising na agad lalo na sa gabi., sa ngayon naman medyo nasasanay sanay na me kahit pano,pray ko lang talaga lagi kay God na wag siyang magkakasakit hirap kasi siguro lalo nat kaming dalawa lang lagi.

kasheica

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #133 on: December 01, 2013, 03:28:22 pm »
puro na lang din pag aalala kasi nasa dibdib ko kasi nga lagi lang kaming dalawa., tapos ang tahi tahimik pa ng paligid parang laging walang mga tao dito.,iba pa rin talaga dyan sa pinas., :'(

Hi Daisy! by the way, san ka pala now?..malamig na panahon dyan?..if kaya pa naman, labas ka sa garden kahit sandali lang para mag-paaraw

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #134 on: December 01, 2013, 05:44:34 pm »
@lgf8 - oo nga sis minsan nga nagpapamusic na ako sa araw kasi si baby mukhang nasasanay na sa tahimik,konting ingay lang nagugulat or nagigising na agad lalo na sa gabi., sa ngayon naman medyo nasasanay sanay na me kahit pano,pray ko lang talaga lagi kay God na wag siyang magkakasakit hirap kasi siguro lalo nat kaming dalawa lang lagi.

sis pag tulog si baby mo, recommend ko hawak hawakan mo sya para masanay sa kilos mo. pati sa ingay play ka konting music.

daisy14

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #135 on: December 02, 2013, 10:16:27 am »
@kasheica - sis dito ako japan ngayon,di na kaya ng power kong lumabas para magpaaraw dahil super lamig na talaga :D kaya nga pag maaraw dito na lang kami tumatapat sa bintanang may sikat ng araw nagpapainit init,hehe.. Salamat sis :)

@daveigh - sis oo nga ngayon nagpapatugtog na me ng music dito gamit pc para masanay sanay siya,tulog pa rin kasi siya hanggang ngayon,napuyat kasi kami,di ko naman siya masabayan sa tulog., Thanks sis ne :)

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #136 on: January 15, 2014, 11:52:34 pm »
What we did nung few months old pa lang si baby we play classical music kaya lagi lowbatt phone namin you can also play white noise para ma calm sya also i agree na hawak hawakan mo si baby minsan para masanay with my babh until now she's 1 year old we still practice touching her hand tapos music minsan pag matagal matulog effective naman pero iba na music nya ayaw na nya ng classical gusto nya si celine dion na  ;D

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #137 on: January 16, 2014, 02:44:47 am »
Natutuwa ako sa thread na to.. Hindi pala ako nag iisa.. I have a 3 week old baby.. Ang daming reasons why I got so stressed the first few weeks sa pagiging first time mom.. Kahit kasi nandyan ang mom ko hindi na rin nya kaya mag alaga ng newborn.. Iba daw kasi nung panahon nya..

First reason is breastfeeding.. I blamed the Hospital for this dahil mas inuna nilang i introduce ang bottle sa baby ko kesa sa nipple ko.. Ok wala pa akong milk nung first few days sa hospital pero hindi nila pina latch si baby.. 2nd is inverted ang nipple ko kaya pagdating ng bahay hirap na hirap ako padedein si baby kaya pump nalang ginawa ko.. Na stressed talaga ako gusto ko na umiyak dahil gustong gusto ko i direct feed si baby :(

Third is about that BURPING... hindi ko alam na every feeding need i burp.. So nagtataka ako at naiiyak n naman bakit ganon lungad sya ng lungad..to the point na lumabas na sa nose.. Hay super I felt so helpless.. Kaya nagka sipon sya 2 weeks palang..

Lastly is the puyat.. Hindi ko magawang matulog kasi natatakot akong hindi ako magising agad or sa tamang oras ng feed nya.. Si hubby kasi pumapasok kaya hindi ko ma obliga.. Hay basta marami pang factors pero tama kayo.. It gets better habang tumatagal...

Marami akong natutunan sa trial and error ng pagiging first time mom.. Kaya nga sinasabi ko nalanb 'sorry baby hindi pa kasi alam ni mommy yun..'

Ngayon medyo nakapag adjust na ako 1 month na si baby, although namumuyat parin, atleast alam ko na reasons ng pagiyak nya.. Gutom, wet, may poop, gusto karga, naglalambing, ganun lang naman sila..

Enjoyin natin ang moment kahit napakahirap.. It pays when you see your child smiling at you :)

vuzhia

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #138 on: January 24, 2014, 11:46:30 am »
I'm 36 weeks preggy at mukhang hindi pa ako ready sa mga scenario nyo mga sisses, pero syempre kailangan kong maghanda na  ::) sa February 21 DD ko

may na recommend ng yaya yung yaya ng pamangkin ko, pero sa March pa namin pinagsisimula, kase baka hindi muna ako umuwi sa house namin pag malapit ng DD ko, uuwi ako sa house ng parents ko na malapit lang sa office namin, ayaw naman ni hubby na sila lang tao sa house namin

sana kayanin ko pag wala pa kaming yaya, pwede naman namin hiramin yung kasambahay ng in-laws ko kase wala sila sa house, pauwi pa lang sila ng March at bayaw ko lang kasama nya

ang pinaghahandaan ko talaga sisses ngayun ay pagpapalit ng diaper, wala talaga akong idea pano routine nyo dun mga sisses? eto ang plano kong gawin:

1. Ayaw ko gumamit ng wipes bukod sa mahal, may halong chemicals yun diba? Kaya naisip ko may bote ako na may solution ng water & lactacyd baby, tapos isang bote na plain mineral/distilled water, yun gagamitin ko panglinis sa bummy ni baby & cotton balls.

okay lang ba na hindi warm water gamit ko?

2. Pag wee wee lang, yung water lang gagamitin ko pang linis ng bummy or dapat pati yung may lactacyd solution, then linis ng distilled water?

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #139 on: January 24, 2014, 02:14:45 pm »
^
Sis ako cotton balls on lukewarm water hanggang mga 4-5 months si baby. Around that time kasi malikot na si baby pwede nang itayo kaya hugas na sa CR.

Pwede yang lactacyd pero ginagawa ko yan pag may poopy lang, pag puno lang yung nappy eh water lang.  Kahit hindi naman distilled water, pero ako mineral water gamit ko just to make sure lang.

Mas ok kung may kahalinhinan ka magbantay kay baby kahit mga 4-5 hrs of sleep. Wag kang maging mommy na zombie, important na kahit paano may pahinga ka. Yan ang moral lesson ko haha!
« Last Edit: January 24, 2014, 02:17:13 pm by daveigh »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close