watch now

Author Topic: oDesk XV  (Read 96503 times)

freelancer_babe

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #260 on: February 22, 2013, 05:28:57 pm »
^ Great!

Sana hindi na sila decided kung ano ang magiging fixed na monthly payment mo.

You could ask na rin kung ano talaga ang plans nila moving forward.  :)

alexii

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #261 on: February 22, 2013, 10:51:05 pm »
Thanks sa mga sumagot.  ;D

Anyway, need din ba ng atm pag LFT? Sorry mga sis, bago lang kasi. Nalilito kasi ako e.  :(

smoothie

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #262 on: February 23, 2013, 09:11:37 am »
here's my odesk story:

matagal narin ako sa odesk but hindi fulltime since my work talaga ako. pumapatol din ako sa .50$/hr na rate. then nung nawala na yung work ko na yan. i started doing fixed price jobs to build my resume. mostly writing jobs. napansin ko lang na once dumami na yung work experiences mo
, employers na yung lumalapit sa iyo. ang dami kong offers ngayon....yun nga lang may on-going project ako kaya i have to turn them down. my rate is now 2$/hr.

i use my metrobank account to transfer my earnings.


bty, meron din akong experience with a rude employer. interview via skype, sinabi ko naman sa note ko na kung may fixed schedule hindi ko kayang mag commit. so habang ininterview ako sinasabing ang diva ko daw. kung ano2x ang sinasabi sa akin. inaway ko din tapos blinock ko na [textspeak!].

KVsWahmmy

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #263 on: February 25, 2013, 02:18:43 am »
Piping in. :) Super agree with sis freelancer_babe. :) don't be afraid to ask questions sa mga employers/clients, especially if they want to take the job outside of oDesk. Kasi kung wala ka naman kontrata sa kanila, so anong security mo. At least pag within the oDesk platform gagawin, they're held liable by a third party, kahit papano may assurance ka. So ask lang ng ask... Mas magandang maliwanag ang lahat kaysa magsisi sa huli at magaksaya ng pagod at oras. :) Lalo na pag nasa ibang bansa ang client mo, hindi mo sila mahabol (literally, like visit their office para mangulit. hehe).

sis elai.santos: swertihan ang tiyaga din talaga sis. there's no set time kung gano kabilis or katagal before you can get a job. I've sort of 'helped' a couple of people get on oDesk (as in basic guidance lang telling them how it works etc.), and yung isa, one week lang charan, may work na. Yung isa naman mga one month pa. Yung isa, she's a friend's mom (mga 50s na ang age siguro), a couple of weeks or so lang ata. Iba-iba din, nasa sayo yon actually sis, sa perseverance mo, sa experience, at sa skills mo. Basta wag lang mag-give up agad pag nadedecline. :)


Sa mga sis na nagLFT po lately, LFT pa din po ba kayo even when nung nagkaka-issues sila? Kasi what I did is switch to oDesk - Paypal - EON, so basta before 8:15AM ako makawithdraw sure yon Thursday night nasa EON ko na (unless may holiday). Found out na mabilis na ulit ang LFT, and preferred ko din talaga gamitin yung BPI ko for oDesk and slightly higher ang exchange rate, nagkaissue lang talaga before kaya I switched muna (used LFT all the time before). May nakaexperience po ba na delay since matagal din di nakagamit ng LFT? I read someone posted in an FB forum kasi, same situation as mine din, kaya lang nung nagbalik loob sya sa LFT, nagbalik din yung money nya sa oDesk account nya. And that person had also successfully used LFT many times before...

Thanks thanks po sa mga may insight regarding this. :)

annie19

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #264 on: February 26, 2013, 11:14:54 am »
^ good luck! tyagaan lang talaga! i remember nung naguumpisa pa din lang ako, every minute yata, nagrerefresh ako ng browser to see kung may new notifications. at adik ako sa pagaapply. lahat talaga ng feeling ko kaya ko. now, matagal na ko di nagaapply kase nakakuha ako ng ongoing projects. pero nakakatuwa pa din balikan yung mga hirap mo nung nagsisimula ka pa lang. ika nga nila, no pain, no gain.  ;)

Thank you sis. Korek tyagaan talaga kung gustong kumita. Binabaan ko din rate ko hahaha. Dati kasi 2.5$ nilagay ko hehe.

Sis alexii buti you've mentioned yang wala pang linked account. Ako din kasi wala pa, baka kako biglang magkajob tapos wala pako debit card eh  hindi ko makuha ang pay hehe.

Sa mga newbie, good luck sa paghahanap naten. Apply lang ng apply and think positive :))

elai.santos

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #265 on: February 26, 2013, 12:16:46 pm »
Thank you sis. Korek tyagaan talaga kung gustong kumita. Binabaan ko din rate ko hahaha. Dati kasi 2.5$ nilagay ko hehe.

Sis alexii buti you've mentioned yang wala pang linked account. Ako din kasi wala pa, baka kako biglang magkajob tapos wala pako debit card eh  hindi ko makuha ang pay hehe.

Sa mga newbie, good luck sa paghahanap naten. Apply lang ng apply and think positive :))

thank you sis, grabe pati yung 0.75Usd pinatulan ko na kaso madami pa ring akkong kasabay more then 85 kami na nagbibid sa 0.75usd na yun..hahaha..good luck talaga..

annie19

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #266 on: February 26, 2013, 12:58:40 pm »
Ako din sis iniisip ko nalang kelangan ko mag-earn ng hours and feeedback muna

elai.santos

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #267 on: February 26, 2013, 01:10:05 pm »
Ako din sis iniisip ko nalang kelangan ko mag-earn ng hours and feeedback muna

grabe noh? daming nag-aaply..lugi tayo duon diba? kase satin kuryente and yung internet..tapos 0.75USD? grabe..pero [textspeak!] apply pa din ng apply..

Alucard

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #268 on: February 26, 2013, 07:09:16 pm »
mga 1 week na akong apply ng apply pero declined lahat. mukhang mababang rate ang gusto nila. I started @ $3.00 flat rate e.. mukhang kailangan ko muna babaan kahit $1.50 para ma build up ang profile ko..

freelancer_babe

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #269 on: February 26, 2013, 07:18:15 pm »
^ hehe, one week pa lang yan.

Ako noon more than one month (two months ata) bago ako nakakuha ng unang odesk job. Years ago pa yun.

Di rin lahat sobrang babang rates ang gusto. May mga clients na gustong magbayad ng mahal basta nagagawa ang job - mapapansin ito lalo na sa writing or doon sa mga may pagka- technical ang skills (programming, graphic design).

Mas magiging reasonable ang rate mo kung i-ko-compare mo ang sarili mo sa ibang freelancers rin sa odesk na similar sa iyo ang skills at may history ng work experience na doon. Tignan mo kung magkano ang rates nila sa mga jobs na nakukuha nila (hindi yung profile rate nila). Since first job mo palang, try mong babaan ng konti ang hourly rate mo sa binibigay nilang market rate nila. Wag mo lang ibabagsak nang husto ang rate mo.

Baka din naman napaka generic ng cover letter mo. Di uubra yan. Mas maganda kung personalized at nasasagot mo na rin kung ano ang kailangan nila sa job posting pa lang.

seTHer

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #270 on: February 26, 2013, 07:34:20 pm »
Ako I started @1 rate hehe. got a $4 job after almost a month applying. Then puro fixed rate pa rin kasunod habang inaaral ko how odesk works. Dahil sa recommendation ni sis heaven, I got a $0.60/hr na hourly contract then someone hired me for 1.50/hr now through the help of sis virt train I'm working na at >$2/hr work  ;D

alexii

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #271 on: February 26, 2013, 10:40:12 pm »
@annie sis. Hehe. natakot kasi ako baka masayang yung pinaghirapan e. Gusto ko kasi ipunin muna para hindi ako maakit withdrawhin yung earnings ko.  ;D

@sether wow naman sis! gusto ko din yan. Hehe. Ang taas n ng rate mo. Tagal ka na ba? Ako kasi January lang ngseryoso.  :D
« Last Edit: February 26, 2013, 11:07:18 pm by alexii »

seTHer

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #272 on: February 26, 2013, 10:55:38 pm »
^medyo hehe anniversary ko nga this month  ;D mataas na ba yan kasi ako nabababaan hahaha! considering daming gastusin ngayon, di pa din kaya :) pero thankful pa din kasi this is what I want :)

alexii

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #273 on: February 26, 2013, 11:06:05 pm »
mataas na yan for me sis.  ;) Gusto ko din ng ganyan. Hehe. Pero new pa lang ako kaya need ng mejo mababa.  ;D

majuji

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #274 on: February 27, 2013, 08:44:09 am »
Mga sis, panu kayo humingi ng increase sa client? Ang baba na kasi ng exchange rate kelangan na humingi at 2011 pa last increase ko.  Kaso di ko alam panu mag.intro. tia:)

charmedwitch776

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #275 on: February 27, 2013, 10:48:30 am »
sa mga newbies na sisses in Odesk ang pinaka the best way that will help you land a job in Odesk with good rate kahit walang experience is to get Test. Ito ang way  para maprove nyo un skills nyo. Habang looking for job kuha ng kuha ng test...if you want admin/va job do the english test, office skill test, call center test, spelling test and Microsoft office test like excel, word etc.... this will help you a lot sis, kasi if newbies ka obviously wala kang experience to prove if mataas ang score mo sa test atleast you can put that to your cover letter diba.

Dito ko lang din sa GT natutuhan yan..someone advise this to me nun nahihirapan ako kumuha ng job in Odesk..one year and 4months na ako since I got my first client in odesk. Diskarte, swerte, tyaga and samahan ng dasal..yan ang need to land  a good odesk job.

good luck my sis ;)

ay sis majuji ako tempted din ako humingi ng raise sa client ko kaya lang takot ako baka bigla ako i-let go..me mga nahire kasi sya ngayon na new addition sa company na mababa yun rate compare dati..sabi nga nya it seems there's an over supply of contractor in Odesk that he's able to get contractor with good skill and experience half the price he's paying before.....yikes!!!

annie19

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #276 on: February 27, 2013, 10:50:13 am »
Sis elai, oo sis pero kung short period of time lang carry na yan hehe

From 2.5usd to 1.5usd ginawa kong rate. Tinitignan ko rin mga rate ng hinahire nila at mga kasabay kong applicant hehe. And sa baguhan talaga mukang kelangan talaga mababang rate muna lalo na nga kung non-tech. Gustuhin ko man din na career-in ang customer service field tapos may in/out bound call, eh di ko kakayanin kasi direct feeding ako kay baby.

Im crossing my fingers din, after 1week ng pag-aapply i got an active candidacy. Sana mainterview nako. God bless me :))

annie19

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #277 on: February 27, 2013, 11:01:17 am »
Thank you sis charmedwitch, meron ako ibang nakita na below average ang mga english proficiency test and office skills pero nakakailang odesk hours na :( aaminin ko nafrustrate ako ng makita ko yun. Kasi sabi ko bakit ako above average mga test ko and matagal na rin working experience ko pero di ako natatanggap. Talagang minomotivate ko lang din sarili ko and lagi ko iniisip na makakakuha din ako katulad nyo :))

heavensent

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #278 on: February 27, 2013, 11:29:49 am »
^ganyan talaga sa simula sis, super hirap talaga.. ako din super apply lang ng apply..

yung mga tests ko if below average inuulit ko, pinipilit ko na umabot sa top 30 or 20% kaso it takes time kasi di pwede ulitin agad.

nung nagstart din ako $.50 lang din tapos may $.60

majuji

  • Guest
Re: oDesk XV
« Reply #279 on: February 27, 2013, 01:02:45 pm »

ay sis majuji ako tempted din ako humingi ng raise sa client ko kaya lang takot ako baka bigla ako i-let go..me mga nahire kasi sya ngayon na new addition sa company na mababa yun rate compare dati..sabi nga nya it seems there's an over supply of contractor in Odesk that he's able to get contractor with good skill and experience half the price he's paying before.....yikes!!!

Oo nga sis. Ako nahihiya humingi ng increase. Kanina sana nung tinawagan ako ng client ko, determined na sana ako humingi ng increase. Bigla ba naman naging putol2x ang internet connection ko. Ayun cut na lang ni client yung conversation, hindi tuloy ako nakahirit. Baka sign yun na mga mid this year na lang ako hihingi. Hehe. Sobrang laki kasi ng binaba ng USD.  :(


Goodluck sa mga nag.uumpisa mag-oDesk! Pag wala pang work and feedback, advise ko naman, mag-apply sa mga writing jobs. Feeling ko kasi mas marami hiring dun kaya mas may machance makakuha ng interview. Dun din kasi ako nag.start, tapos nung may feedback na, nagstart na ako mag-apply sa ibang categories. Goodluck!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close