Hello mga sis! Share ko lang experience ko sa Beautybrick. 2 times na ko nagpadigiperm, 1st ko sa bangs tony&jockey salon, super naglast curls ko dun, i think it's 8 months. Ang di ko lang gusto sa hair ko nun super short kasi sabi sa T&J hindi daw kaya i-curl kasi dry yung dulo ng hair ko so need i-cut, ayoko nga kasi nagpahaba talaga ko nun for that tapos puputulin din pala

so wala rin akong nagawa kasi gusto ko naman din magpaperm. Super okay talaga madami bumabati sa hair ko nun, lagi nilang tanong saan ako nagpaperm. Then until humaba na talaga hair ko nawala na yung curls ko, nagsunod sunod pa yung events sa kakapaayos ko sa salon na dry na tuloy hair ko.
One time nagsearch ako sa net kung anong salon pa yung maganda for perming, nasa top 5 yung BB

Well, mga feedbacks talaga ng customers nila super okay, nacurious ako last March nagpunta ko sa salon nila, (ang hirap lang hanapin ng salon hahaha) pagpasok mo dun, ang cute ng greetings nila kasi as in lahat sila iggreet ka. Si Mr. Shin super approachable niya, Japanese nga lang kaya di mo maiintindihan lol. Ang dami namin nagpapacurls that time as in lahat ng seats may nakaupo na nagpapaperm din. I think 3hrs process yung perming ko compare sa T&J na 5hrs yata. Ang gusto ko dito yung parang natural lang yung curls which is nakita ko lang sa reviews sa net. After ko i-curl, in-orient pa nila ko if paano mag-set up bla bla. But after 1 week, napansin ko mabilis nawala curls ko so ayun bumalik ako sa salon sabi nila maintenance lang daw siguro di ko masyado naayos so tinuruan na naman ako. Then inobserve ko pa um-okay naman then hanggang sa nagtagal, parang iba talaga yung curls ko compare sa 1st perm ko, ang bilis kasi mawala talaga sabi pa ng friend ko, nagpacurl ka na ulit? parang inikot lang. (Ouch naman friend) so ayun parang ganun naman kasi talaga, then ngayon super nagdry na hair ko, frizzy and super hair fall pa and split ends, dissatisfied ako sa BB di ko alam bakit ganun, feel ko nasayang lang 3,500 ko

wala na agad yung curls 4 months pa lang ngayon, wala na yung kulot wavy na lang talaga. To think na sobrang mas maayos pa ko sa hair ko ngayon sobrang niroroll ko, scrunch scrunch compare sa 1st perm ko na wala, brush lang ng hair and apply ng essence and hair lotion okay na super okay pa ng result.
Well, experienced ko lang naman 'to sa BB mga sis. share ko lang sa inyo

sana maayos na din hair ko at maibalik sa dating curls.