watch now

Author Topic: Help, setting priorities....  (Read 4463 times)

mae18

  • Guest
Help, setting priorities....
« on: December 23, 2012, 11:18:15 am »
Hi, I just want to air this out and of course makakuha ng opinions and advices....

Background: My hubby and I been together for 7 years and we have a 2 year old son. Last Nov, i did a wrong move posting a status on Fb airing my sentiments on how my hubby does his responsibility...

Kasi, si hubby lang marunong magdrive, and and we are living on his mom's other house), hindi namin siya kasama si MIL sa bahay, 4 lang kami, me, maid, my son and my hubby... November, laging nagkasakit anak ko, suka, tae, lagnat, in a span of week or 2 weeks, ako and maid lang sa bahay, im a stay at home mom, kasi i stopped working para magka baby kami dahil hirap ako magbuntis and twice na ako nakunan.... the last time, kaya ako napapost sa Fb was, yun hipag ng hubby and his nieces are nasa MIL ko, Sunday afternoon nung nagtae suka pamangkin niya na turning 2... the ff day monday, her mom texted him if he could go on halfday since nagpunta sila sa ospital and advised na kelangan iconfince, dahil taga bataan hipag niya at mga pamangkin at nagbabakasyon lang nun time na yun dito sa MIL ko, ang hubby ko naman todo half day at diretso dun sa mom niya para umalalay at ipagdrive sila maihatid sa bataan para nga naman duon na iconfine... duon ako nagalit-

Why? kasi ilang beses nagkasakit anak namin, same tae, suka, lagnat for more than 3 days, nun ako nagtext na maysakit anak niya ang sagot niya "madami ako tinatapos, madami ginagawa..." "pag umuwi ba ako diyan, gagaling ba yan?" sobrang napikon ako... kaya yun napapost ako sa FB, and then siempre since yun MIL ko may account din nabasa niya, nagkasagutan sila ng kapatid ko hanggang sa lumabas na kesyo inauunder ko daw hubby ko kaya ganun nangyayari... pati yun nakunan ako na di nakipaglamay parents ko kasi sila binurol nila at nilamayan for a night eh pumunta naman parents ko kaso since sa manila sila nakatira at wala tatao sa bahat  namin di sila nag overnight, pati yun inilabas ng MIL ko... talagang ewan, pero kun tutuusin, before ako nagpost sa FB, i called my MIL asking for some help na baka may alam siya na problema sa asawa ko kun bakit ganun, kasi sabi ko kun may problema sa akin, di niya dapat idamay ang bata, for 5 times i called asking his mom's help, wala siya sinabing sa tingin niya eh ina under ko anak niya, samantalang tinanung ko siya ang sagot niya was "baka busy lang talaga, intindihin mo na lang" nagpaalam nga din ako na uuwi sana dahil wala naman iniiwan pera anak niya sa aming mag ina, kundi pa mangungutang katulong namin sa kapitbahay di pa mapapacheck up... yun MIL ko, ang sagot "wag daw ako magsabi sa amin kasi baka [textspeak!] isipin at masira daw anak niya sa amin" nirespeto ko yun dahil nga akala ko was okay kami dahil nga ask ako sa kanya kun may problema ba siya nakikita, wala nga daw... tapos nun nagpost ako inilabas niya lahat yun, samantalang ang post ko was buti pa anak ng iba wala pa 24 oras nagkakasakit andun agad, ang anak niya na halos sugat sugat na pwet kakatae at tubig na pag tinext mo galit pang sasagot na pag umuwi ba daw eh gagaling ba daw anak niya.... That's the beginning...

Ngayon, ewan nagdecide ako iimpake lahat ng gamit at ipinahatid ko sa amin sa mom ko, dahil nga sa ayaw ko na din makipagplastikan sa knila... at ayoko makita mom niya dahil baka di ko mapigilan sarili ko na kapag kinausap niya ako eh sasagot talaga ako....

Ngayon, sobrang punong puno na ako, i decided na umupa kami, ibukod niya kami, where in malapit sa ospital, palengke, school basta malapit basic necessities, na tipong di ko kelangan magtaxi... kasi sa ngayon kelangan magtaxi dahil nasa subdivision kami at along Mindanao Ave, NLex exit...  ayaw niya umupa, kesyo gastos daw... pero may budget siya to buy a new desktop computer para sa home theater system niya... may budget siya to buy new bed para sa mom niya and ipa upholster sala set nila dto- nun tinanung ko siya dahil sa una my intensyon is di kwestyunin budget niya kundi di ko talaga maintindihan sulat niya... he yelled me and said "bat mo ba pinakekelaman budget ko, pati yan pinakekelaman mo" to think na i never questioned yun mga binibili at plano nya- ngayon lang dahil siguro punong puno na ako... di na ako sumagot pagkasabi niya nun...

tapos eto pa, lahat ng plano, galaw namin at desisyon lagi niya dinedepende sa kilos galaw at plano ng mom o dad niya... like magpapahatid na sana kami ngayon sa amin pero kagabi sabi niya di pa niya alam kun may lakad sila ng mom niya dahil may namatay siyang pamangkin... naiintindihan ko yun, kasi kilala ko naman yun and nawalan din ako ng anak... nun tumingin kami ng uupahan sinabi ko depositohan na niya kasi baka makuha pa ng iba at pwede naman na lumipat kami mag ina ng katapusan, sabi niya tingnan pa niya kasi nga kelangan niya ibili kama mama niya na inutang namin... nun may nahanap kami sa manila na mura since gusto niya mura upahan para di nakakahinayang-ayaw niya kesyo pangit lugar, nun may nakita kami lugar na nagustuhan niya ayaw niya dahil ang mahal... ngayon may nakita kami mura na maganda di pa din dahil wala nga siya pera...


pagkanag yaya ako pumunta sa amin para madalaw mom at dad ko, lagi niya sagot teka tingnan ko muna kasi baka may lakad sila mama niya... lahat talaga ng plano, desisyon galaw- kelangan ipaalam sa kabila- kundi siya kelanganin-saka pa lang kami aasikasuhin o gagawin yun plano para sa amin... mga sis, di ko na talaga alam, suko na ako... ambigat sa loob na andito kame sa bahay ng mom niya tas isang tawag lang ng mom niya anduon agad siya, kesehodang may plano kami as family... kapag sinabi mo sa knya sentimiento ko, ang sasabihin niya, pag nangailangan tayo si mama nagbabayad, kay mama bahay to, si mama naggrocery, si mama si mama.... kapagod at kaka drained na mga sis....

yun mom nga niya, pag ginusto makita makasama anak ko, agad agad dadalhin niya anak ko dun, pero pag kinailangan namin di ka naman pwede magsalita na ganito dapat kasi nga ayaw daw ng mama niya na pinangungunahan sila... gusto sila lagi....

ngayon nga, umalis na naman dahil kelangan siya ng mom niya magdrive para tumingin daw ng mga prutas at bumili at dumalaw duon sa patay niyang pamangkin... kahit na dapat eh ihahatid niya kami ngayon magina sa amin... nagprepare na ako ng sulat, stating all these, tinanggal ko na din sim card ko and inipit sa sulat, plan ko kasi pag alis niya alis na din kami at iiwan ko na lang sulat... gusto ko na muna lumayo...

eto pa pala, di pa kami kasal, malaki sahod niya pero pag mom niya nagsabi na may biniling property at sa kanya pinapabayad tax, agad siya bigay pera... kahit na prior to that siya mismo nagplan na magcivil kami na walang appearance kasi my mom used to work at Manila City hall na pwede gumawa nun... pero wala naudlot kasi, yun bumili ng bagong ref para sa mom niya kasi pag pasko kelangan daw ng mom niya malaking freezer, bumili bago tv kasi luma na yun tv at sira, nagpa upholster ng bagong upuan kasi luma na, ngayon computer... im so tired.... gusto ko lumayo na di niya kami makita o macommunicate, kun talagang di kmi priority niya eh di mas magaan kasi di na ako aasa o maghihintay ng kun ano ano sa knya at isa lang naman anak ko, di naman siguro ganun kahirap magpalaki at magtaguyod ng isang anak... kun marealize niya priorities niya na kami-good for us....

sinabi ko na nga sa kanya yan na posibleng mangayari dahil kapagod eh, lagi kami kelangan mag step back to give way pag kelangan siya duon sa mom niya... bumubulong bulong-para bang tinatake for granted lang lahat....

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #1 on: December 23, 2012, 11:27:16 am »
sorry napahaba.... but please take time in reading... need some points to ponder.....


TIA!

showermist

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #2 on: December 23, 2012, 11:34:51 am »
Let's make it easy---make yourself financially independent sa asawa mo then move out of your MIL's property. Yung malayo para mas mahirap para sa asawa mo na pumaroon agad agad pag pumito na nanay nya.


bdayboy

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #3 on: December 23, 2012, 11:54:42 am »
I think your MIL is leveraging the fact that she's letting you live in her house for free to take control of your hubby.  He then is somewhat in a position that he has to always be on his mom's good side so you guys can keep staying in her house.  In my opinion, what makes things more difficult for you is the fact that you're not married and therefore cannot demand of him his fatherly obligations to your family and apparently, having a son doesn't compel him to do so either.

The way I see it, you have two choices.  It's either you do nothing and continue to accept what happens around you or you can choose to take action to change your situation.  Choosing the latter will involve courage and it will not be easy but if you make your goal bigger than your fears, then I believe you can do anything.

I agree with showermist, being financially independent will be a good priority since it will take away your dependence from your MIL.

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #4 on: December 23, 2012, 12:48:21 pm »
Actually, it's one of my plans, and yes, I want to let them see that I can financially stand on and bring up my son on my own...

Actually, sis showermist, ang bubukod is kaming mag ina lang- he is staying here on her mom's house, and di nga niya ipinapaalam na naimpake ko na lahat ng gamit namin from basura to our daily use at naipadala na sa bahay ng mom ko... Nandito ako and my son because akala ko was okay na-na bumukod kami kahit kaming mag ina lang in a way na malapit sa lahat ng necessities like hospitals, market and clinics... while siya sa bahay ng mom niya, pero wala, para bang sinasayawan lang niya ko para siguro di magalit, at iniisip niyang magbabago pa isip ko....

babykat

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #5 on: December 26, 2012, 12:42:58 pm »
Naku sis, nuknukan naman pala ng pagkamama's boy yang hubby mo eh. Ilang taon na ba yan at bakit hanggang ngayon ay di pa nakakawala sa pagkasabit sa palda ng nanay nya?  So he's letting you live alone with your son while di sya makaalis sa bahay ng nanay nya? Oh my!  Sis, be strong.  Find a job so you can support yourself and your kid. Show him kaya mo without him and his mother. 

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #6 on: December 26, 2012, 02:51:30 pm »
he's 32, pangalawa sa tatlong magkakapatid... oldest kuya niya and youngest sister niya.... my father thinks ayaw umalis kasi takot mawalan ng sasakyan.... takot makaranas ng paghihirap, na kapusin kasi yun pera niya in case humiwalay siya sa mama niya is mapupunta talaga sa necessities, unlike pag dun siya sa bahay ng mom niya, mabibili niya gusto niya like yun bagong pc for his home theater system, bago tv kasi he wants a 3d tv... he prioritize these things rather giving his son a second year annual check up, a vaccines and yun pagbukod namin.... hay, suko na nga ako kaso ewan- siguro may natitira pang maliit na love kaya ganto ako.... :(

stormy

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #7 on: December 31, 2012, 02:41:29 pm »
^sis minsan lang ako sumagot sa mga ganitong topic kasi d kinakaya ng dibdib ko. Anyway, sa title ng thread mo e "help, setting priorities". I believe you were referring to your partner kasi yun detalye e hindi nya naipa-prioritize ang anak nyo at pati na rin ikaw.

Pero sa last post mo na d ka pa makahiwalay/makaaliskasi may kaunti ka pa love na natitira e baka dapat para sa iyo na yan thread title mo.

Ikaw na mag-isip at magdecide ano ba priority mo? Kasi dapat ang priority mo ang anak mo, hindi na yan partner mo kasi kapag d mo pa inuna anak mo sino pa mag-iisip ng needs nya e d na nga sya naiisip ng ama nya?

Hindi mo naman pwede sabihin na gusto mo na buo pamilya mo kasi ni d naman kaya kasal in the first place so walang kailangan imaintain na buo kasi d pa naman talaga kayo buo. Kaya wag ka manghinayang sana if yaan man ang naiisip mo.


Ikaw sis ang mag-set ng priorities. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos. Hindi ka nirerespeto ng partner mo base sa mga naipost mo, lalo ka nyang hindi irerespeto kasi alam nya na d mo kaya if wala sya. Kaya iyon ang unahin mo, ang kayanin na wala sya para maitaguyod ang anak mo.

Ilusyon na lang ang isipin na kapag mawala kayo baka magising at magbago yun partner mo sis, wag mo gawing ultimatum yun paglayo sa kanya. Yun paglayo mo e pagtalikod sa hindi magandang pagtrato sa iyo, hindi para sa kung ano pa man.


« Last Edit: December 31, 2012, 02:43:39 pm by stormy »

aquacharly

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #8 on: December 31, 2012, 05:49:23 pm »
I believe that one  is happy when one has self-expression and self-determination.
(Ibig sabihin, puede mo sabihin kahit ano, and may sarili kang diskarte you can put in action.)
So, I say this over and over and over, again and again and again.. ad nauseum:  To have a beautiful life, you must make and have your OWN money.

Batuhin man ako, IMO, it is primarily money (and not love)  that makes the world turn.
If you have money, may "say" ka, pakikinggan ka, people will respect you (to some extent) -- at least, hindi ka bastusin/babuyin (pag may pera ang katapat, nagiisip sila bago mag diarrhea of the mouth di ba) &  hindi ka de-deadma deadmahin  like what your live-in partner does to you now.

As for loving someone... eto dapat ma gets ng anyone who loves someone:  Puede mo pa  naman mahalin  sya, but mahalin din sarili mo.  (It isn't a zero-sum game you know.)

Timing timing ang lahat. 
Do not make life-changing decisions based on emotions.  Think it all out well.
Maki deadma deadma ka sa mahal mo pa ring live-in partner.  BUT make sure, EACH day, you do something to advance YOURSELF.  Just be cost effective, gamitin mo resources nila.  1 day soon, hopefully not too late,  you should find yourself financially sufficient to lead the kind of life you want for yourself.

Now, if inconvenient talaga to be working on advancing your interests from that house of that mother of his (be honest to yourself ha, now)  -- move back to your parents.  IMO, renting is just gonna drain limited resources.  Magagamit mo pa yon to save for your son or for rainy days.

Hindi na a-achieve ang mga well-intentioned plans thru init ng ulo, exasperation, loss of patience.  Be realistic.  Make the most of what you can use to serve your best interests.  Remember:  he who laughs last, laughs best.

Good luck.

stylishmomy

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #9 on: December 31, 2012, 07:42:53 pm »
^super love your advice sis, I want to share it to my younger sisters so they'll realize na totoo ang sinabi ko na "money makes the world go round" love can only do so much lol, nawawala ang love pg wala ng pagkain sa mesa.


mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #10 on: January 04, 2013, 05:56:48 pm »


As for loving someone... eto dapat ma gets ng anyone who loves someone:  Puede mo pa  naman mahalin  sya, but mahalin din sarili mo.  (It isn't a zero-sum game you know.)

Timing timing ang lahat. 
Do not make life-changing decisions based on emotions.  Think it all out well.
Maki deadma deadma ka sa mahal mo pa ring live-in partner.  BUT make sure, EACH day, you do something to advance YOURSELF.  Just be cost effective, gamitin mo resources nila.  1 day soon, hopefully not too late,  you should find yourself financially sufficient to lead the kind of life you want for yourself.

Now, if inconvenient talaga to be working on advancing your interests from that house of that mother of his (be honest to yourself ha, now)  -- move back to your parents.  IMO, renting is just gonna drain limited resources.  Magagamit mo pa yon to save for your son or for rainy days.

Hindi na a-achieve ang mga well-intentioned plans thru init ng ulo, exasperation, loss of patience.  Be realistic.  Make the most of what you can use to serve your best interests.  Remember:  he who laughs last, laughs best.

Good luck.

Thanks,
 Me and my son moved out of their house already before christmas, and i am staying here at my moms place. i applied for jobs and had some interviews already.

Dec 21 when we moved out (me and my son only), Christmas di man lang siya pumunta sa amin because of siya ang errand boy ng mama niya, and he cant leave his mom and go for us to celebrate christmas.. dec 28 and 29 siya pumunta and was here in New year's eve, we celebrated new year watching fire works display at MOA, since my son is fond of watching fireworks display. He's with us almost whole day of Jan 1, i allowed him to bring our son to his parents but asked him to return it by 3pm, which he did. Oftenly I asked him kun ano kame sa knya, he would say ako mommy and our son then hes daddy, i asked him kun san siya, but for some reasons iniiba iba niya topic, whole day today i did not text him nor talk. I am very much aware na kahit na sinabi na niyang uupa kami- Im sure hati pa din ang oras niya...

Tama ka sis, siguro i have to use his resources, use his money na yun lang ang kaya niyang ibigay. And yes, I am putting myself in boundaries na hindi na ako dapat ma-fall sa mga satsat niyang wala naman mangyayari.... Until then, siguro kapag napiga ko na pera niya then there na ako didistansya....

Wala din kasi mangyayari i suppose dahil andito na nga kami yet no initial moves from him... Siguro deadma na lang, as if katulad ng ginagawa niyang hindi kami nag eexist as his family....

Salamat, im learning how to dance on their tempo....

Yaya

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #11 on: January 08, 2013, 05:46:53 pm »
ang facebook at pagpagpopost ng mga personal na sentimyento sa facebook, ay nakakasira ng anumang relasyon. fact yan. kahit na anong pangit o baho ng ugali ng asawa mo, huwag na huwag mo syang sisiraan sa harap ng sinoman lalo na sa facebook! pinahiya mo sya. kung may sentimyento ka sa kanya, kausapin mo sya ng maayos na may halong lambing sabay tirahin mo pero yung hindi obvious at dapat may laman ang sinasabi.

wag ka  mag impake. wag kang umalis sa bahay. humanap ka ng time na mag usap kayong dalawa. usap ha? hindi pagtatalo, hindi sumbat, hindi batuhan ng plato. kailangan nyo magkaayos. lahat ng mag asawa pinagdadaanan yan, wag kang sumuko ng ganito kaaga.

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #12 on: January 21, 2013, 06:10:29 pm »
^hay, we've been together for like 6 years or so... and before pa kami magkaanak and i still have work that time- i already asked him to move out like kumuha ng rent to own house, or apartment... yet to now- umabot na sahod niya in more than 5 digits pero wala pa din....

di naman pwede na ako lang ang gumawa ng paraan for us, and di pwedeng ako lang ang umunawa- kahit sinung pinakamabait na tao- nauubusan din ng pasensya... di ba nga sabi nila-

"It takes two to tango"

nessy

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #13 on: January 24, 2013, 01:16:33 am »
sis mae18, buti naman you decided to move out na. next thing that you do is look for a job. para hindi ka na umasa diyan sa partner mo na sobrang mama's boy. at para rin masuportahan mo ang anak mo. goodluck sa yo sis kaya mo yan.

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #14 on: January 26, 2013, 12:45:31 pm »
^ Korek!


I've been applying for job since December- and had attended several interviews na din from Makati to Pasig to Taguig and to Pasay. Siempre, sa hirap ng panahon- medyo mahirap na mag apply since yun nga, may anak na ako and im not that young anymore... Btw, im 31 and my last work pa was 2006. Hoping bago matapos tong month eh may tumanggap na sa akin, sa ngayon- we communicate and minsan i and my son stays back there during weekends para makapaglaba, and of course in return dun sa perang binibigay niya eh pinagsisilbihan ko pa siya, dahil nga yaw ko din umasa sa parents ko na parehas wala work and may mga maintenance meds pang tinatake- mga kapatid ko working abroad ang tumutulong sa kanila....

Sa ngayon- nakadikit pa ako pero hindi na tulad ng dati na todo serbisyo handa umalalay. Im very much careful na, para bang we are with him kasi we need his money since wala pa nga ako work... Btw, its been 3 weeks na na tinatanggihan niya mom niya everytime his mom ask him to drive for them, and 3 weeks na din di sila nagkikita ng mom niya, dunno how long it will last pero dont care na, as long as he provides for us while i dont have money pa- then go, kasi weekdays we stay at my parents, weekends lang kami nagkikita at nagsasama... di ko na din siya ganu kinakausap, one ask, one answer- ewan ko lang kung nakakahalata na siya with my passive actions to him....

Wish ko lang talaga makapag start na ako magwork....

nessy

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #15 on: February 01, 2013, 10:02:18 pm »
sis, tiis lang.pasasaan ba at makakahanap ka rin ng work. :)
yes, dapat maging civil kalang. minsan, mas maganda pa na wag na lang magsalita kasi baka pagmulan pa ng away.
baka nakakahalata na yan sis na parang may issue sa pagpunta punta/pagda-drive niya for his mom. pero sana maayos niyo pa rin ang problema niyo. goodluck sis!

gab54

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #16 on: February 09, 2013, 10:21:37 pm »
So far, agree naman ako sa diskarte mo. Importante, siya ang sasagot ng mga gastusin. Kahit may work ka na, hayaan mo parin siya ang mag provide sa anak niya, obligasyon na yun! Mag ipon ka para sa sarili mo at sa future ng anak mo.
On the other hand, sana naman matauhan asawa mo at ma realize niya na importante kayo sa buhay niya.

mae18

  • Guest
Re: Help, setting priorities....
« Reply #17 on: June 07, 2013, 05:23:03 pm »
I have work na and started over a month.. and me and my son lived with my parents, pag weekends sinusundo niya kami to stay at that house. Nabawasan naman yung pagsisilbi niya with his mom, pero di pa din nawawala. At ewan kung mawawala at magiging exclusive siya sa amin....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close