Mga sis, baka mapahaba tong post ko dito hehe.
Madalas namin to mapag-usapan ngayon ng hubby ko.
Lumaki kasi ako na hindi naman mayaman pero lahat ng kailangan eh naibigay ng maayos ng magulang ko. Naipadala kaming magkapatid sa magagandang school mula pre-school hanggang college. Nakakapagdala rin kami ng kotse ng kapatid ko nung college kami - though hindi latest model. Kumbaga, family cars, nagagamit namin - kahit tig-isa pa kaming magkapatid. Tapos pagkagraduate namin ng college, iniisponsor ng parents namin yung vacation namin sa US. All expense paid yun - pamasahe from Ph to LA, pamasahe from LA to NYC, vice versa saka syempre yung return ticket pabalik ng Pinas.
Pati yung mga short courses pampaimprove ng career namin, sinasagot nila Daddy at Mommy. Siguro nga mas masagana pa kung hindi nagkacancer at naparalyze Mom namin nung 12 lang ako at 7 lang brother ko eh mas maluho ang naging buhay namin.
Ang napangasawa ko naman ay breadwinner nung nakilala ko. Sinagot niya 4/5 ng kasal namin, 1/5 sagot ng parents ko. Tapos nung nalaman nilang mag-aasawa na nga kami, yung bahay na kinalakihan ko eh mapupunta na lang daw sa akin, tapos nagpagagawa sila ng bagong bahay two blocks away dun sa mapupunta sa akin. Nun ko lang nalaman yon, pero before namin sinabi na ikakasal kami eh ang alam namin eh dun kami sa condo ko titira. Yung condo ko, ako ang nagpundar nun - wala ni isang kusing na galing sa kanila. Dugo't pawis ko yun

Come married life. Hindi pala madali. Wala kaming ipon sa ngayon. Dalawang taon kong ipinagdasal kay Padre Pio na ibigay sa akin ni Lord yung hinihingi kong salary. My husband is earning okay and so am I. KUmbaga sa iba, sobra-sobra na yung kinikita namin. Pero wala kaming ipon. Kasi our first year of marriage, nagtravel kami nang nagtravel. ON the second year of marriage, pinarenovate namin yung hand me down na bahay. Ang pondo eh pinahiram ng parents ko (swerte ko talaga sa magulang). Kaso lang, after moving out of our house for renovation, buntis pala ako. So panibagong gastos.
Let me also mention here na as a married couple, we have a combined insurance policies/investments of 5. Dalawa dun eh nung dalaga pa ako, tatlo eh kinuha namin as newlyweds.
So ayun, 10k of our monthly income goes to those insurance policies. Isa pa lang out of the five ang fully paid na.
Then makikita ko sa mga officemates ko, sa mga fb friends ko how easy it is for them to buy cars. Don't get me wrong. I'm using a twelve year old Altis. My husband has a 13 year old Lancer na nakatambak sa in laws ko. Kapag coding naman kami, I borrow one of my Dad's cars. We have our respective rides pero my husband knows how gigil I am or siguro the term is
INGGIT because we can't afford to buy a brand new ride.
Ang masama pa nito, makikita ko sa Facebook (oh well, naiba ang mundo dahil sa facebook) na people eat here and there (na nagagawa din naman namin pero, swear, magastos ito!), go out of town here and there. And it's really bad to compare kasi nga maiinggit lang ako. Mafufrustrate ako.
Then pinagsabihan ako ni hubby ko, "Anung hindi mo kayang bumili?"
mo kasi kahit salary ko alone, magqqualify ako for a car loan. Sabi niya, "Kaya mo, iba lang ang lifestyle natin, iba ang kinagisnan mo. Yung mga nakikita mong bumibili ng car eh wala silang life insurance. (Totoo to, my officemates have shiny brand new cars pero they don't have any insurance policy at all, not even one.) Iba ang priorities mo. Kung tutuusin, yung ibinabayad mo sa insurance eh pwede nang panghulog sa brand new car na gusto mo. We just decided na it's not what we need."
Sa ngayon kasi ang priority namin eh maging liquid muna kami before splurging on anything else. Naranasan ko kasi yugn stress ng may hinuhulugang condo eh masakit sa bulsa yung naglalabas ng more than 10k automatically every month. Sabi ko nga kay hubby, nung dalaga pa ako, I had more than enough savings in the bank.
I don't know why I'm kinda depressed na I can't afford to buy a new car right now. Puro bago yung cars ng mga officemates namin pero hindi namin maafford ng husband ko.
I know I'm being unreasonable pero ayan, inilabas ko lang dito sa thread na ito.
Feeling ko gigil na gigil ako makaipon para eventually, it's not just the basic sedan ang mabibili ko.
Sorry po kung mahaba.