Nakakarelate ako sa may kakilala akong effortless talaga. Ang masakit dun sarili ko pang husband yun. Kinakainggitan ko talaga siya, swear. Lahat binibigay sa kanya ng parents niya palibhasa may kaya sila kumpara samin. I mean, kahit 5 silang magkakapatid at ako only child lang, ibang level yung sunod luho sa kanya. Minsan kahit di niya hinihingi, binibigay ng mom niya. Gaya ng iPhone, ako pinaghirapan ko sa part-time job ko yun para magka Plan ako sa Globe tapos nung nalaman ng parents niya na nagkaroon ako, sabi ba naman, gusto mo rin ba nun para parehas kayo? Tapos pagkatawag na ganun, ayun naprocess na yung iPhone niya kaloka. ganon kadali? Tapos entitled pa tong husband ko sa allowance 2 years after niya grumaduate. I admit, damay ako sa allowance na yun dahil panggrocery namin yon pero... I mean, come on sobrang pagtulong naman sa anak yun pano kung di na matuto tong asawa ko? Nakakahiya baka may sinasabi na rin mga ate niya at iba pang kapatid. Palibhasa favorite ng magulang niya. Para tuloy bata pa rin umasta, daig pa anak namin kung manood ng anime at Ben 10.
At kahit sa school, ewan ko ba hindi yan nag-aaral pero laude standing! Ang taas ng GWA, anong klaseng exam kaya meron dyan sa school na yan or grading system? Ako nung college feeling ko kahit anong effort ko wala talaga hanggang 2.25 lang kaya ko sa isang subject, bonggang effort na yan ha pero yung asawa ko jusme makapaglaro sa PC buong araw may exam kinabukasan, ang taas pa rin ng grade. To think na wala yang notebook pag pumapasok, dala lang nya ID at cellphone. Mga notebooks nyan first day of class lang may sulat, tapos wala na. Ni hindi ko nga talaga nakitang nagbasa ng libro yun e. Di naman siguro siya genius, haha.
Haay. Life is so unfair! Yung tipong nagwowork ako gabi-gabi, tapos sa likod ko busing busy siya na nagPPC games, tapos sarap buhay ako pa mas malaking hulog sa condo porket ako may work ngayon. Kesyo may iba din naman daw siyang pagkakagastusan, hirap akong pumiga lalo na ngayong April wala nang pasok. Sabi niya kelangan daw ng parking fee kasi may graduation practice, tapos pang lunch, etc. Pwede naman siya magbaon nagluluto naman ako ah. Sana wag siya maging batugan, grumaduate na siya finally this year magkatrabaho na sana nang matigil na sa ganyan. Nakakaupset... tipong kasama ko forever tong taong to, baka ako maghirap saming dalawa for life. Tapos nung dalaga ako since only child ako di naman ako naghirap nang ganto. Feeling ko tuloy maaalila ako nitong mokong na to e. lol.