My family along with some friends and our dog (9pax) went on a Vigan-Laoag-Pagudpud roadtrip last May 22-25.
Day 1:
We left Manila around 4am, nagstopover kami sa Urdaneta for breakfast. Arrived at Vigan around 1pm. Super init pagdating namin since katanghalian tapat, buti na lang nakapagpark kami malapit sa may plaza ata yun, dun din nagpapark yung mga kalesa hehe.
From there walking distance lang ang Cafe Leona. Rustic ang itsura ng restaurant, parang medyo nadidiliman nga ako sa loob pero maganda naman sya and masarap din yung food. We tried bagnet, pinakbet, sisig and pinakbet pizza. Medyo nadisappoint ako sa bagnet, for me mas masarap pa yung bagnet ng Cafe Juanita.
After lunch, nagikot ikot kami sa Calle Crisologo and syempre photo ops hehe. Since pagod na din yung drivers namin (2 cars kami; isa is si bf ang nagddrive and the other one is my brother) dumiretso na kami ng Laoag.
We arrive at Laoag mga 5pm na. Ayaw na muna namin magikot ikot since mga pagod at antok na kami hehe. We stayed at Balay de Blas.
Super approved ako dito, mura na malinis pa at maganda. We got 2 family rooms (one room have 3 double beds and the other room have 2 double beds).
For dinner, kinain namin yung mga baon naming adobo. Then bumili din yung parents ko ng empanada, which we super liked! Hehe.
Day 2:
The next day, may free breakfast yung Balay de Blas (you can choose from their breakfast menu). After eating, we went to Fort Ilocandia and Paoay Sand Dunes. Yung sand dunes talaga yung naging highlight ng trip, enjoy na enjoy kami kahit sobrang init.
After that, we went to Paoay Church and had lunch at Herencia Cafe (sa tapat lang sya mismo ng Church). Before heading to Pagudpud, dumaan muna kami sa Marcos Mausoleum. On the way to Pagudpud, nadaan na din namin yung Bangui Windmills and nagphoto-ops again, medyo nakakatakot lang yung daan papunta sa windmills mismo kasi rough road. Around 7pm na kami nakarating sa Pagudpud proper, ang scary kasi ang lakas ng ulan tapos may mga kurbada pa yung kalsada.
Sa Agua Seda kami nagstay, sobrang disappointed kami dito.
Ang hirap ng parking, di masyadong malinis ang room at banyo.
Nagpareserve kami ng family room (9pax in a room, since 9 kami) kay Tita Letty.
Sabi nya kasya yung 9 sa room since mga double deck yung beds. Pero pagdating namin dun
ang sabi nya, nalimutan daw nya ibilin sa mga tao nya na may nakareserve sa family room so naibigay sa iba yung room namin. Ang offer nya is ilipat kami sa 2 rooms na lang (One room with 2 double bed and the other room with 1 double bed). Eh pano naman kami magkakasya dun?! Sabi namin ang ganda ganda ng usapan tapos ganun lang ang mangyayari. Kung gusto daw namin
mag-add na lang kami ng 1 pang room (additional bayad na lang). Ayaw sana namin pumayag pero pagod na pagod na kami sa layo ng byahe, tinawaran na lang namin yung additional room, since sila naman talaga ang may kasalanan. Maganda naman ang beach and ang linaw ng tubig, pero for me ha hindi sya yung tipong babalik balikan ko.
Day 3:
Early morning swimming, gusto sana mag zipline sa Hannah's ng brother ko pero ang haba daw ng pila haha. We're supposed to stay for 2 days in Pagudpud, pero dahil nga sa hassle na dinala samin ng Agua Seda eh nagdecide na lang kami na bumalik na ng Laoag the next day. Before heading back to Laoag, pumunta muna kami sa Patapat Viaduct for photo-ops hehe. Ganda ng view dito, ingat ingat lang sa mga sasakyan na dumadaan habang nagpipicture.
Buti na lang napakahelpful ng mga taga Balay de Blas, since fully booked na sila for the day tinulungan nila kami maghanap ng matutuluyan. They recommended Isabel Suites, sakto may available rooms pa sila and affordable din naman. We got 3 twin rooms with extra mattress in each room, with free breakfast. Good thing about the location eh katabi lang ang Jollibee so bumili na lang kami ng dinner dun

.
Day 4:
The next day, on the way going back to Manila dinaanan na din namin ang Kapurpurawan Rock Formation (be sure to bring payong, ang init dito) and Cape Bojeador. Nagstopover ulit kami sa Vigan for Lunch (Max's) and to buy pasalubong. We also went to Baluarte, for me pwede ng skip ang pagpunta dito kung di naman kayo mahilig sa zoo. A little after 2pm, we head home na (stopover at Jollibee NLEX na lang for dinner).
We arrive in Manila around 10pm:). Kahit super pagod ang super init, enjoy and memorable ang trip na ito. Super saya lalo na madami kami

.