Author Topic: Carousel Sidetrip by Angelique Sunday  (Read 1200 times)

carmilina

  • a psychotic registered nurse,admin work,bookjunkie,a sensitive
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 701
  • ***Summer***
Carousel Sidetrip by Angelique Sunday
« on: December 20, 2012, 07:24:17 pm »
***Hey girls, I am Angelique Sunday,yan ang writer's name ko :) I write for BWR Publishing ,it's an online publishing house na , binuo namin mag kakaibigan.

I will post my prologue from my mini series :)

Enjoy Reading :)


Naman!ang Traffic! Grr! Nakakulo ng dugo…relax lang Sumi, makakarating ka rin sa paparoonan mo…Paano ba naman? Nag underestimate ka na namn sa oras.kasi eh…Bwisit na buhay eto ah…Mag half day na lang kaya ako? Huwag na! Mag absent na! Volunteer lang naman ako, so pwede naman siguro…
Kinuha Ni Sumi ang kanyang cellphone at nag text sa kanyang boss…tapos nag text sa kanyang mga kapatid …Whew! Buti na lang Friday na halos lahat eh maluluwag ang sched sa work, patapos na kasi ang week…
Pesteng yawa! Ang bagal talaga ng Fx na nasakyan ko, hindi pa ako nasusuklian! Aba 5 pesos din yun ah, pambili ko rin ng junkfood kila Aling Miling!
“Manong yun sukli po ng 20, Cubao lang po yun galing” trust her to commute all the time, ayaw niya may dalang sasakyan kahit na can afford naman nila bumili. Para sa isang traveler na tulad niya, hindi siya naniniwalang dapat may sasakyan na lagging dala. Mas maganda ang adventure pag iba’t ibang uri ng sasakyan ang nagagamit , mapuntahan ang destinasyon na gusting marating. Mas adventure ng yun kumbaga.
 



 Angels and Blooms 11am Friday
“Ang tatagal ninyo naman “ himutok agad ni Sumi
“Uy, Summeria , you texted na magkita dito sa Angels and Blooms ng 11am, it’s exactly 11am “ pagtataray agad ni Laney
“Whatever Whatever!”ani ni Sumi
“So where’s  Ate Kai?” biglang tanong ni Thea na siyang kadadating lang
“Late as usual “ sabay na tugon ni Sumi at Laney. Napatingin ng masama si Laney kay Sumi. What she hated the most pag may nakakasabay siyang magsalita.
“God, I hate it pag sabay tayong nagsasalita!” ani ni Laney
“Wala ka magagawa moi’ lady! We’re sisters, like the napkin...partners in crime” pang aasar ni Sumi kay Laney
“Would you SHUT UP! For one second! puro ka kalokohan, Nakakasira ka ng araw!” inis na tugon ni Laney
“eh Ako nga unang nasira ang araw eh, na late na nga ako eh”
“Ha!na late ka lang , you opted na huwag na pumasok, What a lame excuse !”
“Kahit kalian kontrabida ka Evangelaine!” pang aalaska pa ni Sumi
Namula sa kahihiyan si Laney. Ang pinaka ayaw niya yun sinasabi ang buong pangalan niya, their Dad suppose to name her Evangelization. At the last minute kinontra yun ng kanilang Nanay, buti na lang medyo na remedyo ang kanyang pangalan. Medyo lang nga!
“Tumahimik ka Sumi! Gusto mo bang maligo sa Chocolate Cream Chip Frapp mo ha?” pag babanta ni Laney sa kapatid. Sabay hawak sa frapp ni Sumi
“Pwede din?may dala ka bang sabon?yun Dove ah, allergic ako sa Safeguard mo”
“I don’t have a soap with me right now”
“Gullible p***y!”
“Watch your words Summeria! Act like an adult”
“Bakit Evangelaine? Asar talo ka na ba sa akin?”
 
 
“Ano ba mga ate, wag kayong mag away dito!nakakahiya sa mga tao , lalakas ng boses eh “ hirit ni Thea, sabay tingin sa compact mirror. She saw a cute guy in the reflection , she look back and wink at him. The guy smiled back. Oh My! Kinilig na naman si Bunso. Nahagip ni Sumi ang ginagawang ka artehan  ni Thea.
She nodded Laney to look at Thea.
“Althea!” sabay na sigaw ng magkapatid
“What?” confuse na tanong ni Thea sa kaniyang mga ate
“Stop flirting!” ani ni Laney. Trust her serious sister to say something about stopping.
“No!continue sister…” nang aalaska na banat ni Sumi
“Summeria! Hinhayaan mo lumandi kapatid natin sa kung kanino lang?” kontra agad ni Laney
“Joke lang! Thea moi’ lady , huwag pi pick up ng lalake kung san saan lang, kahit sa coffee shop, nagmumukha kang cheap eh!”
“Pero ate…cute siya eh” daskol agad ni Thea
“Pero si Panda cute din” sagot ni Kai
Sabay baba ni Kai ng mga  pinamili sa spare chair , sa kanilang magkakapatid , naturingan siya ang panganay  siya pa palagi ang nahuhuli sa mga gatherings nila. Hindi naman sa kadahilanan na irresponsible siya sa oras, nagkakataon na marami siyang ginagawa sa family company nila. Correction sa kanilang hospital.
Their dad owns a hospital. Siya na namamahala ngayon simula na nagretiro ang kanilang ama.
“Ate! Late as usual” wika ni Laney sabay beso sa older half sister
Nag sunuran na sila Sumi at Thea bumeso sa naka tatandang kapatid.
“But Ate Panda is our dog” maarteng sagot ni Thea
“But Ate Panda is our dog” pang iinis na gaya ni Sumi kay Thea
“Ate, very funny, kaya hindi na me nagatataka kaya naiinis syo si Ate Laney”
“Heh! Arte arte mo kasi Thea, pa cute cute ka pa dun sa guy kaya inaasar ka ni Sumi eh “ hirit na ni Kai
Sa kanilang apat Kai, the oldest is the MOST logical. Hindi si Laney. Masyadong seryoso si Laney, kahit may mga bagay na hindi dapat pag ka seryosohan pa. Ang sumunod sa kanya na si Sumi ang pinaka makulit,masayahin at clown nilang magkakapatid. Wala atang boring moment sa kapatid niyang ito.Si  Thea naman palibhasa bunso ang pinaka baby nilang lahat. Maaga kasi namatay ang Mama ng kanilang bunso, sila na rin halos ang tumayong nanay sa kanya.
They’re sisters. Half sisters.
She’s the oldest her Mom and Dad divorced in New York, way back she was young. Hindi na kasi masyadong nagkaka sundo ang mga eto sa kadahilanan na mag kaiba ng kultura.Masyadong mataas ang pangarap ng kanyang Mama.Kaya nag decide na lang ang mga eto na maghiwalay na lang.Her Mom remarried an Australian Businessman. Her Mom is an Australian. Sabi nga ng Daddy niya carbon copy siya ng Mama niya. Her Dad remarried too. She’s so lucky to have Tita Ness as her second Mom. Her Tita Ness gave birth to twins. Sobrang saya ng mukha ng kanyang ama nang makita niya etong nakatingin sa nursery at tinitigan ang kambla niyang kapatid.
“Look Kai! You’re twin sisters!” as her dad carried her and pointed at the glass panel of the nursery viewing room
“Dad, why the other twin is not smiling?” that’s the first thing she said when she look at the twins through the glass room
“It’s also smiling! Kaw talaga bata ka, kung [textspeak!]-ano naiisip mo” her Dad answered
“Daddy! I want ice cream!” pang aaya niya sa ama.
“Sige, let’s go, I’m also hungry too”
She loves all her sisters. May nakita lang bagaysa Mall na magugustuhan nang isang kapatid niya, binibili na niya. The trouble is, kailangan na niyang ibili ng kung ano man ang 2 pa niyang kapatid. Katulad kanina, she just pass by to Landmark to buy a new cardigan , napadaan lang siya sa bookstore , nakita niya yun book na gusting gusto ni Laney, kaya binili niya ito. She thought of Thea , she pass by So Fab! Para bumili ng sapatos ng para sa kapatid. She almost forgot to buy something for Sumi, buti na lang napadaan siya sa isang camera shop. She bought her sister another tripod for her sister’s camera. Lagi kasi nitong nasisira.
“Hey guys! I’m getting my Coffee Jelly, Get your stuff in that bags!” ani niya sa mga kapatid.
“Thank you Ate” chorus na nagpasalamat ang tatlong magakakapatid.
As usual sa pasalubong hinagip agad ni Thea ang kahon ng sapatos, si Laney ay binuksan ang paper wrapped na lalagyan ng libro at napa “ Thank you, Ate Caileigh” pa ulit. Napa “Yes” naman ng malakas si Sumi , kasi may kapalit na ulit ang nasirang yan tripod.
“Ha!Trust me, wala pang isang buwan bibili ka naman ng bagong tripod Sumi” pang aasar ni Laney
“Tama!” pag sesegunda ni Thea, pero abala naman ito sa pag susukat ng sandals.
“Oy!Kayong dalawa diyan napaka inggitera ninyo ha,tumahimik kayo” balik ni Sumi sa mga kapatid , habang hawak hawak ang bagong tripod na bili sa kanya ng Ate Kai niya.

« Last Edit: December 20, 2012, 07:33:54 pm by carmilina »
---Woman empowerment, that's what my life is...---
***music/books/photography/soccer/travel/Spain/Pnay/Science/ ***  O.o

http://angelsundaylove.wordpress.com/

tree_blind_love

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: Carousel Sidetrip by Angelique Sunday
« Reply #1 on: February 05, 2013, 11:21:43 pm »
Can I be part of your publshing house?

 


Latest Stories

Load More Stories
Close