Finally for the 3rd attempt natry na ren namen

kaloka lang ang waiting time (hindi pa naman ako sanay ng ganun, but since its our special day sygeh na nga) almost 30mins den ang pag antay, take note pag dating namen pang #18 pa kame sa list ha, buti na lang tuwing tawag sa iba tingin ko nag back-out na sila hehe… nasakto weekend, sa dame na den ng tao dahil may pyro show ngayon sa MOA…
I ordered: Menchi with Cheese ….while si Hubby: Hire Special Katsudon (Yabu Special) …hindi ko lang alam kung anung difference nung sa Original and Yabu Special ng Katsudon?? …
sygeh wetoh na ang hatol

pag katikim ko nung Menchi, totoo nga masarap, malambot ang karne tipong hindi ko namamalayan nawawala na sa dila ko haha, nag pasarap lalo yung may cheese sa gitna, sabay subo nung Japanese Rice at higop nung Miso Soup *perpekto* … crunchy outside and very soft inside kahit sino siguro magugustuhan ito… nagustuhan ko den yung Miso Soup, tamang tama lang ang lasa, di tulad sa Tokyo 2x na may after taste sa lasa ng soup… regarding the salad, masarap den, kaya naman pala madame nag kakagusto nito

buti na lang talaga na suggest ni bro.jtansanco san makakabili nung dressing (sarap nung dressing may pag ka nutty, dahil na ren sa roasted sesame), can’t wait to do this at home.. tingin ko dun sa cabbage parang ni-blanch para medyo luto ng onti but still fresh, para hindi naman lasang hindi luto… the fruits taste sweet, sakto lang for dessert, sa sobrang kabusugan halos hindi kuna ren maubos

… ok den yung house tea...
sa food naman ni hubby, sabi niya nagustuhan niya…tuwa naman ako, kasi hindi talaga siya mahilig sa Japanese food, at least dito sulit... tinikman ko den yung kanya ok den pero mas nag concentrate ako sa food ko eh haha… yung rice may taste ng sweet miso-based sauce… napansin ko sa Katsudon nila mas gusto ko ito compare sa Terriyaki Boy, mas easy kainin and hindi matigas.. sa mga na try ko na Katsudon na iba medyo dry, but Yabu’s version is way too different *aprob*
Medyo maharlika nga lang price, but for me we got what we paid for, unlimited rice, unlimited salad, unlimited ice tea *sog-bu talaga*...
ok na yung mag dine dito pag special na occasion samen, pero kung tipong babalikan agad-agad (saka na muna at nakakabutas ng bulsa haha) ..Since mahilig talaga ako sa Japanese Food, masasabi kong na aappreciate ko talaga si Yabu

...my #1 Japanese Restaurant is still Kimpura
oo nga pala side comment ko lang dun, sana maluwag yung table kasi nasisikipan ako, feeling ko onting mali may mahuhulog, punong puno kasi yung table