watch now

Author Topic: leaving your child in the province with grandparents  (Read 5244 times)

sweetsorrow

  • Guest
leaving your child in the province with grandparents
« on: December 08, 2012, 04:05:04 pm »
a very tough decision that I made. two weeks na since the 3rd yaya left us kasi nakakapagod daw pala magalaga ng baby. dahil LWOP na ko and wala na kami mahanap na yaya.. we decided na iwan nalang sa province ang baby..

super saya ng lolo at lola niya sa idea na maiiwan ang apo nila. heart breaking naman sa part ko kasi hindi ako sanay ng wala ang baby ko sa akin. sobrang lungkot ko ngayon. may inoffer na laundry shop sa akin pero ayaw din ako bitawan ng boss ko. ayaw din nila ako payagan na magleave ng matagal. I don't know what to do. ayoko mawala ang chance na baby pa ang baby po ko at dapat ko siya alagaan. :(

help me sisses. I need your advice..

chicafabulosa

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #1 on: December 08, 2012, 04:08:50 pm »
Its a tough decision sis. But if the laundry shop is being offered to you, i would grab it if i were in your shoe. It is more important for me to be with my kid lalo na during their developmental ages. May back up ka naman pala but if walang laundry shop, i would suggest naman na tiis lang. Mas mahirap naman kapusin ka to provide for the needs of your child di ba.practical lang na side.

Janet31

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #2 on: December 08, 2012, 09:55:15 pm »
don't worry hindi naman yan forever eh...
time will come makakasama mo yung baby mo.

marssie

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #3 on: December 09, 2012, 03:29:27 pm »
How young ang baby mo sis?

Yup panandalian lang naman, nung una kahit hirap kami ni hubby tiniis namin ang gastos para lang makuha ang nanay ko at mag alaga sa son ko, at 8months, umuwi ang nanay ko sa pinas, pinaalaga ko sa daycare ang son ko, awang awa ako sa bata pag iniiwan ko kasi sa edad na 8months marunong na siya humabol at himikbi habang iniiwan ko, pag sinusundo ko, halos lumpiad sa pagapang pag nakita ako.. so gastos ulit pinabalik ko ang nanay ko para magalaga, kaso nung 1year and 2months na son ko no choice kailangan namin ipauwi sa pinas, grabe ang hirap,bawat sulok ng bahay nakikita ko siya, sobra ang lungkot ko,di ako maalo ni hubby, then after 2months si hubby naman lumipat ng bansa, naiwan ako mag isa for another 3months tsaka ako umuwi sa pinas, pag uwi ko, halos liparin ko son ko para mayakap, at laking gulat ko, 1years and 7months, di na ako kilala ng anak ko, bigla takbo sa lola, at mama pa ang tawag sa nanay ko, lagi pa ako kinakagat at ayaw sumama sa akin. Pag natutulog kami at nagising,iiyak sa tabi ko at hahanapin lola niya.

Narealize ko tuloy,minsan pala mas maganda iwan ang bata pag baby pa hangang sa bago mag one year old,mamimissed mo nga lang yung mga 1st dapa,walk, pero kung para sa kapakanan ng bata at mas makakaginhawa okay pa rin ang ganon.. Kung iiwan mo naman ng nasa 1 pataas make sure na madalas may communication kayo at with the help na rin ng mga nag aalaga, dapat lagi nila papaalala sa bata ang parents niya. Lalo na ngayon, may YM,Skype at FB na :) Sa case namin kasi dati wala pang internet sa bahay nagpupunta pa nanay ko sa internet cafe at once a week lang for one hour,pag tumawag naman ako deadma baby ko hehe.

Cheer up sis, di naman forever yan,makapag adjust ka lang makakasama mo na ulit baby mo.

seTHer

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #4 on: December 09, 2012, 08:08:54 pm »
di ko ma imagine iiwan ko si bunso ulit sa inlaws ko, masyadong attached na sya sakin. Napaka complicated ng situation mo ngayon sis kaso no choice ka talaga, hirap kasi makahanap ng trusted na yaya talaga. Baka if ever makahanap pa ng yaya sina inlaws mo sa province try mo pa din para makasama mo si baby  :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #5 on: December 11, 2012, 03:11:21 pm »
It must be very hard for you sis. Ako nga maiwan lang anak ko sa house pag pumapasok ako nasa-sad na ko. But anyway, if I were in your position, I would prolly take the laundry shop instead and for the mean time. I'm putting myself in your situation and iniisip ko if I were thrusted in your situation. I have a job that I absolutely love and is very financially rewarding as well. Pero kung mapapalayo sa ken yung anak ko and maliit pa masyado, I'd drop the job (if I couldnt haggle for an extended LOA, if your boss thinks youre too good to lose, he should agree on a compromise with you) and take the laundry shop biz for the mean time, while prolly looking for another yaya.

Baka din sis you have other relatives na pwede mo 'mahiram' saglit para mag-alaga sa baby mo? Honestly, matino and accessible na daycare centers ang kelangan natin dito sa Pilipinas eh. Solution sana yan for working moms na walang mapag-iwanan ng kids nila.

Happy Baby

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #6 on: December 13, 2012, 09:24:16 pm »
 :( aw.. sis parang hindi ko maimagine na mapapalayo saken si bebe ko..  minsan nga maggrogrocery [textspeak!] ako namimiss ko na, mahirap nga kalagayan mo sis.. kelangan mo mamimili ko between your baby at work ..  ilan taon  na baby mo?

sweetsorrow

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #7 on: December 14, 2012, 05:15:45 pm »
turning 8months na si baby this 26th. :'( every night umiiyak ako. namimiss ko siya. tapos kukwentuhan ka pa ng inlaws mo na sanay na si baby sa kanila na doon na daw maglalakad si baby na super lambing na daw sa kanila at humahabol pa. baka daw hindi na kami kilala. I super hate them kapag ganoon sila magsalita! kaya umalis isa nalang apo kasi kitang kita favorite nila baby ko.

kapag subsob ako sa work hindi ko nalang siya naiisip. pero kapag uuwi na ko naiisip ko anak ko. super lungkot ko.

berryblitz

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #8 on: December 14, 2012, 06:07:39 pm »
mam... ako, kasama ko mga in laws ko sa bahay.  mother in law ko nag-alaga sa 1st born ko while i'm at work.  pero it came to the point wherein i decided to resign kasi hindi sila marunong pag nagkasakit ang baby ko.  hindi na ren akjo makaconcentrate sa work ko masyado dahil naiisip ko baby ko nun.  and nagkaprob ako sa company.   lahat lahat halu halo na.  parang bigla ako sinumpong ng depression, as in gusto ko mamatay or tumakas, tipong pati anak ko is iiwan ko.  at that point, nagdecide ako, magreresign ako, then tignan ko kung ano mangyayari.  grabe parang nabunutan ako ng tinik... ng malaking tinik!  hindi ko na inisip kung may pera or wala.  kulang yung kinikita ng husband ko nuon.  pero wala na akong pakialam, kaysa naman mabaliw ako di ba.

after resignation, lumago lalo online shop ko.  now may 2nd baby na ako, almost full time ko naaalagaan ang 2nd baby.  pero yun nga, kasama ko bienan ko sa bahay.  (chinese kasi ako.  most chinese end up living with their parents in law, or should i say in my case, my parents in law live with us)

kung may kinikita husband nyo, magresign na lang kayo.  kung kulang ang kinikita ng husband nyo, and need nyo tumulong, if there's an opportunity like the laundry shop wherein i guess puede mo bitbit yung anak nyo dun, then tanggapin nyo, kahit mas maliit ang kita. 

yung situation nyo now, is like nag-ofw kayo, iniwan ang anak sa parents or parents-in-law para kumita ng pera.  kaso nasa pilipinas kayo, wala kayo sa ibang bansa.  kung nasa ibang bansa kayo and kumikita kayo ng malaking malaking pera compare sa kikitain nyo dito sa pinas, then need nyo tiisin.  pero kung nasa pilipinas lang kayo, maybe there's still a way.

pero kung maghihire kayo ng yaya, iiwan nyo sa yaya anak nyo, then better na iwan nyo na lang sa parents-in-law nyo yung baby.

and yes, mahirap mag-alaga ng baby. 

seTHer

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #9 on: December 14, 2012, 08:23:03 pm »
^agree ako sa mga sinabi mo sis. kasi kahit kapos kami sa pera ngayon parang mas satisfied pa ako simula nung nagresign ako. contractual lang ako dati ha pero continuous naman yung contract. oo nga nakakapag ot at kahit papano may pera pero yung loob ng eldest ko ngayon as in maka lola pa din. so nung nag grade 1 si eldest at nagdecide kami umuwi dito sa province ni hubby pumayag na ako kasi I need to sacrifice para sa anak ko. So far so good okay naman kami. Mas problema ko pa asawa ko kasi walang matinong trabaho at once in a blue moon lang kumita so overall aside sa tulong na natatanggap namin from in-laws eh feeling ko ako ang breadwinner. I work online at kahit maliit ang sweldo ko since halos pagsabayin ko na work ko, tapos pag aalaga sa mga bata then pati household chores eh napapakain ko family ko. Medyo bawas lang ng luho sa katawan.

Ang mahirap lang sa situation mo sis eh may outstanding loan ka di ba. Baka may ibang way naman to pay it up kahit na magresign ka sa work mo now. Hindi ko din makakaya malayo kay bunso ngayon kaya nalulungkot ako sa nangyayari sayo. Pero be strong sis and pray to God for His guidance! Just think kung may way pa and if there is, talagang if ako yan pikit mata ako magreresign harangan man ako ng sibat!


ana mimi

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #10 on: December 16, 2012, 04:36:49 pm »
sweetsorrow : hi sis, long time na hindi rin tayo nakapagusap. ako kase iniiwan ko din yung mga babies ko sa parents ko nung nag 2months na sila and I need to get back to work. Although di naman sya sa province. I tried to go home every other day kase ang hirap na di mo kasama ang baby mo. When I was pregnant with my second at 1 year pa lang si panganay, kapag off lang ako umuuwi samen. nasa-sad na lang ako sa gabi when I cannot see my baby. Kung may budget lang sa business, I'd gladly accept it wholeheartedly. For me, mas important na alam kong malapit lang saken mga anak ko.

sweetsorrow

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #11 on: December 19, 2012, 02:41:26 pm »
hi mga sis galing kami sa Calamba last Friday hanggang Monday. super bigat sa loob ko na iniiwan ko anak ko doon. alagang alaga naman siya ng mga lola niya to the point na gusto na nila doon na talaga ang anak ko. ang hirap lang makarinig sa kanila na "dito na maglalakad si baby niyo.." "hindi na kayo hahabulin niyan mas sanay na dito si baby niyo" parang ang sakit sa tenga. wala akong choice to stay sa work ko.

oo para kaming OFW pero super liit ng kita kasi nasa pilipinas lang naman kami. and dahil malayo na si baby, dagdag sa gastos pa gas namin every week. toll gate at Formula milk. breastfeed ko siya kasi dati.

may mga ayaw pa ako na ginagawa nila kay baby ko na hindi ko alam. nadudulas nalang. kinakausap nila baby ko na kawawa naman at wala daw kami. iniipitan nila kahit boy ang baby ko.

major changes talaga. hindi pa ko makapagstart ng laundry kasi lalo ako mawawalan ng oras para sa anak ko. :(

babykiss_625

  • Guest
Re: leaving your child in the province with grandparents
« Reply #12 on: December 19, 2012, 05:20:27 pm »
My baby is also in the province. 2 months pa lang sya nun iniwan na namin sa mama ko kasi we have to work here in the metro. Mahirap kasi hindi mo makikita yung ibang milestones habang lumalaki ang kiddo.  We're staying  sa isang studio unit na 23sqm lang ngayon. Pero, kasi if we let him stay here with us, cramped space, walang backyard at fresh air and prone to sickness pa. Yes, dagdag gastos kasi everyweek uuwi sa province bukod pa yun supplies ng bata. but of course, need gawin ang sacrifices na traveling every weekend. Lucky pa nga kasi nakikita pa namin sya every week, panu na yung mga far ang province or nasa abroad. As for my mother and relatives, hindi naman nila sinasabi na hindi na kayo makikilala etc kasi they never failed to remind my child who daddy and mommy is, palaging may picture. and true enough, kapag weekend, halos hindi nya pinapansin relatives ko kasi nandito si mommy and daddy. sa amin lang sya nakafocus. yun nga lang kapag luluwas na nang Monday, umiiyak na sya paggising hanap na kami.
Eto kumuha kami ng house here sa metro para by next year (hopefully) makasama na namin ang aming kiddo. Tama sabi ng isa nating sis, pansamantala lang naman yan, darating time makakasama din natin sila. I for one, lumaki kasama ang lola at titas, my mother has to work here in the metro since single parent sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close