watch now

Author Topic: nanay na addict sa pera- what to do?  (Read 16381 times)

akireyhoj

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #20 on: March 06, 2013, 09:48:08 pm »
Maybe sa ibang bagay nauubos sis, like my mom sa food hilig nya yun or sa mga damit ng apo o kaya magluluto ng madami tapos ipapamigay sa iba  8)

agape

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #21 on: March 08, 2013, 01:04:05 am »
Do you ever ask for receipts or proof of purchases kung saan napupunta ang Pera? For me Kasi, I tell them that, no receipt, no reimbursement.

brendzy

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #22 on: April 07, 2013, 06:59:50 pm »
just like my mom sissies! halimbawa sobrang kakabigay mo lang ng 5k ng sunday, after3-5 days, nanghihingi na agad, nagbayad ng utang sa tindahan ganyan, eh bakit nakakapangutang pa kung naibili mo na ng groceries? pag naitanong mo ganun, away na! sasabihin sayo bakit ino-audit mo siya, as long as di daw siya nagsusugal or nanlalalake...tama ba naman yun? back on Call center days sis ha, ang hirap bumangon ng 8 or 9pm para magprepare para pumasok, pero di yun naiintindihan ng nanay ko. akala nya, paupo-upo lang kaharap ng computer...tas pag sahod, pag naisip nila basic mo is 50k, akala nila netpay din yun. so she is expecting like 10k, panu na di ba? panu na yung needs mo? allowance? for personal? rental? kaloka!!

baku-kang

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #23 on: April 09, 2013, 12:15:39 am »
nakakarelate ako dito :( ang dami utang ng nanay ko sakin to think pera yun ng hubby ko, dedma na di na nila naalala bayaran..until now sa pera pa rin umiikot mundo ng nanay ko kaya ginagawa ko may budget ako para sa nanay ko monthly say 30k a month  at  papadala ko lang 25k para pag nanghingi next time ipapadala ko naman yun 5k. kala mo mayaman namimigaw at kung tumulong sa ibang tao kala mo madami pera pero pag sila nangailangan wala nagtatago lahat ng tinulungan nila at binigyan nila ng pera masyado sya nasanay sa luho noon sa dati nyang asawa nakalimutan na nya mag impok, isa pa dati ako private non highschool inilipat ako sa public dahil wala kami pambayad ng tuition ko.nagmana pa ang bunso kong kapatid sa nanay ko pagdating sa pera pareho sila ng ugali.  :( kaya nakakasama ng loob tapos ako kukulitin na hihingan ng pera..nagagalit na din hubby ko :(
sobra nakakainis na minsan..yun hiniram nagiging dedma na..

brendzy

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #24 on: April 09, 2013, 01:33:07 pm »
nakakarelate ako dito :( ang dami utang ng nanay ko sakin to think pera yun ng hubby ko, dedma na di na nila naalala bayaran..until now sa pera pa rin umiikot mundo ng nanay ko kaya ginagawa ko may budget ako para sa nanay ko monthly say 30k a month  at  papadala ko lang 25k para pag nanghingi next time ipapadala ko naman yun 5k. kala mo mayaman namimigaw at kung tumulong sa ibang tao kala mo madami pera pero pag sila nangailangan wala nagtatago lahat ng tinulungan nila at binigyan nila ng pera masyado sya nasanay sa luho noon sa dati nyang asawa nakalimutan na nya mag impok, isa pa dati ako private non highschool inilipat ako sa public dahil wala kami pambayad ng tuition ko.nagmana pa ang bunso kong kapatid sa nanay ko pagdating sa pera pareho sila ng ugali.  :( kaya nakakasama ng loob tapos ako kukulitin na hihingan ng pera..nagagalit na din hubby ko :(
sobra nakakainis na minsan..yun hiniram nagiging dedma na..

ganyan din nanay ko sis...masyado mabait sa ibang tao like relatives namin tas sila sa bahay kinukulang, tas pag ganun ng nagigipit sila, nangungulit na sya. I think nasisira budget namin because she can't say NO to others.  :-[

akireyhoj

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #25 on: April 09, 2013, 01:42:19 pm »
SAME TAYO! ganyan din nanay ko. naniniwala kasi sya na magbibigay ka at may babalik sayo. pero sa totoo lang tagal na nya nagbibigay wala naman bumabalik sa kanya. pag nangangailangan sya walang makapagpahiram sa kanya. sorry ah pero mas naniniwala ako pag may extra ka tsaka ka magbigay.pano nga naman kung ikaw gipitin?

Superjoie

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #26 on: April 09, 2013, 06:41:01 pm »
I will advise to set an expectation between you and your mom/mil. Example, tell her that you will give her allowance of this amount monthly. Then make sure that you will be stern about it. Even she nag to the highest level, don't give in. Stick to your decision to give only this amount and explain to her in a very loving way why you and her need to do it. You might need to repeatedly explain to her the reason/s, be patient with her. Don't also forget to show how much you love her and you still value her as her mother.

This way, firstly, she will develop the thinking that she can't get anymore something from you just because she wants it. And hopefully she will also develop discipline and realize the value of money. Her view or ways in life will not be change over night. But with patience and love from you mga sis, I'm sure inch by inch you will see positive change na rin. Partner this exercise with prayer. Specially for yourself, because this will not be easy. :)


lonelymiss28

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #27 on: April 09, 2013, 09:31:06 pm »
^tama ka sis, and instead na ibigay nyo lahat ng pwede nyo mabigay or makakaya nyong ibigay limitahan nyo lang and ilagay ang iba sa emergency fund ni mother so just in case kelangan dahil naospital etc may pera kayong nakalaan doon.

euwie

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #28 on: April 20, 2013, 05:54:44 pm »
Ang naisip ko dito, wag bigyan ng cash. Ikaw na lang bumili ng needs nya like groceries. Wag pahawakin ng cash kasi hindi mo naman alam san napupunta. Kapag ikaw na mismo magsupply ng needs nya, aanhin pa nya ang pera. May kapatid naman sya di ba na kasama nya. Kung gusto nya lumabas,isama nya sister nya. Tapos ang pagastusin mo muna yung sister nya kung kakain sa labas pero make sure enough lang ang pera at dapat may receipt, then if ok lang sayo, reimburse na lang. Ako kasi dito sa totoo lang hindi na nakakahawak ng pera, hinihingi ko na lang kay hubby kapag may kailangan ako. Gastador kasi ako dati kaya i decided na si hubby na lang humawak finances namin.
« Last Edit: April 20, 2013, 06:04:08 pm by euwie »

jared

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #29 on: May 02, 2013, 04:17:43 am »
sis m_lim, parehong-pareho style ng mama mo at ng papa ko. ganyang-ganyan! >:( nakakaalala lang kapag nanghihingi ng pera. last week, he texted me and i never bothered to reply. dapat talaga paminsan dapat i-ignore para malaman nila na hindi sa lahat ng oras e, dyan ka para sa kanila. buti ka nga single (?) pa. e, ako na may asawa at dalawang anak kong makahingi ang papa ko akala mo wala akong pinagkakagastusan. hay, hirap talaga magpalaki ng magulang. ito ang isang bagay na hindi ko talaga gagawin sa mga anak ko, ang maging pabigat.

nettai

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #30 on: May 02, 2013, 10:31:50 am »
Haha, my BF's parents are very much like that, just recently. Si BF na yung ginawang breadwinner when his parents retired, while ginastos na ng latter yung retirement pay nila; bumili ng gadgets, etc., they live comfortably; 2x ng electric bill namin ang electric bill nila pero di naman kalakihan ang sahod ng BF ko. Hindi na tuloy kami makapag-date nang maayos.

I sternly told my BF to tell them that his income is much, much smaller than the usual para makapag-save sya, tinakot ko, telling him "don't be like them when you grow old". At least nasusunod nya yun.

I am told to marry and have kids early (dahil namatay ang Mom ko sa breast cancer, and my elder sister was born when my Mom was already 32) kaso nahohold back ako dahil sa situation ng BF ko. My Dad even told me na maghanap na lang ng iba dahil for sure daw na pag magkatuluyan kami, sa akin naman daw aasa ang parents nya. Aaaand I hear the usual "Utak mo naman ang pairalin mo, wag ang puso" line I would hear in the melodrama shows. Dad has a point, pero I'm not that cruel to break up with a guy I've been with for more than 5 years. =/

mhy_pie03

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #31 on: May 30, 2013, 10:06:47 am »
^Ganyan situation ng bf ko. Well nakikipagbreak na ako kasi hindi ko na makayanan. Going 5 yrs na rin kami. 31 na siya pero lahat ng kapatid niya at mama niya nakaasa sa kanya. May 2 pa siyang pinagaaral. Isang hs, isang college. Kamusta naman yun? Tapos umuupa pa sila. Yung sahod niya kalahati lang ng sahod ko. Kahit lumalaki kita niya, hindi ko maramdaman. Siyempre bilang babae gusto mo naman kahit papaano ipamper ka hindi yung kabaligtaran. Ako lahat nagbayad ng utang niya sa credit card na kung rough estimate eh aabot ng 200k. Kaya hindi ako nakikipagclose sa mga kamag-anak niya mahirap na.

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #32 on: May 30, 2013, 11:34:53 am »
Dapat pina attend nyo mga moms nyo sa talk ni Suze Orman.  ;D

alexsy

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #33 on: June 01, 2013, 05:47:30 am »
parang nanay ng isang kapamilya star. may monthly allowance na, pati pampa oil change ng sasakyan hinihingi pa kay star. ubos na ubos ang pera.

choco_banana08

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #34 on: June 01, 2013, 06:51:10 am »
It's best  to be cold hearted pag dating sa ganitong situation. Exact amount lang ang ibigay at kung possible, puro groceries lang. sis m_lim it's best if you'll explain in details lahat ng mga cons na ginagawa ng mom mu. Para maintindihan niya yung reason. Example: Mom, I cant give you that amount of money because may pinaglalaanan ako. It would be very hard to say 'No' to your mom, I, myself can't do it without heartbreak, wag ka nalang magreply if sa text.. Know what's right and good for you and her and for the rest then stick to that. Goodluck sis! :)

FOURever

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #35 on: June 01, 2013, 07:40:14 am »
^^^sis, mga ganitobg klase ng tao madalas di tinatablan ng talks :)

I love my mom but i cannot deny din naman na addict din sya sa pera. If only di sya addict sa pera,siguro mas maginhawa buhay namin ngayon. Until now, bitter pa din ako and my dad cannot do anything about it kasi mag aaway lang sila. So sana makapag work ako at di ko sa kanya bibigay yung pera. Di marunong humawak ng pera eh

msnowhere

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #36 on: August 06, 2013, 10:33:31 am »
May kakilala ako na ganitong nanay. Okay sana if pinagtapos niya mga anak niya eh hindi naman. Nung nag-enrol ang bunsong anak niya sinabihan pa niya eh yung pera sana pambili nalang nila ng pagkain, mag-eenrol ka pa. Yung kapatid niya kasi nagpadala ng pera pang-enrol. Nawalan tuloy ng gana ang batang mag-aral. Di kasi marunong humawak ng pera ang nanay. Gastos ng gastos, worse, adik pa magsugal. Masaklap talaga. Tapos ngayon nagwowork na ang anak, kung di mabigyan nagdadabog at mainit ang ulo. Sorry for this negative post sissies. Naawa lang ako sa anak.

cloudzy_09

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #37 on: August 06, 2013, 12:43:41 pm »
Sometimes ang parents parang nagiging toddler pag hindi binigay gusto nag ta tantrum kaya dapat discipline din like a toddler pag sinabi no and enough you have to be stern kahit mag nga ngawa pa yan kasi if you give in wala mangyayari the cycle goes on wala sila matutunan. Kaya pag sinabi mo 10k lang for this month kasi ayun ang kaya mo pag humingi ng dagdag say NO na lang pero syempre pag emergency bigyan. Para matuto din sila mag budget.

Pero yung mga parents na over 40 e may gambling problem mahirap na mag bago yun kasi dad ko din ganyan kahit anong laki or liit ng pera ubos ubos kasi sakit na nila yan kaya huwag na ninyo masyado pansinin pag nanghingi huwag na lang cash bigay ninyo at dead ma lang ito ang natutunan ko after so many years of stress dahil sa sugal sugal na yan.

babyboo.0326

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #38 on: December 06, 2013, 01:12:44 am »
and so i thought ako lang ang may ganitong issue. sa case ko, my mom didn't work while my dad was still with us. so when he passed away 4 years ago, nabigla ang mom ko. nasanay siyang binibigyan lang ng dad ko ng money, pag may kailangan siya, hingi lang sa dad ko. so until now, ganun pa rin siya.

she feels i'm supposed to give her anything she needs. pag may kailangan siya, "pa-loadan mo ako ha, wala na akong load". hindi ko mariringgan ng "thank you" yan. or pag may problema sa house, ang linya niya sa akin is - "gawan mo ng paraan yan", as if ako lang ang anak niya  ::)

i have my own kids to tend to. kaya ako nagttrabaho is because of my kids, not them. so na-overhear ko the other day magkausap sila ng younger sister ko, and sinasabi niya yung sinabi ko na "yung kinikita ko para sa mga anak ko lang". i think minamasama niya yung ganyang thinking ko, well in fact dapat nga matuwa pa siya at responsable ako sa mga anak ko. i just can't understand na ang dami niyang issue with me na feeling pinagdadamutan ko siya sa sweldo ko, even with my siblings ganyan ang issue nila sa akin. pinupuna nila if buy something, di nila alam na pinagbebenta ko rin sa office yung mga nakikita nila sa bahay. ang kapal lang ng mukha nila na punahin ka when sila mismo, they can't even find a decent job to support themselves e ang lalaki na nila.  >:(

Annie M.

  • Guest
Re: nanay na addict sa pera- what to do?
« Reply #39 on: December 06, 2013, 06:17:45 pm »
haaaay nakaka-relate ako dito - yung ikaw ang ATM ng pamilya.  :-[

 

Latest Stories

Load More Stories
Close