Curious ako sa mga sagot nyo. At naaaliw na din ako sa mga kwento, hehe..
Personally, I rarely enter luxury stores dito sa Manila. Kasi nga parang nakaka-ilang. Di kasi talaga ako maporma at hindi ma-alahas or ma-makeup. Minsan lang, napa-LV ako sa Greenbelt kasi nag-ask ako pano pa-repair nung me konting natastas na tahi sa Neverfull ko. Ok naman ang SA, maayos naman nya ako inentertain.
Another experience sa Tiffany & Co. naman sa Shangrila mall. Usual shirt, jeans and sandals lang ako nun. Nauna ako pumasok kasi nag-CR si husband. tagal ko na nagtitingin sa displays di talaga ako nilapitan. Nagbabalak pa naman ako nun bumili ng tennis bracelet, anniv gift dapat ni husband sa akin. Nawalan ako ng gana. Pagpasok ni husband, medyo nakaayos sya kasi galing sa event sa hotel, aba, me "good evening" agad si SA. Sabi ni hubby, "o, san na yung bracelet? Di ka pa tapos pumili?". Di na ako sumagot, hinila ko na lang sya palabas.
Mas ok ang experience ko abroad, ok ang treatment kahit di masyadong nakaayos. Tapos sa isang LV sa Milan, Pinoy SA, nilapitan kami agad pagpasok namin. At tsumichika pa, hehe.. Di ko alam kung ganun talaga sya or dahil me dala na kaming binili from Prada. Generally in Europe, di ako nakafeel ng discrimination, whether Pinoy or non-Pinoy SA.
Sa Dubai naman, pansin ko mas ok kausap ang non-Pinoy SAs sa mga luxury stores. Mas matyaga kahit matagal ka maka-decide. Kung naiinis man, di pinahalata. Minsan, Pinay SA kausap namin, me tinuro ako isang bag nakadisplay, inask ko anong model un. Sagot ba naman, "ay Ma'am, medyo mahal na yang bag na yan. Mas mura yang hawak mo.". Si husband natawa, sabay humirit "B, di mo daw afford yun.", tapos sabi nya sa SA "ikaw Ate ha, feeling mo wala siyang pambili". Syempre, kumambyo si SA pero nainis na ako so di na ako bumili.