watch now

Author Topic: beauche thread 3  (Read 220101 times)

SnowBall

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #440 on: November 12, 2013, 09:19:50 am »
Ako hindi natakot mag purge, kasi sira na talaga face ko sa pimples dahil sa ginagamit kong contraceptive haha.


Kaya nung kuminis face ko, happy na rin ako..

Pero ganun pa din, may pa isa isang pimple, may konting blackheads, as in hindi
makinis na makinis, pero happy na ako, kesa yung sa dati, mas maganda talaga na face ko sa beauche.

berrycherry

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #441 on: November 12, 2013, 02:07:35 pm »
Nagkaroon ako ng 2 pimples... Cystic pimple pa yata yung isa.. Im a user for 1month and 1 week.. Nakita ko yung before and after pic ko, i thought walang changes na nangyayari, infairness naging glowing yung face ko though may mga visible marks pa din and paminsan minsang patubong pimples...
« Last Edit: November 12, 2013, 03:02:09 pm by berrycherry »

sassy_gal18

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #442 on: November 15, 2013, 09:00:24 am »
Hi mga sis.

User ako before ng zaineskin set. Then yung cousin ko binilan ko ng beauche.

Base sa observation ko pareho lang sila ng gamot. Except yung toner na ginagamit bago maghilamos. Sa zaine green. Sa beauche pink yung color ng toner. The rest pareho lang. Yung clarifying lotion na kulay yellow, yung bleaching cream sa zaine parang rejuvenating cream ng beache, yung peeling cream ng zaine parang exfoliating cream ng beauche at yung day cream nila same color at smell.

So ayun nagstop ako after 1 set ng zaine nangitim face ko kesa pumuti.


Then mga sis, normal lang ba yun kasi yung cuz ko five days pa lang gumagamit ng beauche tapos napapansin nya na nangingitim face nya saka naglalabasan yung pimples nya. Natatakot sya kasi almost 3years syang nakipaglaban sa acne at kaka galing lang this year  eh biglang naglabAsan nanaman. Sabi ko nga baka purging or what.

Skin_Care_Addict

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #443 on: November 16, 2013, 04:27:27 pm »
wala sis :( baka nga fake to. 750 bili ko. ilang weeks sis bago mo nakita effect? wala din ako purging., wala peeling.
aww ang mahal pa naman ng bili mo sis. matapang talaga un beauche kaya it's not recommended sa thin skin. You can check naman if thin skin mo sa face. If you have a thin skin, I suggest you use a milder one. Addict din kasi ako sa skin peeling so I asked my fiance since Doctor naman siya kung anong masusuggest ng derma friends nya. So, dinirect nila ako sa seller kasi nurse nila yun and direct seller sya ng products na pang derma talaga kaya I don't have to worry.

Skin_Care_Addict

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #444 on: December 04, 2013, 02:53:01 pm »
how much yung mga sets na yan girls? Feeling ko mahal kasi sila sa mga kilala ng brands eh. Please let me know to compare sa isang kinukuhaan ko. hehe Thank you

berrycherry

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #445 on: December 04, 2013, 06:40:45 pm »
Hi mga sis, naka experience ba kayo ng mga parang yung mga butlig parang mga small pimples lang.. In my case kasi i have that butligs, whats the reason of that kaya? Meron akong cream na hindi hiyang? 2 months na akong user ng beauche.... Parang ayaw kasi mawala

Skin_Care_Addict

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #446 on: December 05, 2013, 01:11:43 am »
Hi mga sis, naka experience ba kayo ng mga parang yung mga butlig parang mga small pimples lang.. In my case kasi i have that butligs, whats the reason of that kaya? Meron akong cream na hindi hiyang? 2 months na akong user ng beauche.... Parang ayaw kasi mawala
ok na ba face mo? baka dapat maintenance ka na lang.  :)

berrycherry

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #447 on: December 05, 2013, 12:36:15 pm »
I think sis ok ok na din except for that butligs, 2 months user pero 1 set pa lang ang natatapos ko.  Ganun ba yun sis, Dapat maintenance na lang dapat?  For maintenance ano na lang dapat ko gamitin?

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #448 on: December 05, 2013, 05:37:03 pm »
I think sis ok ok na din except for that butligs, 2 months user pero 1 set pa lang ang natatapos ko.  Ganun ba yun sis, Dapat maintenance na lang dapat?  For maintenance ano na lang dapat ko gamitin?
sis yumg isang set dapat ubusin mo in 2-3weeks lang kasi mabagal maubos mas mabagal effect ng beauche... Dam damihan mo yung pag apply ng cream kahit mahapdi mawawala din naman agad yung hapdi ang mahalaga mabilis ang effect

berrycherry

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #449 on: December 05, 2013, 06:05:03 pm »
sis yumg isang set dapat ubusin mo in 2-3weeks lang kasi mabagal maubos mas mabagal effect ng beauche... Dam damihan mo yung pag apply ng cream kahit mahapdi mawawala din naman agad yung hapdi ang mahalaga mabilis ang effect

oo nga sis, ang bagal maubos nung mga creams ko, feeling ko makapal na naiaapply ko kasi.. sundin ko advice mo dadamihan ko na.

pinkswirls12

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #450 on: December 05, 2013, 06:08:07 pm »
paano malalaman expiry date nito? thanks!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #451 on: December 06, 2013, 08:13:31 am »
I just got a beauche set and I'm planning to use it for a week para mag-peel yung skin ko. Overall, makinis naman face ko and I have no pimples but my skin feels rough na parang kating-kati na mag-peel. I started to use the set last night so far wala naman sting or whatever so sana mahiyang ako ang maging effective.

sassy_gal18

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #452 on: December 06, 2013, 08:55:53 am »
Very pleasing ang effect ng beauche sa pinsan ko. Luminis muka nya at pumuti nawala yung red spots red marks pimple marks. Worth yung pag ririsk namin hehe

SnowBall

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #453 on: December 26, 2013, 07:02:14 pm »
Ika 4th month ko na ng paggamit ng beauche and I am so happy mga sis to report na super pimple free na ako for almost a month na hahaha.


Naku super love ko na ang beauche, as in.

sana lang palaging ganito, as in ang kinis ng face ko.

Then nung nag bohol kami, ang dinala ko lang eh yung soap kasi tinatamad akong dalhin yung mga creams at toners, at super na happy ako, na kahit pala soap lang gamit ko, walang tutubong pimple! kahit meron pa akong dalaw ngayon, as in walang tumutubo.

imagine that mga sis, makakatipid na ako kung ganun, soap na lang pang maintenance ko? haha.

Pero ibabalik ko din ang buong set maintenance, matapos lang ang kaka swimming mode namin kasi mag swimming pa kami sa new year.

happy to report na I am so much happy with Beauche, lahat ng nakakakita sa akin ngayon, makinis daw ang face ko, ano daw gamit ko, sabi ko soap lang yan.

LOL. ;D

pilitin muna nila ako, sasabihin ko din haha.  ;D
« Last Edit: December 26, 2013, 07:04:41 pm by SnowBall »

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #454 on: December 27, 2013, 10:42:37 am »
Gusto ko rin matry ang beauche kaso natatakot ako sa peeling at redness stage. Hindi ko kayang pumasok na ganun. Siguro sa bakasyon na lang. :))

sassy_gal18

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #455 on: December 27, 2013, 02:02:57 pm »
Yung purging stagenng cousin ko dito up to three pimple lang tumubo. Then yung redeness ng face nya not so noticeable naman. Yung peeling stage parang makikita mo lang kung tititgan mo. I so love her face right now. Super aliwalas. Dati kasi parang maitim na hindi ko maintindhan dahil sa acne. Pag may nakikita nga ako sa kalsada na may acne gusto kong lapitan para gumamit sila ng beauche e. Nakakaawa lang kasi pinagdaanan din yun ng pinsan ko. 2 years syang walang work dahil dun. At next year mag apply na sya. Biglang boost ng confidence haha

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #456 on: December 27, 2013, 02:08:44 pm »
^ Gaano katagal bago umaliwalas ang face niya sis? :)

babysean

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #457 on: December 31, 2013, 11:09:10 am »
Today is my fifth day of using this product, i can say na talagang nagpepeel ang face ko, im happy naman sa process kasi it means may effect siya, ayoko rin itry ito nung una kasi nga it looks cheap and creepy :)) but i was wrong dami kong friend na kuminis ang face dito, swear kahit di na sila magmake up, so naengganyo ko, may mga not so deep scars na rin kc ako from long time ago pimples and dami ko din darkspot, i hope mawala na sila after sometime of using beauche,

sassy_gal18

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #458 on: December 31, 2013, 03:56:19 pm »
Sis mga two weeks of continous use. Umaliwalas na. Though butas butas na kasi dahil sa ance before pumuti at luminis naman tignan. Sabi ko nga daanin na lang sa foundation yun butas joke haha


Nakakatuwa nun bumibili ako ng beauche sa sm megamall. May kasabay ako na dalawang babae super aarte pag tinignan mo yun face trademark ng beauche eh haha yung tipong parang wax mamula mula tapos no powder and no make up ang peg. Kay kikinis. Haha

babysean

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #459 on: January 01, 2014, 02:34:33 pm »
Second time ko i used beauche may mga lumabas rin na butlig sa noo ko, butafter third to fourth nawala rin, now peeling stage na, and i can see naglight ang face ko a bit, beauche products are kinda harsh because of its ingredients but nothing to worry naman kasi even sa mga dermas same ingredients rin naman,

I think we must note the right usage of beauche, dont over wash the face with the beauty kojic soap, dont apply it directly pabulain muna sa palm, and dont leave it for more than 1 min, sa mga toner dont rub it too much, dampi lang ang cotton ball, even sa creams super nipis lang dapat para di masunog ang skin. Hope that helps, manipis narin kasi face ko but i dont have any prob with using beauche naman, pang sixth night ko now and still peeling. Hihi excited sa mgging result in a month or so

 

Latest Stories

Load More Stories
Close