Hello mga sis, narinig ko tong beauche kay Ryzza mae, sa show niya, kasi eto daw gamit ng mommy niya, LOL.
Naturally fair ako kasi partly chinese ako, ang problem ko eh yung pimples since naka IUD kasi ako, kaya
nilalabasan ako ng mga pimples tapos cystic pa! So minsan nung pumunta akong bayan, meron pala doon na Beauche office, so nag try ako ng isang set, 750 pesos.
Nung una, about two days after using, medyo natakot ako, kasi yung mga tigyawat ko lalong namaga, tapos nagkaroon pa ng PUS!
Pero I am so happy today mga sis!! After 5 days of using it, paggising ko today, lahat nung pimple ko dried na!
Sa sobrang saya ko, hinanap ko talaga ang thread na to para magbigay ng feedback, oh my, kung sino man ang
inventor ng product na to, super thank you!
Hindi ko pa masyadong na follow ang instructions, hindi ako nakakagamit ng ice sa face kasi tinatamad ako hahaha, pero Napansin ko din:
1. Yung pimples ko nag dried ng lahat, samantalang nung wala pang beauche, ang tagal nilang gumaling.
2. Yung blackheads ko, tumitigas, kaya kusa siyang lumalabas at nag hi heal.
3. naging glowing ang skin ko, as in parang palaging bagong facial.
I may sound na parang seller ako nito, pero hahaha believe me mga sis, I am that happy about this product.
Yun lang, it's too early to tell pa ha, wala pa akong 1 week of using it, so hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin
once maubos ko yung isang pack, magbibigay ako ng update dito.
Pag kuminis talaga ang face ko dito, at naging pimple free, omaygawd, mag hoard ako nito hahaha.
Yung exfoliating cream, micro peel nga lang sa akin, no redness, yung pain, napaka minute lang, tolerable, o itchiness.
Nung una nga, sabi ko "ay ang bango niya, baka magkaroon ng bad reaction ang face ko", pero as of now, masaya ako sa beauche.
Sana lang talaga mga sis, mag dire diretso for me, and sana talaga eto na ang miracle na inaantay ko, since nakaka ilang palit na ako ng derma.
@OD, sis, thanks for the feedback, try ko yang Belo SPF40, hindi naman ako nalabas ng bahay for now, pero siyempre pag sunday, lumalabas kami, so need ko ng additional sunscreen.
