watch now

Author Topic: beauche thread 3  (Read 219972 times)

hanson15

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #280 on: March 31, 2013, 06:20:58 pm »
been using beauche since thursday. Hindi halata yung peeling as in kailangan mong tignan ng mabuti parang maliliit lang na dumi. malaki pa yung whiteheads ko na puti sa  face. I stop using the one with hydro something content. kasi nagcacause daw yun ng pigmentation. Tapos im starting to think na idiscontinue yung product kasi meron siyang content ng preservative na nagcacause ng cancer or praning lang ako kasi niresearch ko yung incredients. Anyway dinadamihan ko ng pahid ng exfoliating cream sa may chin ko saka forehead kasi doon ako maraming pimples.

iamellimac9

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #281 on: April 01, 2013, 04:36:47 am »
Been using beauche for 2 weeks now. medyo ilang weeks na din akong nagbabasa basa dito. :) 1st time beauche user ako kaya excited at ginawa ko lahat after i got my set.

MicroPeeling happened on the 3rd night of application. I followed the steps indicated sa papel sa set, pati ice every morning is a must for me kasi malalaki talaga pores ko sa face and yun daw yung way para lumiit yun. Then after day 5, lumalaki na flakes ng peeling and nagiging dry na. Hindi ko maiwasang kutkutin. Pero tiis ganda mantra..

After using beauche for two weeks, ito na mga napansin ko:
Eyebags naglighten kasi i always put rejuvenating cream sa area na iyun, so happy naman ako. Kaso nga lang hindi talaga maiwasan magpuyat. 4hours lang madalas tulog ko. Baka umitim ulit.

Pumuti yung face ko pero dark pa din ng pimple scars and medyo obvious sa personal. Pero sa camera, (front camera of Galaxy note and Front Camera Ipad) almost clear naman skin ko.. Medyo mamulamula sa pisngi.

Then kanina lang, nagpicture kami ni bf using my phone bago magstart yung movie. Medyo madilim so nagflash ang camera. Then pagtingin ko sa photo. NapaWHOA! Sobrang puti ng mukha ko, hindi na pantay talaga sa leeg at katawan ko. :( Para akong nagpowder or foundation sa mukha na sobra! Sobrang puti talaga kaya gulat na gulat ako. Iniisip ko naman, d kaya nagreflect lang sa mukha ko [textspeak!] flash kaya naman ganun ang nangyari? Pero yung face ni boyfie d naman ganun pumuti sa photo or sa flash.

Iniisip ko tuloy ngayon magstop muna in using the complete set. Rejuv na lang siguro muna. What do you think sisters? Tama po ba na ganun na muna? thanks po

pleaseanswerme

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #282 on: April 01, 2013, 08:54:58 am »
^It's called Hydroquinone sis, refer ka dito for that anomaly https://www.facebook.com/photo.php?fbid=584119808282083&set=a.584119738282090.142467.157438457616889&type=3&theater hope it helps! Not a seller ha, pero nakakaexcite talaga yung lotion nila kasi nakakawhiten talaga. Problem ko talaga ngayon yung marks ng cystic pimples not yung marks ng purging.  :-[

hanson15

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #283 on: April 01, 2013, 09:22:04 am »
Thanks sis! What i like about the product is hindi halata yung pagbalat niya na magmumukha kang ahas. Maliit sobra yung pag peel niya hindi drastic.

Tapos parang namimili siya ng spots sa pagbabalat pag may pimple mark natatanggal niya sakin. Although naka umbok kasi yung pimple. Nagfflat kasi nagbabalat.

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #284 on: April 01, 2013, 02:14:36 pm »
Sis pleaseanswerme, nagcheck na ako sa IG pero cash talaga sila. Yung sa akin sis yung mark ng purging ang mahirap matanggal kasi naprick ko.  :'( sa katawan naman sis try mo yung cherry peeling oil, nagtatry pa lang ako ngayon.

pleaseanswerme

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #285 on: April 01, 2013, 03:53:25 pm »
^ano ba yan sis hahaha kauuwi ko lang galing mall kabibili ko nung A Bonne Soa Milk Salt kasi sobrang promotion hahaha, I'll try to find yang cherry peeling oil na yan, mukhang mabango hahaha saan ba to available? I tried to look sa IG din, tama ka sis, wala nga mahanap :( try mo  sa malls na malalaking outlet? kaso most likely bentahan ka nila ng mga 5 packs bago ka  payagan mag CC.

Sis iamellimac9 agree ako jan pero hindi powder white yung effect sakin eh, back read ka sa problems ko ng white face may photo dun, siguro sis kung ayaw mo munang pumuti yung reju yung istop mo kasi yun yung nagpreprevent sa production ng melanin  :P ;)


iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #286 on: April 01, 2013, 03:57:08 pm »
Sis pleaseanswerme umorder ako ng set ng cherry peeling oil nakita ko lang din yung shop nila sa IG sinabayan ko pay un ng bleaching set.  ;D mahirap kasi hindi na pantay yung kulay ng mukha ko sa katawan ko. Try mo hanapin yung czarina talon sa IG.

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #287 on: April 01, 2013, 09:32:02 pm »
Sis pleaseanswerme, nagcheck na ako sa IG pero cash talaga sila. Yung sa akin sis yung mark ng purging ang mahirap matanggal kasi naprick ko.  :'( sa katawan naman sis try mo yung cherry peeling oil, nagtatry pa lang ako ngayon.
bakit dito sa branch samin they accept credit cards naman...
Yup tryto find beauche stores na hindi franchised... Or bigger stores.

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #288 on: April 01, 2013, 09:34:31 pm »
bakit dito sa branch samin they accept credit cards naman...
Yup tryto find beauche stores na hindi franchised... Or bigger stores.

Dito sa Amin sis yung mga branches hindi nagaaccept ng CC pero nakahanap na ako sa multiply sis.

xiansmom

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #289 on: April 02, 2013, 10:22:06 am »
naTry ko din beauche,galing cebu pa ito,nakita ko lang namasyal kami sa SM cebu..haha!
sa cebu ako nabili layo ah,wala pa kasi akong nakitang shop malapit sa BF E.
di ako nagbabalat talaga,
pamumuti ng muka,mukhang di rin masyado sakin.
kasi yung mga pimple scar ko na cystic na galing pa middle east
andun parin sya e.
pero nagustuhan ko sya kasi lumiit mga pores ko
malalaki kasi pores ko sa gilid ng nose.
napapansin ko anglilit na nila,kaya gusto ko na sya ituloy.
sana may mahanap ako dito sa paranaque area bago man lang alis namin sa friday.

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #290 on: April 02, 2013, 01:27:25 pm »
^opinion ko lang dun sa mga may cystic acne kailangan talaga butasin yan at paduguin... Madugo at malaman ang cystic acne eh... Nagkakaron ako niyan before pa and na observe ko pwedeng umabot yata yan ng ilang months mga 6 mos ganon katagal kapag hindi inalis...! Makakapa at makakapa mopa din ang nakaka iritang bukol na yan sa face na parang matigas siya... Pero kapag nagamitan ng beauche yan lalambot, mahihinog siya at madali na makita ang "mata" niyang kaya kailangan mabull's eye yan kasi kung hindi sasakto sa mata nung cyctic acne mas malaki sugat ang makukuha nyo, pero kapag sumakto ang pagbutas nyo tuloy tuloy ang paglabas ng dugo niyan at puss (nana) kailangan maubos nyo ang dugo kasi yun ang isa pa sa cause ng dark spots... Yung cycstic acne na nahilaw (pansinin nyo yan) alam ko yan kasi napagdaanan kona yan eh pinabayaan ko mukha ko nun siguro 5 years ago yun naipon ng naipon yung cystic ko... Akala ko kapag hindi na siya masakit ok na... Hindi pala maganda yung ganon... Wag din pa inject ng pa inject ng steroid sa cystic acne.

pleaseanswerme

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #291 on: April 02, 2013, 04:44:52 pm »
^ sis parang takot akong butasin yung face ko hehe pero hand down ako sa pagiging brave mo  :P ang gagawin ko na lang siguro, hihintayin kong mahinog, nasa gilid lang naman sila ng face, tapos the normal way, hintaying ang purging using beauche. BTW, speaking of purging, nagpupurge nanaman ang gilid ng face ko dahil may new blackheads hahaha, wala lang mag nakakapa ko na yung heads ang tempting nilang tanggalin  ::) and to think na my face is now free of those impurities nakakatuwa ;) lang tee hee!

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #292 on: April 02, 2013, 06:20:41 pm »
^sis wagmo siya bubutasin hanggat hindi pa siya malambot... Ibig sabihin dipa yun ready hilaw pa...
Kapag napalambot na ng beauche yun saka mo asintahin hehe... Kapag mejo pinisil mo naman yun maaaninag mo yung pinaka mata niya eh... Gamit ka ng black head extractor na may pantusok sa kabilang side... Make sure na linisin mo muna yun ng alcohol or clarifying solution.

pleaseanswerme

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #293 on: April 02, 2013, 11:15:40 pm »
^ ayan na natetempt na ako gawin to  :-X ay nako, san ba ko makakabili niyang extractor sis?

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #294 on: April 03, 2013, 12:06:36 am »
As totoo lang mga sis mas maganda pa yung pinalalabas mo yung pus kesa sa iniintay mo na kusa na lang siya matanggal kasi mas malalim yung mark na iniiwan.

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #295 on: April 03, 2013, 12:26:59 am »
http://imageshack.us/photo/my-images/15/imagevqgr.jpg/

After 1 month of using beauche. Still hoping for a betted outcome sa mga susunod na araw at buwan.

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #296 on: April 03, 2013, 07:24:46 am »
^good morning sa inyo mga sis, thanks for sharing your before and recent pic sis iamyxezz... Congrats din sayo malaki na din changes na ginawa ng beauche, nag tuyuan mga pimples nag flattened naba sila lahat sis...? Marks na lang ang tinatanggal mo jan sis...? Wag mo mamadaliin ha mag sstop ka din saexfoliating cream para hindi maxado ma irritate ang skin mo sa face... Yung klase ng case mo sis nakalabas ang pimples noh...? Ang alam ko mas madali nga gamutin ang mga ganyan kesa sa cystic kase maliliit [textspeak!] yan at nakalabas naman lahat...

My update: using my second setna pero mejo kaunting kaunti nalang ang gamit ko sa exfo cream mas malakas ako ngayon sa rejuvenating cream and im sure mapapa aga ang restock ko nun... Loving my face everyday, wala na akong pinoproblemang marks... Kaunting black headsand white heads na lang din ang wait ko mag pop... :) si mama ko ganda na din ng face niya... Pumipino ng pumipino ng pumipino before kasi malalaki pores niya lalo sa nose and problem niya talaga freckles niya but now nagllighten na talaga freckles niya... And problem ko namansa kanya noon kaya ko siya pinagamit ng beauche yung sobrang tired looking face niya... Parang hindi ko kaya makita siya na patanda ng patanda ang itsura...
Now mas masaya siya sa nagiging results... Tamad yun mag apply ng kung ano ano sa face pero dahil nakikita niya effect ng beauche na aadik na din siya kaka apply... Hehe...

Sis pleaseanswerme makakabilika sa watsons, hbc, etc etc. pinakamura nasa 50 pesos sis.

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #297 on: April 03, 2013, 09:23:24 am »
Sis preciousa yung marks ko gawa ng purging at saka naprick ko.   :D prob ko kasi ngayon more than a week na akong hindi gumagamit ng rejuv cream at age eraser cream. Ang pangit ng effect kapag wala Nung dalawa. Nakakaitim ng mukha at ang dry.  :(

preciosa

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #298 on: April 03, 2013, 10:19:19 am »
^ ohhh naku sis kailangan mo gumamit ng reju... Kahit na wag na nga muna yung age eraser kung hindi ka naman lalabas... Iraos mo yung reju kasi pampabilis din yun mag angat ng deadskin eh... Yun yung nagpapareveal ng glowing skin... Pag nag exfo ka at sinundan mo ng reju mas mabilis ang pag tanggal ng balat...

iamyxezz

  • Guest
Re: beauche thread 3
« Reply #299 on: April 03, 2013, 10:25:14 am »
Tagal kasi dumating Nung inorder ko sis. Grabe dry talaga siya. Yung sunblock nga celeteque muna ginagamit ko eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close