watch now

Author Topic: 2013 Brides part3  (Read 128064 times)

hermione28

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #480 on: March 18, 2013, 07:06:56 pm »
^sis hermione28 bakit ganito rating mo sa Make up confidential by khriz amadirez 2/5? Medyo nagtaka lang ako kase di ba siya mua sa Real Bride magazine?

yes sis but my sister is naturally beautiful, ang ginawa nya ay ginawa nyang kamukha ng ibang bride, same look same hair. what the? hindi nya napalabas yung gandang bagay sa ate ko. parang isang look lang ang alam nya.

sobrang bagal ng assitant nya, nalate kame dahil sakanya. ang bagal mag make up. di pa magaling, hindi nman lang kame nilagyan ng nose line mukha tuloy sarat ang ilong. kaasar.

tapos hindi na mag papa retouch yung sis ko kasi di namen type make up nya. nangungulit at ang daming sinasabi, gusto nya daw marinig mula sa bride ayaw nya daw ng galing samen, ayaw nya daw ma stress yung bride but she's actually stressing her kasi gusto nya pa makausap.
« Last Edit: March 20, 2013, 09:03:28 pm by hermione28 »

i_am_zayda

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #481 on: March 20, 2013, 11:43:00 am »
hi mga sis... share ko lang... hindi ko alam kung excited ako, stressed or kung ano...

there are times nakakapanaginip ako ng wedding ko. at dun sa mga panaginip ko puro palpak ang nangyayari sa wedding.

Dun sa first dream ko, yung wedding ring ko daw di ko type ang style tsaka mali yung size daw...
Second dream ko, maglalakad na ako papasok ng church tapos naalala ko wala pa pala ko coordinator.
At ang last na natatandaan ko which is kagabi lang, napanaginipan after ko ikasal narealize ko wala akong veil, tsaka puro kulang yung sa wedding ko and then when I asked around nagkamali daw nang pagkakalagay ng wedding date ko. imbis na sa December naging March daw... susme! (pagka-gising ko agad ko tuloy tinignan mga receipts ko kung tama ba yung dates na nakalagay)

Kayo mga sis, na-eexperience nyo din ba yan? or something similar sa na-eexperience ko? nakakapraning lang kasi.

whatseatingven

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #482 on: March 20, 2013, 11:48:00 am »
^sis normal lang na magmanifest sa dream ang fears natin :)

meowming

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #483 on: March 20, 2013, 11:52:05 am »
Hello po, newbie here. 2013 bride din po. Ask ko lang po how early mag book ng OTD WC. OOT po ang wedding sa December. Thanks po. (hoping this post is published by the moderator, i need guidance from fellow GTs)

gracita13

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #484 on: March 20, 2013, 12:55:51 pm »
sis a_am_zayda waaaaaa same tayo hahaha nakakatuwa! 3 beses na akong nanaginip na lahat palpak ang wedding day ko.una,nasa kasalang bayan daw ako tas nasa labas lang daw ako ng church naghihintay kasi ayoko daw pumasok kasi gusto ko maglalakad ako sa aisle hahaha! tas pangalawa,may ibang kasal bago ako tas pumila daw ako para mag communion tas sabe nung pari mamaya na daw ako sa kasal ko! *mamadali ang peg* hahaha! tas nung huli nasa reception na ako tas ang coord ko daw si vice ganda hahaha! tas ask ko asan ang l/s ko sabe nya ewan daw basta binayaran ko na sila :P tas pag check ko sa mga pagkain waaaaa niluluto pa daw! anova ang weird! tas nakakatuwa sis nung napaginipan ko yang mga yan si h2b laging sinasabe saken pag gising namen na ang likot likot ko daw matulog naninipa daw ako :P

popi

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #485 on: March 20, 2013, 01:22:26 pm »
^^^haha! same here.  Part ng jitters yan  :P

iamivyTABA

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #486 on: March 20, 2013, 02:07:39 pm »
Same here mga Sis! It started late this month. I have four months to go before our wedding day and hindi pa accomplished lahat. Isa sa mga natatandaan ko eh bumagyo daw on our wedding day. Sa Garden pa naman ang reception namin. Nag-end up daw, wala na daw pumunta sa reception namin at nanghina ako kasi sayang lahat ng effort namin para mapaganda ang wedding. Syempre, sayang din ang nai-spend namin. Nako, wishing na sana wag naman umabot sa ganun. Haaaaay. Ganun siguro talaga, nagkakaroon ng mga panaginip na ganyan. Lalo na mga brides, kasi tayo ang punong abala sa wedding day natin. Tee hee!  ;)

drawn2u

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #487 on: March 20, 2013, 03:31:11 pm »
^sis iamivyTABA, anong back-up plan mo if ever na hindi maganda yung weather sa wedding day mo? magrerent kayo ng tent sis? garden reception din kase samen.. if ever na umulan, no choice but to use the glass pavilion, kahit gusto ko sa garden with super duper daming candles, hehe

iamivyTABA

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #488 on: March 20, 2013, 03:49:21 pm »
Sis drawn2u, may function hall na available Sis, kaso ang problema good for 120pax lang. Eh ang anticipated namin na guests baka umabot sa 170, so hindi maganda kung siksikan naman kami. Naisip na din namin na ang back up plan namin is to rent a tent. Baka after holy week, mag-scout kami ng mga possible suppliers for tents. Gusto ko din sis [textspeak!] ganun set up, [textspeak!] may candles at mga lights sa paligid. Parang sobrang intimate tignan. Pero talagang nagpe-pray kami na sana hindi umulan. Last year when we were preparing the documents for our civil wedding, umuulan sa hapon. Pero luckily, the civil wedding day itself, hindi umulan. Sana ganun din on our church wedding day. Naisip ko naman, mga bandang July, hindi pa naman masyado bagyo-bagyo nun. MGa bagyo talaga come august at october lang. Sana talaga di umulan sa mga kasal natin mga sis!  ;)

IamDindin

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #489 on: March 20, 2013, 04:14:20 pm »
Hello po, newbie here. 2013 bride din po. Ask ko lang po how early mag book ng OTD WC. OOT po ang wedding sa December. Thanks po. (hoping this post is published by the moderator, i need guidance from fellow GTs)

Hi sis, I suggest you book your OTD WC as early as now.  I'm December bride too, and nag book na ko ng coord ko. :)

IamDindin

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #490 on: March 20, 2013, 04:17:09 pm »
Sis iamivyTABA, nagkita tayo dito! Hahaha  Oo sis, dapat may back-up plan kayo just in case. Alay ka ng eggs. Hihi :) 

drawn2u

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #491 on: March 20, 2013, 04:27:18 pm »
sis iamivyTABA, sana nga, para hindi tayo mauwi sa back-up plan..

pero if ever sis, ise-setup lang naman yung tent kung talagang maulan na that day diba? meron kayang tent rental na parang on-call lang? para kapag hindi naman umulan, minimal fee lang bayad since hindi naman ginamit yung tent/service nila.. sana may ganun..

sis IamDindin, puede ding mag-drawing ng sun sa ground kapag umaambon pa lang, hehe.. parang effective sya nung bata pa kame, haha  ;D


criselan

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #492 on: March 20, 2013, 04:33:35 pm »
hi mga sis,


OCtober bride here, ask ko lang kung kelangan pa bang lagyan ng drapes and ramon magsaysay hall? mejo mahal din pla ang mga drapes eh.

mga sis, ask ko lang talaga bang mahal ang souvenirs na mga ganito  http://img.pr.com/release-file/0912/198716/practical-wedding-favors.jpg and  http://www.wayfair.com/Kate-Aspen-Pop-the-Top-Flip-Flop-Bottle-Opener-11084NA-KTAN1032.html , wala bang ganito sa 168 o sa divisoria mall?

thanks,
crisselle

iamivyTABA

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #493 on: March 20, 2013, 04:59:38 pm »
Sis IamDindin, oo nga, nagkita ulit tayo dito! Medyo active ako ngayon dito sa GT. Lapit na kasi wedding ko kaya hanap-hanap na ng mga ideas. This sat, I will be meeting with my entourage gown supplier. Sa 31 naman scheduled food taste namin with the caterer. Sana maging ok. All things are coming together na. Hopefully by next month, tapos ko na lahat. Tee hee!  ;)

Sis drawn2u, saan ba area mo sis? Kasi sa Bulacan, may mga tindahan talaga ng tent. Not yet sure if they offer renting. Pero kapag nakahanap ako ng supplier, forward ko sayo agad yung number, in case need mo din. Unless, medyo malayo ka, need mo maghanap ng tent nearer your place for accessibility.  ;)

Sis criselan, baka this week maghanap kami ng mom ko sa divi ng mga needed namin, update kita kung may makita man ako na ganyan. Pero siguro naman, if not exactly like that, meron ganyan sa divi. Mas makakamura ka pa if maramihan.  :)


criselan

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #494 on: March 20, 2013, 05:13:17 pm »
hi @iamivyTABA,


Thanks, sis balitaan mo ako. kasi ang mahal sa mga napagtanungan ko parang 80-120+.


thanks,
criselan

drawn2u

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #495 on: March 20, 2013, 05:21:19 pm »
^^i'm from QC sis, hehe..

don't worry bout me sis, sa glass pavilion na yung back-up plan namin, parehas lang din kase ng idadagdag kapag nagrent ng tent  :)

just wondering para dun sa mga b2b's na back-up plan lang din yung tent ;) sayang naman kung magbabayad ng full kung hindi naman pala kailangang gamitin that day :(

goodluck sa tent scouting sis!

i_am_zayda

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #496 on: March 20, 2013, 07:46:19 pm »
yun din talaga ang kinatatakot ko mga sis kaya ayaw ko initially ng Garden Reception. Pero buti na lang si Light of Love, nag-aallow na ipasok sa mga covered areas nila in the event na umuulan during the wedding.

Hello po, newbie here. 2013 bride din po. Ask ko lang po how early mag book ng OTD WC. OOT po ang wedding sa December. Thanks po. (hoping this post is published by the moderator, i need guidance from fellow GTs)

as much as possible book them agad. especially kung December ka, madaming weddings nun.. Kung may preferred coord ka, it will be better to know their availability.

Haist mga sis, nakakaloka no? part pala talaga ng wedding jitters yun. kasi ang weird lang, nananaginip ako ng ganun during the days na hindi naman ako nagpapaka-stress regarding the wedding preps...

i_am_zayda

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #497 on: March 20, 2013, 08:43:56 pm »
By the way mga sis, need your advise pala regarding preparation of docs. December ang wedding so when will be the best time for us to prepare these docs kasi baka may validity lahat nung mga requirements.
like CENOMAR, Marriage Certificate, yung Confirmation Cert kasi dapat 3 months old lang. Pati ba yung birth certificate kailangan magsecure ng bagong copy?

Thanks mga sis...

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #498 on: March 21, 2013, 01:07:18 am »
Hello everyone!!!

Namiss ko ang GT! It has been a while since I last posted! Super busy sa work and preparation! :) I am also a 2013 bride! :) Anyway, update lang. :)

I want to share lang our e-session by She&Him Photography! I super love it!

Romantic Gothic
http://dukhangadbenturera.files.wordpress.com/2013/03/885007_400355603395549_1389784294_o.jpg

Bohochic
http://dukhangadbenturera.files.wordpress.com/2013/03/885128_400354300062346_98432131_o.jpg


Sis i_am_zayda, Yung CENOMAR, marriage cert, confirmation and baptismal, mga 4-3 months before the wedding pwede nyo nga kunin. :) 10 working days yun bago makuha yung CENOMAR at need mo sya sa pag apply ng marriage cert (10 working days din).

Yung Birth Certif, basta NSO certified na yung copy mo. Di mo na kailangang kumuha ng bagong copy. :)

I hope this helps! :)

Happy preps!

whatseatingven

  • Guest
Re: 2013 Brides part3
« Reply #499 on: March 21, 2013, 08:45:58 am »
Hi sis i_am_zayda, pwede ka na kumuha ng requirements ngayon but I suggest around October ka na mag-apply ng mismong marriage license kasi nga 3months lang validity nun. Mabilis lang naman magprocess :)

Anyway, for a comprehensive guide on Marriage License acquisition, you may check this:

Marriage License Application

Halos lahat naman ng municipality ganyan yung process. But to make sure, I suggest you also call your city civil registrar office for their requirements. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close