watch now

Author Topic: Iyakin si baby  (Read 76413 times)

Kaymacoy

  • Guest
Iyakin si baby
« on: November 18, 2012, 09:23:18 am »
Mga sis I'm a first time mom, I want to know kung iyakin rin ba baby nyo nung mga 2weeks onwards? Yung baby ko sobra kasi umiyak every afternoon, nakakaworry din kasi yung iyak nya parang nasasaktan siya. Nagbuburp at umuutot naman siya pero iyak parin, pls share naman your experiences and insights mga sis to enlighten me, feeling ko kasi baby ko lang yung ganitong iyakin :( TIA

cerelina

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #1 on: November 18, 2012, 10:29:42 am »
sis hindi kaya colic yan? kinakabag or nalalamigan?

barbwire

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #2 on: November 18, 2012, 10:31:58 am »
Nung new born si baby ko iyakin din. Usually from 9pm to 12 mn, umiiyak siya. Titigil siya ng 3-5 minutes tapos iiyak ulit. Kaya nga pag night time, nalulungkot ako nun kasi alam ko, magsisimula na ang iyak time niya. Kaya kahit ipinagbabawal ng pedia, we tried to give him pacifier. Sa case namin nakatulong at nabawasan yung crying spells ni baby. Around 3 months inayawan na din pacifier and di na siya iyakin. Siguro find ways na lang na mas maging comfortable siya or ipacheck mo din sa pedia baka kasi may dinadaing siya talaga.

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #3 on: November 18, 2012, 10:44:08 am »
Umuutot and nagbuburp naman siya sis. Gusto ko na nga bigyan pacifier, kasi tsaka lang sya titigil kakaiyak pag nagdedede, e kakatapos niya palang magdede titimplahan ko nanaman siya para lang tumigil kakaiyak. Ang hirap ng ganito, baby ko sa hapon umiiyak mga 4 or 5pm mtatapos siya mga 9 or 10, ang lakas2 pa ng iyak nakakapag alala. Sa wednesday pa sis next visit namin sa pedia nya para sa 1month check-up, naiinis din ako sa pedia niya kasi ayaw patawagan [textspeak!] e-clinic number ang binigay, kada reply niya dun nababawas load ko 10pesos :(

misteryosa

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #4 on: November 18, 2012, 04:28:42 pm »
Ako din sis iyakin si baby pero pag feed ko SiyaHindi na, pHindi ko Kaya feed Ng feed Kasi sore pa nips ko kaya nag pacifier Muna ako, gusto Nya lagi may dede :( 2 weeks old na si baby now.

marssie

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #5 on: November 18, 2012, 05:06:11 pm »
Son ko rin nung newborn iyakin, lagi nga kaming puyat ni hubby at kulang sa tulog kasi ang pagkaiyakin niya di lang sa gabi halos pati sa araw, aminado naman ako na di ako marunong magpaburp, so iniisip ko rin baka lagi may kabag, lahat na yata ng anti-colic na bagay binigay ko pero ganon pa rin, after 1.5months nalaman namin, may hernia pala son ko, inguinal hernia, bilateral pa, kung tama pagkakaalaala ko,sabi ng doctor, isa daw yun sa cause bakit siya iyak ng iyak,dahil may nararamdaman siyang pain pag nagpupwersa siya. Nung 2months old na si baby pinaoperahan namin siya, then after nun nabawasan pagiging iyakin, pero hangang 8months siya, madalas pa rin siyang gising sa gabi.. kaya puyat pa rin kami ;D

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #6 on: November 18, 2012, 05:12:31 pm »
Naku sis salamat sa mga reply niyo atleast naginhawaan ako na di lang baby ko ganon, sana naman nothing serious, ok naman siya sa umaga, basta gabi na hayan na simula na ng iyak nya, tapos unat siya ng unat parang nababaluktot pa [textspeak!] katawan niya minsan pag tulog tapos bigla nalang iiyak, minsan hindi siya makasuka kaya iyak ng iyak tapos pag sumuka na nakakatulog na siya after, pagabi nanaman at nagaalala nanaman ako, lalo na wala asawa ko dito kasambahay lang kasama ko at mga inlaws, tsaka lang ako nagpapatulong sa byenan ko pag hindi ko na talaga kayang patigilin, kasi gabi sobrang umiyak masama yun diba. Sana mabawasan na pagkaiyakin niya kasi sobra epekto sakin mga sis, trauma ako ng sobra basta gumalaw na siya na tulog lumalakas na kabog ng dibdib ko,mag1month palang kami nitong sabado if God permits buti hindi ako nabibinat kasi ako lagi nagpupuyat.

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #7 on: November 18, 2012, 05:16:39 pm »
@barbwire, sis nung binigyan niyo ng pacifier ilang weeks siya at hindi na ba nagiiyak ng ganon nun? Sobra ba pagiyak ng baby mo nun yung akala mo may nananakit sa kanya palakas pa ng palakas? Bibilhan ko na nga siya bukas sana makatulong, kasi kahit tulong nagsasuck parin siya bakit kaya ganon?

barbwire

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #8 on: November 20, 2012, 03:57:17 pm »
Nasa 2-3 weeks siya that time. Tulad mo napansin din namin na titigl lang siya kakaiyak kung dumedede. Nun una nga timpla kami ng timpla ng milk kasi kala namin gutom. Ang nangyari naman, na-overfeed siya. Kaya ayun nagsusuka ng pakadami dami. Lalo kaming natakot. Pinatignan namin sa pedia, sabi hindi daw porket umiiyak e gutom. Sabi niya aliwin daw namin para hindi umiyak. (mahirap gawin yun sa new born diba?) I-check baka, needs diaper change, giniginaw or naiinitan, baka daw yun reason bakit siya umiiyak.
Kahit pinagbawal ni doc, nung nagstart na siya umiyak, nilagyan namin ng pacifier. Ayun suck siya ng suck at nabawasan iyak na non-stop.
Ang iyak niya sis, malakas, namumula face niya at di halos tumitigil.
Regarding sa pagsuck kahit tulog, nabanggit ng pedia namin na instict daw ng mga new born is to suck. Kahit daw daliri ilagay mo sa bibig nila ssuck pa din.
Regarding naman sa pagiging iyakin ng babies, may nabasa naman ako noon na immature pa daw yung nervous system nila kaya ganun.

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #9 on: November 20, 2012, 04:23:39 pm »
Sis maraming salamat sayo, atleast naginhawaan ako na hindi lang baby ko ganon, binilhan ko kahapon ng pacifier at nakatulong nga, umiyak lang kagabi kasi natanggal ko pacifier tapos hindi ko nabigay agad dede nya ayun gutom na gutom parang inaaway yung dede tapos umiiyak hehe. Minsan pa hinehele ko tapos pumikit na mamaya pag nilapag ko bigla didilat yung mata tapos iiyak nanaman paulit ulit kaming ganon, gaya pinagawan ko na duyan para pag hindi niya maluha tulog niya dun ko nilalagay, mejo may improvement naman ata sana tuloy tuloy kasi sariling sikap ko to, wala ako kaagapay na mister haha.

barbwire

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #10 on: November 20, 2012, 09:09:14 pm »
^ Welcome sis.  :)

cmc101883

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #11 on: November 21, 2012, 02:24:11 pm »
Sis ganyan din baby ko nung first 6 mos niya, awang awa ako kasi parang di makahinga pag umiiyak. Tapos may oras din till nagpalit kami ng milk, s26 O-6mos. Tapos nung ika 6th month, sabi ni pedia change kami sa similac HW. Ayun parang magic nawala ang pagkaiyakin niya happy baby na :) ask mo din pedia ni baby sis:)

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #12 on: November 21, 2012, 07:32:28 pm »
Naghahanap nga ako sis ng matinong pedia kasi disappointed ako sa pedia niya, ayaw patawagan..pwede ba yun?? Grabe ano. S26 gold din ang milk ng baby ko sis..nakakaawa nga talaga, pag nagsimula na umiyak tuloy2 na.

cmc101883

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #13 on: November 21, 2012, 09:03:09 pm »
change pedia ka sis.  mas ok kung nakakatext mo ang pedia ni baby specially pag may emergency. kawawa ang baby pag iyak ng iyak. nakakataranta rin for mommy. naalala ko nuon every 6pm ayan na iyakan time na. yun pala may cow's milk allergy baby ko kaya siya ganun, switch agad ng milk. water din sis painumin mo 1:1.

Sana maging ok na si baby:) update mo kami sis. God Bless

Mommykoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #14 on: November 22, 2012, 01:58:01 pm »
Sis kaymacoy, i feel for you. First time mom din ako,at kagaya mo,pinagdaanan ko rin yung mga moments na ganyan. Si baby ko nung first 2 months nya, iyakin din sya to the point na may trauma na rin ako pag gumagabi na. Though hindi ko naman naranasan yung long hours of crying,puyat din ako palagi kasi mababaw ang sleep nya at umiiyak everytime magigising. Depressing yung moments na helpless ka tuwing iiyak sya tapos wala rin akong reliever kasi yung dad nya nasa abroad,Parents ko naman are too old para abalahin ko sa pagtulog.

I researched yung causes ng pag-iyak like to change diapers every 3-4 hours,baka gutom,too cold or too hot,kailangan ng caress ni mommy,kinakabag etc. but i guess pinagdadaanan talaga ng ibang babies ang stage na ganyan. Nakinig lang ako sa sinabi ng mother ko na gumawa ng duyan kasi "babait" daw si baby and turned out that mommy knows best talaga. Hindi na iyakin si baby, lagi na syang nakikipaglaro sa kin at lagi na syang tumatawa. :) mag 3 months pa lang sya sa 28, and super naeenjoy ko na ngayon ang motherhood :) 

God bless sa inyo ni baby, i know makakaya mo yan :)

Kaymacoy

  • Guest
Re: Iyakin si baby
« Reply #15 on: November 22, 2012, 03:05:56 pm »
Salamat mga sis! Nasasanay na ako sa pagkaiyakin niya at thank God medyo nabawasan naman na, nakakarelax na ako ngayon kasi parang naiisip ko na na kahit umiyak siya kaya ko ng patigilin. Mahaba na yung 1hour ngayon na iyak niya unlike before. And medyo nahuhuli ko na ngayon ano gusto ni baby, nauuna kasi nerbyos ko before kaya hindi ako nakakaconcentrate sa kanya. Sana maging ok pa lalo habang tumatagal, mag 1month na siya sa saturday if God permits and nakakuha narin ako bago niyang pedia, super thanks talaga sainyo mga sis! Narelax ako dahil sa mga stories niyo atleast I know na it happens talaga for some at hindi gaya ng iniisip ko dati na baka may sakit. Before pa nga pag super iyak niya gusto ko na siya dalhin sa hosp sa sobrang nerbyos ko..buti nagiging ok na talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close